00:00Mga kapuso, sa bilis na mga balita, bawal maiwan.
00:03Kaya ang pinakamahalagang detalye ay ibibigay namin sa loob ng ilang minuto dito sa UH Summary.
00:12Narito po ang mga naganap sa Day 12 na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:17In summary, nagpatuloy kahapon ang direct examination
00:21kay former Commission on Audit Intelligence and Confidential Funds Audit Office State Auditor, Roderick Wamil.
00:27Muli niyang idinatalye ang mga obserbasyon niya sa irregularidad
00:31at pagkukulang sa paggamit ng confidential funds ng OVP.
00:36Pinukoy ni Wamil ang inconsistency sa mga dokumento.
00:39Paglilinaw ni Wamil, ang kabiguan na maliquidate ng wasto ang pondo
00:44ay may tuturing na prima facie evidence o presumption na nagamit ang pondo
00:49para sa personal na benefit ng accountable officer.
00:53Sa may sunumitin dokumento ng DepEd,
00:55ginamit umano ang confidential funds sa counter-insurgency programs.
00:58Pero ayon kay Wamil,
01:00walang isinumiting listahan ng DepEd na mga umano'y NPA
01:03o leftist group na target ng naturang programa.
01:07Matapos lumabas ang audit observation memo ng COA,
01:11inimbitahan daw si Wamil sa isang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng OVP.
01:15Sa pulong, hiniling daw ng OVP na imbis na AOM,
01:20mag-issue na lang ng audit query ang COA.
01:23Sa pagtatapos ng direct examination ng prosekusyon,
01:26tinawag ni Private Prosecutor Attorney Lorna Capuna na scam
01:29ang paggamit ni Vice President Sara sa confidential funds sa OVP at DepEd.
01:34Hiniling naman ang depensa na i-strike off the record ang pahayag na ito.
01:39Sa pagsisimula naman ng cross-examination,
01:41ipinunto agad ni Attorney Michael Poa ang COA circular noong October 1992
01:46kung saan nakasaad na hindi pwedeng i-divulge ang confidential activities
01:50without posing a threat sa national security.
01:53Ipinunto rin ni Attorney Poa na aprobado ng Office of the President
01:57ang confidential funds ng OVP noong 2022
02:01habang nasa General Appropriations Act naman
02:03ang confidential funds ng OVP at DepEd noong 2023
02:07na aprobado naman ng Kongreso.
02:10Natanong din ni Attorney Poa kung may provision ba sa joint circular
02:14na nagbabawal sa haba o ikli ng panahong dapat gastusin ang confidential funds
02:20at kung may nakasaad bang bawal itong gastusin sa loob ng labing isang araw,
02:24ang sagot ni Wamil, wala naman.
02:27Kinuntra ito ng prosekusyon sa kanilang redirect examination
02:30at sinabing pera ito mula sa kaba ng bayan at dapat nag-gastos ng tama.
02:36Hindi rin daw ito exempted sa wastong liquidation.
02:40Mamaya po muling sasalang sa witness stand si Wamil
02:43para naman sagutin ang mga tanong mula sa mga Senator Judge.
02:47Mga kapuso, yan po ang mga mahalagang punto sa ikalabing dalawang araw
02:51na impeachment trial laban sa Vice Presidente.
02:54Ito po si Mariz para sa UH Summary.
02:58Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:01Bakit? Pagsubscribe ka na, dali na,
03:04para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:08I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
03:12Salamat kapuso!
03:132nd
Comments