Skip to playerSkip to main content
  • 1 hour ago
Narito ang pinakamahahalagang detalye sa Day 27 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Panoorin ang video.


Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Ito ay matapos mag-object ang defense dahil nasa ruling na raw ng presiding officer na ito ay irrelevant dahil
00:37walang na-establish na koneksyon sa pagitan ni Vice President Sara at ng mga korporasyong ito.
00:43Pino na rin ni Senator Judge Alan Peter Cayetano ang anyay maling label na mga summary sa ipinresenta ng SEC
00:51at sinabing ito mano ay misleading.
00:53Ayon sa Senador, inaccurate o misleading ang ilang labels na ginamit sa SEC summary sa shareholdings ni VP Sara dahil
01:02ito raw ay sa korporasyon at hindi kay Vice President Sara lamang.
01:06Inisa-isa naman na prosekusyon ang mga nakapaloob sa mga dokumento ng kumpanya na iniuugnay kay VP Sara.
01:13Kinimay nila ang summary ng impormasyon sa Article 1 Corporation, General Information Sheet at Audited Financial Statement na ginawa ni
01:21Del Rosario at ilang SEC employees.
01:24Sa presentasyon, sinabi ni Del Rosario na sa kumpanyang Metro City Chow Foods Corporation tinukoy bilang incorporator at direktor si
01:34VP Sara ayon sa Articles of Incorporation.
01:38Dagdag pa ni Del Rosario, membro rin daw ng Board of Directors si VP Sara mula 2018 hanggang 2025 batay
01:46sa General Information Sheet.
01:48Isa po sa mga binigyan DA ng prosekusyon na base sa dokumento ng Securities and Exchange Commission, walang idineklarang dividends
01:56mula 2017 to 2025 ang Metro City Chow Foods Corporation.
02:02Napag-usapan din ang Gencorp Industries Inc. kung saan may mga naitalang paglobo ng sales at net income noong 2022,
02:11taong nahalal si Duterte bilang Vice Presidente.
02:14Sa General Information Sheet ng kumpanya, hindi nakadeklarang director o stockholder ang bisi ng Naturang Korporasyon, ngunit idineklaran niya ito
02:23sa kanyang SAL-N.
02:25Kinumpirma rin ni Del Rosario ng SEC na 10 sa 18 kumpanya na iniuugnay ng prosecution kay VP Sara at
02:34sa kanyang asawa na si Attorney Man Scarpio ay walang declared dividends.
02:38Sa kanyang interjection, sinabi ni Senator Judge Rafi Tulfo na nakapagtataka o nakapagtataka rao na wala man lang kahit isa
02:47sa mga abogado ni VP Sara na nag-advise na dapat siya mag-divest sa mga kumpanya kung saan siya
02:53ay stockholder at direktor.
02:56Mind-boggling daw ito at it doesn't make sense lalo na at abogado rin si na VP Sara at asawang
03:02si Attorney Man Scarpio.
03:04Ayon pa kay Del Rosario, wala umano sa pulisiyan ng SEC na iflag ang matataas na opisya ng gobyerno tulad
03:11ng presidente at vice-presidente na nagmamayari ng korporasyon o negosyo.
03:16Nang tanungin si Del Rosario kung posible bang violation ng Constitution ng pag-participate ni VP Sara sa ilang negosyo,
03:23sinabi niyang may violation daw dahil sinasabi sa Constitution na hindi dapat magkaroon ng ibang office, employment, at ma-engage
03:31in other profession during the term of office.
03:35Iaharap naman na prosekusyon ang testigo mula sa BIR para himayin ang income tax records ni Vice President Sara Duterte
03:42at mga iniuugnay sa kanyang mga kumpanya.
03:45Mga kapuso, manatili pong nakatutok para updated sa may init na issue ng bansa.
03:50Ito po si Mariz para sa UH Summary.
Comments

Recommended