00:00Mga kapuso, sa bilis na mga balita, bawal pong maiwan.
00:03Kaya ang pinakamahalgan detalye ay bibigay namin sa loob na ilang minuto dito sa UH Summary.
00:13Narito po ang mga nangyari sa Day 16 na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:19In summary, kahapon po agad na dinismiss na impeachment court
00:23ang witness na si House of Representatives Archives Director Marivic Pareja
00:29matapos istipulate ng prosekusyon at depensa ang mga dokumentong ipipresenta sana nito.
00:35Idineklara naman ni Presiding Officer Jesus Cudero bilang hostile witness
00:39ang dating Special Disbursing Officer ng OVP na si Gina Acosta.
00:43Ibig sabihin po siya ang unang testigo na hindi pabor sa prosekusyon
00:47na pwede rin tanungin ng leading questions.
00:51Hinimok ni Presiding Officer Jesus Cudero si Acosta na sumagot gamit ang Tagalog o Ingles.
00:57Pakiusap naman ni Acosta kung pwedeng haluan ito ng bisaya.
01:00Iminungkahi naman ang depensa na magtalaga ng interpreter
01:03para mas madaling intindihin ang mga sagot ni Acosta.
01:07Tinawag itong panluloko ni Sen. Judge Irwin Tulfo kalaunan
01:11dahil nakasagot naman daw si Acosta gamit ang Tagalog at Ingles sa House hearing noong 2024.
01:18Kinumpirma ni Acosta na si Col. Raymond Dante LaChica,
01:22dating Commanding Officer ng Vice Presidential Security and Protection Group,
01:26ang nagsabi sa kanya kung ano ang ilalagay na inputs sa paggamit ng confidential funds ng OVP.
01:33Kinumpirma rin ni Acosta na mismo si Vice President Sara Duterte
01:36ang nagutos sa kanya na agad abisuhan si Col. LaChica
01:40kapag na-encash na ang P125 million Peso Confidential Funds noong December 20, 2022.
01:48Tinanong din ang prosekusyon si Acosta tungkol sa umano'y mabilisang pag-encash
01:53ng P125 million Peso Confidential Funds noong 2022.
01:57Ang sagot ni Acosta, regular na proseso lang daw ito.
02:01Gumamit naman ang AI-generated image ang prosekusyon para ilarawan kung gaano karami
02:06ang P125 million Pesos na cash para sa confidential funds.
02:11Nagpakita rin ng props na pera ang prosekusyon para ilarawan naman ang pag-encash ng cheque.
02:17Parehong tinutulan po yan ang depensa at hiniling na alisin ang props.
02:22Inilarawan din ni Acosta ang laki ng kahon na pinaglagyan umano ng pera.
02:27Ayon kay Acosta, nakabalot po sa cellophane ang bawat 1 million Peso at nakalagay sa dalawang kahon.
02:34Sa karaw nila ito ay nilagay sa apat na travel bag.
02:38Kanselado naman ang impeachment trial ngayong araw dahil sa inaasahang sama ng panahon.
02:43Ito po si Mariz para sa UH Summary.
02:47Wait! Wait, wait, wait!
02:50Wait lang! Huwag mo muna i-close.
02:53Magsubscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
02:56para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
02:59I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
03:04Thank you! O sige na!
Comments