Skip to playerSkip to main content
  • 6 weeks ago
Ating alamin ang matagal ng ginagamit na processo sa pag track ng pag galaw ng mga inventory items.
Transcript
00:00Let's go.
00:30Nagbibigay din po ito ng report sa ating mga items kung ilan ang dumagdag, ilan ang bumawas, kailan dumagdag, kailan
00:37bumawas, at saka sa mga dahilan na bakit dumagdag o bakit bumawas, o sa mga dahilan na bakit sumobra, bakit
00:44nagkulang, at stock card na report yung makakasagot niyan.
00:48Paano gumagana ng stock card? Pakita ko po sa inyo.
00:51Kunwari, magbebenta po tayo ng Toyo na ang brand ay Silver's One na 330 ml.
00:57Sa stock card, kailangan po ng date. Kaya kunwari, June 1 tayo magpapurchase. At ang transaksyon natin, purchase, which is
01:03stock in.
01:04May reference tayo na PO0001 or bill, tapos 100 ang quantity.
01:09Kaya po, nung nagpurchase tayo noong June 1, meron po tayong 100 na balance. At yan po yung ending balance
01:15natin noong June 1.
01:17Noong June 2 naman, nagpurchase ulit tayo na meron transaksyon na PO0002 or bill na 50 ang quantity.
01:24Kaya 100 na balance kahapon na June 1, tapos 50 na balance ngayon, ang ending balance natin ngayon is 150.
01:32Tapos ng June 3, may bumili po sa atin. Kunwari, invoice or sales receipts, pili natin invoice.
01:38Ngayon po, 20 yung binili ng customer. So may lumabas.
01:41Kaya yung 150 natin na balance kahapon hanggang ngayon, nabawasan ng 20.
01:46At ang ending balance natin as of June 3, 130 na lang.
01:50Tapos noong June 4, nagbenta ulit tayo. Invoice naman, na may invoice number na 002.
01:57Sampu naman ang binili ngayon ng customer. So may lumabas po na sampu.
02:01Kaya yung 130 natin na balance, nabawasan po ng sampu.
02:05Kaya po, ang ending balance natin ngayon is 120 na lang.
02:08Ngayon, pagka June 5, may sinoli yung ating customer na limang piraso ng toyo.
02:13Noong sinoli po ng customer yung limang bote ng toyo na 330 ml,
02:17yung 120 natin na balance noong June 4 o yung 120 natin na ending balance noong June 4,
02:23nadagdagan po ng lima.
02:24Kaya po ngayong June 5, yung ending balance natin, naging 125.
02:29Kaya kung tatanungin natin, ilan yung current balance ng ating inventory sa ating Silver Suono Soy Sauce na 330 ml?
02:36As of June 5, mayroon po tayong 125 bottles.
02:39Pansin niyo po yung pattern.
02:40Merong date, merong transaction type, anong transaction yung ginamit, yung transaction number,
02:46yung quantity, kung lumabas ba o pumasok.
02:48Pag pumasok, positive.
02:50Pag lumabas, negative o pabawas.
02:53Tapos yung balance.
02:54Balance o yung ending balance na natira noong araw na yon.
02:58Yan po ang simpleng example ng stock card na report.
03:01Napakadali lang, di ba?
03:02Pero kung titignan ninyo, isang item lang yan.
03:05Papano kung may lima o hanggang sampu?
03:08Kaya niyo po bang gawin niya sa each item kung meron po kayo sa pong klase ng inventory?
03:13Sa stock card, bakit merong card?
03:15Tulad po nang sabi ko, yung stock card na report ay matagal na po.
03:19Panahon pa po yan na walang accounting system.
03:21Kaya yung stock card, merong card, dahil isa po itong literal na card.
03:26Itong card na ito, ginagamit po sa each item.
03:29At dito natin makikita yung trace ng movement nito o yung paggalaw ng mga item nito.
03:34Per item sa per card.
03:36So kung meron po kayong sampung klase ng item, meron din po kayong sampung card.
03:41E papano kung umabot na ng 100 or 500 or 800 items?
03:45800 cards yung kakailanganin ninyo.
03:48Tapos napakabilis pa ng movement, maubos lang kayo ng papel.
03:51At siguradong malilito na kayo dahil sa sobrang dami na.
03:54At yun ang dahilan kayo nagkaroon tayo ng accounting system.
03:57Para po isa sa mga ma-automate, ito pong stock card or stock card na report.
04:02Kung ikukumpara po natin ang stock card na report sa inventory report,
04:05ang inventory report nagbibigay lang po ng balance sa ating inventory.
04:09Kung kailan yung ending balance, ilan yung balance kahapon, ilan yung balance last week, ilan yung balance ngayon, ganun po.
04:16Kumpara po sa ating stock card na report, hindi lang po ending balance or current balance ng inventory.
04:22Pinapakita po sa stock card yung paglabas at pagpasok ng inventory.
04:25At ilan po yung balance nung lumabas, tapos ilan din po yung balance nung pumasok.
04:30Bakit nga ba importante ang stock card?
04:32Kunwari expected po natin o sa isip natin, meron po tayong 120 na silver swan na soy sauce, which is
04:38330 ml.
04:40Ngayon po, nung actual na binilang natin, 105 bottles na lang.
04:44Nasan yung 15?
04:45So, kulang po tayo ng 15 bottles.
04:47Kung wala po tayong stock card, mahihirapon po natin malaman kung bakit nakulangan tayo ng 15 bottles.
04:53Kaya po, gamit ang stock card na report, pwede natin matrace or maimbestigahan yung paggalaw ng ating inventory item,
04:59which is ang silver swan na soy sauce na 330 ml.
05:02Bakit nang kulang?
05:03Meron bang hindi na record?
05:04Meron bang nagnakaw?
05:06Meron bang nasira?
05:07O di kaya meron nagkamali sa pag-record ng transaction?
05:10Masasagot po yan sa ating stock card na report.
05:13Ang stock card na report, hindi lang po yung paggalaw ng quantity yung minamonitor nito.
05:17Kaya din po nito imonitor yung cost value ng ating mga items.
05:21Kasi nga po, tuwing nagpapurchase po tayo sa ating vendor,
05:24misan, nag-i-increase, misan, nag-de-decrease, o iba't ibang klaseng change price.
05:30Kaya po ang stock card, hindi lang po nagmamonitor sa movement ng quantity ng ating mga inventory.
05:34Minamonitor din po nito, yung pagtaas at pagbaba, yung presyo ng ating mga pinapurchase.
05:39Kaya po sa panahon nang wala pang accounting system,
05:41ang ginagawa nila, one item, one stock card.
05:44Kaya nakafocus lang sa isang quantity.
05:47Misan, kasama din yung value or cost.
05:49Sa panahon ngayon, na meron po tayong Excel,
05:52kahit sa Excel po, mahirap din po yan gawin.
05:54Kaya po yung mga nakikita natin sa mga tutorial,
05:57medyo challenging po yan kung gagawin natin sa Excel.
05:59At kung gagawin naman natin ito sa QuickBooks Desktop,
06:02confident po ako nasasabihin sa inyo na napakadali lang po.
06:05Kaya po, kung ready na po kayo,
06:07proceed na po tayo sa ating stock card na lesson sa QuickBooks Desktop.
06:10Kaya po, kung ready na po kayo,
06:13You
Comments

Recommended