Skip to playerSkip to main content
Aired June 7, 2026: Sa Agusan del Sur, hinangaan ang rufous-crowned bee-eater dahil sa bilis, husay, at mala-sundalo nitong diskarte sa panghuhuli ng mga insekto. Paano nga ba nito nahuhuli ang mga bubuyog nang hindi natutusok? Panoorin ang video!

‘Born to be Wild’ is GMA Network’s groundbreaking environmental and wildlife show hosted by resident veterinarians Doc Nielsen Donato and Doc Ferds Recio. #BornToBeWild #GMAPublicAffairs #GMANetwork

Watch it every Sunday, 9 AM on GMA
Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Do you hear that?
00:03They are all along with their soldier caps.
00:10They go to the mission.
00:18A little bit more,
00:20one is one.
00:30May nakabantay.
00:32Laging alerto at nakamasid sa paligid.
00:41Tahimik,
00:43steady,
00:45parang sniper sa itaas ng sanga,
00:48at may nakandang umatake.
00:53Sa isang iglap,
00:55SMOOSH!
00:56Huli na ang kanyang papunitong pagkain.
01:00Sa angas nila,
01:03aakalain mong totoong sundalo silang lalaban sa digmaan.
01:09Mabilis lumipad.
01:14At eksperto sa air attack.
01:18Kaya bagay sa kanila ang bansag na bee-eater batalyon.
01:29Sa Esperanza Agusan del Sur,
01:34nagmistulang hideout ang bundok na ito.
01:38Dahil sa dami ng tunnel holes na matatagpuan dito.
01:44Ang naninirahan,
01:46hindi ordinaryong hukbo.
01:54Sila ang ibong rufous-crowned bee-eater o pirik-pirik.
02:10Pero para sa beekeeper na si Arsulo Yandong,
02:13tila kalaban ang tingin sa kanila.
02:17Noong 2021,
02:19nagsimula siyang mag-alaga ng honeybees o apis serana.
02:23Isa itong uri ng honeybee na kilala sa paggawa ng matamis na pulot.
02:30Kilala ang mga apis serana sa organizadong colony.
02:36Pero sa kabila na kailang patang,
02:38sensitibo sila sa stress at pagbabago ng kapaligiran.
02:43Kapag hindi naging maayos ang kapaligiran,
02:46posible nilang iwanan ang buong pugad upang mabuhay sa ibang lugar.
02:51Halos 50,000 piso ang ipinuhunan ni Arsulo sa kanyang mga apis serana.
02:58Noong nakapagsimula na ako,
03:00sa Mungo-Mungo, sa Beroy,
03:02nag-upgrade ako ng apis serana yung Laiwan,
03:05yung maesting na.
03:07Kasi nag-split-split ako hanggang sa naka-ano kami ng 32 colonies.
03:12Pero habang dumarami ang kanyang colonies,
03:14may ibang hukbo namang papalapit.
03:18Tila naharap daw siya sa kakaibang gera.
03:25Ang mga pirik-pirik.
03:27Inaatake ang kanyang mga bubuyog.
03:30Talaga namang ubos ang lahi.
03:33Para bang natalo sa dugmaan ang mga alaga niyang bubuyog.
03:39Laging nag-dive sa mga colonies,
03:42yun nagkukulaps.
03:43Kasi yung populasyon ng mga bi,
03:46nauubos talaga.
03:47Matapos alagaan ng higit isang taon,
03:50ang dating 32 colonies ng mga bubuyog,
03:54isa na lang ang natira.
03:56Kasi pag naalaman ng mga pirik yun,
03:58maraming bees,
04:00naghahatak siya ng marami pang kasama.
04:03Labing dalong kilometro mula sa bee farm ni Arsulo,
04:06natagpuan namin ang kampo ng mga pirik-pirik.
04:09So, it's so nice.
04:12Kasi itong subject natin, yung bee-eater,
04:14they're one of the most colorful birds.
04:17Gustong-gustong mga photographers.
04:19And ako naman, nakikita kong kakaiba sa kanya.
04:21Pag lumilipad sila,
04:23nakaspread lang yung wings nila,
04:24tapos yung buntot nila may matulis,
04:26tapos yung tuka nila matulis din.
04:29Mahilig manirahan ang mga pirik-pirik
04:31sa maluluwag at malalawak na lugar,
04:34para mabilis siyang makita ang prey o kanilang pagkain.
04:38One of the most easiest thing bird to document
04:42is these bee-eaters.
04:43Kasi nga, predictable yung kanilang behavior,
04:46malapit lang yung mga nests nila doon sa roosting site nila.
04:50Understanding these birds,
04:52makakatulong doon sa mga bee farmers na
04:55huwag sila mag-set up ng farm
04:59na malapit sa ganitong klaseng habitat.
05:03Kayang kumain naman ito
05:04ng mahigit tatlong daang insekto kada araw.
05:08Pero teka, paano nila nakakain ang bubuyog
05:12na hindi natutusok?
05:15May espesyal silang teknik.
05:18Bago nila lunukin ang mga bubuyog,
05:21kinatanggal muna ng mga pirik-pirik ang stinger
05:23yung mga bubuyog sa pamamagitan ng hammering
05:26o paghampas ng bubuyog sa sanga bago lunukin.
05:31Potentially, may mga times siyempre
05:33na hindi na natatanggal yung buong venom sac.
05:36At kung ganun nga, pwedeng magkaroon sila ng immunity
05:38dun sa mga compounds na nandoon sa bee sting.
05:43Napilitan ang beekeeper na si Arsulo
05:46na mag-alagan ng mga mas malilit na stingless bee.
05:50Hindi nila kinakain ito kasi sobrang liit.
05:52Hindi siguro nila makayang tukain.
05:54Yung mga stingless bees kasi,
05:57mas malilit sila, di ba?
05:58Nakakulay itim.
05:59So potentially, mas konti rin yung nakukuha nilang nutrition doon.
06:04Dahil sa diskarte ni Arsulo,
06:07nakawala siya at kanyang mga bubuyog
06:09sa pag-atake ng mga pilik-pilik
06:11at unti-unti nakabawi ng kanyang bee farm.
06:16It seems that they're not bothered by
06:18the noise of the six-wheeler trucks.
06:23Baliwala sa kanila yung mga usok na yan,
06:27yung ingay.
06:28Sa gilid ng lupang ito kasi sila gumagawa ng pugad.
06:33Mahabang tunnel holes
06:34na parang underground barracks ng kailang kukbo.
06:39Pero sa lugar din ito,
06:41unting-unting tinitibag ang lupa
06:43kung saan makikita ang kailang munting pugad.
06:46At iba't ibang klase ng ibon,
06:48iba't ibang klase rin silang mamugad.
06:50So dito sa mga bee-eaters na ito,
06:52sila ay mga cavity nesters.
06:54Sila ay nag-nest sa loob ng mga holes or cavity.
06:58Yung anthropogenic factor
07:00o yung mga human activities
07:01ang naggagawa nitong mga cliff na gusto nila.
07:04So in this sense,
07:06tinitake advantage nitong mga bee-eaters na ito,
07:09yung mga human activities
07:11ng pagtapyas ng lupa
07:13o kaya yun in this case,
07:15yung pag-extract nitong mga buhangin
07:17o quarrying na area
07:20kung kailangan man nilang magtapyas pa ulit
07:23during the breeding season.
07:24Kasi kapag natapos naman yung breeding season,
07:27pwedeng hindi na nila gamitin
07:28itong earth wall na ito.
07:30Paliwanag ng Municipal Environment and Natural Resources Officer
07:34ng Esperanza
07:35na si Randy Ligsanan.
07:38Kasalukuyang isinasagawa roon
07:40ang phase 2 ng flood control project
07:43mahigit isandaang metro
07:44mula sa tahanan ng mga pirik-pirik.
07:47Siguro may permit yan yung flood control project
07:51but yung ekskabisyon ng lupa
07:54na ginagawang pang embankment
07:56based on our validation
07:58ay wala pong permit yan sa ngayon.
08:00Nanghinga ng aming programa
08:02ng solusyon ng MENRO
08:03patungkol sa tinitibag na bundok.
08:06Ayon sa kanya,
08:07itutuloy ang nasabing proyekto sa lugar.
08:09Ngunit ipinatigil ang operasyon ng quarry
08:12sa nasabing lokasyon.
08:14Isang hakbang ito para mas maprotektahan
08:17ang kalikasan
08:18at posibleng efekto
08:20ng pagkakwari sa kapaligiran
08:23at mga nanirahan dito.
08:25We are already crafting a report
08:28to be addressed provincial NRO
08:29to conduct TORO investigation
08:31and possibly issue a stoppage order.
08:33Also directing the DPWH
08:35that their contractor
08:37should get embankment
08:39doon sa mga legitimate permiti.
08:41We expected yan
08:42na within this,
08:43siguro, next week,
08:44ma-stop na yung operasyon
08:45ng quarry doon
08:46sa mismong area
08:47na nakapikto
08:48sa ating mga birds dyan,
08:49parekular na itong pirik-pirik.
08:52So, these bee eaters
08:53are quite resilient.
08:56Ito mo, ang lapit natin,
08:57hindi naman sila lumalayo.
09:03Dahil malaga ang lupang ito
09:05para sa mga pirik-pirik,
09:06hindi raw nila gagalawin
09:08ang parte na may pugad
09:09na may mga ibon.
09:13Malaga ang mga ibong ito
09:14sa kalikasan
09:15dahil sila
09:17ang tumutulong kumontrol
09:18sa dami
09:19ng mga insekto
09:20sa paligid.
09:21Ibig sabihin,
09:22kahit minsan
09:23ay napagkakamalan
09:25silang istorbo,
09:26malaki rin ang papel nila
09:28para manatiling balanse
09:29ang kalikasan.
09:31Ang bee eater battalion
09:33may kanya-kanyang laban
09:34para mabuhay.
09:35Mga bubuyog,
09:37mga tao
09:38at mga ibon.
09:40Pero sa halip
09:41na itaboy sila,
09:42mas maiging humanap
09:43ng paraan
09:44para sabay-sabay silang mabuhay.
09:48Maraming salamat
09:49sa panunood
09:50ng Born to be Wild.
09:51Para sa iba pang kwento
09:53tungkol sa ating kalikasan,
09:55mag-subscribe na
09:56sa JMA Public Affairs
09:58YouTube channel.
Comments

Recommended