Skip to playerSkip to main content
Aired June 7, 2026: Sa karagatan ng Batangas, isang coconut octopus ang namataang gumagamit ng lata at iba pang basura bilang pansamantalang tirahan. Paano kaya nakakatulong ang mga ito sa kanyang kaligtasan? Panoorin ang video.

‘Born to be Wild’ is GMA Network’s groundbreaking environmental and wildlife show hosted by resident veterinarians Doc Nielsen Donato and Doc Ferds Recio. #BornToBeWild #GMAPublicAffairs #GMANetwork

Watch it every Sunday, 9 AM on GMA
Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:03Badilim at mukha ang nakakatakot.
00:14Kapag sinisip ang dagat sa gabi.
00:25Pero para sa mga pugita, ibang mukha at ganda pala nito ang posibleng magtakita.
00:36Tila dumudulas sa buhangin ang pugitang ito.
00:40Ang bawat galamay nito parang may sariling isip.
00:47Ito ang coconut octopus.
00:52Biglang napahinto ang pugita.
00:56Dahan-dahan itong binungkal ang buhangin.
01:04At nang iangat nito ang kanyang mga galamay.
01:10Ang kanyang kinuha.
01:13Lata.
01:28Sa araw, makulay ang lamang dagat sa Mabini, Batangas.
01:36Magpatak ng dilim.
01:40Higit pa itong nabubuhay.
01:49Isa na rito ang coconut octopus.
01:52Excited ako ngayong gabi kasi mag-night type tayo dito sa Anilaw.
01:57Huling time ko na nag-dide-dide dito was six years ago.
02:01And now, since ang target natin ay mga octopus, they're more active at night.
02:08Every time na mag-dodocument ng octopus, lagi ako na-excited because it's always, yeah, it's really fun to see
02:14them and observe them because they're highly intelligent creatures.
02:24Sa aming paglubog sa dagat, iba ang pakaramdab na makita ito sa dilim.
02:38Sumalubong ka agad sa amin ang iba't ibang mga kakaibang nilalang na mas aktibo sa dagat tuwing gabi.
02:50May pares ng hairy frogfish na tila hindi mapaghiwalay.
03:00Ang sweet naman.
03:06Meron din cuttlefish na relaxed lang sa paglangoy.
03:12Fashionista naman kung tawagin itong decorator crab.
03:16Kung ano-ano kasing algae at sponges ang trip nitong idikit sa kanyang katawan.
03:25Ginagamit niya ito para makapagtago sa kanyang predators.
03:32Para may sariling bubong naman ang sponge crab na ito.
03:37Dahil sa pagtubo ng puting sponge sa kanyang likuran.
03:45Paldo rin ang carrier crab sa dalawang jellyfish na sipit-sipit nito.
03:54Ginagamit ng carrier crab ang jellyfish para makapagtago at maprotektahan ang sarili.
04:04Madami man kaming nakita ang mga hayop sa ilalim ng dagat.
04:13Nasaan na kaya ang hinahanap naming coconut octopus?
04:30Sa ilalim ng mga buhangin, isang lata ang kanyang nakuha.
04:37Ito ang gagamitin ng coconut octopus bilang pansamantala niyang masisidungan.
04:43Kaya siya tinawag na coconut octopus dahil may madalas na daladala niya yung baon ng niyob.
04:51As a means of protection nila sa possible na predation.
04:57Comparably doon sa ibang uri ng octopus na mas madalas ang pinakaparaan nila ng protection ay pagka-camouflage.
05:06Ang world distribution naman niya ay karamihan na sa Indo-Pacific region.
05:11Pero dito sa Pilipinas, madalas itong nakikita sa buong bansa na rin.
05:17Hindi pa man nagtatagal, binuhat ng pugita ang lata.
05:25Saka lumakad palayo.
05:29Ang anim na galamay nito ang nakayakap sa lata.
05:33Habang ang natitirang dalawang galamay ang nagsilbig paa ng pugita.
05:39Ang tawag sa ganitong pag-alawo?
05:41Stilt walking.
05:43Ang mobility kasi nila madali compared doon or mas strategic
05:48kasi anytime na may predator, ibabagsak lang niya yung baon, makakapagtago na siya.
05:55Tatlo hanggang limang taon lang ang buhay ng coconut octopus.
06:00Gayun pa man, hinahangahan ito dahil sa taglay itong talino.
06:06Kitang-kita ang abilidad niya sa paggamit ng mga bagay sa paligid.
06:11Natatangi ang mga coconut octopus, lalo pat iilan lang ang mga hayop na
06:17nagpapakita ng kakayahang gumamit ng tools o kasangkapan para mabuhay.
06:23Ang pugitang aming binabantayan, hindi mapakali.
06:29Dila naghahamon ang pugitang ito.
06:33Tinatansya kung may dala kaming mapanganib.
06:37Sa oras na iyon, nakahanap na ng komportabling pwesto ang coconut octopus sa lata.
06:46Ang pugita, hindi nag-iisa.
06:49Ang kanyang kapitbahay, nakasiksik naman sa isang basag na bote.
06:54At PVC pipe ang ginamit niyang pantakip sa lungga.
07:03Puting tasa naman ang naging taguan ng isa pang coconut octopus.
07:11Ayon sa eksperto, hindi mapili ang coconut octopus sa lugar kung saan siya makapagtatago.
07:17Kung wala silang makuhang bao ng nyog o kaya lata o kung iba pang any smooth surface para pagtaguan,
07:24madalas po nandun lang sila sa ilalim ng buhanginan na ang nakalabas lang ay ang kanilang mga mata.
07:31Iyon sobrang bigat ang dala nilang bao.
07:34Tapos pag may nakita sila na mas smooth and mas malaki, mas magaan, nagpapalit sila doon.
07:45Nakalulungkot lang isipin na ang basura mula sa lupa ang siya nang tirahan para sa mga pugitan ito.
07:52Wala na ang mga bao na kanilang masisilungan.
07:56Just only shows na mataas na yung anthropogenic effect
08:01or yung indiscriminate siguro na pagtatapo natin ng solid waste sa karagatan
08:07na nakaka-apekto somehow doon sa mga yamang dagat.
08:13Nakamamanghaman silang panuorin, hindi basura ang dapat nakakasama sa dagat ng mga pugita.
08:23Iba yung buhay ng dagat kapag kinuha naman siya sa umaga. Iba rin talaga yung sa gabi.
08:29For me, if you're gonna ask me, hindi pa makumpare eh. Parang it's an apos to apos.
08:35Pero ang ganda na talagang appreciate makita natin yung mga creatures that are alive at night and are active at
08:43night as well.
08:44It will give you a different perspective. Lalo na yung mga octopus.
08:47Maraming salamat sa panunood ng Born to be Wild.
08:51Para sa iba pang kwento tungkol sa ating kalikasan,
08:55mag-subscribe na sa JMA Public Affairs YouTube channel.
Comments

Recommended