00:02Pakinggan po natin ang kwento ng isang teacher mula sa Rizal na nakuha na ng hindi bababa sa limampung bato.
00:11May nararamdaman ka bang matinding kirot o pananakit sa kanang itaas ng iyong tiyan?
00:18Tipong biglang sumasakit ng ilang minuto o kahit ilang oras pa, lalo na pagkatapos mong kumain ng mamantika.
00:28Ganito ang halos naramdaman ni Carlo.
00:32Yun pala, may mahigit limampung piraso na ng bato sa loob mismo ng kanyang gallbladder o apdo.
00:41Yung gallbladder ki is sobrang magang-magana siya. To the point na halos puputok na daw siya.
00:47Saktong 50 stones yung nakuha na iba't ibang size.
00:51Paano ba to nangyari?
01:01Sa dami ng trabaho ng mga public school teacher, aminado ang science teacher mula Pililya Rizal na si Carlo na
01:09hindi niya nabantayan ang kanyang mga kinakain.
01:12Kung ano yung instant, kung ano yung madaling i-prepare. So for me, yun yung nag-work sa akin.
01:18Hot dog, mga luncheon meat, mga tusino, instant noodles. Pagka sa sahod na, hindi maiwasang nagkakayaan sa mga fast food.
01:27Hanggang nitong 2021,
01:29Tumakit yung chan ko dito sa may upper right, then tatago siya sa likod. Para siyang pinipigan. Lagpas siya sa
01:3510 over 10. Yung sakit niya talaga.
01:38Si Carlo naglabas-masok sa ospital.
01:41Doon sa huling ospital na pinuntahan ko, nirequestan nila ako ng ultrasound. Doon nalaman na meron akong gallbladder stone.
01:48Sa ilalim ng ating atay, matatagpuan ang isang maliit na organ na kung tawagin apdo o gallbladder.
01:57Ang trabaho nito, mag-imbak ng bile na siyang tumutulong para tunawin ang taba sa ating pagkain.
02:04Pero kapag hindi maayos ang pagdaloy ng apdo, o sobra-sobra na pala ang kolesterol sa ating katawan,
02:12maaaring may mamuuri itong parang mga bato o gallstones.
02:17May dalawang uri ng gallbladder stone.
02:20Ang cholesterol stone, which is the more common one, at yung tinatawag naming pigment stone.
02:24Nagagaling ito sa mga namatay na pigments sa mga tao may sakit sa atay, sa mga tao may sakit sa
02:30dugo.
02:31Yung cholesterol stone, kikita natin sa majority ng mga tao, namumuod ito due to two reasons.
02:38Number one, tinatawag namin na gallbladder hypomotility.
02:42Ibig sabihin, mabagal ang paggalaw ng gallbladder at hindi niya kaagad na ilalabas ang mga bile or may naiipon pang
02:49bile sa loob.
02:50Ngayon, dahil dito, nagpoform ng mga bile salts at bile crystals sa loob.
02:55Yung pangalawa naman ay, syempre, bile saturation.
03:00Sa kaso ni Carlo, dalawang gallstones ang unang nakita sa kanyang ultrasound.
03:06Meron akong 0.56 cm na stones and meron 0.38 cm na stones.
03:13Ang sala rin, ang mga kinain daw niyang processed food.
03:18Ang mga pagkain kasi ng processed food, pwede kasi itong mag-lead to obesity.
03:21Mataas ang cholesterol natin.
03:24Dahil maliit pa lang naman ang kanyang gallstones, idinaan niya muna ito sa gamutan.
03:29Mula noon, itinaga ni Carlo Sabato.
03:32Hindi na siya kakain ng processed food.
03:35Nag-intermittent fasting ako.
03:37Nag-decide ako na since wala naman akong ginagawa sa bahay, bakit hindi ako mag-home exercise.
03:41Parang yung pagpayat ko is biglaan talaga.
03:43Pero makalipas ang limang taon, nakaramdam siya muli ng pananakit sa kanang banda ng kanyang tiyan.
03:51Kahit nagsasalita lang ako, kumigrot at kumigrot siya.
03:54Hindi na rin niya kayang sakit ng tiyan niya.
03:56ER na talaga.
03:57At kailangan na niyang maoperahan.
04:00Hindi lang para tanggalin ang mga bato, kundi pati na ang kanyang gallbladder mismo.
04:06Pero ang ikinagulat niya, hindi lang dalawang bato ang nakuha sa kanyang gallbladder, kundi limampung piraso.
04:17Ang pinakamalaki, halos sinlaki ng bariya.
04:21Ito yung pinakamalaking stones.
04:23Then ito yung ibang stones na nakuha sa kanya.
04:26Matigas talaga siya.
04:27Para siyang literal na bato.
04:29So kahit pisapisain mo siya, hindi siya ma-made-deform.
04:32Ang gallbladder stone kasi ay maaaring bumalik-balik.
04:35Kung may opportunity, natanggalin na ang gallbladder, ay tinatanggal na natin ito.
04:39Kayang mabuhay ng isang tao na walang gallbladder.
04:42Kaya pa rin natin tumunaw ng taba.
04:44Mas mahina lang compared to most people.
04:47Since science teacher nga ako, hindi lang galing sa libro yung knowledge na ishishare ko,
04:51which is personal experience or yung personal na pinagdaanan ko talaga.
04:57Ang online seller naman, mula Valenzuela City na si Ronaline,
05:01pinahirapan din daw ng kanyang abdo.
05:06Sa CCTV footage na ito, kitang-kita kung paano napasandal sa sofa at napakapit sa kanyang mister si Ronaline
05:14dahil sa kirot ng kanyang tiyan.
05:17Ang pananakit ng kanyang tiyan, ilang beses pa raw nangyari.
05:21Merong halos bumaluktot na rin daw ang kanyang katawan.
05:25Ang salarin, ang kanyaring gallstones.
05:31Maayos naman daw noon ang dieta ni Ronaline, pero nagbago ito nung siya'y nabuntis.
05:36Kung nabuntis ako, mahilig akong mag-crave talaga sa spaghetti, sa samgit.
05:42Napapadalas din yung pag-order namin sa mga fast food.
05:45Pagdating ko ng 6 months na na-diagnose ako na may gestational diabetes.
05:50Nung nanganak na ako, nagbe-breastfeed kasi ako.
05:53Kaya dun din, kain ang kain.
05:56Yung kain talagang kain, kargador talaga.
05:59April 2025, na-diagnose siya na may fatty liver.
06:04Pinag-diet po ako nung doktor noon.
06:06Yung timbang ko na lang noon, 56 po to 57 na lang.
06:10Grabing bumagsak yung katawan ko dahil po sa dami ng mga bawa.
06:15Hanggang mayo nitong nakaraang taon, bigla raw sumakit ang tiyan ni Ronaline.
06:19Parang iniipit po siya, tapos yung sakit niya hanggang likod ko tagos.
06:24Pati yung balikat ko nangangalay na ako mismo nagsusuka na ako.
06:28At saka na hihirapan akong humingag.
06:30Pag ka-ultrasound po sa akin, ang nakita po nila is multiple stones po.
06:37Ang isa sa tiniting ng dahilan kung bakit siya nagka-problema sa gallbladder,
06:43ang biglaang pagbagsak ng kanyang timbang.
06:46Kapag bigla tayong nag-diet or biglang kumonte yung kinakain natin,
06:50kahit normal yung amount ng bile, pero yung pinagagamitan niya, kumukonte,
06:55nagkakaroon ng bile saturation, kaya mas lalo nagkakaroon ng gallbladder stone.
07:00Mas mataas ang risk ng gallbladder stone ng mga babae dahil sa estrogen at progesterone.
07:06Dahil ang mga hormones na ito ay nagpopromote ng pagbagal,
07:10ng paggalaw ng gallbladder, kaya mas nag-iipon ang bile at nagkakaroon ng gallbladder stone.
07:15Pero habang naghihintay ng kanyang operasyon, napansin na lang daw niyang naninilaw na ang kanyang balat,
07:21pati na ang kanyang mga mata.
07:24Sabi ko parang hindi na normal.
07:25Nagpadala na ako sa ER.
07:27Ang gallstones niya kasi, posibleng bumara na pala sa kanyang bile duct o yung daana ng apdo.
07:34Ginawa na po yung surgery sa akin.
07:37Pitong gallstones ang nakuha sa kanyang gallbladder.
07:46Ito po yung nakuha sa akin na gallstones po.
07:49Ito po yung scar ko po sa open surgery sa akin.
07:538 months post-op po.
07:55Sa lifestyle ko ngayon, more on lutong bahay talaga kami, tapos gulay.
08:00Napapatikim pa rin naman ng mga fast food or mga bawal.
08:04In moderation na lang dapat.
08:06In general, walang way para maiwasan ang gallbladder stone.
08:10Kung ikaw ay pinanganak na magkakaroon ka ng gallbladder hypomotivity
08:14or mabagal na paggalaw ng gallbladder,
08:17ay magkakaroon ka talaga ng gallbladder stone.
08:20Ito ay something na pinanganak kang meron nun.
08:22Kailangan lang naman ay aware tayo sa mga sintomas ng komplikasyon
08:26tulad ng pananakit ng chan,
08:28lalo na sa right side,
08:30paninilaw,
08:31paulit-ulit,
08:31or hindi nawawala na bloating.
08:33So kapag meron tayo mga ganitong nararamdaman,
08:36ay magpakonsulta kagad sa inyong mga doktor.
08:38Healthy living po ang gawin po natin.
08:41Kapag nagkasakit ka,
08:42ang hirap eh lalo na dito sa bansa natin.
08:47Bato, bato sa langit!
08:50Ang tamaan, huwag magalit!
08:52Pero kapag sa abdo, tumama,
08:54magpatingin ka na!
08:59Thank you for watching mga kapuso!
09:02Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
09:05subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel!
09:09And don't forget to hit the bell button
09:12for our latest updates!
09:13Thank you for watching!
09:13Let's go.
Comments