00:02Pakinggan po natin ang kwento ng isang teacher mula sa Rizal na nakuha na ng hindi bababa sa limampung bato.
00:11May nararamdaman ka bang matinding kirot o pananakit sa kanang itaas ng iyong tiyan?
00:18Tipong biglang sumasakit ng ilang minuto o kahit ilang oras pa, lalo na pagkatapos mong kumain ng mamantika.
00:28Ganito ang halos naramdaman ni Carlo.
00:32Yun pala, may mahigit limampung piraso na ng bato sa loob mismo ng kanyang gallbladder o apdo.
00:41Yung gallbladder ki is sobrang magang-magana siya. To the point na halos puputok na daw siya.
00:47Saktong 50 stones yung nakuha na iba't ibang size.
00:51Paano ba to nangyari?
01:01Sa dami ng trabaho ng mga public school teacher, aminado ang science teacher mula Pililya Rizal na si Carlo na
01:09hindi niya nabantayan ang kanyang mga kinakain.
01:12Kung ano yung instant, kung ano yung madaling i-prepare. So for me, yun yung nag-work sa akin.
01:18Mga hotdog, mga luncheon meat, mga tusino, instant noodles. Pagka sa sahod na, hindi maiwasang nagkakayaan sa mga fast food.
01:27Hanggang nitong 2021,
01:29kumakit yung chan ko dito sa may upper right, then tatago siya sa likod. Para siyang pinipigan. Lagpas siya sa
01:3510 over 10. Yung sakit niya talaga.
01:38Si Carlo, naglabas-masok sa ospital.
01:41Doon sa huling ospital na pinuntahan ko, nirequestan nila ako ng ultrasound. Doon nalaman na meron akong gallbladder stone.
01:48Sa ilalim ng ating atay, matatagpuan ang isang maliit na organ na kung tawagin apdo o gallbladder.
01:57Ang trabaho nito, mag-imbak ng bile na siyang tumutulong para tunawin ang taba sa ating pagkain.
02:04Pero kapag hindi maayos ang pagdaloy ng apdo o sobra-sobra na pala ang kolesterol sa ating katawan,
02:12maaaring may mamuuri itong parang mga bato o gallstones.
02:17Sa kaso ni Carlo, dalawang gallstones ang unang nakita sa kanyang ultrasound.
02:23Meron akong 0.56 cm na stones and meron 0.38 cm na stones.
02:30Ang salarin, ang mga kinain daw niyang processed food.
02:34Ang mga pagkain kasi ng processed food, pwede kasi itong mag-lead to obesity.
02:38Mataas ang kolesterol natin.
02:40Dahil maliit pa lang naman ang kanyang gallstones, idinaan niya muna ito sa gamutan.
02:46Mula noon, itinaga ni Carlo Sabato.
02:49Hindi na siya kakain ang processed food.
02:52Nag-intermittent fasting ako.
02:54Nag-decide ako na since wala naman akong ginagawa sa bahay,
02:56bakit hindi ako mag-home exercise, parang yung pagpayat ko is biglaan talaga.
03:00Pero makalipas ang limang taon, nakaramdam siya muli ng pananakit sa kanang banda ng kanyang tiyan.
03:08Kahit nagsasalita lang ako, kumigrot at kumigrot siya.
03:11Hindi na rin niya kayang sakit ng tiyan niya.
03:13ER na talaga.
03:14At kailangan na niyang maoperahan.
03:17Hindi lang para tanggalin ang mga bato, kundi pati na ang kanyang gallbladder mismo.
03:23Pero ang ikinagulat niya, hindi lang dalawang bato ang nakuha sa kanyang gallbladder,
03:29kundi limampung piraso.
03:33Ang pinakamalaki, halos sinlaki ng bariya.
03:37Ito yung pinakamalaking stones.
03:40Then ito yung ibang stones na nakuha sa kanya.
03:42Matigas talaga siya.
03:44Para siyang literal na bato.
03:45So kahit pisapisain mo siya, hindi siya ma-made-deform.
03:49Ang gallbladder stone kasi ay maaring bumalik-balik.
03:52Kung may opportunity, natanggalin na ang gallbladder, ay tinatanggal na natin ito.
03:56Kayang mabuhay ng isang tao na walang gallbladder.
03:59Kaya pa rin natin tumunaw ng taba.
04:01Mas mahina lang compared to most people.
04:04Since science teacher nga ako, hindi lang galing sa libro yung knowledge na isi-share ko,
04:08which is personal experience or yung personal na pinagdaanan ko talaga.
04:13Ang online seller naman, mula Valenzuela City na si Ronaline,
04:18pinahirapan din daw ng kanyang abdo.
04:23Sa CCTV footage na ito, kitang-kita kung paano napasandal sa sofa at napakapit sa kanyang mister si Ronaline
04:31dahil sa kirot ng kanyang tiyan.
04:33Ang pananakit ng kanyang tiyan, ilang beses pa raw nangyari.
04:38Merong halos bumaluktot na rin daw ang kanyang katawan.
04:41Ang salarin, ang kanyaring gallstones.
04:47Maayos naman daw noon ang dieta ni Ronaline, pero nagbago ito nung siya'y nabuntis.
04:53Kung nabuntis ako, mahilig ako mag-crave talaga sa spaghetti, sa samgib.
04:59Napapadalas din yung pag-order namin sa mga fast food.
05:02Pagdating ko ng 6 months na na-diagnose ako na may gestational diabetes.
05:07Nung nanganak na ako, nagbe-breastfeed kasi ako.
05:10Kaya dun din, kain ng kain.
05:12Yung kain talagang kain, kargador talaga.
05:16April 2025, na-diagnose siya na may fatty liver.
05:20Pinag-diet po ako nung doktor noon.
05:23Yung timbang ko na lang noon, 56 po to 57 na lang.
05:27Grabing bumagsak yung katawan ko dahil po sa dami ng mga bawal.
05:31Hanggang Mayo nitong nakaraang taon, bigla raw sumakit ang tiyan ni Ronaline.
05:36Parang iniipit po siya.
05:38Tapos yung sakit niya hanggang likod ko tagos.
05:41Pati yung balikat ko nangangalay na ako mismo nagsusuka na ako.
05:45At saka na hihirapan akong humingag.
05:47Pagka-ultrasound po sa akin, ang nakita po nila is multiple stones po.
05:54Ang isa sa tiniting ng dahilan kung bakit siya nagka-problema sa gallbladder,
05:59ang bigla ang pagbagsak ng kanyang timbang.
06:03Kapag bigla tayong nag-diet or biglang kumonte yung kinakain natin,
06:07kahit normal yung amount ng bile, pero yung pinagagamitan niya,
06:10kumukonte, nagkakaroon ng bile saturation.
06:13Kaya mas lalo nagkakaroon ng gallbladder stone.
06:17Mas mataas ang risk ng gallbladder stone ng mga babae dahil sa estrogen at progesterone.
06:22Dahil ang mga hormones na ito ay nagpopromote ng pagbagal ng paggalaw ng gallbladder,
06:28kaya mas nag-iipon ang bile at nagkakaroon ng gallbladder stone.
06:32Pero habang naghihintay ng kanyang operasyon, napansin na lang daw niyang naninilaw na ang kanyang balat,
06:38pati na ang kanyang mga mata.
06:40Sabi ko parang hindi na normal.
06:42Nagpadala na ako sa ER.
06:44Ang gallstones niya kasi, posibleng bumara na pala sa kanyang bile duct o yung daana ng apdo.
06:51Ginawa na po yung surgery sa akin.
06:54Pitong gallstones ang nakuha sa kanyang gallbladder.
06:58Yan yung mga hormones po.
06:59Stone niya.
07:02Ito po yung nakuha sa akin na gallstones po.
07:06Ito po yung scar ko po sa open surgery sa akin.
07:10Eight months post-op po.
07:12Sa lifestyle ko ngayon, yun po, more on lutong bahay talaga kami.
07:16Tapos gulay.
07:17Napapatikim pa rin naman ng mga fast food or mga bawal.
07:21In moderation na lang dapat.
07:23Kailangan lang naman ay aware tayo sa mga sintomas ng komplikasyon tulad ng pananakit ng chan,
07:28lalo na sa right side, paninilaw, paulit-ulit or hindi nawawala na bloating.
07:34So kapag meron tayo mga ganitong nararamdaman, ay magpakonsulta kagad sa inyong mga doktor.
07:39Healthy living po ang gawin po natin.
07:41Kapag nagkasakit ka ang hirap eh, lalo na dito sa bansa natin.
07:48Bato, bato sa langit!
07:50Ang tamaan, huwag magalit!
07:53Pero kapag sa apdo, tumama, magpatingin ka na!
08:00Thank you for watching mga kapuso!
08:03Kung nagustuhan niyo po ang videong ito, subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
08:09And don't forget to hit the bell button for our latest updates.
Comments