Skip to playerSkip to main content
MGA PASYENTE, KAILANGANG BUMIYAHE NG ORAS-ORAS PARA LANG MAGPAGAMOT DAHIL SA KAKULANGAN SA SERBISYONG MEDIKAL SA MGA LIBLIB NA LUGAR. SA KABILA NG BILYONG PISONG PONDO PARA SA MGA MOBILE CLINIC NG DOH, BAKIT MARAMI SA MGA ITO ANG HINDI RAW NAGAGAMIT AT NAPAPABAYAAN?

Babae mula Lebak, Sultan Kudarat na may Stage 4 ovarian cancer na si Roselyn, kinakailangan pang sumakay sa duyan na gawa sa nylon at kawayan para makatawid ng ilog. Kailangan pa niyang bumiyahe ng halos 11 oras makarating lang sa pinakamalapit na pagamutan.

May sakit naman sa bato, atay, puso at baga ang ama ni Raniel na si Jeorge. At dahil hindi nila kayang isugod pa uli siya sa pinakamalapit na ospital o bilhan man lang ito ng oxygen tank, napilitan silang pumara-paraan na lang—gumawa sila ng improvised oxygen tank.

Ito ang realidad na dinaranas ng ilan nating mga kababayan na naghahangad lang naman ng disenteng serbisyong medikal pero nakatira sa mga liblib na lugar.

Matapos isiwalat ang umano’y mga iregularidad tulad ng bid rigging at non-functional units, napaulat na sinibak siya sa puwesto. May mga anomalya nga bang dapat sagutin?

Panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho Special Reports. #KMJS

Sa mga nais tumulong kina Roselyn at Jeorge, magdeposito sa:


BANK: BDO NETWORK BANK

ACCOUNT NUMBER: 040060165383

ACCOUNT NAME: JONNEL GINDAP


GCASH

09569442637

JEORGE BONANCIA


"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Music
00:08Joy, tuwari, joy, ay!
00:10Pop, pop, pop, pop!
00:16Pop, pop, pop!
00:16Pop, pop!
00:16Pop, pop pop!
00:18Hi, man!
00:19Ah, what?
00:25Way, way, pa!
00:26Hindi magsandig, King.
00:28Sandig?
00:28How?
00:30Ang Tigal-Lebak Sultan Kudarat na si Jonel,
00:34handa raw tawirin ang ilog
00:36at pasanin ang bigat ng mundo
00:39para sa kanyang misis na si Roseline
00:42na may stage 4 ovarian cancer.
00:45Ilay!
00:47Ilay!
00:48Ilay!
00:50Ilay!
00:52Sa tuwing lumalabas ng bahay kasi si Roseline,
00:55kinakailangan niya pang sumakay sa duyan
00:58na gawak sa nylon at kawayan
01:00na buhat-buhat ni Jonel
01:02at ng iba pa niyang mga kaanak.
01:04Ilay!
01:23Nadia smaak mnie o?
01:25Saatly gabon!
01:40At kapag kailangan niya namang magpagamot, kailangan pang ibiyahe si Roseline ng halos 11 oras.
01:48Makarating lang sa pinakamalapit na paggamotan.
01:51Ang sakit sa amin, ipray na lang natin at labanan. Huwag mawala ng pag-asa.
01:56Ito ang realidad na dinaranas ng ilan nating mga kababayan na naghahangad lang naman ng disenteng servisyong medikal pero nakatira
02:05sa mga liblib na lugar.
02:08Mahirap kapag magpadala ka sa sakit, then kailangan mo talagang lakasan ang loob. Hindi ko talaga alam hanggang kailan na
02:15talaga itong buhay ko.
02:24Si na Jonel at Roseline nakatira sa maliit na bahay na ito.
02:28Mag-uha ako ng daon ng miracle tray. Ito nilaga ako ma'am para yung makaihit siya ng maayos yung
02:37magpag-ihit niya ma'am.
02:46Mag-uha ako ngak-ihit niya ma'am.
03:07Mag-uha ako ng maliit niya ma'am.
03:17Nagsimula ang kalbaryo ni Roseline taong 2024 nang bigla na lang daw sumama ang kanyang pakiramdam.
03:24Makit yung tagiliran niya dito sa left side. Nag-decide kami February ata yun na pa-check up. May bukol
03:31pala siya doon. Nalaman namin na cancerous.
03:33Si Roseline meron na palang stage 4 ovarian cancer at kumalat na ang cancer sa ibang bahagi ng kanyang katawan.
03:42Sakit sa amin kasi stage 4 na kaagad yung sakit.
03:49Mabilis siyang nangayayat at nanghina.
03:54Para makontrol ang pagkalat ng kanyang cancer, kailangan niyang magpa-chemotherapy at sumailalim sa samutsaring lab tests buwan-buwan.
04:04Kaya sa kabila ng kanyang sitwasyon, walang magawa si Roseline. Kundi tiisi ng sakit, makarating lang siya sa ospital.
04:18Ang problema, dahil walang sapat na medical facilities sa kanilang bayan sa liba, kinakailangan pang bumiyahin ang mag-asawa.
04:27Nang napakahaba patungo sa ibang bayan o probinsya, dumadayo pa sila sa Davao City.
04:33Minsan nagko-commute kami. Nasa P1,000 yung isang tao. Dalawa kami, P2,000. Baka P4,000.
04:41Nakalibre nga si Roseline sa chemotherapy. Sumakit naman ang kanyang likod, pati na ang kanilang bulsa.
04:47Yung gastos namin, ma'am, umabot ng 18,000 every 21 days. Kasama na yung mga bibili ng gamot.
04:54Maliban sa trabaho ko talaga, sa radio, nasa sideline ako, minsan nagtatato, nababandad, kulang pa rin lang.
05:11Para makamenos, sa halip na mag-van, madalas, nagmumotor na lang silang mag-asawa.
05:16Papunta ng Davao.
05:18Dahan-dahan lang. Sa sakit niya kasi hindi pwede yung mabilis na takbo.
05:21Maabot kami ng 11 hours. Kalaban ko ang antok pag magdadrive ako.
05:24Tabi din ng kalsada na may mga waiting shed, diyan kami ang papahinga.
05:27Pero si Roseline, pahinga na muna sa malayoang biyahe.
05:31Nang pansamantalang ipatigil ng doktor ang kanyang chemotherapy sessions.
05:36Yung creatinine ko kasi tumaas. Sabi niya bawal daw ipagpatuloy ang chemo kasi delikado sa kidney.
05:50Ngunit hindi pa rin daw siya tuluyang makakahinga ng maluwag.
05:53Kailangan pa rin kasi niyang magpa-lab test kada buwan mula blood chemistry, ultrasound, pati na CT scan.
06:01Every two days nagpapalit ako ng colostomy. Iwasan niyang mag-irritate.
06:18Sampung minuto ang biyahe mula sa sentro ng kanilang bayan papuntang ospital.
06:23Ang Sultan Kudarat District Hospital.
06:25Pero ang problema, kulang naman ang ospital sa mga gamit at pasilidad.
06:31Sabi nga nila dito sa Libak kung ang sakit mo fatal, mamatay ka na lang bago ko makakaabot sa regional.
06:39Kasi ang ospital daw dito para lang sa mga pasyente na nabuyagan.
06:45Kung makagat ka dito ng aso, mamatay ka na lang, hindi ka pa maantay rabis.
06:51Yung aming lugar po is one of the coastal area po ng Libak. Parang isolated din yung ospital po namin
06:57is level 1 lang po.
06:58So hindi siya complete facility. Minsan yung nagda-dialysis po ng mga pasyente, mga chemotherapy, pinalalabas po sa malalaking ospital.
07:09Ang pinakamalapit na pwedeng puntahan ni Roseline para sa kanyang test, mga pribadong klinik. Yun nga lang, hindi nila kaya
07:16ang bayad.
07:17Yan lang po sa sentro, ginagamit yung ID ko na PWD. 600, ganyan. Pero kapag pati electrolytes, umabot sa 2K.
07:25Kaya dumayo pa sila sa bayan ng Coronadal sa South Cotabato, kung saan mas mura ang lab test. Yun nga
07:32lang, limang oras naman ang biyahe papunta roon.
07:36Yung mukol ko kasi, parang hindi nagikinig sa chemo. Yung katawan ko, surrender na.
07:43Nagsusurrender na. Pero yung chemo ko, hindi.
07:50Ang mga katulad ni Roseline, ang gustong tugunan ng Mobile Primary Care Facilities o MPCF na proyekto ng Department of
08:00Health o DOH.
08:02Mobile clinics ito o Hospital on Wheels.
08:06Ilapit ang mga pagamutan sa mga liblib na lugar.
08:10Pwede rito gawin ang iba't ibang mga medical procedure, gaya ng konsultasyon, lab tests, x-ray, ultrasound, at ina, ECG
08:19para sa puso.
08:20Sa pamamagitan ng mga mobile clinics, sa tulong ng lokal na pamahalaan, inaasahan natin na mapapalapit ang servisyong medikal sa
08:30mga lugar na matagal nang nangangailangan ng higit na atensyon.
08:34Ang mobile clinics, bahagi ng universal healthcare ng 2019 sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
08:44Naipamahagi ang mga mobile clinics sa ilalim ni Pangulong Bongbong Marcos.
08:49Noong 2024, ang inilaang pondo para sa 83 na mobile clinics, 830 million pesos o 10 million pesos kada unit
09:01o mobile clinic.
09:03Ang isa sa mga mobile clinic, ibinigay sa Sultan Kudarat, ang probinsya ni na Roseline.
09:09Nakapuesto ito ngayon sa kanilang kapitolyo.
09:12Itong mobile primary care facility po, galing po ito sa Department of Health, pero po binigay ito sa province ng
09:19Sultan Kudarat,
09:20but its operations po ay under po sa Sultan Kudarat Provincial Hospital and sa mobile hospital po ng Sultan Kudarat.
09:29Ito po yung mga equipments na nandito pa sa loob.
09:32Madilim lang po kasi kailangan ipaanda po yung generator bago po magkaroon ng ilaw dito sa loob.
09:38Ito po yung x-ray na kailangan po ng generator para po gumana.
09:42Ito po yung ECG, ultrasound, itong bus natin ay functional po ito.
09:47Ginagamit po natin ito dahil sumasama po ito sa ating mobile hospital.
09:52Pag chemotherapy naman ma'am, hindi pa provider kasi for ano yun mga tertiary na po isyon na mga center.
09:59Pero kung mga primary care lang, yung mga basic lang po, nandyan po sa ating primary care facilities.
10:05May mga scheduling din po si mobile hospital.
10:07Doon lang po kami sumasama po.
10:09Pero ang pagpunta natin doon, community po ang target natin.
10:12Kasi more nga tayo sa prevention, screening, management of mga chronic diseases.
10:18Depende po kasi sa needs ng community po.
10:20Meron kasi tayong mobile hospital.
10:23Nag-iikot po ito sa buong probinsya ng Sultan Kudarat.
10:26Inaugment po ni mobile primary care facility po ang mga services na binibigay po ni mobile hospital.
10:32Ang ina-workout, ma-improve din po yung health services dito para hindi na po lalabas yung patients pupunta sa
10:38ibang probinsya.
10:48Ang aming mobile hospital dito po is from the province po siya.
10:52Pansyonal naman po ma'am, yearly-yearly po nagkakandak po sila dito ang mga medical missions.
11:00Wala po kaming mobile na from the Department of Health.
11:03Yung province of Sultan Kudarat Mobile Hospital po ang lagi pong pumunta po dito sa amin.
11:09Sana ma-develop po yung hospital po dito, yung Sultan Kudarat District Hospital po namin.
11:16Para yung mga pasyente po namin hindi na ma-re-reper po sa labas.
11:20At saka kailangan po namin, ma'am, yung mga espesyalista na mga doktor po dito sa Bayan ng Liban.
11:26Ang ibinigay para sa Sultan Kudarat, kabilang sa listahan ng mga non-functional mobile clinic
11:33na ibinunyag ni dating DOH Undersecretary Dr. Gregorio Murillo Jr.
11:39Reports were also provided to the Office of Yusek Maestral and Yusek Murillo
11:44regarding the non-functional MPCF in Cotobato Province, Sultan Kudarat.
11:49Other provinces reported non-utilization of medical equipment due to no supplies of reagents
11:54and training of personnel who handles equipment.
11:58Isiniwalap ni Dr. Murillo sa isang sulat kay Pangulong Marcos
12:02ang sa tingin niya ay mga irregularidad sa pagbili ng mobile clinics.
12:07Findings in the report indicate that only 25% of the distributed MPCFs
12:12are functional or capable, highlighting a deeply concerning level of inefficiency,
12:17wasted resources, and unmet healthcare needs among the Filipino people.
12:21Meron di umanong pinaburang supplier!
12:24The Office of Undersecretary Murillo received an endorsed market study
12:28intends to modify the already submitted TOR by tailored-titted lock specification.
12:34With this, I was removed from my position for choosing to stand firm
12:41in advocating for an upgraded mobile primary care facility,
12:46one that genuinely complies with required standards
12:50and is capable of delivering safe and dignified health services to the Filipino people.
12:56Notwithstanding this development as of this writing,
12:59I no longer serve as Undersecretary.
13:03Sinubukan naming interviewin si Dr. Murillo pero hindi siya tumugon sa aming paanyaya.
13:09Pero dahil sa di umano irregularidad,
13:12sinampahan ng reklamo si DOH Secretary Teodoro Erbosa,
13:16Undersecretary Glenn Matthew Bagau at dalawa pang empleyado ng DOH.
13:21Isinusulong na rin na maimbestigahan ng kaso sa Kongreso.
13:26Sinubukan din naming kuna ng pahayag si Secretary Erbosa at mga nabanggit,
13:31pero hindi sila tumugon.
13:42We can't authenticate this document and more so comment on it
13:46as it is on its face, not marked as from DOH.
13:50Yan yung talaga naman kasing objective ng mobile clinic
13:53is ma-reach mo yung mga un-reach communities.
13:56Yung tinatawag natin na GIDA,
13:57yung Geographically Isolated and Disadvantaged Air,
14:00yan yung mga mas hirap na may access.
14:03Pati yung providers, hindi lang doktor eh,
14:06pati sa midwife, BHW, nurses, kulang-kulang din sila.
14:10Kasi nga, malayo eh.
14:12Kailangan mo palakasin yung mga nasa labas na facilities mo
14:16para hindi lahat pumupunta doon sa mga malalaking hospital.
14:20Pondo yan ang bayan na kakapaghinaya kung hindi magamit.
14:23Ang nararanasan ni Rosalyn at ni Junel sa Sultan Kudarat,
14:28papareho ng mga tigabayan ng Sagnay sa Camarines Sur.
14:32Katulad ng ama ni Rainel na si George,
14:35may sakit sa bato, atay, puso at baga.
14:39Kakadischarge lang ni George sa ospital nitong nakaraang linggo.
14:42Mayigit dalawang taon na po din kaming pabalik-balik sa ospital.
14:46Mahirap din po pag nagbubiyahe po kami,
14:48yung tiyan po ni Papa, naaalog po.
14:51Sumasakit po.
14:51Ang pinakamalapit pong ospital dito sa amin,
14:54doon po sa sentra sa Sangay.
14:55Kung pupuntahan pa po namin, siguro, oras po.
14:59Sobra po talagang hirap.
15:00Kahit hating gabi, umuulan o ano pa man,
15:03dinadala ko ng anak ko sa ospital
15:06para po usukan lamang.
15:08Umiiyak na lang ho.
15:11Sabi ko nga po eh,
15:14kunin na lang ako ni Lord.
15:16Para hindi na mahirapan.
15:19Binibigyan pa rin ako ng pagkakataon para dugtungan ang buhay.
15:24Sige, nilalabanan ko talaga ang sakit.
15:27Hindi ko siya uurungan hanggat kaya kong labanan siya.
15:31Pero muli raw itong nahirapang huminga.
15:34Pero dahil kapos sila sa pera,
15:36at hindi nila kayang isugod pa uli siya sa pinakamalapit na ospital,
15:42napilitan silang pumaraparaan na lang.
15:44Gamit ang lumang balde na binutasan sa ilalim, kalendaryo at bote na nagsisilbing connector,
15:52ginawan ni Nareniel ang kanilang ama ng improvised oxygen pack.
15:56Para may hangin na maihinga ang pasyente,
16:00itinapat nila ito sa electric fan.
16:03Nakatulong din.
16:04Okay na po ako.
16:06Naisipan na lang po gano'n na lang po yung gawin kasi walang-wala na po talaga.
16:10Ang inaasahan na lang po namin,
16:12doon na lang po sa trabaho po namin ni Tito,
16:14sa furniture po, kinakapas pa rin po.
16:17Nakahilata lang talaga dyan sa higaan,
16:20nakatutok ang clip fan.
16:22Iyan na lang nagsisilbi sa akin na oxygen.
16:25Iyan na talaga ang pumasok sa isip ko ma'am na
16:28gano'n na lang ang gawin ko para marugtungan yung kunting hininga ko.
16:35Ayon sa pamunuan ng Provincial Health Office,
16:38meron naman daw silang mga rumurondang mobile clinic.
16:41Kasama nito ng vanato is yung generator na nagpapantal sa kanya.
16:45Mas na-utilize sa mga malalayong lugar na may hina yung kurente.
16:55Kung mayroon saan ng mobile clinic dito,
16:58yung perang, halimbawa,
17:01sobra-sobra naman na pwedeng pambili ng gamo,
17:05nailalaan sana namin doon.
17:08Health is still a basic human, right?
17:10Kailangan lahat may access to good and quality health.
17:14You deserve better health care.
17:17Yung budget sana na para sa hospital,
17:21bigay talaga yung para sa hospital.
17:23Kasi alam mo naman natin na may budget ang health care.
17:29Ang maayos na serbisyong medikal,
17:32hindi dapat pribilehyo,
17:34kundi karapatan ng bawat Pilipino.
17:38Kapata.
17:39Ang katotohanan kasi sa mga liblib na lugar,
17:43nananatili itong krus na pasan ng marami.
17:47Napilit itinatawid ang buhay at kamatayan.
17:53Nadasmo, you know?
Comments

Recommended