00:02PUNONG KAHOY
00:03Dati pa ho namin na itampok dito sa ating programa
00:06ang tungkol sa klase ng punong kahoy
00:09na ang presyo mas mahal pa sa ginto.
00:13Ito ang agarwood o lapnisan.
00:17May kilala ka ba na kamakailan lang ay nagtanim ng puno?
00:21Wala masyado, di ba?
00:24Pero ang hindi natin namamalayan sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas
00:29merong mga masigasig na pala sa pagtatanim.
00:34Ang kanila kasing ipinupunla kapag lumaki at naproseso
00:40pwedeng maibenta ng mula 400,000 hanggang 6 million pesos kada kilo.
00:49Inuulit ko 400,000 pesos hanggang 6 million pesos kada kilo ng kahoy na ito.
00:58Ang puno ng lapnisan o agar tree.
01:07Endangered na ito o nabibilang na lang ang dami sa kagubatan.
01:11Kaya ang pentahan kahit pa ng seedlings lang nito,
01:15paldong-paldo.
01:16Pero kamakailan lang sa Cebu,
01:19may inaresto at ikinulong dahil na huling nag-aalaga
01:23at nagbibenta ng seedlings ng lapnisan.
01:26Ayaw si ***, ma'am.
01:28Ano kay permitan, ma'am?
01:31Kung endangered na ito,
01:34bakit hinuhuli ang mga nagtatanim?
01:37Iligal. Tama lang hulihin.
01:39Pero yung nagwasak ng bundok, legal.
01:42At ano nga ba ulit ang meron ang kahoy na ito?
01:45At ang presyo, ginto.
01:50Sa isinagawang entrapment operation ng NBI Cebu District Office
01:56sa isang bakuran,
01:58huli sa akto ang ginang na ito
02:00na nag-aalaga at nagbibenta ng mga seedling ng lapnisan.
02:04Ayos yung ***, ma'am.
02:06Tagpila mo na.
02:08Wala, yung panit na dila,
02:093-20.
02:103-20 ang usa?
02:11Oo.
02:12Kamahal man.
02:14Bagamat pinahihintulutan na ngayon
02:16ang pagtatanim at pagbibenta nito,
02:18kinakailangan pa rin daw na may permit
02:21mula sa DENR
02:22o sa Department of Environment and Natural Resources.
02:26Nakay permitan ni ma'am?
02:29Dahil ang ginang ay walang may pakitang permit,
02:32agad siyang dinakip.
02:35The particular law violated is Republic Act 9147.
02:40Pag-aalaga ng mga critically endangered,
02:42endangered, and vulnerable species of flora and fauna.
02:46Ang nasa 1,000 seedlings na kanyang pinalago
02:49para ibenta na tinatayang nagkakahalaga
02:52ng humigit kumulang 300,000 pesos,
02:56kinumpis ka at nasa pangangalaga na ngayon
02:59ng DENR Central Visayas Regional Office.
03:03Kung hindi po kasi natin ma-regulate
03:05ang propagate ng species na ito,
03:07posibleng pong maubos.
03:09Yung mga naturally growing aquelaria species natin
03:11in the wild,
03:12napakalaki po ng impact nito doon sa biodiversity.
03:16Ang ginang nana-aresto,
03:18pansamantalang nakalaya.
03:19Matapos makapagpiansa,
03:21itago natin siya sa pangalang Sharon.
03:24Malungkot, malaking puhunan ko doon,
03:26tapos na-combiscate lahat.
03:296 na taon na raw mula nung sinubukan niyang gawin itong negosyo.
03:332020, November, nakabili ako buto,
03:37kalahating kilo, 800 pesos.
03:39Sinubukan ko mag-germinate,
03:41mahirap mag-iwan sa mga seedling
03:43kasi bawal yung mainitan.
03:46Katunayan,
03:46iilan lang daw sa mga itinanim niya
03:49ang nabuhay.
03:50Nasa 16 piraso yata yun,
03:522,000, 3,000.
03:54Masaya na ako kasi pambili ko pagkain,
03:57pambili kong ano,
03:58yung mga kailangan ko gamot.
04:01Si Sharon, noong 2021,
04:03muling sumubok na magpanim ng lapnisan o agar.
04:07Nagkapital ako noon parang 32,000.
04:10Nabinta ko is 19,000.
04:12Nagreklamo pa yung nakabili sa akin
04:14na namatay.
04:15Sa totoo lang daw,
04:17kadalasan,
04:18lugi pa siya sa kapital.
04:20Siguro, mga mahigit kulang-kulang,
04:22200,000 po.
04:23Walang nabuhay po.
04:24Patay lahat.
04:25Ako lang talaga magwiling na mag-alaga.
04:28Batid niya na iligal
04:29ang pagbibenta o pagtatanim
04:31ng seedlings ng agar o lapnisan
04:34kapag walang DENR permit.
04:37Pero dahil talamak naman na raw
04:39ang bentahan nito online,
04:41nakampante siya.
04:41Karamihan sa online,
04:43walang permit.
04:44Mahirap kasi,
04:45marami kang proseso.
04:47Wala akong sapat na pira
04:49para lumakad ako.
04:51Hanggang sa wakas,
04:52nagbunga
04:53ang kanyang pagtsatsaga.
04:55January,
04:55marami ng tubo.
04:57Ngayon na buwan na ito,
04:58March.
04:58Buhay na sana.
04:59Nakay permit ano, ma'am?
05:01Yun nga lang,
05:02ang napagbentahan niya,
05:04ahente pala ng NBI.
05:07Para sa akin,
05:08single mom,
05:09mother ako.
05:10Sana ako kukuha ng pagkain.
05:14Hindi na rin ako magtrabaho ng kasambay
05:18kasi matanda na ako.
05:22Kapag nagmature ang mga lapnisan seedlings,
05:25umaabot ito ng 15 to 30 meters ang taas.
05:29Paoblong ang dahon,
05:31dilaw at kahel,
05:32na parang maliit na kalabasa ang bunga.
05:35Maputla hanggang light brown
05:37ang kulay ng trunk o katawan ng puno.
05:41Kapag nasugatan o natamaan ng funjay
05:44ang katawan ng puno,
05:46naglalabas ito ng itim
05:48at mabangong dagta o resin
05:51bilang pandipensa.
05:53Ang bahagi ng puno na may resin,
05:56kapag sinunog o prinuseso,
05:59maglalabas ng langis
06:01na napaka mahalimuyak.
06:03Ito ang ginagamit sa paggawa
06:05ng mga mamahaling pabango.
06:08Ang agarwood mismo
06:10ang ginagamit sa paggawa
06:12ng mga insenso
06:13na karaniwang sinisindihan
06:15bilang alay sa mga ninuno at Diyos
06:18ng iba't ibang mga relisyon.
06:20Kaya ang lapnisan o agarwood
06:23in demand sa Middle East.
06:25Sa mga Muslim,
06:26lalo na sa Middle East,
06:27ang agarwood ay bahagi na
06:29ng pang-araw-araw at special na okasyon.
06:31Ginagamit ito sa tuwing nagdarasal,
06:33pagtanggap ng bisita,
06:35kasal,
06:36at sa mga Eid celebrations.
06:37High demand,
06:38low supply,
06:39yan ang dahilan kung bakit
06:40tinatawag ito na liquid gold.
06:42Si Doc M,
06:44dating cancer at trauma surgeon,
06:46nung nadistino raw siya
06:47sa Romblon taong 2012,
06:50nagka-idea siya
06:51na magandang gawing negosyo
06:53ang nursery plantation
06:54para sa agarwood o lapnisan.
06:572016,
06:58na-encounter ko yung agarwood.
07:00Nung narinig ko yung presyo,
07:01ang reaction ko was,
07:03wow,
07:03mahirap namang paniwalaan yan.
07:04Pero nag-research kami.
07:06At nang sapat na raw,
07:07ang kanilang nalalaman
07:09tungkol sa agarwood
07:10at sa industriya nito,
07:12nagtapag na sila
07:13ng sarili nilang korporasyon
07:15taong 2020.
07:17Nung una,
07:17nahirapan din kami
07:18kasi walang rehistro
07:20para sa agarwood.
07:22Lumabas lang yan
07:22noong 2021.
07:24Nagtayo rin si Doc M
07:26ng agarwood farms.
07:28Mga 6 hectares ito.
07:29Ang nataniman lang dito,
07:30mga isang hektarya,
07:32there are 700
07:33hanggang 800 na piraso
07:35ng agarwood.
07:36Nung una,
07:37tutok lang daw sila
07:38sa pagbebenta ng seedlings.
07:40Kalaunan,
07:41nakapag-develop sila
07:42ng sarili nilang
07:43inoculation process
07:45para mas mapabilis
07:47ang paggawa
07:48ng puno
07:49ng resin.
07:51Nagbidrill kami.
07:52Tapos,
07:53pinapasokan siya
07:54ng inoculant
07:55doon magkoconcentrate
07:56yung resin
07:57and yun yung magpoform
07:58ng agarwood.
07:59Taong 2024,
08:01nagsimula na rin daw
08:02silang mag-export
08:04ng agarwood.
08:05First legal export
08:06na buong Philippines.
08:08Ang minimum retail price
08:09ng Philippine agarwood
08:10sa Middle East
08:11is 400,000 pesos
08:13kada kilo.
08:14Pinakamababa yun.
08:15Tatlo dapat yung
08:15iikutan namin,
08:16yung Saudi Arabia,
08:18Qatar,
08:19tsaka yung UA.
08:20Kaya lang may gera ngayon,
08:22delikado,
08:23later time na lang.
08:25Ang plano namin
08:26para sa agarwood
08:27is to make the Philippines
08:28the number one producer
08:29of agarwood
08:30in the world.
08:31Ang agarwood,
08:33kabilang sa genus
08:34o klase
08:35ng mga puno
08:36na kung tawagin,
08:37Aquilaria,
08:38makikita sa mga pusod
08:40ng kagubatan
08:41ng mga bansang tropical.
08:43Kaya may potensyal
08:45daw talaga
08:45ang Pilipinas
08:46na maging
08:47number one exporter
08:48ng agarwood
08:49o lapnisan
08:50sa buong daigdig.
08:54Pero ang pagbibenta
08:56ng agarwood,
08:57hindi lang mainit
08:59sa mata ng batas,
09:00mainit din
09:01sa mata
09:02ng mga magnanakaw.
09:05Katunayan,
09:06ang mag-aapat na taon pa lang
09:07na lapnisan nursery
09:09ni June,
09:10makailang beses
09:11na raw tinarget
09:12ng mga kawatan.
09:14Marabi ng perwesi
09:14ng magnanakaw.
09:16Mahigit 3,000
09:17ang nakuha.
09:18Clearly po kami
09:19nanakawan.
09:20Galit, ma'am,
09:21kasi iyong 10,000
09:22seedlings,
09:23binta ko na lang
09:23yun ng per 100,
09:25100 per seedling.
09:261 million na agad
09:27yung nanakaw sa akin.
09:29Nagparami po kami
09:30ng aso
09:31at saka paggabi po
09:32nagro-robing po kami.
09:34Nagpalagay din kami
09:35ng CCTV po.
09:36Si June,
09:37bago nagtanim
09:38ng lapnisan o agar,
09:39dating construction
09:40worker
09:41na ang arawang sweldo
09:43noon,
09:43500 pesos.
09:45Doon ko po nakilala
09:46yung taga
09:47Southern Elite.
09:48Katrabaho ko po,
09:49nagkwinto sa akin
09:50about Agarwood.
09:51Hindi ako makapaniwala
09:53kasi
09:5480,000
09:55per kilo.
09:56Doon po ako
09:56nag-impose
09:57niyang mag-research.
09:58Pero paano
09:59naglakas loob si June
10:01na magnegosyo
10:02gayong minimum lang
10:03ang kanyang
10:04arawang sweldo noon?
10:06Sa 7 taon daw
10:08kasi niyang
10:08pagiging lead man
10:09sa construction,
10:11nakapag-ipon siya
10:12ng 80,000 pesos
10:13na siyang
10:14ginamit niyang
10:15puhunan,
10:16ipinambili
10:17ng seedling
10:18ng Aquilaria
10:19Kumindiana,
10:20isang klase
10:21ng agar
10:22o lapnisan.
10:23Nang umuwi po ako
10:24ng Bicol,
10:25daladala ko na yun.
10:26Pinatanim ko doon
10:27sa kapatid ko.
10:28Kahit sinasabing
10:28masila ng agar,
10:29malakas ang loob ko,
10:30kaya ko itong patubuin.
10:32Iwalay yung
10:33seed sa shell,
10:34tapos ilalagay
10:35sa seedbed.
10:36Pag tumubo na,
10:37ganitong height,
10:383D4 transplant na po
10:39ito sa seedling bag.
10:41Kung may isang client
10:42nag-order ng
10:431,000 seedlings
10:44times 150
10:45is 150,000 agad.
10:47Pag marami po
10:48ang sales,
10:49umabot po ng
10:49milyon.
10:50Mula sa
10:51pagkakaroon ng
10:52nursery,
10:52sa bakura
10:53ng kanyang kapatid,
10:55meron na siya ngayong
10:56tatlo pang
10:57ibang farms.
11:04Pero hindi raw
11:06ganun kadali
11:06para makapagbenta
11:08ng agarwood
11:09ng legal.
11:11Kailangan ng
11:12import-export permit,
11:14kailangan ng
11:14sitis permit,
11:16kailangan ng
11:17bureau of custom permit,
11:18paito-sanitary permit,
11:20daming permit
11:20na kailangan
11:21para po sa
11:22legalization
11:23ng pagbibinta
11:24ng byproduct.
11:26Yung proof
11:26of legal
11:27existence
11:27pertaining doon
11:28sa company
11:29or individual
11:30accredited
11:31by a horticultury
11:32or certificate
11:33of training,
11:34financial capability,
11:35kaya niya
11:36really magparami,
11:38titulo,
11:38kung saan mo
11:39papadamihin
11:40yung
11:40lapnisan.
11:41Yung restriction
11:42kasi yun
11:42ang mahigpit
11:43kaya maraming
11:44ayaw magtanim.
11:45Kung may
11:45standard ng
11:46policy,
11:47mayroong
11:48susundan yung
11:49farmer
11:49na nakakasiguro po
11:51na maibibinta
11:52naman talaga
11:52ng maayos
11:53o ng legal.
11:55Napakalaki nga
11:56ng potensyal
11:57ng Pilipinas
11:58na kumita
11:59sa agarwood
12:01o lapnisan.
12:02Pero sa likod
12:03ng milyones
12:04nitong halaga
12:05ngayon,
12:06kailangan ng
12:07tamang kaalaman
12:08para magtanim
12:09at magnegosyo rito.
12:11Nakay permita ni ma'am?
12:13Higit sa lahat,
12:14may batas
12:15na kailangang sundin
12:16para ang tinatawag
12:18na gintong
12:19puno
12:20yayabong pa
12:23tungo
12:23sa ating
12:24pagunlad.
12:28Thank you for watching
12:30mga kapuso.
12:31Kung nagustuhan niyo po
12:33ang videong ito,
12:34subscribe na
12:35sa GMA Public Affairs
12:37YouTube channel
12:38and don't forget
12:39to hit the bell button
12:41for our latest updates.
12:42Thanks.
Comments