Skip to playerSkip to main content
  • 17 hours ago
ON RECORD SA UNANG HIRIT na pinag-usapan ang latest na nangyari sa Senado. Sa ngayon, nasa 11-11 deadlock ang majority at minority dahil sa pagkakaaresto kay Sen. Jinggoy. Nakapanayam natin si UP-NCPAG Professorial Lecturer Atty. Severo Madrona Jr. para pag-usapan ang isyung ito at ano na nga ba ang mangyayari sa Senado.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa ito nangyayari ngayon, nawala ng political leverage siya actually ang Senate President
00:03kung wala talaga siyang mayorya o tabla nangyayari sa kasalukuyan.
00:08Isang nag-i-expect ng drama.
00:10Ang habang tambahan ay pangumuno at hindi dapat parinigan kundi paglilingkod sa bayan.
00:20Pilipinas, gising na. Kahapon po, inaresto si Senador Jingoy Estrada para sa kasong plunder.
00:27Samantala, patuloy pa rin hinahanap si Senador Bato de la Rosa.
00:31Ang bilang ng majority at minority sa Senado, 11-11. Deadlock po.
00:37Ano na kaya mangyayari sa Senado?
00:39Yan ang ating lilinawin at hihibayin.
00:43On record, sa unang hirin.
00:48At kaunay po niyan, makasama natin kay umaga,
00:51Atty. Severo Madrora Jr. Professional Lecturer sa UP National Center for Public Administration and Governance, UP NCFAD.
00:59Atty. Good morning. Welcome back.
01:01Good morning.
01:02We are on record now, Atty.
01:0411-11 na.
01:05Tulad doon na ang magit natin, ang hatiyan ng majority at minority.
01:08At tanong ng marami, ano na ang mangyayari sa Senado?
01:12Patuloy pa rin naman gagawin ng mga Senadori ang kanilang tungkulin.
01:15Although, ang problema ngayon, hindi na usapin ng majority-minority, kundi magkakaroon ng mga alliance building,
01:23at magkakaroon ng compromises, at magkakaroon ng mga swing votes, actually.
01:27O pag makuha kung paano yun.
01:29So, magiging mahirap, actually, ang usapin paano ipasa ang mga executive actions mula sa Mara Kanyang Halimbawa,
01:36at mula sa Kongreso, kasi nga dahil dito ang kakaroon ng mas maraming internal na negosyasyon sa loob ng Senado.
01:43Yes. Pakipaliwanag ang attorney, baka para maintindihan ng mga kababayan natin.
01:47Sinabi kasi ni dating Senate President Franklin Drilon, parang a king without a kingdom, si SP Cayetano, with these numbers,
01:55ano?
01:55Gano'n ba kahalaga ang pagkakaroon ng higit sa minimum majority?
01:59Ideally nga sana, talagang parang outliers na lang yung minority, parang solid almost yung Senado.
02:05Ang Senado President kasi hindi lang siya namumuno sa mga sisyon.
02:09Kailangan niya ng maraming boto o maraming suporta sa mayuriya para maisulong yung agenda na kanyang gustong isulong.
02:18Halimbawa, mapanatili yung committee structure at yung kanyang liderato.
02:23So, sa ito nangyayaring ngayon, nawala ng political leverage siya actually ang Senado President kung wala talaga siyang mayuriya o
02:30tabla nangyayari sa kasulukuyan.
02:32Why is it important? Yung political leverage na sinasabi ninyo?
02:35Kasi hindi niya mapapanatili ngayon kung hindi may sulong kanyang agenda.
02:39At yung maipasa, halimbawa, yung mga priority legislations na gusto, halimbawa, ng kanilang grupo, ng caucus nila, na gustong ipatasasinado,
02:49may harapan sila ngayon.
02:50So, they need to compromise sa minority or sino mo makakuha na suporta.
02:54So, magiging sabi nga, parang coalition building ito, alliance building yung mangyayari.
02:58So, tama yung sabi ni Sen. Drilon dyan, talagang wala ka halos kingdom dyan.
03:02Bakang namumuno ka nga, pero wala ka namang kakanyahan actually na talagang ipalakasin ng inyong mga agenda sa loob ng
03:12Senado.
03:12Sa isang statement kagabi na inilabas si SP Cayetano, para sabihin niya na hindi na sila atin sa sesyon,
03:20ang sitwasyon daw ngayon ay usapin ng independence ng Senado, attorney.
03:25Valid ba yung puntong ito ni SP Cayetano?
03:27Valid naman ito, na actually sabihin na mayroon nga ang constitutional separation tayo,
03:35with checks and balances sa limbawa.
03:36Ngunit pag sinabi mo kasi yung mga issue ng arm twisting, political pressure,
03:41kailangan ng taong bayan na actually dito ng matibay na ebidensya.
03:45Mayroon nga ba?
03:45Kasi kung wala naman, ito ay, masabi lang natin,
03:48umiiwas ka lang sa tungkulin mo sa bayan na paglingkuran at gumawa ng registrasyon
03:54o ng mga batas na kinakailangan sa taong bayan.
03:56Hmm, may nabasa akong post kahapon eh, parang yung ginawa ng majority kagabi na binoykot,
04:03parang it's a dose of the minority's own medicine na ginamit naman nila noong Friday na nag-walk out.
04:09Ah, from here on, pwede naman gamitin ng majority block yung kawalan ng quorum
04:14para pigilan yung anumang pagtatangkang palitan ang liderato ng Senado.
04:17Isa ito sa parliamentary tactics na pwede nilang gawin, ngunit hindi ito permanenteng paraan.
04:23Kasi sooner or later, hahanapan sila ng taong bayan na hanggang kailan ito?
04:27Ah, kailan mo ba ang buwening gawin ang iyong tungkulin sa taong bayan?
04:31Na sinumpaan mo yan, nasa konstitusyon yan,
04:34at dahil sa pinipilit mo lang na huwag magkaroon ng change ng liderato o dahil nang iniisip mo yan,
04:41ayaw mo nang gawin yung, hindi ka napapasok ngayon dun sa mismong sesyon ng Senado.
04:46So, again, it's only maybe temporary, but it cannot be partial.
04:50Kasi sooner or later, people will call you up actually.
04:53No, kailang gawin mo itong constitutional duty mo bilang Senado.
04:56May na-violate ba sa rules, attorney, sa hindi pagdalo ng majority kahapon?
05:01Wala naman. At hindi, wala mong nakikita ng violation dun.
05:05Ito, again, sabi ko nga, parliamentary tactics siya,
05:07na pwede gawin naman talaga ng mga grupo o mga alliances man.
05:12Pero sabi nga, parang ang kawawa dito yung taong bayan.
05:16Kasi tayo yung iningasahan natin ang ating mga senador ay gawin na kanilang tungkulin.
05:20Ngunit dahil sa ganitong usaping politikal, ay hindi nila ito ginagawa.
05:24In response, naglabas ng strongly worded statement, ang minority.
05:28Ang sabi naman nila, this is not about Senate independence, kundi pagboykot sa duty.
05:35Tapos, ito pa, pinatayan daw sila ng aircon at internet, eh, yung Senado ko gabi, attorney.
05:40Parang ang petty.
05:42Actually, nakalungkot ang ganitong sitwasyon dahil lumilihis ito sa tunetong kulin na nabot ng mga senador.
05:47Maraming issues ang hindi natalakay kagabi dahil lamang sa nangyaring ito.
05:52So, parang mga tao kasi, ang taong bayan, nanghinga siya, hindi siya nag-expect ng drama.
05:57Ang habol ng tambahan ay pangumuno.
05:59At hindi dapat parinigan, kundi paglilingkod sa bayan ang dapat gawin actually ng mga senador natin.
06:05Ang nagiging laro mo yun, parang power struggle, ano?
06:08At naiipit in the middle, yung mga tao na, kasi walang maka-accomplish ang Senado dahil sa power struggle nito,
06:14eh, no?
06:15Tama po ito. Nawawala yung ating agenda. Nawawala yung mga priority bills dapat na kailangang maipasa ng Senado na galing
06:23sa Kongreso o galing sa Malacanang.
06:25So, dahil ito sa kawalan nga ng mayoria o kawalan actually ng tungkut, hindi na ginagawa ang kanilang tungkulin.
06:33Most analysts, attorney, look at this in the context of the impending impeachment.
06:38Paano ba maapektuhan ng mga pagbabago sa alyansa, sa alliances, at posibleng pag-aresto ng iba pang mga miyembro ng
06:46majority, yung impeachment trial ni BP Sara?
06:49Tiyak na maapektuhan ito kasi we need 16 votes kung sakaling mga mga convection, halimbawa, yung inaasahan ng mga tao.
06:56So, kailangan mong every vote counts.
06:59So, kung mawawalan ka kasi ng pakunti-kunti ng buboto at hindi sila dumadalo, halimbawa, lalong mahirapan yung pagbuon niya
07:06ito.
07:06So, kailangan talaga dito alliance building, compromises, at internal, yung mga swing votes na sabi natin, ang magkikreate talaga patungo
07:15dito.
07:16So, ang inasahan natin dito ay sana naman tumaas yung level ng mga senador mula sa kanilang political alliances at
07:23gawin nila ang constitutional duty.
07:25Kasi ang impeachment ay isang constitutional process.
07:28So, kailangan maging patas ito, matibay na ebidensya ang kailangan at naayon sa batas ang mangyayari.
07:34Nabanggit niyo yung compromises, attorney, just a bit on that point.
07:38Ang claim ni Sen. Jingoy, inalok daw siya na hindi ka nakakasuhan basta lumipat ka sa majority.
07:46Parang may ganung willing and dealing ika nga behind closed doors para makakuha ng alliances, para mapalitan ng Senate leadership.
07:55What does this say with how the Senate works?
08:00Again, isa ito sa kailangan ng matibay na ebidensya kung ito nga bang sinabi, ang talo bang nangyayari ito.
08:05But again, it's a normal and democratic process talaga na mag-create ng mga alliances o kaya magkaroon ng mga
08:12possible compromises nga dun kung sa mga...
08:15But it should never be transactional in a perfect world.
08:18Kasi halimbawa, ito, this is about accountability for example.
08:22This is about the rule of law.
08:23So dapat talaga, yun nga, samang sabi, hindi siya transactional talaga.
08:27It should be based, kung may compromises man, and because again of your agenda, halimbawa,
08:31in that never to hide you from criminal liability or accountability.
08:37Nagpahingag na pagkadesbaya si Pangulo Marcos sa mga nangyayari sa Senado.
08:41As a public administration expert and as a citizen of this country, paano nyo ito tinitignan, attorney?
08:48Nakalungkot ito dahil ang Senado ay isa sa mga mahalagang haligi ng ating demokrateng sistema.
08:53So, lahat naman ng sustitusyon ay dumadaan ng krisis.
08:56Ngunit ang inasahan natin sa krisis na ito ay makakalabas ba o matibay ba ang Senado
09:03na magampana ng kanyang constitutional duty na maging malaya, maging patas,
09:08at naayon sa saligang batas ng kanyang mga tungkulin.
09:12So, kung di niya nagagawa nito, ito ay isang mahalig-malaking hamon para sa ating mga Senador
09:17na gawin ang kanilang tungkulin na ayon sa ligang batas
09:20para maging isang matured ang isang institusyonal na politikal.
09:24And again, more on that point, ang sinabi ng Presidente,
09:27I hope the Senate figures this out the soonest.
09:31Figure it out, attorney.
09:32Ano ba dapat?
09:33How should the Senate settle this?
09:36Or how should the Senate move forward from the public administration point of view?
09:40I think they have to reorient themselves on or make them realize again,
09:47ano ba talaga ang kanilang tungkulin na ayon sa konstitusyon?
09:51Maliban sa kanilang mga political alignments,
09:54maliban sa kanilang personal interests,
09:57kailangan nilang gawin ang anumang tungkulin na pinusumpaan nila sa taong bayan.
10:01So, I think ito yung kailangan nilang i-rediscover
10:04or muling tuklasin sa kanilang mga sarili
10:07at para po magkaroon ng maayos na pangamalakad sa Senado mismo.
10:12Para naman sa taong bayan na naghalal sa kanila,
10:15paano ho ba dapat tignan ng mga mamamayan ito?
10:19Ito again ay isang demokratikong tunggalian.
10:24So, sa isang demokrasya,
10:26normal naman actually ang gawin ng ganito mga hindi pagkakasundo-sundo.
10:30Iyan ang isang ehemplo ng isang demokrasya.
10:32Ngunit dapat you can move on beyond your personal interest,
10:37invested interest,
10:38upang gawin pa rin ang iyong tungkulin.
10:40So, ang taong bayan, sabi ko nga kanina,
10:42ay namihingi ng maayos na pumuno
10:45at maayos na pagilingkod sa ating mga Senado.
10:48At bantayan niyo po yung mga binoto ninyo,
10:50paano ang kanilang nagiging actuations kayo,
10:52paano ang kanilang nagiging behavior,
10:54how are they fulfilling the duty that they promised
10:57na ipu-fulfill nila nung sila'y nangangampanya sa inyo.
11:00Tama po, tama po yan.
11:01Attorney Madrana, sir, thank you very much for joining us.
11:04Thank you po.
11:04Ang mga isyong pinag-uusapan,
11:06lilinawin at hihimayin natin yan on record.
11:09Sa unang hirin.
Comments

Recommended