Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Ang daming rebelasyon sa naganap na hearing kahapon tungkol sa maanomalyang flood control projects sa bansa. Ngayong unti-unti nang nasisiwalat kung sino ang mga sangkot, malapit na bang managot ang dapat managot? Pag-uusapan ‘yan sa Issue ng Bayan kasama si Prof. Carl Marc Ramota ng Department of Social Sciences, UP Manila.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Super Bagyong Nando pero pumasok namang kahapon ang Bagyong Opong.
00:08Dito sana magagamit ang mga flood control projects na ngayon ay iniimbisigahan dahil sa katakot-takot na korupsyon.
00:14Hindi natin titigilan yan dito sa Issue ng Bayan.
00:21Sunod-sunod nga ang revelasyon sa naganap ng Senate Blue Ribbon hearing kahapon.
00:26Ang dami mga isiniwalat at nadawit na pangalan.
00:29Pag-uusapan natin yan kasama si Professor Karl Mark Ramota mula sa Department of Social Sciences ng University of the Philippines, Manila.
00:38Good morning, Prof.
00:39Magandang umaga sa iyo at magandang umaga rin po sa ating mga tagapakinig.
00:44Mga nanonood sa atin, good morning, Prof.
00:47Ito unahin natin yung pinag-usapan sa hearing kahapon ang pagsalita ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
00:54Noong mga naon ng hiring, matigas siya sa pagtanggi na wala siyang alam, di ba sabi niya?
00:59Pero ngayon, nabanggit niya si na, ito si Sen. Jingo Estrada, Sen. Joel Villanueva, Bong Revilia,
01:06Congressman Saldico, dating Kalaokan Representative Mitch Kahayun Uy,
01:10dating DPWH Undersecretary Bernardo, at si COA Commissioner Mario Lipana.
01:16Na, Prof. ano sa tingin niyo ang nagtulak sa kanya para ika nga eh, kumanta na at sabihin na ang kanyang nalalaman?
01:24Una sa wakas, dahil ilang beses natin siya nakikita sa mga pagdinig.
01:29Nice kong isipin na ang nag-udjuk sa kanya yung kanyang konsensya.
01:33Pero tingin ko rin matindi na yung public pressure, matindi na yung galit ng maumayan.
01:39At nararamdaman na ito, hindi lang ng mga politiko, kundi ng mga resource persons.
01:43Lalo pa yung mga malalaking pagkilos nitong nakaraang linggo sa Lunetas, saka sa EDSA.
01:48At saka siguro din yung pamilya niya, di ba?
01:50Yung mga anak niya, di ba? Siguro kahit pa paano, nararamdaman din nila yung backlash.
01:55Yung pressure sa, maaring pressure din sa kanilang pamilya.
01:59At kaugnay sa mga nabanggit na pangalan, Prof.
02:02Ayon po kay DOJ Secretary Remulia, inirekomenda ng NBI na mag-file ng kaso
02:07laban sa mga tao nakasangkot sa maanumal yung flood control projects.
02:11Matibay na ebidensya na ba, Prof.
02:13Itong sinabi, itong si Alcantara para makasuhan yung mga nabanggit niya?
02:19Tingin ko simula na ito.
02:21May maaaring pagbatayan ng ating mga ahensya ng pamahalaan
02:26sa pagbuo ng matibay na kaso.
02:28Pero ang mas challenge ngayon sa ating mga ahensya ng pamahalaan,
02:32sa DOJ, sa NBI,
02:34ay paano neto marerecover yung mga physical evidence?
02:37Lalo pa merong bilanggit yung ICI netong nakaraang araw
02:41na sinisira na yung mga evidences.
02:44Dapat din tignan nasan yung paper trail
02:47ng mga maanumal yung transaksyon.
02:50At paano marerecover itong lahat?
02:53Tingin ko rin, dapat mas maging resourceful.
02:56Hindi lamang yung ahensya ng mga ahensya ng mga mayan,
02:58kundi yung mga pribadong individual
03:00saka yung mga cost-oriented organizations natin.
03:04Lalo pa marami sa mga ito ay available sa internet.
03:07Sa transparency seal ng mga government websites,
03:09nandun yung mga kontrata at iba pa.
03:13Napakagaling nung ating mga younger millennials
03:15saka mga Gen C sa pag-recover ng iba't ibang mga dokumento sa online.
03:20At sana yung makatulong ito sa ICI?
03:22Ba't talaga ang galing nilang humalungkat eh, di ba?
03:24Humukay ng mga pwede maging ebidensya.
03:27Ika nga, di ba?
03:28Yung ibang nabanggit ni Alcantara
03:29na wala naman sa pwesto gaya po ni dating Sen. Bong Revilla.
03:33Pwede rin ba silang kasuhan pa?
03:35Tingin ko, batay na rin dun sa testimonya ni Alcantara.
03:40Kinokorroborate neto yung ilang pang mga nabanggit na
03:42ng maunang mga resource person.
03:44Sana ito ay magamit ng ating DOJ
03:47at iba pang mga ahensya ng pamahalaan
03:49para talagang tuluyan na tingin ko
03:52hindi ito yung una at huling mga pangalan.
03:56Maaring ito pa lang yung first batch.
03:58At inaasahan natin, at inaasahan ng maumayan,
04:00mas marami pa yung mga pangalan na lulutang
04:03at kakasuhan ng pamahalaan.
04:04Sa mga susunod na pagdinig pa,
04:06ito, isa pa sa pinag-usapan, professor,
04:08yung pinag-usapan ng bayan,
04:09yung nabanggit na di umano, ayan,
04:11i-deliver kay Congressman Saldico
04:14ang dalawampung maleta.
04:16Ay, naglalaman daw ng 50 million pesos
04:19ang bawat isa at sakay ito ng pitong van
04:22ay by,
04:23Susmar Yosef,
04:25nakakalula yung ganyang halaga
04:26para,
04:27ay, gusto ko sabihin,
04:28in my lifetime,
04:30hindi ka makikita kahit isang van yan,
04:32eh, di ba?
04:33Kahit po ako, no,
04:35para sa aming mga
04:36empleyado ng pamahalaan,
04:39ang hirap imaginin
04:40nung ganong kalaking pera, no?
04:43Very scandalous
04:45yung ganong klaseng pangyayari, no?
04:48Na pwede mong
04:50ilipat lang ng ganon,
04:52yung ganong kalaking halaga.
04:54Ang challenge nga ngayon
04:56sa ating ICI
04:57at sa mga ahensya ng pamahalaan,
04:59maaari nilang itap
04:59yung kooperasyon
05:01ng mga pribadong establishmento
05:03na nabanggit doon sa pagdinig
05:05dahil may mga nabanggit
05:06ng mga hotel
05:07at iba pang mga kasino.
05:11Maaari nilang gamitin
05:12yung kapangyarihan ng pamahalaan
05:14para hingin yung kooperasyon
05:15na itong mga kumpanya na ito.
05:18Bakit kaya ganong kalakas yung loob?
05:19Baro, iburin mo yan, di ba?
05:21Pitong van na may lamang maleta
05:23na milyon-milyon piso yung halaga.
05:26Ba't ang lakas ng loob
05:27na ipadeliver mo gano'n?
05:29Malakas yung loob, tingin ko,
05:30dahil merong protector.
05:32At yun sana yung lumabas
05:34na maliban dito sa mga kontratista
05:37at mga inhenyero
05:38at opisyal ng DPWH,
05:40sino yung mga malalaking mga pangalan?
05:42Malalaking pa nga at mas matataas?
05:43At mas matataas sa pwesto.
05:45Ito ba ay hanggang Kongreso at Senado lang?
05:48O maaaring hanggang sa pinakamatataas pa
05:51ng mga opisina sa bansa?
05:52Okay.
05:53At sumagot naman si Congressman Saldico
05:55na false at baseless daw yung allegasyon.
05:59Kinansila ang kanyang travel authority.
06:01Isa palagay nyo,
06:02maaasahan ba natin
06:03ang pagbalik niya sa bansa
06:04bago yung palugit na sampung araw?
06:06Kasi kailangan daw bumalik at sumagot ka
06:08dahil yung pangalan mo talagang
06:09lub-lub na lub-lub na dito, di ba?
06:11Siyempre, ang hamon natin kay Saldico
06:13kung siya ay talagang walang kinalaman dito
06:16at kagaya ng binabanggit niya,
06:18umuwi siya.
06:19Ang hamon din sa ating pamahalaan
06:21ay tiyakin ang lahat ng pamamaraan
06:23para mapauwi itong si Saldico.
06:26Maaaring natin kontakin yung Interpol,
06:28yung ating mga embahada
06:30sa iba't ibang mga lugar
06:31kasi sinasabi na wala na daw siya
06:33sa Estados Unidos.
06:34Nasa ibang lugar na daw.
06:35So paano natin matitrace
06:37yung kanyang whereabouts?
06:38At gayon din,
06:40alamin doon sa kanyang mga kasamahan
06:42o maging sa pamilya
06:43kung ano yung whereabouts niya.
06:45O, o, o.
06:46At kahapon, prof,
06:47hindi rin naiwasan yung tensions sa Senado
06:48sa issue naman ng restitution
06:50o yung pagsasauli ng pera
06:52ng mga gusto maging state witness.
06:54Ito, panoorin lang natin ito, professor.
06:55Don't question my opinion.
07:00That is my opinion.
07:00I'm not questioning your opinion, Mr. Chair,
07:02but you are the chairman of this committee.
07:04Anyway, let's proceed with the...
07:06You are not interested in the prejudicial question
07:09that I am going to raise, Mr. Chair.
07:11An investigator, we are investigating...
07:13Mr. Chair, we are still investigating.
07:17Hearing is suspended.
07:18You do not change the provision of law,
07:21Mr. Secretary.
07:22You may be disbarred from doing this.
07:24Ikaw ang nagbibigay ng opinion,
07:26nilalagay mo yung restitution
07:28to test the goodwill of a possible applicant.
07:31It is not in the law.
07:33Sometimes, you have to bend the law
07:36to be able to please the people.
07:39Mas mataas po ang taong bayan sa matas.
07:43Am I right, Secretary Remuya?
07:44Yes, sir.
07:45Mr. Chairman.
07:48Daka, professor.
07:49Yan, ano?
07:50Not nangingiti ka.
07:51Ako yung ina.
07:52Ay, mako ba?
07:52Nangingiti?
07:53Hindi ko alam.
07:53Ano yung tingin niyo dito sa mga nangyari kahapon sa Senado?
07:57Una, pinapakita talaga niyan yung tensyon
07:59sa loob ng chamber ng Senado
08:02dahil sinasabi merong dalawang sangkot
08:05na kasalukuyang Senador
08:06at sa balibalita ay mukhang hindi lang dalawa
08:09kundi meron pang mga dadagdag na pangalan.
08:13Siguro sa akin,
08:15yung sausapin ng restitution,
08:17kasi malinaw naman sa Republic Act 6981,
08:19yung Witness Protection Law,
08:21na ito ay nasa purview ng Department of Justice.
08:25At ganyan din,
08:27maaaring mag-execute ng Memorandum of Agreement
08:30bago i-extend yung protection
08:34doon sa inaasahang witness.
08:36At doon sa Memorandum of Agreement,
08:38ilalatag niya yung legal obligations din
08:41nung nasasabing witness.
08:44At maaaring kasama doon yung restitution
08:47o pagsoli.
08:48Kasi kailangan natin balikan yung esensya
08:50ng batas.
08:51At ganyan din yung mga prinsipyo
08:52katulad ng doktrina ng unjust enrichment
08:55na kung ang kaso katulad nito
08:58ay may kinalaman sa kaban ng bayan
09:00at nagresulta sa pagpapayaman
09:02ng ilang mga opisyal,
09:04lalo na ng mga pampublikong opisyal,
09:06dapat isoli.
09:07Yung pagsosoli rin na yun
09:09ay hindi lang legal na obligasyon
09:11kundi moral na obligasyon din
09:13at magpapatibay sa tiwala ng maumayan
09:16sa ating mga proseso at institusyon.
09:18Opo.
09:18Ito pa yung isang nakakabahala, Professor.
09:21Yung revelasyon na
09:21nakulahat daw po ng proyekto,
09:24di ba?
09:25Sa distrito ni dating,
09:27DPWH Assistant District Engineer Hernandez
09:29ay substandard as in,
09:32sinabi niya lahat.
09:34Ayan.
09:34Ano mo pwedeng gawin dito, Professor?
09:36Pwede ba itong balikan para gawin,
09:38ulitin o itama
09:40yung mga proyektong pinunduhan ng taong bayan?
09:42Dahil syempre, the mere fact na babanggitin mo
09:44na substandard o may mali
09:46kung overdesign man yan
09:47o medyo magdudulot yun
09:49ang pagkabahala
09:51doon sa mga taong gumagamit
09:53ng mga strukturang yun
09:54ng mga proyektong sinasabi.
09:56Nakakabahala po talaga
09:57dahil bilang isang kawanin
10:00ng pamahalaan,
10:01tayo yung gumagamit
10:02ng mga building na yun.
10:03Yung mga paaralan,
10:05mga universidad,
10:06mga ospital,
10:07iba pang mga opisina,
10:08kalsad at tulay.
10:10Ang pwedeng gawin,
10:11halimbawa sa pamagitan ng ICI
10:13at iba pang sangay ng pamahalaan,
10:15ay magkonduct ng isang malawakang audit
10:18ng mga ongoing infrastructure projects
10:21ng DPWH.
10:22Gayun din yung mga kakatapos pa lamang.
10:24Meron bang mga structural integrity issues?
10:27Paano natin malalaman
10:28na hindi ito underdesigned
10:30o di kaya ay substandard?
10:33Kasi yan po yung mahalaga eh.
10:36Kailangan tiyakin yung kaligtasan
10:38at kapakanan ng mamayan
10:40kasi buhay yung nakasalalay
10:41sa mausapin na ito.
10:42Naku, syempre kapon,
10:43lalo na nga,
10:44iisip tayo na baka yung the big one.
10:47Syempre, biglang nung binanggit kahapon,
10:48nag-alala yung mga gumagamit.
10:50Halimbawa ng mga gusali
10:51na ginagamit na ngayon,
10:52di ba?
10:53Talagang magdudulot yun
10:55ang pag-aalala sa ating mga kapuso.
10:57Anyway, maraming salamat,
10:58Professor Karl-Mark Ramota
11:00ng Department of Social Sciences
11:02University of the Philippines, Manila.
11:05Mga kapuso,
11:06sama-sama po nating bantayan
11:08ang mainit na isyo ng bayan
11:10dahil dapat lahat tayo
11:11ay may pakialam
11:13sa kaban ng bayan.
11:14Maraming salamat, Prof.
11:15Good morning, Pop.
11:18Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe
11:20sa GMA Public Affairs YouTube channel?
11:22Bakit?
11:23Pagsubscribe ka na,
11:24dali na,
11:25para laging una ka
11:26sa mga latest kwento at balita.
11:28I-follow mo na rin
11:29ang official social media pages
11:31ng unang hirit.
11:32Salamat kapuso.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended