Skip to playerSkip to main content
  • 57 minutes ago
Sa Campus POV, ibinahagi ng mga kabataan sa Quezon City ang kanilang opinyon tungkol sa political dynasty at sa panukalang anti-political dynasty law. Pabor nga ba silang limitahan ang pagkakaroon ng magkakaanak sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno?

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Good morning ulit mga kapuso. Hi, Anjo.
00:02Good morning, Ms. Suzy.
00:03Oh, ang taktad ko today.
00:05Oras na para pakinggan ang boses ng mga kabataan
00:07sa iba't-ibang issues sa POV.
00:11Mga kapuso, alamin natin anong masasabi nila
00:13sa matagang natin pinag-uusapan na political dynasty.
00:17Nakong sarap marinig na ito.
00:18Totoo.
00:19Ju, sa ano bang ang campus POV dyan sa usaping ito?
00:22Good morning, Juza.
00:24And good morning, students.
00:31Good morning, mga kapuso.
00:33Nandito pa rin po tayo sa STI College of Nova Leaches
00:36para pakinggan ang iba't-ibang opinion ng ating mga estudyante
00:40patungkol sa mainit na usapin ng political dynasty.
00:44At ang kanilang pagdadebatihan ngayong araw
00:45ay kung pabor ba sila sa anti-political dynasty law.
00:50Pero bago nga natin umpisahan ang ating debate proper,
00:53paalala lamang po natin sa ating mga manunood
00:55na ang mga panics, tenses, opinion ng ating mga estudyante kalahok
00:59ay para lamang po sa debate purposes.
01:02Meaning, hindi po nito nirepresenta
01:04ang personal na paninindigan ng ating mga estudyante.
01:08Kaya naman, kung handa ng ating mga kapuso,
01:10handang-handa na rin ang STI College of Nova Leaches students dito.
01:14Kaya naman, ipakilala na natin
01:15ang ating mga makakasama
01:17para sa ating debate ngayong umaga.
01:20At para sa affirmative side
01:22o para naman po sa pabor sa anti-political dynasty law,
01:26nandito si Mr. Winston Weber Sia
01:28ng Accountancy Business Management,
01:30isang consistent with high honor student
01:33at pambato ng kanyang eskwelahan
01:35sa iba't-ibang kompetisyon.
01:37Narito naman po para sa opposition
01:39o para sa hindi naman pabor
01:41sa anti-political dynasty law,
01:43nandito si Princess Luz Nicole Reyes
01:45ng Bachelor of Science Interversive Management,
01:49consistent high honor student
01:52at isa rin siyang student leader.
01:54Katulad ni Weber,
01:55isa rin po siyang pambato ng kanyang eskwelahan
01:57sa iba't-ibang uri ng patimpala.
02:00Kaya naman, mukhang handang-handa na
02:02ang ating mga magde-debating estudyante ngayong umaga.
02:05At para naman po sa ating mga mechanics,
02:07mga kapuso,
02:08meron po tayong tatlong rounds ngayong umaga.
02:10At kada rounds,
02:12meron po silang 30 seconds
02:14para i-defend ang kanilang mga sagot
02:17o ang kanilang mga napiling sides.
02:19Kaya naman, mag-uumpisa po tayo
02:21sa kanilang opening statement.
02:22Mr. Weber,
02:23you have 30 seconds for your opening statement
02:26and your timer starts now.
02:29Isang magandang umaga po sa ating lahat.
02:31Bilang estudyante at bahagi ng lipunan,
02:34naninindigan ako pabor sa anti-political dynasty law.
02:38Naniniwala ako na walang bagong yugto
02:40kung ang mga dati pa rin ang nakaupo.
02:42Sa loob ng maraming taon,
02:44isa at isang apelyedo lang
02:46ang paulit-ulit nating naririnig
02:48o nakikita sa politika.
02:50Habang sila ang nananatili sa kapangyarihan,
02:52maraming Pilipino
02:53ang nawawalan ng pagkakataong makapaglingkod.
02:56Ang demokrasya ay para sa lahat,
02:58hindi para lang sa iilang pamilya.
03:00And the time is up.
03:02Thank you so much for that, Weber.
03:04What a great opening statement that was.
03:06Pero ngayon naman,
03:07pakinggan naman natin ang opposition.
03:09Princess, bakit hindi ka pabor sa anti-political dynasty law?
03:13Your timer starts now.
03:16Good day, everyone.
03:17Bilang isang estudyante na naniniwala sa boses ng kabataan
03:21at naninindigan sa panig ng opposition,
03:24naniniwala ako na ang tunay na diwa ng demokrasya
03:28ay nakasalalay sa ating malayang pagpili.
03:31The heart of the issue is very simple.
03:33Bakit natin magbabawalan ng isang taong may kakayahan
03:37at may pusong maglingkod sa kanyang komunidad
03:39dahil lamang sa kanyang apelido o pamilya?
03:43Ang soberania ay nasa kamay ng bawat mamamayang Pilipino
03:46at hindi sa batas na nagdidikta kung sino lang
03:48ang pwede nilagay sa balot.
03:50Time is up.
03:50Thank you very much for that, Princess.
03:52And that is just for our opening statement.
03:54Paunang pananalita pa lamang yan.
03:56Pero mainit-init na ang ating diskusyon.
03:58Kaya naman, Weber, ano ang masasabi mo sa statement ni Princess?
04:03Bakit ka nga ba pa pura sa anti-political dynasty law?
04:07You have 30 seconds to defend that
04:09and your timer starts now.
04:11Tama po kayo.
04:12Nasa tao ang desisyon kung sino ang iboboto.
04:15Pero malaya ba talaga ang desisyon
04:17kung hindi patas ang labanan?
04:20Sinasabi niyo, Voters Education, ang solution
04:22sangayon na ako na mahalaga yan.
04:24Pero paano kung bago pa magsimula ang eleksyon,
04:27kontrolado ng iisang pamilya,
04:29ang munisipyo, budget, kapitan ng barangay, at media.
04:33Ano ang silbi ng Voters Edge
04:34kung walang ibang tumatakbo
04:36dahil takot o walang pondo?
04:38Hindi naman namin sinasabi na lahat ng dynasty ay masama.
04:41Pero pag talo, tatlo, apat na henerasyon.
04:43Time is up.
04:45Thank you very much, Mr. Weber, for that.
04:47Ano naman kaya ang masasabi ni Princess
04:49sa statement na yon ni Sir Weber?
04:52Princess, you have 30 seconds
04:53and your timer begins now.
04:56Your argument feels like an insult
04:58to the wits of the Filipino voters.
05:00Sa pagsasabi na hindi patas ang laban,
05:03para na rin nating sinabi
05:04na ang mga mamamayang Pilipino
05:06ay madaling mabili
05:07o walang sariling paninindigan.
05:09At kung kontrolado man nila
05:11ang pondo o media,
05:13ang solusyon ay hindi pagban sa pamilya,
05:15kundi ang pagpapatibay
05:16ng ating anti-corruption laws
05:18at pagbibigay justisya
05:20sa mga nagmamalabi sa ating gobyerno.
05:22Let us not use the law
05:23to forbid the people
05:25who truly wants to lead us.
05:27Thank you very much for that, Ms. Princess.
05:30And that is actually just for the second round.
05:32Ngayon naman,
05:33para sa panghuling pananalita
05:35o closing statements
05:36ng ating mga nagde-debate,
05:38sisimulan muli natin kay Weber.
05:40Weber, you have 30 seconds
05:41for your closing statement
05:43and your timer starts now.
05:46Sa huli,
05:46simple lang ang pinaglalabanan natin,
05:49patas na demokrasya.
05:51Hindi ko kinikwestiyon
05:52ang galing ng ilang pamilya.
05:54Ang kinikwestiyon namin
05:55ay yung sistema
05:56ang nagbibigay
05:57dahilan
05:58na habang buhay
05:59na sa kanila
06:00ang kapangyarihan.
06:02Sinasabi ng kabila,
06:03kumbinsi nyo
06:04ang taong bayan.
06:05Pero paano
06:06kumakukumbinsi
06:07kung wala ka
06:07ng narinig
06:08kundi isang apelyedo?
06:10Paano ka tatakbo
06:11kung ang bago pa magsimula
06:13talo ka na sa puwersa,
06:14pondo
06:14at sa connection?
06:16Maraming salamat
06:17for that, Mr. Weber.
06:18Paano naman kaya isasaran?
06:20Yung Miss Princess
06:21ang usapin
06:22pagdating sa kanyang
06:23hindi pagpabor
06:24sa anti-political dynasty law.
06:26Kaya naman, Miss Princess,
06:27you have 30 seconds
06:28to have your closing statement
06:31and your timer
06:31starts now.
06:33The anti-political dynasty law
06:35is not a guaranteed solution
06:37to the problems
06:37that we have
06:38in our country.
06:39Hindi naman
06:40parkit pinagbawal natin
06:41ang isang pamilya
06:43na maluklok
06:43ay automatic na
06:44na magiging
06:45matino o magaling
06:46ang ipapalit sa kanila.
06:48Let us trust
06:49on the ability
06:50of the Filipino people
06:51to choose what is right.
06:52Let democracy work.
06:54Let the people decide.
06:55Because the voices
06:56of the Filipino people
06:58is the supreme law
06:59in this country.
07:00Maraming salamat
07:02for that.
07:02At diyan na nga
07:03ho nagtatapos
07:03ang ating usapin
07:04pagdating sa kanilang
07:05pagpabor
07:06at hindi pagpabor
07:07sa anti-political dynasty law.
07:10Pero mga kapuso,
07:11ang anti-political dynasty law
07:13ay hindi laban
07:14sa iisang pamilya.
07:15Ito ay laban
07:16sa pagiging mana
07:17ng kapangyarihan
07:18at paggawa
07:19ng negosyo
07:20sa servisyo publiko.
07:21At lagi nating tatandaan
07:23kung isang dekada
07:24o mahigit dekada
07:25na sila
07:25sa kanilang posisyon
07:26at ang tanging pagbabago
07:28na nakita natin
07:28ay ang kanilang negosyo
07:30o ang kanilang
07:30impluensya
07:31ng iisang pamilya,
07:32hindi ba marapat lamang
07:34na bigyan naman natin
07:34ng pagkakataon
07:35ng iba
07:36na mamunong
07:36sa ating bansa.
07:37Tandaan na
07:38ang gobyerno natin
07:39ay para sa mga Pilipino
07:40at hindi para sa
07:42iisang pamilya
07:43na iisa ang apelido.
07:45At ang ating Pilipinas
07:46ay magkakaisa lamang
07:48kung magkakaisa tayo
07:49bilang bansa
07:49at hindi pagkakaisahan
07:51ng isang pamilya.
07:52Muli,
07:53this is POV
07:54by Unang Hirit.
07:54Kaya naman,
07:55balik tayo dyan
07:56sa studio.
07:57At syempre,
07:57enjoy natin
07:58ang ating programa
07:59ngayong umaga.
07:59Dito lang yan
08:00sa inyong paboritong
08:01morning show
08:02kung saan
08:02laging una ka.
08:04Unang Hirit!
08:07Ikaw,
08:08hindi ka pa nakasubscribe
08:09sa GMA Public Affairs
08:10YouTube channel?
08:11Bakit?
08:12Pagsubscribe ka na,
08:13dali na,
08:14para laging una ka
08:15sa mga latest
08:16kwento at balita.
08:17I-follow mo na rin
08:18ang official social media pages
08:20ng Unang Hirit.
08:21Salamat ka puso!
Comments

Recommended