00:01Anong mabibili ng 50 pesos ngayon?
00:06Meron ba?
00:07Samantalang yan lang daw po ang nakuhang abuloy o burial assistance
00:13ng nagluluksang ina sa bukid nun na lumapit sa isang ahensya ng gobyerno.
00:20Sa hirap ng buhay ngayon,
00:24hindi lang mahal mabuhay,
00:27mahal ding mamatay.
00:30Kaya para may pampaayos sa libingan ng pumanaw niyang anak,
00:34ang ginang na ito lumapit sa kanilang LGU o lokal na pamahalaan.
00:40Pero matapos pumila ng ilang oras,
00:43ang kanya lang daw natanggap na tulong,
00:4650 pesos?
00:48Agoy grabe naman sad ng 50 pesos, oy.
00:51Mahirap talaga pag mahirap lang.
00:53Nanlate po ako sa sarili ko.
00:55Paano ko ipapasimento yung libingan ng anak mo?
01:0050 pesos na burial assistance!
01:03Bakit ganon?
01:10Sa liblib na sityong ito ng San Fernando Bukidnon sa Mindanao,
01:15nakatira ang babae sa litrato.
01:17Si Robby, halos dalawang buwan na raw mula nung pumanaw ang kanyang anak na si Kenneth.
01:23Anak niya sa una niyang mister, PWD o Person with Disability si Kenneth, 14 anyos.
01:31Yung kalating katawan niya na maliit, parang na-paralyze.
01:35Nakakapagsalita pero ilang words lang po.
01:37Nitong September, nagsimulang mag-ibaraw ang kilos ni Kenneth.
01:42Napansin ko na na hindi na siya kumakain.
01:44Unti-unti siyang nagsusuka ng dugo.
01:46Hindi siya makabangon.
01:49Hanggang isinugod na nila sa ospital ang kanyang anak.
01:53Parang nag-ihingalo na naman yung bata.
01:55Kung patayag daw ako, nalagyan ng hose.
01:58Sabi ko, ma'am, huwag na lang po.
02:00Masasaktan lang siya.
02:02Hindi na niya kakayanin.
02:05Alam ko, doon din naman siya papunta.
02:08September 30, si Kenneth, dahil sa acute respiratory failure at severe malnutrition,
02:16tuluyan ang binawian ng buhay.
02:19Sobrang sakit.
02:21Iniisip ko, ayoko nang mawala yung bata.
02:24Kahit patay na siya, gusto ko nandyan pa rin.
02:27Pero si Robby, wala raw oras na magluksa.
02:31Kinailangan niya kasing asikasuhin ang lamay at libing ng kanyang anak.
02:36Ang singil sa kanila ng punerarya, 17,000 pesos.
02:41Kabaong pa lang ito at pag-embalsamo.
02:44Iba pa ang gasto sa barong na isusuot ni Kenneth.
02:48Sa litrato na ilalagay sa kabaong, bulaklak pati na lapida.
02:53Yung damit po, kulay blue po na t-shirt, tapos short lang na pangbahay, wala pong bulaklak.
03:00Kailangan mong magbayad ng 5,000 para magkaroon ng ganyan.
03:03Isa naman po ako kukuha, sabi ko.
03:05Yun na lang pong 17, ma'am, sabi ko.
03:09Kay, lalakarin ko na lang po.
03:10Isipan kong magbigay na lang ng kapit at yung sukal.
03:14Kasi naawa ko. Nakikita ko kasi na nahihirapan sila.
03:18Kung kayang tumulong, tutulong talaga, kahit konti lang.
03:21Paano kung wala ng tutulong, hindi ko na alam.
03:24Kaya pinalibin ko na lang siya noong pang-apat na araw.
03:27Para mabayaran ang kanyang 17,000 pesos na utang sa punerarya,
03:32lumapit si Robby sa DSWD o sa Department of Social Welfare and Development.
03:37Yung naibigay po natin is through guarantee letter amounting to 7,000 pesos.
03:42Ang basis po ng pagbibigay po natin ng amount is dun po sa assessment ng social worker.
03:49According po dun sa service provider, yung remaining 10,000 po is sinagot po ng LGU Valencia.
03:55Pero tila minumulturaw si Robby ng kanyang konsensya.
04:00Ang libingan kasi ng kanyang anak ni hindi niya napagawan ng nitso.
04:05Siya lang po yung walang nitso. Halos iba po, mayroon.
04:08Hindi po siya makikilala kasi walang palatandaan.
04:12Ito po kasi jacket po, inano ko talaga dito.
04:15Kasi dito banda yung ulo, yung ulo niya.
04:18Para hindi po gaano-ano, maulanan yung banda sa may ulohan.
04:23Masakit sakin kasi nasa lupa lang siya na nalibing.
04:27Wala akong pambiling lapida.
04:30Sobrang sakit eh.
04:31Eh, hindi ko na alam.
04:34Alos umiiyak ako mag-isa.
04:37Hanggang may nakapagsabi sa kanya na ang Local Government Unit o LGU ng bayan ng San Fernando
04:44nagbibigay raw ng 2,000 pesos na burial assistance para sa pamilya ng mga namatay na PWD.
04:53Kasama ang kanyang kapatid na si Reynald, bumiyahe ng isang oras si Robby, pamuntang munisipyo ng San Fernando.
05:01Inutang ko yung pinampanggas namin ng motor na dalawang litro.
05:07Una silang nagtungo sa Persons with Disability Affairs Office.
05:12Sabi nila, walang pundo. Balik ka na lang.
05:14Bumalik po kami noong November 12.
05:18Ay ma'am, wala pa namang budget. Ma'am, papano yan?
05:22Nanlumo ako. Pumunta daw kami sa opisina ni Mayor.
05:25May staff na kumuha ng papel namin. Sabi niya, pumila ka sa labas.
05:30So, pumila kami. Nagantay kami 2 oras. Noong time na yun, wala kami kahit piso.
05:36Pero laking gulat ni Robby nang ang inabot lang daw sa kanya, 50 pesos.
05:44Manoy, ito lang yung nakadikit sa papel na dala natin.
05:48Sabi ko, bakit yung iba?
05:50Dalawang daan, tatlong daan, apat na daan yung binigay.
05:54Tapos, bakit yung sa akin, 50 lang?
05:56Nanlato ako sa sarili ko. Tapos, paano ko ipapasimento yung libingan ng anak ko?
06:01Hindi kasi yung 50 na pangkasulina.
06:05Sa mahal nang bilhin, bilhin lang yung candy, ganun.
06:09Sana hindi nalang binigay. Parang kung gaano kalaki yung halagang binigay.
06:12Parang ganun din kalait yung pagkatao.
06:14Huwag na pa ko'y kwartaunta eh. Ako na, hindi na, ma-add to see, rebedded to.
06:18Para mabigyang linaw ang mga isyo kaugnay sa 50 pesos na ibinigay kay Robby,
06:25nakipag-ugnayan ang aming programa sa pamunuan ng LGU ng San Fernando.
06:30Nagpaunlak sila ng panayang.
06:35Hindi galing sa fund ng LGU ang 50 pesos.
06:40Ang nangyari, pumunta sila sa legislative building kung saan may session na nangyayari.
06:47Parang doon nanggaling yung 50 pesos.
06:49Parang solicitation ang naibigay sa kanila.
06:53Hindi fund from the LGU.
06:54Kasi yung binibigay ng LGU, nagkakahalaga ito ng at least 1,000 pesos or more.
07:02Depende sa pangangailangan.
07:04Kung nagbibigay naman pala sila ng financial assistance,
07:08bakit walang natanggap noon si na Robby?
07:11Sa taong ito, ang nakuha namin na budget ay 2 million plus po.
07:17Kasama na lang po yan, yung burial assistance.
07:21Pero September pa lang daw, naubos na nilang ipamahagi ang budget.
07:26Minsan, kalahating taon, ubos na.
07:28Lalo na namin dito, maraming kaming mga indigene dito.
07:32Pag sa akin lumalapit, magbigay man ako talaga.
07:35Kung mayroon pang budget, kung wala ng budget, sa akin ang personal, bigay ko na.
07:41Hindi po basta-bastang makakuha tayo ng pira sa ibang programa.
07:46Kasi nga, nakakode yan sa budget namin.
07:49So, ang ginagawa namin, nagre-request po kami ng budget augmentation.
07:54Binigyang diin din nila, hindi cash ang prioridad nilang iniaabot.
07:58Para sa burial assistance, mas inuuna raw nilang ibigay ang kabaong
08:03at ibang basic funeral services gaya ng pag-iembalsamo.
08:08Meron kaming memorandum of agreement sa isang private na institusyon
08:12para ma-assist yung mga kababayan natin na namatay.
08:16Kung may makakuha kaming learnings, ito yung mas magandang komunikasyon sa bawat isa.
08:23Sa panahon ngayon, lumaalabas na hindi bababa sa 30,000 pesos
08:28at maaring umabot pa ng hanggang 150,000 pesos o higit pa
08:34ang kakailanganin para mabigyan ng disenteng lamay at libing ang isang yumao.
08:40Kaya marami sa mga kababayan nating kapos lumalapit sa gobyerno.
08:46Dito sa DSWD Satellite Office sa Antipolo sa Rizal, maaga pa lang,
08:51mahaba na ang pila ng mga umaasang makakatanggap ng burial assistance.
08:57Isa sa mga matyagang pumila si Vanessa.
09:00Umasa siyang makakuha ng ayuda para sa yumao niyang kaibigan na si Imelda
09:04na wala ni isang kamag-anak sa Maynila.
09:07Kung nagpadya, wala naman po nag-i-claim at ang mag-anak po niya.
09:12Kami po yung nag-aasak sa sigasok ko.
09:14Nakatanggap na raw si Vanessa ng pera mula sa kanilang gobernador
09:18at may nalikom na rin silang 2,000 pesos galing sa abuloy.
09:23Wala pa rin po talaga kasi ibasapat ko.
09:26Nasa 7,000 pa lang po yung hawak ng pera.
09:30Kaya naglakas loob na raw siyang pumila sa DSWD.
09:34Sabi sa akin, tatawagan na lang na ba-pay out.
09:38Pagka-uwi ni Vanessa, burol naman ang namatay niyang kaibigan
09:42ang kailangan niyang tutukan.
09:44Ang maximum po kasi ng burial assistance is 50,000
09:48and then yung minimum po is 5,000.
09:51Then for the cash po, maximum po natin is 10,000
09:55and yung minimum po is 2,000.
09:56Isa po sa binabasihan po namin is yung source of income ng family.
10:01Nito lang na karaang taon na isa batas na ang Republic Act No. 12309
10:07o ang Free Funeral Service Act.
10:10Naglalayong matanggal ang gastusin ng mga pamilyang walang kakayang magbayad
10:15ng pampalibing sa kanilang namatay na mahal sa buhay.
10:19The DSWD is now finalizing the operational guidelines
10:24para ma-implement itong Free Funeral Services Act.
10:29Kasama na dyan yung casket, kasama na dyan yung lamay, hanggang dun sa libing.
10:35Kung hindi lang sana ako mahirap, hindi ako magpakapal ng muka na mangingi sa ibang tao.
10:41Kung kaya kong ipasimento yung libingan ng anak ko, ginawa ko na lang po sana.
10:47Samantala, sinagot na rin namin ang pagpapagawa ng lapida.
10:56Tapit po para sa anak nyo, yan yung gusto mo mong makuha.
11:01Opo.
11:07Thank you, Paul.
11:10Nag-abot ang aming team ng tulong pinansyal sa pamilya ni Robbie
11:14para maipasimento na ang libingan ni Kenneth.
11:18Thank you, Ma'am.
11:20Thank you, Simon.
11:23At least malalaman ng mga tao na.
11:27May libingan yung...
11:29Kasi naapak-apakan kasi yun eh.
11:31Hindi malalaman na may nakalibing kasi bulaklak lang.
11:34Ang tanim doon.
11:36At ngayon, alam na nila.
11:39Salamat.
11:45Napakahirap na ngang mabuhay.
11:48Kalbaryo pa rin palang mamatay.
11:51Dahil sa halip na makapagluksa,
11:53marami sa ating mga kababayan
11:55na pipilitang magmakaawa
11:58para lang maipalibing ng disente
12:00ang kanilang mahal sa buhay.
12:04Sa gobyernong dapat umalalay sa kanila.
12:07Hindi dapat isa pang pasanin
12:10ang paghingi ng tulong.
12:11Dahil ang mga namatayan,
12:14dapat binibigyan ng pagkakataong magluksa
12:17at hindi ng panibagong dahilan
12:20para lalo pang mabaon
12:23sa hirap.
12:32Thank you for watching, mga kapuso!
12:35Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
12:37subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
12:41And don't forget to hit the bell button
12:44for our latest updates.
12:46Thank you for watching, mga kapuso!