Skip to playerSkip to main content
  • 3 hours ago
Atat na atat na ang buong bayan na may managot sa issue ng korapsyon! Pero paano nga ba ang proseso sa mga ganitong mabibigat na kaso? Sasagutin 'yan ng ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion! Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, tanong ng taong bayan ngayon, anong pecha na?
00:05Wala pa rin nakukulong sa isyo ng korupsyon sa mga flood control projects.
00:10Pero sabi ng Pangulo, maraming sangkot na sa kulungan na nga, magpapasko.
00:16Ang Ombudsman nagsampan na nga ng kaso laban kinadating ako, Bicol Partilist,
00:21Representative Zaldico at ilang official ng DPWH.
00:25Pag-usapan natin ano ba ang proseso sa ganitong mga kaso.
00:30Ask me, ask Attorney Gabby.
00:40Attorney Atatnang, sambayanan na may managot sa isyo ng korupsyon.
00:45Pero sa ganitong mga mabibigat na kaso, paano ba ang proseso?
00:49Pwede nga ba itong mapabilis?
00:52Proseso, actually, ang mga kaso ng graft and corruption at plunder,
00:56lalo na kung ang involved na public official ay medyo mataas ang rank,
01:00mga salary grade 27 pataas, kasama na dyan ng presidente,
01:04hindi ito sa usual na dadaan sa fiskal at mga regular na korte.
01:09Ang nag-iimbestiga at nagsasagawa ng preliminary investigation ay ang Ombudsman.
01:14Kung sa palagay niya ay may sapat na probable cause,
01:17magpa-file siya ng complaint at kaso sa Sandigan Bayan,
01:21which is a special graft court.
01:23Pwede ba itong mapabilis?
01:25Sabi nga nila, if there's a will, there's a way.
01:28Pero syempre, matagal din ang proseso ng pagkalap ng pag-imbestiga
01:32at pagkalap ng ebidensya.
01:35Madalas, umaakit pa nga hanggang Korte Suprema
01:38kung merong mga espesyal na katanungan na meron sa isang kaso.
01:42At kung bago magpasko, may makukulong na wish lang natin.
01:48Halimbawa, ang dating kaso ni dating presidente Erap Estrada for plunder,
01:53inabot ng six and a half years.
01:55Yung kay Sen. Jingoy, na-file ang kaso noong 2014,
02:00nag-desisyon ng Sandigan Bayan noong January 2024,
02:04nine years and seven months ang lumipas.
02:07Bong Revilla, graft at plunder din.
02:09Plunder case, acquitted after four years and six months.
02:13Sixteen counts of graft, dismissed after seven years.
02:18Ito nga si Alice Guwo.
02:19May graft charges laban sa kanya.
02:21Yung June 24 pa na-file ang kaso for graft,
02:24pero wala pa rin masyadong nangyayari.
02:27Although, alam na natin na nahatulan siyang guilty sa kaso ng trafficking.
02:32So actually, base sa mga kaso naging matatawag natin na sensational,
02:37taon ang binibilang.
02:39Pwede kaya mapabilis ito?
02:41Depende siguro sa ebidensyang nakalap at ang pag-prosecute nito ng ombudsman.
02:46Depende na rin sa political will ng ating mga justice sa Sandigan Bayan.
02:52At kung nakalis na ang bansa, ang akusado,
02:54well, sana ay maaari pa siyang mapabalik para panagutin sa mga kaso laban sa kanya
03:00sa proseso na tinatawag nating extradition.
03:04Medyo mabigat din ang proseso at hindi basta-basta nage-extradite ng mga tao.
03:09In the first place, dapat tayo may treaty o kasunduan ang Pilipinas
03:12sa bansa na kinikilala ang proseso na ito.
03:16But for sure, nakapag-research na mga magnanakaw na yan
03:19para magtagog sa bansa na wala tayong extradition treaty.
03:23Meron na kayang makukulong ngayong Pasko?
03:27Well, hindi ko itataya ang Christmas bonus ko dyan, kung meron man.
03:32Pero sana naman may masampulan na.
03:34Kaya siguro ang lalakas ng loob at napakatalamak na
03:37ng graft at corruption ay dahil walang nahuhuli at walang nakukulong.
03:42Napapardon pa nga.
03:44Pero kung meron mang mahatulang ngayong Pasko,
03:46yan na siguro ang pinakamagandang pamasko para sa ating mga Pilipino.
03:52Ang mga usaping baktas, bibigyan po nating linaw
03:55para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:58Huwag magdalawang isip.
04:00Ask me, ask Atty. Gabby.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended