Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Huli sa dashcam ang insidente kung saan sinadyang banggain ng isang rider ang siklista matapos umano silang magkatitigan at magkaalitan sa kalsada sa Cainta, Rizal. Ano ang maaaring kaharapin na kaso? Alamin sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Nako, good vibes lang sana ang wish natin ngayong araw.
00:04Pero paano naman kung ganito ang makikita ninyo?
00:08Sa kainta Rizal, huli kam ang pagtumbok na isang rider sa isang siklista.
00:14Kita sa video na tinumbok ng rider ang siklista na nawala ng control,
00:20sumemplang at nabanggapan ang paparating na tricycle mula sa kabilang lane.
00:25Ayon sa siklista, ikinagalit ng rider ang pagkuhan niya ng cellphone.
00:30Kukunan niya raw kasi sana ng larawan ng rider dahil nakita raw niyang masama ang tingin nito sa kanya.
00:36Pag-usapan natin ang insidente niyan, ask me, ask Attorney Gabby.
00:49Attorney, ano po ang maaaring ikaso sa driver itong huli sa video na sinadya at nakadamay pa ng ibang sasakyan?
00:58Well, madalas nating pinag-uusapan lalo na sa mga kaso ng banggaan, sagasaan, bundulan,
01:04na usually ito ay mga kaso ng pagpapabaya, overspeeding, violation ng traffic rules and regulations, mga hindi tumitingin.
01:12Kaya't kalauna ay nauuwi sa di sinasadya at di inaasahang pananakit sa kapwa at madalas meron ngang damage to property.
01:21Pero paano na nga ba kung sinasadya naman pala?
01:25Of course, kung minsan, hindi naman sinasadya na patayin o masakta ng sobra.
01:30Kung baga ay pinipitik lamang sana para maturuan ng leksyon.
01:34Well, yan ang ating pag-uusapan.
01:36Unang-una, kapag sinasadya na makasakit ng kapwa, ang masamang intensyon na yan ay magre-resulta sa kasong kriminal.
01:44In criminal law, dalawa actually ang posibleng cost ng pananagutan.
01:48Yung sinasadya at ang tinatawag natin dyan ay may kasamang dolo, at yung hindi sinasadya at dala ng pagpapabaya na
01:56ang tinatawag natin ay kulpa.
01:58Parehong kailangan panagutan, pero ang penalty sa isang krimen na sinasadya ay buo.
02:03Hindi tulad ng kung ito ay resulta ng pagpapabaya lamang na mas mababa ang penalty.
02:08So, kung sadya mong sinakta ng isang tao, ang kaso malamang ay physical injuries, maaaring serious, less serious, or light
02:17physical injuries, depende sa level o degree ng injury na isang tao.
02:21Of course, kung nakapatay kayo, ito ay maaaring homicide naman or murder.
02:26Paano naman kung sasabihin, hindi ko naman gusto na masaktan siya, gusto lamang nabanggain ang bisikleta,
02:32or hindi ko naman planang patayin siya, susuntukin ko lang sana siya para maturuan ng leksyon, e napalakas ang suntok
02:40na matay.
02:41Naku, e hindi po yan excuse sa ilalim ng ating revised penal code,
02:45dahil basic po ang principle na kung isang tao ay gumagawa ng isang iligal na bagay.
02:51Halimbawa, pananakit ng kapwa, pagbangga ng bisikleta,
02:55kailangan panagutan ang lahat ng direct consequence ng illegal act niya,
03:00kahit ito ay iba sa original nabalakin.
03:03So sa mga kasong to, tinitingnan kung ano ba ang tunay nabalak.
03:07Dahil kung original intention ay mukhang gusto niyang patayin ang isang tao pero hindi nangyari,
03:13ang kaso ay maaaring attempted or frustrated homicide or murder.
03:17Ngayon naman kung original intention ay babanggain lamang ang bisikleta,
03:22pero namatay o nasaktan ang biktima,
03:25of course, ang kaso ay hindi naukol sa damage to property,
03:28pero ito ay kaso na nga ng homicide, murder or physical injuries.
03:33Tulad ng palagi nating sinasabi, wala talagang magandang pangyayari sa mga init ng ulo na katulad niyan.
03:39Lalo na ngayon, summer, mainit ang panahon.
03:43Mainit din ang ulo natin dahil ang taas nga ng presyo ng ating gas.
03:47So everyone, keep cool.
03:49In any case, mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
03:52Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip,
03:57ask me, ask Atty. Gabby.
04:01Wait! Wait, wait, wait!
04:04Wait lang! Huwag mo muna i-close.
04:07Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
04:11para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
04:14I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
04:18Thank you! O sige na!
04:19Thank you!
Comments

Recommended