00:00Ngayong nasa krisis tayo at sobrang mahal lang ng langis,
00:05kanya-kanyang diskarte ang ating mga kababayan.
00:08Pero ingat lang po ah, sa barangay Sacred Heart, Quezon City,
00:12na visto ng mga otoridad ang malaking imbakan ng langis
00:16na nasa mahigit 10,000 litro sa loob ng bakura ng isang bahay na walang permit.
00:23Sabi ng mga otoridad, idineklarang para sa personal consumption
00:27ang diesel na ito, personal consumption daw.
00:31Natatakot ang ilang residente at kapitan ng barangay sa banta ng sunog
00:36dahil sa pag-iimbak ng langis doon.
00:39Inaalam naman ng barangay, ng Department of Energy at QCPD
00:43kung sino ang may-ari ng compound at ng tanke na posible daw maharap sa reklamo.
00:51Yan ang ating pag-uusapan. Ask me, ask Attorney Gabby.
01:01Attorney, ano ba ang sinasabi ng batas sa pag-iimbak ng mga petroleum product
01:05o kahit LPG sa bahay?
01:08Gaano karami yung masasabing hoarding at anong parusa sa batas?
01:12Well, unang-una, whether or not panahon ng krisis at posibleng kakulangan ng supply,
01:17yung pag-iimbak pa lamang ng LPG at lalo na ang pag-iimbak ng gas o diesel,
01:23imagine 10,000 liters sa sariling tanke sa bahay,
01:27napakalaking problema na para sa mga kapitbahay at sa komunidad
01:31dahil napakalaking fire hazard at tiyak na threat sa kanila at sa kanilang mga ari-arian.
01:38Yung mga gasoline station na nga na-equipped with safety gadgets at trained personnel,
01:44kung minsan nagkakaroon pa rin ng aksidente, merong pagsabog,
01:47parang nakakatakot isipin kung ang kapitbahay mo ay may naka-imbak na ganitong highly volatile na mga substance.
01:55Kaya't sa ilalim ng ating fire code, bawal ang pag-iimbak ng flammable at combustible liquids sa mga bahay.
02:02Maaari lamang kung ito ay kaunting amount for personal use na ginagamit katulad sa mga lawnmower
02:07o sa generator na maliit.
02:09Pero bawal ang mas malaking amount dahil nga ito ay fire hazard.
02:13Maaari talagang ipatanggal ito ng Bureau of Fire Protection or ng Local Government or ng Department of Energy.
02:19Pangalawang issue pa ang hoarding sa panahon ng krisis.
02:23Kaya't may mahigpit na direktiba sa Executive Department ang strict implementation ng mga batas
02:28o kung sa anumang gawain na nagdudulot ng kakulangan o pananamantala sa supply ng petrolyo
02:34tulad ng gasolina, diesel at kerosene.
02:37Bukod sa hoarding o pagtago ng supply, bawal din ang hindi-autorizarong pagtaas ng presyo
02:42yung tinatawag na bote-bote na bentahan at ang paglalagay ng petrolyo sa mga drum,
02:48mga gallon, container o iba pang lalagyan para sa pag-iimbak o muling pagbebenta.
02:54Ito ay pinagbabawal at pinarurusahan sa ilalim na batas pambansa bilang number 33
02:59as amended by PD 1865 kung saan ang mga lalabag ay maaaring patawan ng mga parusa
03:05at ng kulong at fine at posibleng kanselasyon ng permit.
03:09May posibleng confiscation din ng mga natura mga produkto.
03:13Dito ngayon nga, sa panahon ng krisis, naintindihan natin ang magkaroon ng alinlangan.
03:19Kaya't may mga feeling tayo kumbaga of panic buying at meron tayong mga urge na mag-hoard.
03:24Ngunit ito ay magdudulot lamang ng mas mabilis na pagkawala ng supply sa ating markado.
03:30As a good citizen, bumili at gumamit lamang tayo ng sapat sa ating mga pangangailangan
03:36para naman magkaroon ng supply ang iba nating kababayan.
03:41Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw para sa kapayapan ng pag-iisip.
03:46Huwag magdalawang isip.
03:48Ask me, ask Atty. Gabby.
04:06Amat kapusa.
04:08Amat kapusa.
Comments