Skip to playerSkip to main content
  • 6 weeks ago
Patuloy ang pagbabantay sa isyu ng korapsyon sa flood control projects! Sinugod ng mga militante at biktima ng baha ang compound ng pamilya Discaya sa Pasig City. Pinalo ang gate, binato ng putik, at pininturahan ng masasakit na salita. Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin kay Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa pagpapatuloy ng pagbabantay natin sa mainit na issue ng bayan ng mga flood control project,
00:07maaksyon ng mga naging pangyayari kahapon.
00:11Ilang minutong kilalampag ng mga militante at ilang biktima ng mga pagbaha
00:15ang compound ng Pamilya Diskaya sa Pasig City.
00:19Pagkatapos, nagpaulan naman sila ng putik.
00:41Gamit ang pintura, tinagtad din nila ng masasakit na salitaang gate at pader ng mga diskaya
00:47kaya na inaakusa nilang nagbulsan ang bahagi ng malalaking pondo para sa mga flood control project.
00:54Kusang nag-disperse sa mga raliyista matapos pagsabihan ng pulisya.
01:00Yan ang ating pag-uusapan.
01:03Ask me, ask Atty. Gabby.
01:13Atty. Ano po ba ang sinasabi ng batas sa ganitong pangyayari?
01:17Well, yung pag-conduct na isang rally to a certain extent talaga ay pinoprotektahan natin yan.
01:22Dahil ito ay kasama sa karapatan ng mga mamamayan na magpahayag ng sa loobin.
01:28Ito ay isang exercise ng ating freedom of expression at karapatan or freedom to assemble peaceably.
01:35Pero kailangan natin tandaan na ang protektado ng Constitution ay ang peaceful at peaceable na assembly.
01:41Hindi protektado ng Constitution ang riot o ang tinatawag nating lynch mob
01:47dahil kailangan din naman natin protektahan ang karapatan ng ibang mamamayan
01:51na baka masaktan o maapektuhan sa kilos ng iba.
01:55Actually, meron tayong batas na kaugnay sa pagsasagawa ng mga rally
01:58at ito nga ang Public Assembly Act of 1985
02:01or ang Batas Pambansa 880
02:03na technically required daw ang isang permit galing kay mayor
02:07para mag-hold ng isang rally.
02:09Nakagalayay din dito na duty at responsibility ng mga leader ng rally
02:13na siguraduhin na peaceful ang mga rally nila.
02:17In fairness, nakasaad na ang mga polis ay dapat mag-exercise ng maximum tolerance
02:23hindi dapat mag-disperse na isang rally unless magkaroon daw ng gulo o violence.
02:28Kapag nauwi na sa paninira o ng ari-arian o na magkaroon ng karahasan
02:33lumalabag na ang rally na ito sa batas.
02:36Yung mga akto naman ng damage to property
02:38malamang ay talagang mapapasaloob to ng Article 327
02:42ng revised penal code para sa krimen na tinatawag nating malicious mischief.
02:48Kapag sinabing malicious mischief,
02:50ito ang willful at intentional na pagsira ng property ng ibang tao
02:54out of ill will, revenge, or yung wala lang.
02:59Yung gusto naman mo lang talagang sirayin ang gamit ng ibang tao
03:02ng walang lahitimong dahilan.
03:05Yung pagsulat o pag-spray paint ng mga wall at gate
03:08or other acts of vandalism,
03:10sakop ito ng krimen ng malicious mischief
03:12at posibleng may ordinansa din ang mga LGU
03:16para sa ganitong mga gawain
03:18at yung pag-a-allege na sila ay magnanakaw,
03:21well, parang defamatory din yan, parang libel, di po ba?
03:26So anyway, nananawagan ng abugado ng mga diskaya
03:29na magpadala ng mga kapulisan sa compound.
03:32Ano naman ang sinasabi, attorney, dito ng ating mga batas?
03:35Well, pwede naman talaga kahit dahil role talaga ng polis
03:39na magpanatili ng peace and order
03:41at protektahan ng buhay at ari-arian ng bawat mamayan.
03:43Kapag may kaguluhan o banta nito,
03:47obligasyon ng polis na rumispande
03:49kapag tumawag o humingi ng tulong ang isang residente.
03:53Kung hindi sila a-action,
03:54baka sila pa ang masita
03:56for neglect of duty or dereliction of duty.
04:00At tulad nga nang sinabi natin kanina
04:01sa mga kilos protesta at mga rally,
04:04meron talagang role ang polis
04:05na siguraduhin na nandun sila
04:07in case na magkaroon ng gulo o peligro.
04:09At importante talaga na mag-exercise ang polis
04:12ng maximum tolerance.
04:15Talagang mahirap balansihin
04:17ang karapatan ng mga mamayan
04:18ng peaceful assembly
04:19at mag-express ng sala o bin
04:22at ang karapatan ng ibang mamayan
04:24to a peaceful environment.
04:26Pero dapat ay ilubos ang mga pasensya
04:28para kilalanin natin
04:29na ang freedom of expression natin
04:32ay hindi makikitil.
04:34Actually, marami na ang humingi na ibasura na
04:36ang Batas Pambansa 880
04:37dahil nga rin na-require nito
04:39ang pagkuhan ng permit
04:40para mag-rally ang mga tao
04:41unless ito ay sa Freedom Park
04:43o sa mga pribadong lugar.
04:45Pero so far,
04:46sa mga kaso na umabot sa Korte Suprema,
04:48hindi pa rin napapawalang visa ito.
04:51Pero sa ganang atin,
04:52hindi dapat gamitin ang batas na ito
04:54para pigilan ang mga tao
04:55na magpahayag ng kanilang saluobin
04:58tungkol sa mga katiwalian na nangyayari.
05:01Tolerance and respect are always key.
05:04Ang mga usaping batas,
05:06bibigyan po natin Lina
05:07para sa kapayapaan ng pag-iisip.
05:11Huwag magdalawang isip.
05:13Ask me, ask Atty. Gany.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended