Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Isang Grade 9 student sa Mandaue, Cebu ang nasawi matapos mahagip ng truck habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver. Ano ba ang sinasabi ng batas sa ganitong kaso? Alamin ‘yan sa ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Basintabi po sa mga nanonood, maselan po ang videong mapapanood natin.
00:07Sa PULSA Dashcam video, ang isang binatilyong naglalakad sa gilid ng kalsada sa Mandawi, Cebu.
00:14Kita ang paparating ng mga truck na kasalubong ng binatilyo.
00:18Iniwasan niya ang ilang truck na lumiliko sa kalsada.
00:22Ilang sandali na lang, tumakbo ang binatilyo at humabol
00:26sa pagsingit sa gilid ng umaandar na truck.
00:30Nang makapasok sa gilid, napahinto ang truck.
00:34Nahagip na pala nito ang binatilyo.
00:37Patay ang binatilyo na ayon sa barangay ay isang grade 9 student.
00:43Nasta kustodiyan na ng traffic police ang driver ng truck.
00:47Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa insidente na ito?
00:52Ask me, ask Attorney Gabby.
00:56Attorney, paliwanag ng truck driver, hindi raw niya nakita ang binatilyo.
01:07Ano po ang sinasabi ng batas tungkol sa ganitong mga pangyayari?
01:12Well, nakapanlulo mo po talaga naman talaga ang pangyayaring ito.
01:16Makikita sa video na naglalakad ang binatilyo at sumigit sa gilid ng truck na maaaring blind spot sa driver
01:23at hindi talagang napansin ang binata.
01:27Ngunit kung ating pag-uusapan ang batas, kahit sabihin ng driver na hindi niya nakita ang biktima,
01:33hindi siya otomatikong mapapawalang sala.
01:37Ayon sa Article 365 ng Revised Penal Code,
01:41ang ganitong pangyayari ay maaaring pumasok sa reckless imprudence resulting in homicide.
01:48Pinarurusan ng batas ang pagpapabaya na kapag sumobra,
01:52ay masasabi na nating criminal na ito in nature at hindi na mapapatawad pa.
01:58Kung mapapatunayang hindi siya naging maingat,
02:01halimbawa, hindi siya tumingin sa side mirror,
02:03hindi niya siniguro na walang tao sa gilid,
02:07maaari pa rin siyang managot kahit wala siyang intensyon na makasagasa.
02:12Of course, ibang usapan kung ang driver ay nakainom,
02:16nasa impluensya ng droga o nagtetext habang nagmamaneho.
02:21Ang mga ganitong pagkukulang ay hindi na masasabing aksidente lamang ang nangyari.
02:27Hindi lamang ito indikasyon ng criminal negligence,
02:30dapat ay managot pa sa ibang mga batas,
02:33tulad ng Anti-Distracted Driving Act at Anti-Drunk and Drug Driving Act.
02:39Pero kung mapapatunayan ang binatilyo mismo,
02:43ang biglang sumingit o tumakbo sa gilid ng truck,
02:46at wala talagang kapabayaan ang driver,
02:49maaari itong maituring na aksidente at walang kriminal na pananagutan.
02:54Sa kabila ng lahat, ang tanong talaga,
02:57naging maingat ba ang driver ayon sa hinihingi ng batas?
03:00Dahil sa kalsada, hindi sapat ang salitang,
03:04hindi ko nakita, dapat laging sinisigurado kung nigtas.
03:10Maaari din namang sabihin na pareho silang naging pabaya.
03:13Sa ganitong mga kaso, maaari din i-apply ng korte
03:16ang doctrine na tinatawag nating doctrine of class, clear chance.
03:21Sa ganitong mga kaso, kung parehong naging pabaya ang dalawang tao sa isang aksidente,
03:26kailangan tingnan kung sino sana sa kanilang dalawa
03:30ang masasabing may last clear chance para maiwasan sana ang aksidente
03:36pero hindi pa rin ginawa.
03:39Palagi nating tandaan, bilang isang driver,
03:42dapat maging responsable tayo sa pagmamaneho
03:45at bilang isang individual,
03:47maging ugali na maging maingat sa pagtawed at paglalakad sa kalsada.
03:53Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw
03:57kahit na paus na paus na.
04:00Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:02huwag magdalawang isip.
04:04Ask me.
04:05Ask Attorney Gabby.
04:23Ask Attorney Gabby.
04:24Ask Attorney Gabby.
04:25Ask Attorney Gabby.
04:26Ask Attorney Gabby.
04:27Ask Attorney Gabby.
04:28Ask Attorney Gabby.
04:29Ask Attorney Gabby.
04:30Ask Attorney Gabby.
04:31Ask Attorney Gabby.
04:32Ask Attorney Gabby.
04:33Ask Attorney Gabby.
04:34Ask Attorney Gabby.
04:35Ask Attorney Gabby.
04:36Ask Attorney Gabby.
04:37Ask Attorney Gabby.
04:38Ask Attorney Gabby.
04:39Ask Attorney Gabby.
04:40Ask Attorney Gabby.
04:41Ask Attorney Gabby.
04:42Ask Attorney Gabby.
04:43Ask Attorney Gabby.
04:44Ask Attorney Gabby.
04:45Ask Attorney Gabby.
04:46Ask Attorney Gabby.
04:47Ask Attorney Gabby.
04:48Ask Attorney Gabby Gabby.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended