Skip to playerSkip to main content
  • 10 months ago
BATANG LALAKI, NAKATANGGAP NG HOLLOW BLOCKS AT BLOUSE SA EXCHANGE GIFT

Usap-usapan ang kwento ng batang nadismaya matapos makatanggap ng hollow blocks sa kanilang exchange gift sa paaralan. Nagkaroon ng pag uusap sa eskwelahan at humingi ng paumanhin ang mga sangkot. Ano ang sinasabi ng batas at ng patakaran ng paaralan sa ganitong sitwasyon? Ask me, Ask Atty Gaby. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Wow, meron akong regalo! What a surprise!
00:04At saka, malaki at mabigat! Oh my God!
00:09Ano ba naman to? Although, ang bigat naman ito, ha?
00:12Ano to? Bakit naman hollow blocks?
00:14Although, kailangan ko to para magpatayo ng bahay.
00:18Pero parang ganito yung isang viral video online.
00:23Ako, talagang hollow blocks?
00:25Imbis kasi na matuwa, naiyak ang isang estudyanteng lalaki
00:29sa natanggap niyang regalo sa Christmas party.
00:32Ang natanggap niya kasi, hollow block at blouse.
00:36Kwento ng nanay niya, nagkaroon daw ng wishlist ang lahat ng estudyante
00:40kung saan shuttlecock ang hiniling ng anak.
00:44Noong una pa nga, excited pa raw ang anak
00:46dahil mabigat ang natanggap niyang regalo.
00:49Kaya napahagulgul na lamang daw ang bata
00:52nang makitang kaya pala mabigat
00:55ay dahil sa hollow block ang laman nito.
00:57Humingi naman daw ng dispensa ang guro at magulang
01:01ng batang nagregalo ng hollow block.
01:04Ngayong kabi-kabila ang mga palitan ng regalo,
01:07pag-usapan natin ang nangyaring ito.
01:09Ask me, ask Atty. Gabby.
01:11Atty, bukod sa sitwasyon na ito na may mga naglalabasan rin mga regalo kunwari
01:20pero prank lang pala na nakakasakit ng damdamin
01:24lalo na siguro kung bata ang nakatanggap.
01:28Ano po ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:31Well, sabihin nila, ang pikon nga daw ay talo.
01:34Pero tulad din ang sinasabi ko, hindi lang bilang isang abogado,
01:37kundi isang nanay din, hindi lahat ng joke nakakatawa.
01:42Lalo na yung mga prank na yan na walang magandang patutunguhan.
01:46In fact, merong mga prank na hindi lamang nakakasakit ng damdamin,
01:50ay mga peligroso pa at maaaring makasakit ng katawan
01:54at dangerous sa safety ng mga tao.
01:58Kaya't meron bang pananagutan ang mga nagpa-prank?
02:00Well, depende of course kung medyo nakakasakit na nga ng katawan,
02:04lalo na kung ito ay isang prank gone wrong.
02:07Halimbawa, yung mga prank.
02:09Halimbawa, ano ba?
02:10Babagsakan ka ng tubig kapag binuksan mo yung pinto
02:13at nahulugan ang nagbukas ng balde na may tubig.
02:17Well, syempre, depende sa laki ng injury,
02:20dapat panagutan nito at may posibleng kaso for physical injuries
02:24kasama ng posibleng liabilidad for damages.
02:27Halimbawa, naospital, nagpatahin ang sugat,
02:30ito, sagot yan ng prankster.
02:33Kung nakasakit naman ito ng damdamin,
02:35sobrang nakakasama ng loob o sobrang nakakainis,
02:39maaari itong kaso ng unjust vexation
02:42sa ilalim ng revised penal code.
02:44Ang unjust vexation ay isang krimen
02:46na parang, ang tawag nga namin,
02:48parang catch-all krimen ito
02:50para sa lahat ng sobrang nakakainis
02:53o nakakasakit ng damdamin.
02:55Ano ba ang posibleng prank na maaaring
02:57bordering on the criminal, kumbaga?
03:00Well, hindi lahat na nakakainis ay kasong krimen.
03:03Yun lang po, no?
03:04Baka sabihin naman ng korte,
03:05pag naghaing kayo ng kaso,
03:07yun na nga, pikon talo.
03:09Well, siguro kung ang prank ay yung halimbawa
03:11ay tinawagan kayo ng isang tao
03:13at nagkunwa rin na
03:14namatayan kayo o nasunugan
03:16at predictably ito ay magre-resulta
03:18sa sobrang stress at anxiety,
03:21eh yan, palagay ko,
03:22posibleng kaso yan.
03:23Kung ang involved sa isang prank
03:25ay isang bata
03:26at ang prank ay calculated
03:28para siya ay pahiyain
03:30o sobrang masaktan
03:31o kung ito ay matatawag natin na
03:33cruel o demeaning para sa kanya,
03:36posibleng naman itong child abuse
03:38sa ilan ng Republic Act 7610.
03:41Pero dapat nga ito ay deliberate
03:42na pahihiyain o sasaktan
03:45ang pagkataon ng bata.
03:47Halimbawa, yung mga prank
03:48na medyo sexual,
03:50lalo na sa mga kaso nito,
03:52medyo sexual or sensitive in nature
03:54tungkol halimbawa
03:55sa pagkababayan
03:56ng isang dalagang minor de edad
03:58na mapapahiya siya in public
04:00or yung mga ganitong mga example
04:03ay klarong child abuse po yan.
04:06Of course, kung ang gagawa nito
04:07ay bata rin,
04:08walang liability na kriminal ang bata
04:11although kung may damages
04:12ay maaaring panagunito
04:14ng kanyang mga magulang.
04:15At the end of the day,
04:17hindi excusang hindi ko naman sinasadya
04:19or nagpapatawa lang naman ako
04:21or yung content lang naman ito
04:23for TikTok.
04:24Maaari kayo maging liable
04:26for damages and even worse,
04:28may posibleng kulong.
04:29Tandaan,
04:31better than being just funny,
04:34it's just plain better to be kind.
04:37Ang mga usaping batas,
04:39bibigyan po nating linaw
04:40para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:43Huwag magdalawang isip,
04:45Ask Me,
04:46Ask Attorney Gabby.

Recommended