Transparency ang sigaw ng bayan matapos mabunyag ang mga katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno. Bilang tugon, inanunsyo ng DPWH na ila-livestream ang bidding at procurement ng kanilang mga proyekto. Pero bakit may ibang hearing na sarado sa publiko? Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin kay Atty. Gaby Concepcion.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
00:00Dahil sa mga nabunyag na katiwalian sa mga government projects,
00:04ang sigaw ng bayan, transparency.
00:08Dahil dyan, nababanggit madalas ngayon ang live stream.
00:12Sa katunayan, bilang parte raw ng efforts ng gobyerno na maging transparent,
00:16inanunsyo na ng DPWH na mapapanood na sa live stream
00:20ang lahat ng bidding at procurement activities sa kanilang bawat proyekto
00:25at ito ay magiging accessible sa publiko.
00:28Samantala, marami naman ang nananawagan kabilang na ang ilang lawmakers at civil society groups
00:34na mapanood sa live stream ang hearing ng Independent Commission for Infrastructure
00:39o ang ICI sa kanilang investigasyon sa flood control projects.
00:45Sinimula na ng ICI ang hearings na walang public o media access
00:49para maiwasang magamit ito sa politika daw.
00:53Komento ng ilan, hindi raw ito magbibigay ng kapanatagan sa mga Pilipino
00:57na walang pinagtatakpan at walang pinoprotektahan ang imbestigasyon nila.
01:02For sure, maraming tanong.
01:04Sa isip nyo, well, ask me, ask Atty. Gabby.
01:08Atty, ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa pag-livestream ng mga government processes
01:21gaya na nga ng bidding at procurement process?
01:25Paano naman kapag active investigation gaya ng sa ICI?
01:30Well, of course, actually, wala namang specific na pangbagit sa ating mga batas
01:34uko sa specific issue ng live streaming ng bidding at procurement process at ibang imbestigasyon,
01:40although ang general principle na sinusundan dapat, openness at accountability.
01:46Ito nga ay nababanggit sa Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act
01:51ng lahat ng bidding at procurement process ay dapat isagawa ng transparent, competitive at may public participation.
02:01Nakasaad din mismo sa Section 3 ng batas na ito ang prinsipyo ng procurement ay openness at accountability.
02:07Kaya sa mga sanay na sumali o sumunod sa Government Procurement System,
02:12meron ding electronic system tulad nga ng FieldJeps para gawing accessible ang notices, bidding documents at resulta sa publiko.
02:20Of course, sa mga normal na panahon, hindi naman ito actually sinusundan ng ordinaryong mamamayan tulad natin.
02:27Ina-assume kasi natin na dapat ay sinusunod ng mga taong bayan at ine-enforce ng ating mga government employees ang mga rules na ito.
02:36Ang problema nga ay dumating na tayo sa puntong ito na na-realize na natin na hindi naman yata talaga effective
02:43ang napaka-komplikado at di umunoy napaka-stricto at napaka-stringent na mga rules laban sa pagmamaniobre ng mga bidding rules and regulations.
02:53Kaya sa kaso ng ICI hearings, valid ang punto ng publiko na gusto nila ang livestream para makita na walang tinatago.
03:01Kung tutuusin, talaga namang nakasulat din sa ating Constitution na obligasyon ng Estado na magpanatili ng honesty at integrity sa servisyo publiko.
03:11Kaya malinaw ang livestream ay hindi lamang pwede, kundi akmadi mismo sa diwan ng transparency na hinihingi ng ating batas.
03:20Kinikilala din ang ating 1987 Constitution ang karapatan ng mamamayan sa impormasyon sa mga usaping may public concern.
03:28Ibig sabihin, may right ang publiko malaman ng takbo ng mga investigasyon dapat tulad nito.
03:33But of course, may exceptions din. Pwede limitahan ang access kung ito ay makakaapekto sa national security, privacy ng mga testigo o integridad ng ongoing investigation.
03:45At ito nga daw ang iniiwasan sana ng Commission, kasama na rin na ayaw nila ng trial by publicity dahil isang investigasyon to na ang patutunguhan ay ang paghain ng mga aktwal na kaso
03:56either sa ombudsman o sa ating mga regular na korte.
04:00Habang ongoing din ang investigasyon at nasa sa publiko na, may mga witnesses na hindi maglalakas loob.
04:07Baka hindi sila umapir dahil mangangamba sila sa safety at security nila kung ma-identify na sila kaagad.
04:15On the other hand, baka magamit naman ang ICI proceedings para magpakawala ng mga planted na witnesses na walang gagawin,
04:22kundi manira ng mga reputasyon ng mga inosenteng tao pala at iligaw ang takbo ng investigasyon at ang opinion ng publiko.
04:29So kahit na walang tahas ang prohibisyon sa pagpapa-livestream ng ICI proceedings, malaki din ang posibilidad na maging isang circus ang proceedings at madis ka rin ang investigasyon nito.
04:41Pero, kailangan din na mabigyan relief ang paungamba ng taong bayan na baka may cover up
04:47o ang need to know dahil bilyon-bilyon na ang ninanakaw sa kaban ng bayan na galing sa buis na binabayad natin ay hindi pa natin pala nalalaman.
04:56So there must be a middle ground, lalo na't naumpisahan na sa mga live streaming na mga ganap sa kongreso.
05:04Kailangan maganap ng solusyon, balanse ang kailangan, karapatan ng paung bayan na malaman,
05:10laban sa obligasyon ng gobyerno na tinyakin ang patas at credible na investigasyon.
05:16Pero hindi na pwede, ito lang ang masasabi natin, hindi na pwede ang absolute na katahimitan.
05:22Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
Be the first to comment