Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Sa Nueva Ecija, binulabog ng pamamaril ang Sta. Rosa Central School matapos barilin ng isang lalaki ang kanyang dating kasintahan sa loob ng classroom. Binaril din ng suspek ang kanyang sairli. Kritikal ang kalagayan ng biktima at ng suspek.

Sa ganitong insidente, may pananagutan ba ang eskwelahan? Ano ang sinasabi ng batas tungkol sa responsibilidad ng mga paaralan sa kaligtasan ng mga estudyante?

Alamin ang paliwanag ni Atty. Gaby Concepcion sa Kapuso sa Batas.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00One of the things that we are afraid of is that we are afraid of our children,
00:06we are afraid of our children.
00:08Like this is what happened to Nueva Ecija,
00:11where we are afraid of our children.
00:20We are afraid of emergency personnel
00:24in Santa Rosa Central School.
00:26Two of them are called school.
00:30The victim of the student entered the silid-aralan
00:34is the suspect that he had already known.
00:38The critical condition is the victim and the suspect.
00:43What is the case about this?
00:46Ask me. Ask Attorney Gabby.
00:56Attorney, ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa pangyayari ito na nasaksihan ng maraming estudyante at guro na hanggang ngayon?
01:04Hindi para huwaga anong makausap dahil sa trauma?
01:08Traumatic talaga ang mga incidenteng katulad nito.
01:12Hindi lamang para sa biktima at ang kanyang pamilya,
01:14pero para na rin sa mga estudyante at guro na nakasaksi dito.
01:18Pero para na rin sa mga magulang na araw-araw ay iniiwan nila ang mga anak nila sa mga eskwelahan.
01:25Lahat tayo, iniisip natin kahit papano na ang paaralan ay mga safe space
01:31na kapag naihatid na ang mga anak natin at nagsara na ang mga pintu ng paaralan,
01:36walang masamang mangyayari sa kanila dito.
01:39Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit may special na mga provision ang batas tungkol sa kanilang responsibilidad
01:46sa mga estudyante ang nasa pangangalaga ng mga paaralan during school hours.
01:51Sinabi na ng Korte Suprema sa ilang mga kaso, iba talaga ang responsibilidad ng mga paaralan.
01:58Unang-una, hindi lamang whether ang mga estudyante ay mga batang paslet o mga college student na.
02:04Of course, lalo na kung mga involved ay minorde-edad,
02:07tandaan natin na sa ilalim po ng family code,
02:10ang mga paaralan ay may special parental authority
02:13habang ang mga anak natin ay nasa ilalim ng kanilang care and supervision.
02:18Pero ang responsibilidad ng mga paaralan hindi limitado sa mga batang paslit.
02:23In fact, sa isang kaso, law student pa nga ang nabaril sa loob ng campus
02:28at nabaril mismo ng security guard ng paaralan.
02:32At sabi ng Korte, may pananagutan ang paaralan.
02:36Pangalawa, ang mga insidente na nagdulot ng pananakit,
02:39hindi lamang limitado sa pananakit sa mga kapwa mag-aaral in the same school.
02:44Maaaring kahit ng mga estranghero involved,
02:47basta nangyari sa loob ng paaralan.
02:50Sa isang kaso na nadesisyonan na nga ng Korte Suprema,
02:54ang isang college student sinaksak ng mga outsiders inside school premises.
03:00Of course, hindi natin sinasabing automatic na may liabilidad ang eskwelahan
03:05pag may ganitong mga pangyayari.
03:07Pero ang sinasabi natin, napakalaki ng responsibilidad ng paaralan
03:12pag may nangyari at malaki ang kanilang kailangan gawin
03:15para makumbinsi nila na hindi sila naging pabaya
03:19sa pagbibigay protection sa mga estudyante,
03:21hindi sila pabaya sa pagpili.
03:24Halimbawa ng security guard at ibang mga kawani ng paaralan.
03:29Sabi ng Korte, ito daw ay dahil
03:32once nag-enroll ang isang estudyante sa isang paaralan,
03:36nagkakaroon ng isang kontrata between the student and the school.
03:39Sa parte ng estudyante, ito ay para mag-aaral
03:42at sundin ang lahat ng patakaran, rules and regulations ng school.
03:46Para sa paaralan naman,
03:48ito ay hindi lamang maturuan ng estudyante.
03:51Kasama dito ang obligasyon na mag-provide na isang safe and secure environment
03:56para sa mga estudyante nito.
03:58So, once merong mangyari sa safety na isang estudyante,
04:02merong prima facie case na nagkaroon ng breach of contract
04:06at kailangan patunayan na ginawa ng paaralan ang lahat-lahat
04:10para i-secure ang estudyante.
04:12Yung kaso ng college student na nabaril sa loob ng paaralan
04:16by the security guard, nagkulang daw sa pagsisiguro ang paaralan
04:20at naging liable sila for breach of contract to protect the student.
04:24Ito ding contractual duty to provide a safe and secure and peaceful environment
04:29ang magiging batayan kung bakit may responsibility ng paaralan
04:32na siguraduin ang mental, emotional and psychological health and well-being
04:37ng mga mag-aaral na nakasaksi sa insidente tulad nito.
04:40Very traumatic ang pangyayari
04:42kaya't kailangan din mag-provide ang school ng counseling and therapy
04:46para sa mga nakasaksi.
04:48A school is supposed to be safe and secure.
04:51Nasisira ang kumpiyansa at pagtitiwala ng isang mag-aaral
04:54pag nagkaroon ng ganitong insidente
04:56in what they thought was a safe place.
05:00Ang mga usaping batas, bibigyan po natin linaw.
05:03Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag mag-dalawang isip,
05:07Ask Me, Ask Attorney Gabby.
05:10Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:15Bakit?
05:16Pagsubscribe ka na dali na
05:18para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:21I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
05:25Salamat ka puso!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended