Skip to playerSkip to main content
Ilang araw lamang matapos ang malaking sunog sa kanilang lugar, isa-isa nang hinahakot ni Tatay Jeffrey ang mga yero at bakal na puwede pang mapakinabangan mula sa nasunog niyang bahay. Ibebenta niya ang mga ito para may pambili ng materyales na gagamitin sa itatayong bagong bahay.


Dahil kapos sa buhay, wala nang ibang malilipatan ang pamilya ni Tatay Jeffrey kaya babalik na lamang sila sa lugar kahit alam nilang maaari itong masunog muli.
Panoorin ang ‘Ika-13 Sunog’ dokumentaryo ni Kara David, sa #IWitness.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00It's been a week for a week here in Isakatmon, but until now, you still smell the smell of the smell.
00:18It's like the smell of a leafy.
00:22Oh my God!
00:32Wala talaga, naubos pala talaga.
00:36So yung nakikita ninyo na mga nakatayo na mga poste-poste na ganyan, bagong tayo na lang yan,
00:43imagine ninyo nung araw ng sunog, talagang flattened lahat ito.
00:49Wala talaga halos na iwan.
00:57Kung alam mong ang lugar na ito ay laging binibisita ng sunog,
01:04magtatayo ka pa ba ng bahay rito?
01:09Sa kaso ng mga taga-sityo sa IS, oo.
01:14Katunayan, isang araw lang pagkatapos ng sunog,
01:18marami na sa kanila ang nagsisimula muling bumuo ng matitirahan.
01:24Pumalik po kami din, naglagay kami ng poste para,
01:26siyempre, di namin po ano na lalawak yung magtatayo ng bahay,
01:32mawawalan po kami ng pwesto.
01:34Ah, pag nagkakasunog, nagkakaagawan din ang pwesto?
01:37Opo.
01:38Hindi po kanilang pwesto maaagaw at lalalaki yung kanila.
01:41Naglagay rin sila ng mga asong tagabantay sa kanilang minarkahang pwesto.
01:49JV, saan na ang sa inyo?
01:51Ito po, dito po.
01:52Ah, ito na ang bahay nyo?
01:54Dito po ang bahay namin.
01:55Dito po ang nakatirik yung bahay namin.
01:58Hala, wala talagang naiwan.
02:00Wala po.
02:05Kasama sina Tatay Jeffrey, isa-isa naming hinakot ang mga yero at bakal na pwede pang pakinabangan.
02:13Electric pan.
02:21Ibibenta ito sa junk shop para may pambili ng kahoy na ipantatayo ng bagong bahay.
02:28Ayan, may pa ako sa gilid.
02:37Ayan.
02:42Pero bakit nga ba nila ito ginagawa?
02:54Marami pa, marami pa.
02:56Kahit alam nilang, posibleng masunog lang ulit ito.
02:59Eh, kung gugustuin ko lang po, kung mapera ako, gusto ko na lumipat eh.
03:00Kaso po, dahil po walang ano, kapos po kami, talagang sadyang bumalik po kami sa area.
03:15Dekada 80 pa ng unang mapadpad sa Sityo 6 ang pamilya ni Natatay Jeffrey.
03:26Hindi sila ang may-ari ng lupang ito.
03:29Squatter kung tawagin sila ng iba.
03:31Pero noong taong 2010, nagbuklud-buklud ang mga pamilya sa Sityo 6 para bilhin ng lupa mula sa tunay nitong may-ari.
03:43Ibebenta niya sa amin yung lupa para magkaroon po kami ng sarili naming lupa at saka para magkaroon na rin po ng bahay.
03:52Natuwa po ako kasi siyempre ang inisip ko po noon, magkakaroon kami ng sariling lupa na pwede namin tiri ka ng sa aming bahay.
04:00Para mabili ang lupa mula sa tunay nitong may-ari, pumutang sa gobyerno ang mga residente ng Sityo 6.
04:06Sa ilalim ng programang CMP o Community Mortgage Program, babayaran nila sa gobyerno ang kanilang utang sa loob ng 25 taon.
04:23Magkano binabayad ninyo?
04:25So binanabawan po natin ng 650. Monthly po yun.
04:29So ilang years na kayo nagbabayad ng amortization?
04:3210 years pa lang po or 14 years. Kasi ganun lang po yung edad ng anak ko eh.
04:40Ito ang kahilan kung bakit kahit ilang ulit silang dinadalaw ng sunog, hindi umaalis sa lugar na ito ang mga tao.
04:48Umaasa kasi sila na palang araw,
04:56tuluyan na nilang mababayaran ng lupang kinatitirikan
05:01at makapagtatayo na sila ng permanenteng tahanan.
05:09Makalipas ang isang oras,
05:11Marami-rami ng yero ang aming napuhat.
05:18Gamit ang isang lumang pedicab, ibingyahe ang mga yero sa pinakamalapit na junk shop.
05:28Machine operator sa isang kumpanya si Tatay Jeffrey.
05:32Hindi sapat ang kanyang sweldo para makabili ng mga materyales pantayo ng bagong bahay.
05:37Nagbibenta sila ng yero pang dagdag sa pondo.
05:45Pwenta ka rin sa. Pwenta!
05:47Magkano bilin nyo sa nakadakilo?
05:49Rest lang nyo.
05:53Umabot ng 128 kilos ang nakuha naming yero.
05:58Pwenta isang gawin.
06:02Pero ng oras na nangbayaran,
06:04Habang binibilang ni Tatay Jeffrey ang 385 pesos na kinita,
06:11napansin ko ang isang babae na nagpibenta ng isang plastic ng kable.
06:17Saan nyo to nakukuha, Te?
06:19Ang mga wire na nasunog?
06:22Magkano benta dito?
06:24Magkano ba, 520?
06:25520?
06:26520?
06:28Ito?
06:29Ang isang kilo?
06:31Bakit ang mahal nito?
06:32Saan nyo kinukuha to?
06:36Saan nyo kinukuha to?
06:38Nasunogan din kayo, Te?
06:39Di po.
06:41Doon lang di po kami wala atin.
06:42So kumuha na lang kayo doon sa nasunogan?
06:44Opo.
06:45Kasi nakakahalbisan po din ang wire.
06:50Napatingin na lang ako kay Tatay Jeffrey
06:52at sa 300 pisong kinita mula sa yero.
06:56So gano'n ang gawain ng ibang tao?
06:58Kapag may nasunogan,
06:59nagkakanakawan po ng kung ano po yung mapapakinabangan?
07:03Kahit hindi sila nasunogan?
07:04Opo ma'am.
07:06Hinihila ka agad din?
07:07Ang una nilang hinihila yung kawad ng kuryente.
07:09Yung mga papakinabangan?
07:10Yung kawad ng kuryente.
07:12Bakit yun?
07:13Kasi mga ma'am mas mahal po yung ma-identity.
07:16So naunahan pa kayo ng mga hindi nasunogan?
07:18Opo.
07:19Wala na po kami nakuhong mga kuryente ng mga wiring po namin.
07:23Kaya yero na lang siya.
07:27Maraming salamat sa pagtutok ninyo sa eyewitness mga kapuso.
07:30Anong masasabi ninyo sa dokumentaryong ito?
07:33I-comment nyo na yan.
07:34Tapos mag-subscribe na rin kayo sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended