Skip to playerSkip to main content
Sa Sitio 6, Brgy. Catmon, Malabon na lumaki si Tatay Jeffrey, at sa paninirahan niya rito, maraming beses na raw siyang nakaranas ng sunog. Ngayong taon, tatlong beses na raw silang nasunugan.


Ayon sa datos ng Bureau of Fire Protection, simula taong 2000, nasa 13 sunog na ang naganap sa lugar at hindi pa kasama ang mga maliliit na sunog na hindi na nai-report.
Panoorin ang ‘Ika-13 Sunog’ dokumentaryo ni Kara David, sa #IWitness.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Four days of their home is an 잊z-decker.
00:06My Hey Jeffery is a boat.
00:08Legsasarba ng kung ano pa mapakinabangan.
00:11Mga bakal at kahoy na hindi tuluyang nawasak,
00:15mga lumang medalya na nahukay mula sa burak.
00:23Sa Sityo 6, Katmon Malabon siya isinilang
00:27at hindi ito ang unang sunog na kanyang naranasan.
00:32Mahirap po talaga kung utosin.
00:34Yung pinagpag-uram nung ito yung bahay,
00:38na inuunti-unti mo,
00:40napagandahin na wala po bigla.
00:43Naging abo.
00:45Eh ba't po kayo nagtayo pa rin ang bahay dito?
00:48Eh wala, wala po kami malilipatan.
00:53Ayon sa datos ng Bureau of Fire Protection,
00:56simula taong 2000,
00:58labing tatlong sunog na ang naganap sa Sityo 6.
01:02Hindi pa kasama rito ang mga maliliit na sunog
01:05na hindi na nai-report sa otoridad.
01:09So nung na-assign po kayo dito,
01:12ilang sunog na po ang natatandaan po ninyo
01:15na nangyari dyan sa Sityo 6?
01:18Year 2000, may sunog akong na-experience dyan.
01:222005, 17, 18.
01:26At saka, ito po,
01:27recently may tatlong kami sunog noong 2025.
01:312025.
01:32So itong taon na ito,
01:33tatlong beses na silang nasusunodan.
01:34October 22, 2025,
01:41sumiklab ang ikalabintatlong sunog sa Sityo 6,
01:46ang pinakamalaki at pinakamapaminsala
01:49sa lahat ng kanilang naranasan.
01:51Mahigit isang libong bahay ang natupok ng apoy.
02:01Gaano man kalaki ang sunog,
02:04wala ni isang namatay o nasugatan sa Sityo 6.
02:07Katunayan, kung titignan ang video na ito
02:12na kuha noong gabi ng sakuna,
02:14kalmado lang naglalakad ang ilan.
02:17Tila ba handa ang mga tao
02:19at alam na nila kung paano kumilos sa gitna ng sunog.
02:23At dahil ilang beses na silang nasunugan,
02:29kabisado na rin nila ang sistema ng ayuda
02:32sa evacuation center.
02:36Dito ko nakilala ang pamilya ni Tatay Jeffrey.
02:39Mother po ako.
02:42Ito po, isang pamilya po.
02:44Opo.
02:46May po kayo dito.
02:47Tatlong pamilya po.
02:49Pito, may lima.
02:51Pali siya siya.
02:51Okay, ilan po kayo lahat na tao dito?
02:55Business ace, ma'am.
02:55Business ace kayo dito?
02:57Opo.
02:57O, paano kayo nagkakasya dito eh?
02:59Pinipilit, ma'am.
03:00Alin po, isan ba niyo?
03:02Yung nandun po sa area namin,
03:04mga konting damit.
03:06Ah, ito po nga ito?
03:07Ano po ito?
03:08Mga donation po.
03:09Ah, donation.
03:10So hindi niyo po ito talaga gamit.
03:13Sa bahaging ito ng evacuation center, isang tambak ng mga lumang damit ang makikita.
03:25Donasyon mula sa iba't-ibang organisasyon.
03:31Pero matapos itong pagpilian ng mga residenteng apektado ng sunog,
03:35Kuya, anong gagawin doon sa mga damit?
03:40Pinakakot na lahat.
03:41Pinapatapon na.
03:47Ito yung Akasha Elementary School dito sa Malabon.
03:50Ito yung pinakamalaking evacuation center para doon sa mga nasunugan sa sityo sa Isak at Mon.
03:56So makikita ninyo itong building na ito.
03:58Lahat yan, lahat ng kwarto dyan hanggang sa second floor.
04:01Punong-puno yan ng evacuees.
04:03But more than that, itong isa pa nilang building,
04:08one, two, three, four, apat na palapag yan.
04:11Imaginin nyo, lahat yan punong-puno ng mga pamilya.
04:14If I'm not mistaken, nasa mga 950 individuals,
04:18ang kasalukuyang nandito ngayon.
04:24Tulad ni Patay Jeffrey,
04:26sanay na rin sa sunog ang asawa niyang si Vervic at ang kanilang limang anak.
04:30So alam nyo na yun na posibleng magkasunog?
04:34Opo, kasi takaw sunog pang lugar namin, ma'am.
04:37Last month lang po, doon bubanda sa may bungad.
04:39May sunog din?
04:40Nagkaroon po ng sunog.
04:41Naapula naman po agad kaya hindi kumalat.
04:43Pero nitong nakaraang October 23, hindi po talaga naagapan.
04:48Dahil sanay na rin silang masunugan,
04:50alam na rin nila kung ano ang mga bagay na dapat isalba.
04:53Ito po yung mga dokumentong ninyo.
04:55Sige po, nagpo po kayo.
04:58Ito po, ma'am.
05:00Kasi po, ito yung importante.
05:03Yan po, mga papeles po po yan, ma'am.
05:06Mga ano.
05:07Ah, ito.
05:09So lahat po ng importante yung dokumento,
05:12nakalagay talaga sa isang lalagyan lang?
05:14Opo. Kapos ito po, mga certificate po ng aking mga anak,
05:17mga pictures, mga card.
05:19Kasi po, anytime na magkaroon ng abirya,
05:23mabilis lang po siyang makukuha at na ilalagay sa backpack.
05:27Yun po yung turo ko sa mga anak ko.
05:29Ito pala pinaka-importante.
05:31Basta bahala na yung mga gamit.
05:33Opo, ma'am.
05:34Kasi ang gamit, mabibili mo naman eh.
05:36Kayaan po, hindi po po yan mabibili.
05:39Kasi achievement po yan ng mga anak ko eh.
05:43Oras ng agahan nang dumating kami sa evacuation center.
05:46May lugaw na ipinamahagi mula sa ibang kapitbahay sa Sityo 6.
06:00Ilang minuto lang ang lumipas,
06:02may sopas naman na dumating mula sa isang politiko.
06:05Bukod sa pagkain,
06:30isa sa mga pangunahing kailangan din ng mga evacuees ay tubig.
06:36So, may nakastandby.
06:37May balita kami, may lumabas na tanker.
06:40So, eto, toto.
06:42Magigib tayong tubig.
07:00Alas onsen na nang matapos kami sa pag-iigip.
07:09Oras ng tanghalian, may ayuda na naman.
07:13Kung tubig, pagkain, at damit lang ang pag-uusapan,
07:28wala silang problema.
07:32Pero, kung nais natin ng pangmatagalang solusyon,
07:38higit sa ayuda ang tunay nilang kailangan.
07:43Maraming salamat sa pagtutok ninyo sa eyewitness, mga kapuso.
07:46Anong masasabi ninyo sa dokumentaryong ito?
07:49I-comment nyo na yan.
07:50Tapos, mag-subscribe na rin kayo sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended