00:00Mga kapuso, kahapon po nagpatuloy ang House Committee on Justice
00:05sa pagtalakay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:10Pero isa sa mga pinag-usapan ng bayan,
00:13ang komento ni Quezon City 4th District Representative Bong Suntay.
00:19Alam mo, minsan, nasa Shangri-La ko, nakita ko si Ann Curtis.
00:24Ang ganda-ganda pala niya.
00:27May desire sa loob ko na nag-init talaga.
00:30Na-imagine ko na lang kung anong pwedeng mangyari.
00:33Pero siyempre, hanggang imagination na lang yun.
00:36Pero di naman siguro ako pwedeng kasuhan dahil kung ano-ano yung na-imagine ko.
00:46Ayon sa ilang miyembro ng komite, insensitibo at nakakainsulto
00:50ang naging pahayag ni Representative Suntay,
00:53kaya pinagtalunan at pinagbutohan ang pagbura sa pahayag mula sa records.
00:59Ang isyong yan, pag-uusapan natin,
01:01Ask Me, Ask Attorney Gabby.
01:12Attorney, ano ang sinasabi ng batas sa ganitong mga sensitibong pahayag,
01:16lalo na nga kung may nabanggit na pangalan?
01:19Well, unang-una,
01:21Happy Women's Month nga pala sa lahat ng kababaihan.
01:25Ang ganda ng pambunga, di ba, sa Women's Month.
01:28Of course, I'm sure may mga kababayan tayo,
01:30lalo na mga kalalakihan, sasabihin, bakit kayo nagagalit?
01:35Compliment yan.
01:36Yung sasabihan kayo ng,
01:38ang ganda-ganda mo pala, you know,
01:40may desire sa loob ko na nag-init talaga,
01:43na-imagine ko na lang kung anong pwedeng mangyari.
01:48Ay, subukan niyo pong sabihin yan sa isang babae sa kalye,
01:51sa restaurant,
01:52at lalo na kung sa opisina,
01:54nako, sigurado kayong makakasuhan sa ilalim ng Republic Act 11.313
01:59o ang Safe Spaces Act
02:02or ang bawal bastuslo.
02:04Bawal kasi sa ilalim ng batas na ito ang sinasabing
02:07conduct of sexual nature and other conduct based on sex
02:12na masasabing offensive at nakakasira sa dignidad na isang tao,
02:16whether babae or lesbian or gay.
02:19Kasama rito, hindi lamang ang mga physical form ng sexual harassment,
02:24yung tinatayang yung pachansing halimbawa.
02:26Kasama rin ang pagawa ng tinatawag na misogynistic and sexist slurs.
02:32Pag sinabing misogynistic or sexist,
02:35ito yung mga comment tungkol sa mga kababaihan
02:38na nakakapanliit sa kanila
02:40na maaaring na now objectify sila
02:43dahil sa kanilang itsura or katawan.
02:45Lalo na nga kung ang deklarasyon ukol sa pagtingin sa isang babae
02:49ay hindi na ang kanyang parasulinidad o katauhan
02:52pero bilang source of sexual stimulation para sa kalilakihan.
02:57So, crimen po ito sa ilalim ng Safe Spaces Act
03:00at mas mataas ang penalty
03:02kung ang offender ay isang government employee,
03:05lalo na kung official.
03:07At kung nasa Quezon City kayo,
03:09naku, malamang ay guilty din kayo sa ilalim ng bawal bastus ordinance nito
03:13na harmonize na mga provisions with the Safe Spaces Act.
03:18So, we should expect na ang mga taga Quezon City,
03:20lalo na mga government employees at officials dito,
03:24ay mas maingat at maalam tungkol sa pagrespeto sa kababaihan
03:29dahil nga bawal ang bastus dito.
03:31Pero ang isa pang interesting twist na issue dito
03:35ay ang provision ng Constitution natin na nagsasabing
03:38walang liabilidad ang mga congressmen at senador natin
03:42para sa kahit na anong sabihin nila
03:44sa floor o sa mga debate o mga meetings sa kongreso.
03:48Kahit na ito pa ay masasabi natin
03:50libelous, malicious o bastus.
03:53So, hindi makakasuhan ng isang kongresista
03:56pag may masabi silang labag sa batas o ordinansa
03:59kung ito ay sa kongres na sabi.
04:02Bahagi ito na nasasabing parliamentary immunity nila.
04:05Pero maaari silang maparusahan o mahusgahan
04:09itong mga congressmen o senador natin
04:12na involved sa loob ng sarili nilang rules of procedure or ethics.
04:17At base sa sarili nilang rules,
04:19maaaring ma-reprimand, ma-suspend o ma-expel ang isang miyembro.
04:24Mabuti na lamang at na-expunge o natanggal sa records
04:28ang mga katagang nasambit na medyo bastus ang dating.
04:33So, please be careful at respetuhin natin ang kababaihan.
04:38Diba? Lalo na ngayon, Women's Month.
04:41Ang mga usuping batas, bibigyan po nating linaw
04:43para sa kapayapaan na pag-iisip.
04:46Huwag magdalawang isip.
04:48Ask me. Ask Attorney Gabby.
05:03Special social media pages ng unang hirit.
05:05Salamat kapuso.
Comments