00:00Tuloy-tuloy pa rin ang pagtutok ng bayan sa mga katewalaan sa flood control projects.
00:06At nitong nakaraang Blue Ribbon Committee hearing, maraming revelations ang lumabas.
00:12Isa na riyan ang statement ni Orly Gutesa kung saan binanggit niya
00:16ang pagdadala ng mali-maletang basura o pera sa bahay ni Representative Zaldico.
00:22But wait! Ang lumulutan ngayon, ang issue na pinekiraw umano ang notaryo sa affidavit.
00:30Ayon sa abogado na nakapirma sa notaryo ay wala raw siyang nilagdaan na ganitong notary.
00:36Kaya naman upang makasiguro, iniutos ni Sen. Ping Lakson na i-background check itong si Gutesa.
00:42Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito sa pagnonotaryo?
00:46Ask me, ask Atty. Gabby.
00:52Atty, ano ba ang ibig sabihin kapag notarized ng isang dokumento?
01:00Kung peke ang pirma ng abogado, ano po ang mangyayari sa testimonya ng witness?
01:05Well, kapag sinabing notaryado ang isang dokumento, ibig sabihin ito ay pumunta ng personal
01:09at humarap sa isang notaryo publiko o notary public at sa presence mismo ng notary
01:15ay pinirmahan niya ang kasulatang ipinanotaryo o hindi kaya ay sinumpaan niya sa notaryo
01:21na ang dokumentong pinipresenta niya dito ay talagang pinirmahan niya
01:25at sinangayunan niya ng bungong buo at walang pag-aalinlangan.
01:30So, importante ang pagnonotaryo, una, para makabawas sa incidents ng fraud o panlaloko
01:35kasi nga yung notaryo ang nagsasabing, ay umapirto ang tao na ito sa harap ko
01:39at vinerify ko ang identity niya.
01:43Pangalawa, usually once na notaryo isang dokumento,
01:46nagtatransform siya from a private document to a public document
01:50at nagiging admissible biglang ebidensya sa korte
01:53dahil nga parang na-authenticate na ang identity ng pumirma dito.
01:58Pangatlo, merong mga kontrata na required na public document o notaryado
02:03para maging effective or registrable tulad ng mga donasyon,
02:07bentahan ng lupa at mga huling testamento at mga affidavit.
02:11Ang problema lang nga ay kung hindi naman ang pumirma ang peke.
02:16Ang problema ay kung yung notaryo pala ang nagsasabing,
02:20hindi ako yan, pineke ang pirma ko.
02:22Sa ordinaryong mga pagkakataon, kung ito ay isang affidavit na sinabmit sa korte,
02:27magiging walang visa ito. It will be considered as a mere scrap of paper.
02:32Yung naging twist lang sa continuing saga ng flood control project sa Senado
02:36ay dahil sumumpa in the course of the proceedings ang pumirma si Gutesa nga
02:42at nagbigay siya ng testimonya sa Senado under oath.
02:46So parang nasolve ang problema at nawala ang depekto.
02:49Inulit niya kasi ang mga sinabi niya sa affidavit.
02:52Matapos siyang magsumpa, so parang nag-testify siya under oath.
02:56Kung hindi nangyari ito ay malamang ay babaliwalain ang naunang affidavit
03:00na may fake na notaryo kasi it puts everything into question.
03:04So malaking misteryo talaga, di po ba?
03:07Pero sigurado naman ay may nagsisinungaling talaga na dapat managot sa kaguluhang to.
03:13Unang-una, si Mr. Witness ba?
03:15Pwede kasing hindi niya alam kung peke yung notaryo o hindi
03:18kasi pumunta lang siya doon at sinabing ito, mag-oat ka dito sa harap ni attorney.
03:23Well, definitely, merong pag-falsify na nangyari na dapat panagotan kung sino man ang gumawa nito.
03:31Pero, tanungin natin, sino ba nagdala doon sa pumirma at nag-secure ng services na isang impostor na notaryo pala?
03:39Pwede rin managot naman ang notaryo kung mapapatunayan na nagsisinungaling siya at siya naman pala talaga yun.
03:46Or, kung sa opisina nga ito na notaryo pero hinayaan niya ang staff niya mag-notaryo para sa kanya at hindi niya alam pala.
03:54So, alam ko na marami nagsasabi na normal na pangyayari yan, hindi naman daw humaharap ang abogado
04:00at staff lang ang pumipirma at naglalagay ng seal at nag-fill up ng mga libro nung notaryo.
04:06Pero, naku, bawal na bawal po yan.
04:09Baka maparusahan pa yan ng Korte Suprema sa isang disciplinary action.
04:14So, abangan po natin ang patuloy na saga ng mga flood control project sa Senado.
04:20Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:26Huwag magdalawang isip. Ask me. Ask Eternity.
Comments