Skip to playerSkip to main content
Usap-usapan ang balitang pagbebenta ng mga relief goods na dapat ay para sa mga nasalanta ng kalamidad. Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Sunod-sunod na kalamidad ang naranasan sa buong bansa.
00:05Sa Cebu, magnitude 6.9 na lindol ang yumanig sa iba't ibang bayan noong nakaraang linggo.
00:11Nandyan din ang sunod-sunod na bagyo na dumaan, pinakahuli na nga ang bagyong Paulo.
00:17Kaya ang mga kababayan natin, kailangan-kailangan ng tulong.
00:21Pero sa panahong ito, nakakainit ng ulo ang balitang ang relief goods na may imprentang not-for-sale na bistong na ibinibenta ng isang negosyante.
00:34Bulto-bultong family clothing kits ito na may logo pa ng DSWD.
00:40Nahuli ang mga nagbebenta sa isang entrapment operation sa Tondo, Manila.
00:45Depensa ng nahuling nagbebenta, sila ang may-ari ng mga supply at hindi ang gobyerno.
00:50Pag-usapan natin ang insidente niyan, ask me, ask Atty. Gabby.
01:02Atty, malinaw na may nakalagay na not-for-sale pero sabi ng may-ari isa ka nila raw ang relief goods at hindi sa gobyerno
01:10dahil excess daw ito sa kontrata na hindi kinuha ng gobyerno.
01:15Ano ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:18Well, medyo nakakagulo ang mga pangyayari.
01:21Di po ba? Unang-una, kapag may tatak na not-for-sale at may logo pa ng DSWD o ng gobyerno,
01:28malinaw na property ng gobyerno ang mga yan at intended para ipamigay sa mga nasalanta,
01:33hindi para ibenta.
01:34Kung ito nga sana'y sinabi ng DSWD na talagang kanila at meant for distribution,
01:40napakalinaw na ito ay isang krimen sa ilalim ng Republic Act No. 101-21 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.
01:50Bawal na bawal ang paggamit, pagbili o pagbebenta ng relief goods na nakalaan para sa mga mabiktima ng kalamidad.
02:00Ang parusa dito hanggang labing dalawang taon na pagkakakulong at multa ng hanggang kalahating milyong pesos.
02:08Pero ang sabi na nagbebenta ay excess lang nga doon ito sa kontrata.
02:12Nakakahinala pa rin. Unang-una, usually kung may kontrata kayo na magmanufacture para sa gobyerno sa isang tao,
02:19usually bawal na ibenta ito sa ibang tao.
02:22At bakit mo naman ibibenta na napakalaking nakalagay not-for-sale, e parang naghahanap talaga kayo ng kulong.
02:29At usually, malinaw sa mga kontrata ng paggawa ng ganyang supplies, ay talagang bawal ito ibenta o gamitin.
02:36Hindi pa rin nila pwedeng basta-basta ibenta hanggang ito ng opisyal na dokumento nagsasabing
02:40na ilipat na sa kanila ang pagmamayari at bawal ibenta na may pangalan ng ibang tao.
02:46At kung ikaw naman ang bumibili, dapat ay alam mo rin na may problema.
02:50Kung ito ay nakaw na gamit, halimbawa na kung madadamit pa kayo sa krimen ng fencing
02:56o ang pagbili o pagbenta ng nakaw na gamit.
02:59Dahil ang obvious na mukhang may problema ang binibili ninyong gamit,
03:03e dahil nga napakalaki naman na nakalagay na not-for-sale.
03:08Pero sana ay chinek na ng DSWD kung posibleng may pinamanyanfaktor nga silang mga ganitong mga gamit
03:14at natrace na para alam na natin kung ano ba talaga ang nangyari.
03:18Ito nga ba ay pinagawa nila pero hindi natuloy o na-reject ang produkto?
03:23Posible kaya na ito ay para nga sa disaster victims pero ninakaw at binenta ng masasamang tao.
03:30Parang sabi nila ay walang koneksyon ng DSWD sa mga gamit na ito sa warehouse na kinalagyan
03:36at walang personel na konektado.
03:39Napakalaking misteryo.
03:40Sabi nila liable daw sila ng revised penal code sa illegal use ng insignia
03:45kasi nga may tatak ng DSWD pero usually yung insignia pang military o mga polisyan.
03:52So tingnan natin kung uusad ang kaso na maaaring i-file.
03:56In any case, pagtulong po sa kapwa, meron pong blood drive sa Palma Hall, sa UP bukas
04:02at sa Wednesday para matulungan po natin precisely ang mga na-hurt at na-injure sa earthquake sa Cebu.
04:09In any case, mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:16huwag magdalawang isip, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
04:21Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:26Bakit? Mag-subscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:32I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
04:36Salamat ka puso!
Comments

Recommended