00:00Hindi natin titigilan at hindi pwedeng mabaon na lang sa limot
00:04ang katakot-takot na korupsyon sa flood control projects.
00:09Nakatutok pa rin tayo dyan.
00:11Ang tanong ng bayan, ano na nga ba ang nangyayari sa investigasyon?
00:15Well, ito na nga.
00:17Humarap kahapon si dating House Speaker Martin Romualdez sa ICI.
00:22Kaugnay ito sa allegasyon na i-deliver umanong pera sa kanyang bahay.
00:26Iti nang din naman ni Romualdez ang pagkakasangkot niya sa isyo ng korupsyon sa mga flood control project.
00:34Sinabi niya na wala siyang dapat itago at ang pagdalo niya ay parang tumulong na lang mas malaman ang katotohanan.
00:43Pero ang isa pang inimbitahan ng ICI na si dating Congressman Zaldi Ko,
00:48no-show kahit inisuhan ng sapina.
00:52Pinaniniwalaang nasa labas ng bansa si Ko.
00:55Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:58Ask me. Ask Attorney Gabby.
01:07Attorney, palagi nating naririnig ang sapina.
01:11Kahit nga mga ordinaryong mamamayan nakakatanggap niyan.
01:15Ano ba ang ibig sabihin nito?
01:17At paano kung hindi sumipot ang sino mang naisuhan nito?
01:20Sa ano nga ba ang sapina, ito ay isang utos ng isang korte o isang legal authority tulad ng ICI
01:28na hinihikayat ang isang tao na either umapir sa harap nito
01:32o magdala ng mga dokumento na kinakailangan sa isang kaso.
01:36Pag ito ay utos para sa isang tao na magpakita at magtestify, ito ay tinatawag na sapina ad testificandum.
01:46Kung ito naman ay utos para magdala at magpakita ng mga dokumento, ito ay tinatawag na sapina du sestekum.
01:54So ang sapina nga isang utos na usually ang hindi pagsunod dito ay maaari kayong masight in contempt.
02:02Pag sinabi na nasight kayo in contempt, ang hindi pagsunod sa utos na ito ay maaaring mapunta sa kulong or fine or both.
02:10Ang problema, hindi lahat ng mga organisasyon o ahensya ay may kapangyarihan para magsight in contempt
02:16o magparusa sa taong hindi sumusunod sa utos nito o sa sapina na naipadala na.
02:22At ang ICI nga ay isang example na isang ahensya na may kapangyarihan na mag-issue ng sapina
02:28pero walang kapangyarihan na magbigay ng parusa pag hindi nasunod dito.
02:35Ito ay dahil nga ang ICI isang ahensya na gawa sa isang executive order lamang.
02:40Kailangan ay may batas na gagawa at magbibigay ng kapangyarihan na ito
02:45dahil ang power to cite in contempt medyo mabigat at extraordinary measure at kapangyarihan.
02:52So, hindi ito binibigay basta-basta lamang.
02:55Sabihin na wala ng remedyo para dito?
02:59Well, meron po.
03:00In accordance with Rule 71 of the Rules of Court,
03:03maaari pa rin mag-apply ang ICI sa isang korte for indirect contempt
03:09para ito ang magparusa sa isang tao hindi sumunod sa isang sapina na maayos namang naibigay.
03:15Ang parusa para dito ay fine na hanggang 30,000 pesos.
03:19Ako, mukhang madali niyang mababayaran yan.
03:21Or kulong na hanggang 6 na buwan or both.
03:24In any case, ang ICI isang investigative fact-finding agency.
03:29Sana nga, whether with or without the power of citing in contempt directly,
03:34ay makapag-imbestiga na lalo sa madaling panahon para makasuhan na at may managot na.
03:40Ah, init na-init na po ang taong bayan kasi alam natin na napakarami talagang nawala na pera ng taong bayan
03:48dyan sa mga flood control project na yan.
03:51So, bilisan na po natin.
03:53In any case, mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
03:56Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
04:01Ask me, ask Atty. Gabby.
04:05Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:09Bakit? Mag-subscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:15I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
04:19Salamat ka puso!
Comments