Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Kasunod ng sunod-sunod na lindol sa bansa, usap-usapan ngayon ang mga “go bag” at paghahanda sa kalamidad. Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin kay Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sunod-sunod ang mga naitatalang malalakas at mapinsalang mga lindol sa bansa.
00:06Dahil dyan, malaking usapin ngayon ang disaster preparedness ng bansa.
00:11Trending nga online ang mga go-bag ng iba't ibang lokal na pamahalaan.
00:16Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dyan?
00:19Ask me, ask Attorney Gabby.
00:21Attorney, marami ang nangangamba dahil sa sunod-sunod na pagyanig sa bansa.
00:33Ano ba ang sinasabi sa batas tungkol sa obligasyon ng local government sa disaster preparedness
00:38gaya na nga ng pamahagi ng go-bags at iba pa?
00:43Well, nakakabahala naman talaga ang sunod-sunod na pagyanig sa ating bansa nitong mga nagdaang araw.
00:48Nararapat lang tayong maging handa sa ganitong klase ng sakuna sa pangunguna ng ating lokal na pamahalaan.
00:56At ayon sa Republic Act No. 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010,
01:04obligasyon ng mga LGU mula sa probinsya, lungsod, bayan hanggang barangay
01:10na maghanda, magplano at magpatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng kanilang nasasakupan
01:17bago pa man mangyari ang sakuna.
01:20Nauso nga ngayon ang pamahagi ng libreng go-bags na naglalaman ng mga emergency kits
01:26na maaaring gamitin sa oras ng pangangailangan.
01:29Well, wala naman sa RA 10121 na nagsasabing required ang pamimgayan ng mga go-bag,
01:36although talagang malaking tulong ito.
01:39Pero mas malaking tungkulin ng mga LGU na siguraduhing handa at informed ang bawat mamamayan
01:46tungkol sa importanteng kaalaman tulad nga kung saan ang mga evacuation sites
01:51at iba pang mga impormasyon na kailangan nilang malaman.
01:55Dapat din ay napag-aralan na nila kung ano ang pinakamalaking mga risk sa area nila
02:01malapit ba sa fault line, sa ibang mga disaster, bahain ba o prone sa pagtaas ng tubig
02:08para alam din nila kung ano ang kailangan nilang paghandaan.
02:12Kailangan din na may Local Disaster Risk Reduction and Management Office
02:17o ang LDRRMO sa bawat LGU na isa sa mga panganahing tungkulin
02:22ay ang pagsasagawa ng regular na earthquake at fire drills
02:26lalo na sa mga paaralan, ospital at pampublikong gusali.
02:31Dapat ay mga emergency operation plans sa bawat sakuna.
02:36Dapat ay may funding at training ng mga empleyado at mga volunteers at ang mga first responders.
02:43Kasama rin dito ang regular inspection ng mga struktura at critical facilities
02:48tulad ng mga tulay, gusali ng pamahalaan at, of course,
02:52ang mga evacuation centers para matiyak na ligtas sa mga ito bago pa mangyari ang kalamidad.
02:59Tungkulin ng mga LGU na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga constituent.
03:04Sa huli, tandaan po natin ang pagiging handa ay totoong obligasyon ng ating pamahalaan
03:09pero may tungkulin din tayong ihanda ang ating mga sarili,
03:14ang ating mga pamilya sa ganitong klase ng sakuna.
03:18Pero okay din ang may go bag galing sa LGU.
03:21Pero sana walang graft and corruption involved.
03:24Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw
03:27para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:30Huwag magdalawang isip.
03:32Ask me.
03:33Ask Atty. Gabby.
03:36Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:40Bakit?
03:41Pagsubscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:46I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
03:50Salamat ka puso.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended