Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Uso ngayon ang unkatan ng past—mula sa lumang photos at videos hanggang sa yearbook pics ng mga public officials! Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin ‘yan sa ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Uso po yata ngayon ang ungkatan ng past, di ba?
00:05Bigla kasing naglalabasan ang mga lumang picture at video.
00:09Gaya na lang sa post ni Sen. Jingoy Estrada sa Facebook
00:12ng yearbook photos ni na Congressman Redon
00:15at dating Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez.
00:21Captioned dyan ni Estrada,
00:22safe kaya tayo sa kanila? Talaga ba?
00:25At sinundan pa yan ang mga hashtag tulad ng
00:28investigation o reunion at kaya naman pala.
00:33Itinanggi naman ni Congressman Redon na may kaugnayan siya kay Hernandez.
00:37At sinagot niya rin si Sen. Estrada sa isang post
00:40at sinabing nilabas pa nito ang adres ng bahay ng lola niya.
00:45Bukod yan, marami pang nauungkat na past at napopost sa social media.
00:50Merong mga picture na magkakasama sa party,
00:53basketball game at ringside pa at kung saan-saan pa.
00:56Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:00Ask me, ask Atty. Gabby.
01:09Atty, ano po ba ang sinasabi ng batas tungkol sa paglalabas ng ganitong mga past pictures
01:15at videos ng ibang tao?
01:17Yung iba may mga detalye gaya ng adres na nakakasama.
01:21Pwede bang basta-basta magpost ng ganito?
01:24Well, mainit-init nga talaga ang issue ng flood control ngayon
01:27at bumabaha na rin ang kaliwat ka ng mga issue
01:30kabilang na nga ang paglabas ng mga lumang larawan at video sa social media.
01:36Okay lang sana kung lumang litrato na nga part of the public domain kung tutuusin
01:41dahil meant for public consumption
01:43at nailabas na nga ang mga litrato tulad ng mga litrato sa annual.
01:47Diba? Okay lang yan.
01:48Pero tandaan, kapag nagpo-post ka ng picture o video ng ibang tao
01:53lalo na kung sasamahan niyo ng personal details
01:56tulad ng adres, telephone number at iba pa
02:00pasok yan sa tinatawag na personal information
02:03na protektado ng Data Privacy Act of 2012.
02:07Kung wala kang pahintulot, maaari itong maging paglabag ng privacy
02:11at pwede itong report sa National Privacy Commission.
02:15Bukod pa riyan kapag sinamahan ng caption
02:17na maaaring makasira sa reputasyon,
02:20maaari itong ituri na defamatory
02:22at mauwi sa cyber libel case
02:25kahit sino pa ang pinost mo.
02:27Mainam na mag-ungkatan po tayo actually
02:30lalo na kung iuungkat
02:31ay kung saan ba talaga napunta ang pondo,
02:34kung kanino at bakit hanggang ngayon.
02:37Lubog pa rin sa baha ang marami.
02:39Kagabi nga isang minuto lang umulan,
02:41nagkaroon na ng baha, diba?
02:43Pero siguraduhin na kapag nag-uungkat,
02:45hindi na sasagasaan ng karapatan at privacy ng iba,
02:49ayaw na na rin sa batas ng ating bansa.
02:52Pero tandaan,
02:53lalo na sa ating mga public at mga government officials,
02:57public office is a public trust.
02:59Public office requires transparency.
03:02So kung ang mga litrato ay tungkol sa inyo
03:04habang kayo ay in the performance of your duties,
03:07huwag masyadong magalit kapag na-upload ito.
03:10Sa medyo mas mababa siguro
03:11ang right to privacy ng government officials natin.
03:15Kung tutuusin, of course,
03:17kung ang mga litrato ay tungkol sa totally private matters,
03:21parang ordinary citizen din lang sila.
03:23Pero kung konektado ito sa kanilang public function,
03:26sa kanilang paggawa,
03:27o hindi paggawa,
03:29or hindi tamang paggawa ng trabaho,
03:31at lalo na kung ito ay tungkol
03:33sa pangungurakot ng kaba ng bayan,
03:35well, siguro the public has a right to know.
03:38At kung medyo na-hot seat na kayo,
03:41huwag nyo nang i-deflict yung issue.
03:43Kuminsan kung ano-anong patutsada
03:44para maisip, di ba?
03:46Mabaling ang atensya ng publiko
03:48sa ibang bagay.
03:51Harapin nyo lamang at patunayan na hindi tama
03:53ang mga paratang sa inyo.
03:55Ilabas nyo na mga salin.
03:57Sign that bank waiver.
03:58Be transparent.
04:00Kung wala kayong tinatago,
04:02eh wala kayong itatago talaga.
04:04In any case, mga usaping batas,
04:07bibigyan po nating linaw
04:08para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:11Huwag magdalawang isip.
04:13Ask me.
04:14Ask Attorney Gabby.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended