Skip to playerSkip to main content
Aired (June 7, 2025): Paano nga ba sila napasok sa ganitong klase ng trabaho? Panoorin ang buong ulat sa video. #ReportersNotebook

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa cellphone video na nakuha ng reporter's notebook mula sa mga otoridad, makikita ang tatlong lalaking nakauniforme ng itin.
00:08Ang isa sa kanila, may hawak na tubo at itinuturo ang babaeng nakaupo sa kama.
00:15Ang may hawak ng cellphone, nagawa pang takpa ng lente habang kumukuha ng video.
00:22Pero ilang saglit pa, pinatayo ng mga lalaki ang babae.
00:26Hinawakan siya sa magkabilang kamay ng dalawang lalaki.
00:31Habang ang ikatlo na may hawak ng tubo, paulit-ulit na pinalo ang babae.
00:39Sa tulong ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK, nahanap namin ang babae sa video.
00:45Itinago namin siya sa pangalang Janine.
00:48Kuharaw ang nasabing video sa bansang Myanmar.
00:52Kwento ni Janine, taong 2022, isang kakilala niya ang nag-alok ng trabaho sa bansang Thailand.
00:58Mula raw kasi sa sweldo niyang 18,000 pesos bilang lady guard noon, pwede siyang kumita ng hanggang 80,000 piso sa Thailand.
01:07Ninalok niya sa akin na encoder, tapos makakapunta din ka agad.
01:14Kinagabihan, isang Chinese national daw ang nag-interview sa kanya online.
01:18Mag-send ka ng video. Video mo na introduce yourself.
01:23Maka ilang minuto, sabi niya sa akin, approved na daw.
01:27Siguro mga ilang ano lang, sang oras, ganun.
01:29May sined na sa akin na ticket. Ang bilis.
01:33Kinabukasan, agad na nakalipad si Janine papuntang Thailand.
01:41Sinalubong siya roon ng isang kakilala.
01:45Ang problema.
01:47Sabi niya, ganito ha. Hindi pala encoder trabaho mo.
01:51Sales marketing. Alam ko, sales marketing may kota yan.
01:55Sabi niya, hindi ha. Tawag walang kota. Yun.
01:57Mula Thailand, bumiyahe at muli raw sumakay ng eroplano si Janine.
02:05Nang makalapag si Janine, nasundan pa ang kanyang biyahe ng pagtawid sa isang ilog.
02:10Ito na pala yung border ng Thailand at Myanmar sa tinatawag na Maysot District.
02:18Doon nila ako binabak. Tapos yung sinakyan ko, parang kumbaga para siyang bangka.
02:27Ang hindi alam ni Janine, sa tinatawag na Scam City sa Myanmar pala siya mapapadpad.
02:36Mistulan daw isang malaking siyudad ang lugar.
02:41Sa mapa, makikita kung gaano karaming gusali at gaano kalawak ang Scam City.
02:46Pagpasok ko doon sa opisina, noong gabi na, tapos may inabot sila sa akin na script.
02:55May script, parang ano siya, chucking.
02:59Ang laging trabaho ni Janine, Scammer.
03:03Marami na akong mga kasama, mga Chinese.
03:06May isang Pilipino, dalawa kami ng Pilipino pa noong time na yun.
03:09At ang ipinangakong 80,000 pesos na sahod, 23,000 pesos lang pala.
03:17Gusto man niya umatras, wala na siyang nagawa dahil pinagbabayad siya ng mahigit 370,000 pesos.
03:24Ang sapilitang ipinagawa sa kanya, Love Scam, kung saan pa iibigin nila ang kanilang biktima.
03:30At kapag nahulog na sa patibong, dito na nila pipiliting mag-invest ng pera ang biktima.
03:40May handa na rin sila na computer.
03:43Computer, tas may script, may pinabasa sila.
03:46Yung script, parang ano siya, chucking.
03:48Chucking sa doktor, sa lawyer, sa businessman.
03:52Ang problema, sabi ni Janine, sa tuwing hindi raw sila nakakaabot sa itinakdang kota na mahigit 27,000,000 pesos sa loob ng isang buwan.
04:02Dito na nangyayari ang pananakit sa kanila bilang parusa.
04:07Pag hindi ka makahanap ng kachat mo na may yaman, na active, may mga penalty na sila.
04:16Kasi may iba na nag-exercise, may iba naman na nag-squat.
04:21Yung sa amin, pinapag-jogging kami na in laps.
04:25Nainit yung tanghaling tapat.
04:27Ito yung actual video na sinasabi ni Janine na kuha sa loob mismo ng Scam City sa Myanmar.
04:32Kung makikita ninyo, ilang beses silang pinapatakbo kahit na tanghaling tapat.
04:37Party raw ito ng kanilang parusa kung hindi nila naaabot ang kanilang kota.
04:42Dahil sa takot, ginusto na ni Janine na makauwi sa Pilipinas.
04:46Nang malaman ito ng kanilang boss, doon na raw siya pisikal.
04:51Nasinaktan.
04:55Naging bihag siya ng mga dayuhan.
04:58May mga pagkakataon din daw na hinihinga ng pera ang kanyang kaanak kapalit ng kanyang kalayaan.
05:03Kinulong na kami nun, sampung araw.
05:06Nanghihingi sila sa pamilya namin na magpadala ng pera.
05:10Pag hindi nagpadala, doon na kami hinahampas.
05:15Worst money.
05:16Ganun.
05:17Pag sa akin wala, doon na nila ako binumbugbog.
05:19Pinapahawak ako sa dalawang Burmese.
05:22Nakadito.
05:22Sa tulong ng Philippine Embassy at Police Attaché sa Thailand.
05:31May 2023, narescue at napauwi si Janine sa Pilipinas.
05:36Karaniwang entry point daw ng mga nagiging biktima sa Myanmar at mga kalapit na bansa ang Thailand.
05:44Mula Bangkok, Thailand, tinatayang walong oras na biyahe o halos limandaang kilometro pa ang kailangang baybayin ng mga nagiging biktima para marating ang border ng Thailand at Myanmar na Mae Soth District.
05:56Dahil hindi dumaan sa emigration, may tuturing na undocumented ang mga biktima ng human trafficking.
06:04Kung tinawid kayo sa Myanmar, ang problema, hawak yun ng mga rebelde, ng mga external armed groups na tutol sa official government ng Myanmar.
06:14So pati doon, may problema tayo.
06:17Sa mga larawang ibinigay sa Reporter's Notebook ng Police Attaché ng Pilipinas sa Thailand, makikita ang mga pasa at sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ng ilang biktima.
06:29Sa larawang ito, makikita ang babae na may malaking latay sa may puwetan, ang isa namang dayuhan na mamaga at nangingitim ang kaliwang mata.
06:40Sa embesigasyon, lumabas na isang Chinese mafia boss ang tumusok ng stick sa mata ng biktima.
06:47Nakabenda naman ang braso ng isa pang biktimang ito.
06:50Nabali raw ang kanyang buto nang makaranas ng pananakit sa scam city.
06:55Habang ang isa pang lalaki, halos malapnos na ang kanyang buong likod matapos sunugin dahil nahuli raw na humihingi ng tulong sa mga otoridad.
07:04Sa video naman ito, isang Bangladeshi national ang makailang ulit na kinukuryente ng dalawang uniformadong lalaki dahil hindi raw naabot ng dayuhan ng kota sa loob ng scam hub.
07:17Ang mga biktima, walang kalaban-laban habang paulit-ulit na nakaranas ng pananakit sa loob ng scam hub.
07:27Sabi ng mga otoridad, meron namang nakakatakas at nakakaalis na mga biktima sa scam city.
07:32Ang mga sinasabi ng nakakawi, yun yung mga pinapadala ng mga Chinese boss dun sa sinasabi nilang military camp.
07:44Yung mga alam nilang wala ng pakinabang sa kanila, hindi na nakaka-scam, yun yung mga pinapa-turnover na sa military.
07:52Sa datos ng Department of Migrant Workers o DMW, mula 2023, nasa mahigit 1,000 na Pilipino ang naging biktima ng human trafficking sa mga bansang Cambodia, Laos at Myanmar.
08:05Sa bilang na ito, 1,102 na ang narescue at napauwi sa Pilipinas, pero 74 pa ang kailangang marescue o for repatriation.
08:15March 2025, 30 Pinoy na mga biktima ng human trafficking ang nasagip sa scam city sa Myanmar.
08:31Isa sa kanila si Ram, hindi niya tunay na pangalan, 25 taong gulang mula sa Cavite.
08:37Tulad ni Janine, na-recruit ding magtrabaho si Ram sa Thailand, ang offer bilang customer service representative.
08:44Naghanap po ko ng trabaho sa Facebook. Yung sahod daw po eh around 50,000 to 70,000 daw po.
08:51Pagka-message ko po sa kanila, may nagbigay po sila ng link po sa Telegram and then doon po kami nagkausap sa Telegram po.
08:59Pinagsend po ko ng mga resume, passport po.
09:04Agad daw natanggap si Ram sa inaplay ang trabaho.
09:07Wala po kong nakitang kaduda-duda po noon.
09:10Maayos niya po kong kinausap at maayos niya po pinaliwanag yung magiging trabaho.
09:19January 8, 2025, lumipad si Ram papuntang Thailand.
09:24Connecting flight po, booking po papunta po sa Thailand.
09:27Ang sabi po sa akin, ang lugar po na pagtatrabahuan ko ay doon lamang po sa may Bangkok, Thailand po.
09:34Gaya ni Janine, tumawid rin si Ram sa ilog na boundary ng Thailand at Myanmar.
09:51Nang makarating sa Scam City, doon na nalaman ni Ram na scammer pala ang kanyang magiging trabaho.
09:57Gusto ko pong umuwi na po noon that time. Kaso po, ang sinabi po sa akin, kung uuwi po ako, sasagutin ko daw po lahat ng expenses na ginastos po nila sa akin.
10:08Love scam din ang modus na ipinagawa kay Ram.
10:11Kapag walang nahanap na bibiktimahin o hindi umabot sa kota, may katapat na parusa.
10:16Binibilad po kami sa araw yung mga military punishment po or military exercise po tulad ng tusok ulo, push-ups, squats.
10:26Naranasan ko po yung pang-uriyente po.
10:29February 20, 2025, nasagip si Ram kasamang iba pang Pilipinong naging biktima rin sa loob ng Scam City.
10:37March 25, 2025, tuluyan na silang nakauwi sa Pilipinas.
10:41Noong nakita ko po yung pamilya ko ay sobrang sa'yo po at ngayon po ay nakikipagtulungan po ko na mailigtas po yung mga ibang Pilipino po doon sa Myanmar po.
10:53Sa parehong linggo, 176 na mga Pinoy pa ang narescue.
10:58Ang Interagency Council Against Trafficking o IYACAT ang ahensyang tumutulong sa mga Pinoy na biktima ng human trafficking sa ibang bansa.
11:05Sa written statement na ipinadala ng IYACAT sa reporter's notebook, nakasaad na matapos marescue ang mga biktima patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanilang ahensya sa mga otoridad para masampahan ng kaso ang mga recruiter at trafficker.
11:20Pinagtibay rin daw nila ang pagpapanagot sa mga opisyal ng gobyerno na nasasangkot sa mga ganitong kriminalidad.
Comments

Recommended