00:01Sa mga malalaking syudad, hindi na gaano'ng napapansin ang pagtunog ng mga kampana.
00:08Pero sa mga maliliit na bayan ng Panay, mahalaga pa rin ito.
00:13Lalot ang mga kampana may sariling kasaysayan.
00:19Kung ikukumpara sa ibang mga simbahan sa Iloilo, hindi agad-agaw pansin ang simbahang ito sa Distrito ng Lapas.
00:28Pahimik lang itong nakatayo sa gitna ng komunidad.
00:35Pero kapag umalingaw-ngaw na ang mga kampana mula sa kampanaryo nito, tsak mapapalingon ang lahat.
00:46Para itong himig na nang-aanyaya sa mga magsisimba.
00:51At sa bawat pagtunog nito, may kasaysayan at tradisyong bumubuhay sa buong distrito.
01:02Ito ang St. Clement's Church.
01:05The church itself opened in 1941.
01:08It was the first church in this island with open doors.
01:11The old churches, as you can see, they have big walls.
01:14Pero ang nagpapa-espesyal sa St. Clement's Church, ang nasa loob ng belfry o kampanaryo nito, hindi lang isa, kundi
01:24labing tatlong kampana na kung tawagin, carillion bells.
01:29Ang bells na ito, hindi katulad ng ordinaryong kampana na iisang tunog lang ang nagagawa.
01:36Dahil set o binubuo ito ng maraming kampana, bawat isa sa mga ito may sariling pitch o musical note.
01:49Kaya kapag pinatunog sila, maaaring makagawa ng kanta o melody.
02:03Araw-araw ko din po ito naririnig yung tugtog, naa-amaze po.
02:07Ang carillioner, tawag sa nagpapatunog sa carillion bells, na siya ring organist ng simbahan, si John John.
02:15Hindi katulad sa ibang carillion bells na elektronik na, ang sa St. Clement's, mano-mano pa rin pinapalo ni John
02:23John.
02:39Ang gamit niya para mapatunog ang mga kampana, ang keyboard na ito, na gawa sa malaking kahoy.
02:45Like sa piano po, lahat pong nasa baba dito, ito po yung white keys po ng piano, at itong dalawa
02:50po sa taas, ito po yung black keys po.
02:52Yung wire po, nakakonek sa may hammer po mismo ng bell po.
02:56Kung hatakin mo po, papaba, yung hammer niya po sa taas po, maghampas po doon sa bell para po tutunog
03:01po yung kampana.
03:04Taong 2015 pa raw, nagsimulang maging kampanero ng simbahan si John John.
03:09Pero bago raw siya natoka sa carillion bells,
03:13ang unang nagpapatunog nito, ang kanyang tatay Willie at ang kanyang kuya Wilfred.
03:18Pero nagkanumonya at namatay ang kanyang kuya Wilfred.
03:21Kaya, nawala na rin daw ng gana noon ang kanyang tatay Willie.
03:33Kalaunan, nakahanap si Willie ng dahilan para magbalik loob.
03:37Sa tuwing pinapatugtog niya raw kasi ang carillion bells,
03:41natatanaw niya raw mula sa isang maliit na bintana sa kampanaryo,
03:46ang anak niyang si John John, habang tumutugtog ng organ.
03:54Mula noon, magkatuwang na silang nagpapatunog ng carillion bells.
04:00Ngunit dapat maging maingat, lalo't madaling maputol ang string gaya ng nangyari nung araw na yun.
04:07May mga times po na napuputol po yung wire po sa taas.
04:12Example, ngayon po, nito.
04:15Si John John at Willie, umakyat ng kampanaryo para ito'y ayusin.
04:20Ito po yung naputol po.
04:22Mali yung ginagawa niya na kumukuha siya ng alambre,
04:25tapos ikokonnect niyo po yung wire at saka sa hammer po na nagsasmash po sa bell po para tutunog.
04:47Ang malalim na pananampalataya ng mga ilonggo bakas sa napakaraming antigo at naggagandahan nilang simbahan.
04:57Gaya na lang ng Santo Tomas de Villanueva Parish Church sa bayan ng Miagaw,
05:03ang fasad o harapan nito kung saan nakaukit ang imahe ni St. Christopher na may pasan na Batang Jesucristo
05:09habang tumatawid ng ilog, obra maestrang maituturing.
05:13Kaya napabilang sa UNESCO World Heritage Site.
05:18Habang sa Haro Cathedral naman o ang National Shrine of Our Lady of the Candles,
05:23hindi lang masisilayan ang lumalakiraw na imahe ng Nuestra Senyora de la Candelaria,
05:29mamamangha ka rin sa kakaiba nilang belfry o kampanaryo na nakahiwalay sa simbahan.
05:41Dito naman sa bayan ng Panay, nakatindig ang pinakalumang simbahan ng Capiz,
05:47ang 142-year-old na Santa Monica Parish Church.
05:52Ang makakapal na pader nito gawa sa coral bricks na pinagdikit-dikit
05:58gamit ang pinaghalong puti ng itlog at pinudpud na shell.
06:02Noong 1884 ay tinayo itong bagong simbahan.
06:06Kalintula din siya ng mga Spanish churches across the island
06:11nasa cruciform or hugis cruz yung layout ng simbahan.
06:17Ang kampanaryo ng simbahan,
06:19nagsisilbing tahanan ang pinakamalaking Christian bell sa Southeast Asia
06:24at pangatlo sa buong mundo.
06:27Ito ang tinatawag nilang Dakong Lingganay.
06:32Tumitimbang ng sampung tonelada.
06:34Yung bell ay ginawa noong 1884 mula sa donasyon ng mga tao na mga bariyano.
06:43Ang tunog nito, naririnig hanggang walong kilometro ang layo.
06:51Ang mahigit dalawang dekada ng toka sa pagpapatunog nito, si Joseph.
06:56Sabi nga ng pare namin, maglagay na ng air mga base sa katagalan, ma'am.
07:00Masira yung tenga ko.
07:01Pero hindi, ma'am, gusto ko marinig yung tunog ng kampanay.
07:04Tawag po namin dito is budaho.
07:07Ito yung gagawin po.
07:08One,
07:10two,
07:11and
07:12three po.
07:20Every December 21 yung kampana namin, anniversary niya po ma'am.
07:24Kung ilang taon yung kampana po, yung edad niya, ay ganoon din yung pinapatunog po.
07:28Yung taon nung humihila, mga 20, dito po ay makikita natin yung mga gamit or mga basement po na mga
07:36pari nung unang panahon.
07:37Sa tagal niya sa trabahong ito, kabisado na rao ni Joseph ang bawat sulok ng simbahan.
07:43Kaya siya rin ang nagsisilbing tour guide ng mga bisitang gustong makita, ang dakong lingganay.
07:50Pakikita natin dito the biggest bell in Southeast Asia.
07:56Nung pinatunog po niya, sobrang lakas. As in talagang parang dagong dong yung kabanan dibdib.
08:03Nakaka-amaze and nakaka-proud bilang Pilipino.
08:08Kahit matanda ka, kung kaya pong magpatunog, pwede pa.
08:26Sa marami nating mga probinsya, ang mga kampana ng simbahan,
08:33hindi lang tumatawag sa misa.
08:37Tinig din sila ng kasaysayan, pintig ng tradisyon at ang paalaala na sa kabila ng paglipas ng panahon,
08:47patuloy pa rin nagkakaisa ang maraming bayan sa pananampalataya.
08:59Thank you for watching mga kapuso.
09:02Kung nagustuhan niyo po ang videong ito, subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
09:09And don't forget to hit the bell button for our latest updates.
Comments