Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Sa Sta. Cruz, Laguna, dinarayo ng mga deboto ang imahe ni Señor Santo Sepulcro o “Lelong” na pinaniniwalaang milagroso. May ilan ding nagsasabing nasaksihan nila ang pagdilat ng mga mata nito. Alamin ang kwento ng pananampalataya sa Unang Hirit.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00At sumantala mga kapuso, ngayon pong Martes Santo,
00:02itutuloy po natin ang ating Semana Santa Special,
00:06Mga Kwento ng Himala.
00:08Sa Laguna, pinaniniwalaang nakapagpapagaling
00:11ng mga may karamdaman
00:13ang imahe ng Senyor Santo Sepulcro
00:16o mas kilala sa mga deboto sa tawag na Lelong.
00:20Narito po ang mga kwento ng Himala ni Lelong.
00:26Kung doon ko nakita, siya ay nakamulat.
00:30Ako'y masyadong ninerbius noon.
00:32Parang binuhusan ng malamig na malamig na tubig ang katawang ko
00:35at ako'y inapaiyak.
00:36Kasi first time ito nakita si Lelong na nakamulat.
00:49Sa mga katoliko, bahagi na ng ating pananampalataya
00:52ang pagdarasal sa mga santo.
00:54Pero ano ang gagawin mo kapag ang santo na iyong pinagdadasalan?
00:59Biglang dumilat ang mamata.
01:06Sa Santa Cruz, Laguna, maraming deboto ang imahe ni Jesus
01:10sa libingan o Senyor Santo Sepulcro.
01:15Kilala ito sa tawag na Lelong.
01:18Ayon sa kwento, noong 2018, isang deboto ang humirang sa imahe ni Lelong
01:23para sa kanilang padasal sa bahay.
01:30Noong una raw, wala namang kakaibang nangyari.
01:34Nagulat na lamang sila na ang mga mata ni Lelong,
01:37nakadilat na.
01:44Ang nasaksihan ko na himala ng Lelong ay ang pagdilat niya.
01:50Yun ay isang araw na pabasa sa isang chapel dito sa Santa Cruz.
01:57Hindi naman ako napunta doon, pero bakit naisipan kong pumunta?
02:00Nagdasal muna ako doon, and then, saka kasi kami humahalik sa paanan.
02:07So, pumunta ako doon at humalik sa paanan ng Lelong.
02:11Doon ko nakita na siya ay nakamulat.
02:14Ako'y masyadong ninerbius noon.
02:16Parang binuhusan ng malamig na malamig na tubig ang katawang ko,
02:19tapos biglang nag-init, kaya ako'y napaiyak.
02:22Kasi first time ko nakita si Lelong na nakamulat.
02:27Hindi ko nakitang nagmulat, pero mulat.
02:29Tinignan ko ang mga ilaw.
02:31Wala namang nakatapat na ilaw.
02:33Tinawag ko yung isa naming kasamahan.
02:35Saan ko, halika, halika, saan ko ganun.
02:37Tingnan nyo, tingnan nyo ang Lelong.
02:38Sabi ko ganun.
02:41Ayun, mamapit siya sa abak, ang Lelong mulat.
02:44Tapos ayun, tinawag na niya yung mga maraming nagbabasa eh,
02:47tsaka mga tao.
02:49Ayun, lahat yun.
02:50Nagpuntahan doon, ay, sabi, ang Lelong mulat, ang Lelong mulat.
02:53Ganun ang sinasabi nila.
02:58Nakita ko yung pagmulat ng Lelong,
03:01dalawang mata talaga na mulat niya.
03:04Dasal kami doon.
03:05Iyak ako doon talaga sa paanan ng Lelong nung nagmulat siya.
03:08Bago pa ang sinasabing pagdilat daw ng mga mata ni Lelong,
03:12matagal nang pinaniniwalaang milagroso ang imahe na ito.
03:16Una na riyan ay noong 1934,
03:19kung saan natagpuan daw si Lelong sa isang sagingan.
03:22So doon ay mayroong pagkabakas ng kanyang paa.
03:25Para palaala sa atin na yun ay isang tingnan na sundan ang bakas ng ating Panginoon.
03:31Sa kaparehong taon, noong nakita sa puno ng saging si Lelong,
03:35nakita rin daw ito malapit sa isang balon.
03:38Taong 1954, si Lelong nakita naman daw di umano na nakatayo sa loob ng simbahan.
03:44Ang pangyayari, nakunan pa ng litrato.
03:47Mayroon pa nga ang pagkakataon na nagpina-investigahan ng National Bureau of Investigation,
03:54yung NBI, yung imahe, dahil nga po ay tumatayo.
03:58Baka binilagyan nga na kagamitan para sa tumayo o kumilos,
04:03pero hindi talaga.
04:04So nakita yun at dumating pa nga dito yung dating ubisumaksimo ng simbahan,
04:10si Isabelo de los Reyes, noong panahon yung 1954.
04:14So yun yung pagtayo ng imahe ng Sr. Santosipo.
04:19Si Lelong ilang beses na rin daw nakapagpagaling na may sakit.
04:23Tulad ni Remedios Broas, na inindang sakit na type 2 diabetes.
04:30Nag-50-50 po ako at 7 days po ako sa ICU.
04:35Doon po ako unang nakaranas na naghimala ang Lelong.
04:39Kasi tuwing ako po ay magkakasakit, sila po ang tinatawagan ko.
04:44Sa loob po ng ICU, may naramdaman po ako na aking bisita na hindi ko po kilala.
04:50Isa pong magandang lalaki.
04:52At nang tanungin ko po yung aking anak, nang sabi po niya sa akin,
04:56wala pong dumadating na bisita maliban sa akin.
05:00Agad kong kinapitan yung aking skapularyo na nasa ilalim ng higaan.
05:04At napag-alaman po na ito ay ang Lelong.
05:08Dahil humalimuyak ang kanyang pabangon na T-Rose.
05:12Every time na ako po ay magkakaroon ng problema,
05:14umiiyak po ako sa kanya sa pagdadasal.
05:17At sinasabi ko, Lelong, ang dami na naman pong balakit sa buhay ko.
05:22Tulungan mo po itong makayangat ko.
05:24At sa pangyayari pong ito, hindi ko po akalain na makakasalba pa ako.
05:28Kasi sinabihan na po ng doktor ang aking mga anak na 50-50 po ang chances.
05:33Kasi wala na po daw akong makitang pagbabago.
05:38Hanggang sa, nung makita ko po nga po yung liwanag na yun,
05:42mabuhayan po ako ng loob.
05:43At talagang hindi po nila ako pinabaya.
05:50Dahil doon sa mga milagro ang pinakita ng Senior Santusi Polcro,
05:53yung kanyang pagtayo, nakita sa puno ng sakit,
05:57Lahat ng yun ay bahagi ng isang revelasyon ng kanyang pagpapakita sa sangkatauhan.
06:05Para sa atin, ang gano'n namang experience sa simbahan,
06:08ang miracle ay isang faith-driven experience.
06:12Personal siya na kung sila yung nagpapatutuos sa kanilang sarili,
06:17kung anong kanilang naranasan tungkol sa ating Panginoon Sokristo
06:21sa magitan ng Senior Santusi Polcro, unang lilong.
06:25Tunay man o hindi ang milagro ni Lelo,
06:31naway kagaya ng pagdilat ng kanyaraw mga mata,
06:35ay mamulat din tayo na sa pananampalataya,
06:38nagmumula ang tunay na himalang.
06:42Wait! Wait, wait, wait!
06:45Wait lang! Huwag mo muna i-close.
06:48Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
06:51para lagi kang una sa mga latest kweto.
06:53At balita, i-follow mo na rin ang official social media pages
06:57ng unang hirit.
06:59Thank you! Sige na!
07:00Thank you!
07:01Thank you!
07:01Thank you!
07:04Thank you!
Comments

Recommended