Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Bahagi na ng tradisyon tuwing Semana Santa sa Cutud, San Fernando, Pampanga ang penitensya at pagpapapako sa krus. Alamin ang kuwento ng panata, sakripisyo, at pananampalataya ng mga debotong nakikilahok dito.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:03Mga paamang kamalen, sa lahat ng kapuso natin dyan sa Pampanga ngayong Holy Week,
00:08inaabangan na dyan sa San Pedro, Kutod ang taon ng pagpapapako sa Cruz.
00:12Gaya ni Mang Ruben Enaje na 37 years nang gumaganap bilang Kristo.
00:17Pero ngayong taon, ito na raw ang kanyang huli at may papalit na sa kanya.
00:21At makausap siya mismo ni Maris.
00:24Maris, kumusta ang paghahanda sa Maleldo dyan sa Kutod?
00:41Ang puso sa puso ko, nandang kasakit ka, bahit para sandin ka na akong anak.
00:51Ang isalo ko, may bugi ang puso ko.
00:55Inaawa akong mabapatan sa Diyos yung pang malagod.
01:01Last and Holy Wednesday po sa inyo mga kapuso,
01:04ang inyo pong napapanood dito sa aking likuran ay bahagi lamang po ng isinasagawang senakulo o Maleldo,
01:12kung tawagin po nila rito.
01:14Sa darating na biyernes po yan, biyernes santo nila isasagawa.
01:19At panata na ito ng mga kapuso natin dito na ginagawa na simula pa noong 1955.
01:25Pero bukod po sa pagsali sa Maleldo,
01:28ang ilan sa kanila ay nagpapapako talaga sa Cruz bilang kanilang paraan ng pamamanata.
01:34At ang pinakamatagal na gumagawa nga po niyan ay si Mang Ruben Enahe na 37 years na sa kanyang pamamanata.
01:43At ayon sa kanya, ito po ang huling taon niya na magpapapako sa Cruz.
01:48So, kumustahin po muna natin ang naging karanasan ni Mang Ruben sa kanya po nga buong halos apat na dekada
01:55na pamamanata.
01:57Pwede po natin lapitan kasi ito pong ginagawa nila ngayon ay rehearsal pa lamang ng Maleldo.
02:02Sa mismong Biyernes Santo, gaganapin po ito mula 12 noon hanggang 3 p.m.
02:09So, Mang Ruben, maganda umaga po sa inyo.
02:12So, sa loob po ng 37 years, halos apat na dekada po,
02:16gumana po kayo na Jesucristo, nagpapapako kayo sa Cruz,
02:19hindi lang pinapasan yung Cruz, nagpapapako talaga.
02:22Ano po ba ang naging bunsod ng inyo pong pamamanatang ito?
02:26Unang-una po, yung panata ko pa sa Sarama dahil sa maghalikpas ko doon sa aksidente sa aking trabaho.
02:34Especially po yung...
02:35Ano ang aksidente po yun?
02:36Mahulog po ako sa katlong palapag na building.
02:39Construction?
02:40Construction po.
02:41Okay.
02:42Yung pangalawa po, yung anak ko.
02:45Yung pangalawa, nag-50-50 yun sa hospital.
02:49Muntis pa.
02:51Okay.
02:52Pinagpanata ko po yun.
02:54Wala man po limang minuto nung pinagdasal ko siya, 50-50.
03:01Naging maganda naman po, pinarabasan nung dasal ko sa kanya.
03:06Sa ngayon po, yung anak ko yun, nasa ibang bansa ngayon, nagkadawa pa.
03:09Oh, good. Very good. Good to hear that.
03:11So, yun din po ba yung dahilan nyo kung bakit kahit sinasabi po ng simbahang katolika,
03:17ay hindi nila ine-encourage yung ganitong klase ng pamamanata.
03:20Yung mismong kawapakos sa cruise, pwede magdasal na lang daw po ng taintip.
03:24Eh talagang kinagawa nyo pa rin po ito, taon-taon.
03:27Opo, kasi po ito yung nakagisna na namin.
03:29Hindi pa ako pinapanganap, pati yung mga pare na nagsasabi na hindi nila kina-encourage ito sa mga ibang tao.
03:37Kaya, kahit ano pong mangyari, pagpapatuloy po namin ito.
03:41Ito po ang aming nakagisna na namin.
03:43At ngayon na po yung huling taon po ninyo na magpapapapo po kayo sa cruise.
03:47Ano po ba yung mga hindi nyo malilimutang bahagi o ng inyong karanasan sa loob ng almost 40 years?
03:56Ito na po talaga yung huling pagpapapo.
04:00Dahil po?
04:01Dahil po sa nakiusap lang talaga yung ating mahal na kapitana na gagawin ko itong uli para yung pag-turnover
04:12ko sa susunod na gaganap na Kristo ay maging mapayapa.
04:1865 years old na po kasi kaya.
04:2065 years old na po.
04:21Saka may dinaramdam na rin po ako ngayon.
04:23Okay.
04:24So, nandito po yung ilang sa mga memorabilya ng inyong pamamanata.
04:30So, ito po yung inyong crown of thorns na talagang may thorns talaga din yan.
04:35May tinik din po yan.
04:37So, talagang tumutusok din po sa uli.
04:39Kahit wala pong mag tinik na masyado.
04:42Pero ito pong mga nakikita nyo na nakaumbok na ito, masakit po yan.
04:46Saka ito po yung pako talagang ganito.
04:48Gano'n po kahaba ba ito?
04:50Ilang pulgada ba ito?
04:50Ilang pulgada po ito.
04:52Talagang ituturok po talaga yan.
04:54Tutusok po sa inyo.
04:55Tatama po talaga sana sa...
04:58Ay, o, napakatulis.
05:00Gano'ng kasakit po yun?
05:02Masakit po ka lang.
05:03Pag napako na, sigaw.
05:06Sigaw ka talaga.
05:07Pero napansin ko po, wala po kayong mga sugat o nipeklat sa inyo pong mga palad.
05:13Ano po kayang dahilan po nito?
05:15Ayun po, itanda na ang aming mga pinapanada at dalang na ay sincera sa aming puso talaga.
05:23Ano pong pakiramdan ninyo na huling taon nyo na po ito?
05:26Medyo mamimiss natin ang ating ginagawa dahil ilang dekada na natin ginagawa ito.
05:33Mamimiss po rin po siyempre.
05:34Pero kahit retired na ako, pagpapatuloy ko po.
05:39Mag-a-assess lang po sa mga gangganap na o hahalili sa akin bilang Kristo.
05:44At speaking of turnover, ngayon naman po mga kausap natin, yung taong pagpapasahan po ni Mang Ruben
05:52ng kanyang tungkulin bilang Heso Kristo.
05:57Siya po ay si Arnold Manyago. Magandang umaga sa'yo, Arnold.
06:01Good morning.
06:03Magandang umaga rin po, ma'am.
06:04So, bago ipasa sa'yo ni Mang Ruben, yung pagpapasan at pagpapako rin sa Cruz, kayo rin po ay namamanata.
06:12Pwede mo bang ikwento sa amin gano'n na kayong katagal na namamanata at paano nagsimula ito?
06:17Nung nagsimula po ako sa pagpapanata po, disinigay niya pa lang po nun ako.
06:23Magmula nun hanggang sa idad ko po nito, sino kinukontinuous ko po yung pagpapanata po po.
06:30So, kayo rin po ay pinapako na rin sa Cruz dati, kaya kayo naman na yung madaling napapayag.
06:36Opo.
06:36Pero gano'n kabigat yung responsibilidad na this time, hindi na lang kayo isa sa mga magpapako,
06:42kundi kayo na yung gaganap bilang si Heso Kristo.
06:45Kasi yung sa akin, pinagpapanata, unang-una pinagpapanata ang mga pamilya ko.
06:51Tapos, lalo-lalo na yung anak ko po naman sa may sakit po siya ng puso.
06:56Oo.
06:57Oo. So, pakita nga rin ng palad mo, nagpapapako ka rin, pero wala rin, wala rin, ano?
07:02Wala rin po.
07:03Ah, paiklat.
07:04Pero talagang bumabaon ba talaga yung pako doon sa palad ninyo?
07:07Bumabaon po.
07:07Bumabaon po, hanggang sa likod po, ma'am.
07:09Oo.
07:09So, sa Biernes Santo, magaganap na po yung opisyal na pagpapasa sa inyo po ni Mang Ruben,
07:15na nga tungkulin bilang Heso Kristo.
07:18Ano po ang pakiramdam ninyo na this time, ito na talaga?
07:21Kasi, dati sinasabi po ni Mang Ruben na huli na niya, pero this time, talagang huli na niya.
07:27At ano po ang pakiramdam po ninyo?
07:28Ah, sa ngayon po, medyo ninenervous po rin po akong konti kahit pa paano.
07:35Kasi po, madadagdagan na naman po yung ano ko sa pagpapanatago po.
07:41Di po kagaya nung dati po, ngayon medyo meron na po akong konti yung role po.
07:47I understand, 25 years na kayong...
07:50Opo, mag 25 years na po itong Sabiernes Santo po.
07:53Opo.
07:53So, kumbaga, kaya rin nyong abutin yung 37 years ni Mang Ruben?
07:59Makakaya na po, ma'am.
08:01Oo.
08:02Anggat sa nasa kondisyong katawan natin, saka pipilitin po talaga natin.
08:06Alright.
08:06At dahil po, ito turnover na sa inyo ni Mang Ruben, yung cross, pati po yung cross, ito turnover nyo
08:16na rin po.
08:17Ito po, ipapasa nyo na po yung tungkuling ito kay Arnold.
08:22Ipasa po natin.
08:23At ano ba ang mensaheng nyo po, Mang Ruben, para kay Arnold?
08:26Mung magiging mensahe ko po sa Kanya, sana sa paghanap mo bilang Jesucristo, ay maging modelo ka ng mga tao,
08:35kung paano nila inuidolo ang ating mahal na pinuong, Jesus.
08:39Sana maging mapayapa ang ating pagsalin ko sa iyo sa cross na ito.
08:47So, kasusunod na taong, kasanin mo po.
08:50Yan po, makinig po.
08:51Sana magiging maganda ang kalalabasan ng pagsalin ko sa iyo sa cross na ito.
08:58So, good luck po sa inyo, sa inyo pong pamamanata.
09:02Maraming salamat po, Mang Ruben.
09:03Maraming salamat po, Arnold.
09:05So, yan po mga kapuso, ipinakita po sa atin yung kanila pong dedikasyon ni Mang Ruben sa halos apat na
09:13dekadang pamamanata.
09:15At ganun din po si Arnold, 25 years na rin po.
09:18At yan po, sa gaganapin pong Senaculo o Maleldo sa Biernes Santo po, magaganap po yan mula 12 noon hanggang
09:29alas 3 po ng hapon dito po sa barangay San Pedro Cotod, dito po sa San Fernando Pampanga.
09:35So, yan po muna ang pinakasariwang balita.
09:38At of course, we wish po namin ang lahat ng maluwalhati at banal na pag-alala sa Biernes Santo po.
09:49God bless po at malik po tayo sa studio.
09:53Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
09:57Bakit?
09:58Pagsubscribe ka na, dali na, para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
10:03I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
10:07Salamat ka puso.
10:07Salamat ka puso.
Comments

Recommended