Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Aired (May 15, 2026): Nagbabala ang DICT laban sa pagkalat ng fake news, edited videos, at maling impormasyon online lalo na sa gitna ng tensyon sa bansa. Ano ang posibleng pananagutan at maaari nga bang makulong ang nagpapakalat nito? Alamin sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories.

Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:10Mga kapuso, grabe na ang mga nangyayari sa bansa, di ba po?
00:15Pero sa gitna ng mga kaguluhan, sumasabay pa ang pagkalat ng mga fake news.
00:21Dahil dyan ang DICT nagbabala, laban sa mga maling impormasyon,
00:26mga mapanlinlang na posts na nagdadagdag kalituhan at takot sa publiko at mga edited video.
00:34Kung sino man daw ang mapatutunayan na nagambag o nagudyok sa pagkalat ng maling impormasyon online
00:41o meron namang karahasan, ay sisiguraduhin mapapatawang karampatang parusa.
00:48Ano kaya mga parusa yan? Ask me, ask Atty. Gabby.
00:56Atty, derechahan na. Pwede bang makulong ang mga nagpapakalat ng fake news?
01:01Well, yes. Habang nagaantay tayo na makapagpasa ng bagong batas ang Kongreso,
01:07kung hindi sila masyadong busy ngayon.
01:09Ukol sa fake news, meron pa namang mga dating batas na maaaring gamitin para sa mga fake news na ito.
01:15Hindi man bago ang masamang gawain na pagpapakalat ng fake news,
01:20lalo na nga yung paninira sa ibang tao o yung mga may malicious intent na gumagawa ng gulo,
01:27ibang klase na ang pagkalat ng balita na ito in the age of the internet.
01:32Ang bilis at ang lawak ng scope ng fake news, kaya't ang posibleng damage niya ay malaki at malawak din.
01:39So, ang unang batas na yan ay ang Article 154 ng Revised Penal Code na,
01:44naku, ito yata more than 100 years old,
01:47o ang krimen na paggamit ng kahit na anong means of publication ng fake news
01:52na maaaring panganib sa public order or damage sa Estado.
01:57Ang penalty dito ay arresto mayor o kulong ng 1 to 6 months
02:01at meron ding fine mula P40,000 to P200,000.
02:06And of course, kung amalisyosong pagpapalaganap ng fake news na ito
02:11ay nakakasira naman sa reputasyon ng isang pribadong tao,
02:15maaari pati itong magiging kaso ng libel sa ilalim ng Article 355 ng Revised Penal Code pa rin.
02:23Pero ang penalty ay nagiging mas mataas dahil sa application ng Anti-Cyber Crime Law
02:28kung ang pagpapalaganap ng fake news ay through the internet or using a computer system.
02:34Well, halos lahat naman ngayon ay nangyayari na through the use of social media platforms on the internet
02:40kaya malamang cybercrime ng libel yan talaga.
02:44In terms of penalty, kung libel lamang sa written, di ba, na hindi naman sa internet,
02:51hanggang 4 years and 2 months ang kulong.
02:54Pero kung cyber libel po yan, mas mataas ang penalty, magiging 6 years and 1 day to 10 years na
03:02kulong.
03:03So, sana nga eh, magkaroon na rin ang bagong batas ukos sa pagpapalaganap ng fake news in this internet age.
03:11Pero bago yan, habang wala pa yan, naku kayong mga keyboard warriors.
03:16Actually, hindi kayo keyboard warriors.
03:18Mga trolls, tigilan nyo na yung pagkakalat ng fake news.
03:23Huwag na nating dagdagan pa ang problema ng ating bansa.
03:27Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
03:30Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
03:34Ask me.
03:36Ask Attorney Gabby.
03:40Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:44Bakit?
03:45Mag-subscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:50I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
03:54Salamat ka puso!
Comments

Recommended