00:07Mga kapuso, itong pag-uusapan po natin ngayon, maraming naantig online.
00:13Isang lolo na tumutugtog ng harmonika para may pambili ng pagkain ng kanyang apo, ikinulong.
00:21Inaresto po ang 68 taong gulang na lolo, na yan na nakikita natin,
00:26dahil nilabag daw kasi niya ang ordinansa kontra panlilimos sa lungsod.
00:32Kalaunan, pinalaya rin ang lolo matapos payagan ng korte ang application for release on recognizance nito.
00:40Ibig sabihin, hindi na siya mag-tapyansa sa korte.
00:43Pero pinahaharap pa rin siya sa preliminary conference.
00:47Komento ng marami rito, bakit ang panlilimos nakukulong agad,
00:51samantalang ang mga magnanakaw at kurakot sa gobyerno, malaya pa rin.
00:57Pag-uusapan natin yan, ask me, ask Atty. Gabby.
01:04Atory, naaresto ang lolo dahil sa City Ordinance No. 1631 ng Cebu City
01:09o ang Anti-Mendicancy Ordinance ng Lungsod.
01:12Ano po ba ang ibig sabihin nito?
01:15Well, meron nga kasing City Ordinance No. 1631 ng Cebu City
01:19na ipinagbabawal ang panglilimos sa mga pampublikong lugar.
01:23Layunin daw nito na mapanantili ang kaayusan
01:26at maiwasan ang pagdami ng mga namamalimos sa lansangan.
01:31At sa ordinansang ito, may multa ng 1,000 pesos
01:34at posibleng kulong o community service.
01:37Kung tutuusin, hindi naman po bago ang gritong batas
01:41dahil ilang dekada na rin tayo na meron tayong Anti-Medicancy Law
01:45o ang Presidential Decree 1563
01:48na ipinagbabawal ang organized o habitual na pamamalimos
01:52although mas nakatoon ang batas na ito
01:55sa rehabilitasyon at pagtulong, hindi agad sa pagpaparusa.
02:00Lalo na nga ngayon na meron po tayong Republic Act 11291
02:05o ang Magna Carta for the Poor
02:07na ang intensyon ng batas ay hindi para basta ikulong
02:10ang mahihirap, kundi dapat mabigyan sila
02:13ng intervention o assistance mula sa gobyerno
02:17lalo na nga kung ang mga ito ay senior citizen
02:20o mga PWD.
02:22Of course, ito na ha!
02:24Of course, ayaw natin ang mga sindikato
02:26na gumagamit ng mga indigenous people,
02:29mga sanggol at mga PWD
02:31na nang-aabuso sa generosity
02:34at magandang asal ng mga tao
02:36para makakolekta at makakubra ng pera.
02:39Ang mga sindikatong ito, sila ang dapat lamang na-arestuhin
02:44at ikulong agad.
02:45Ayaw din natin sa mga taong malakas naman ang katawan
02:49pero ayaw magtrabaho at magbanat ng buto
02:52at mas gusto na lamang na umupo sa isang tabi
02:55at humingi ng limos.
02:56Yung mga yan ang dapat na hinahabol ng batas
03:00at aarestuhin
03:02at actually, sa ilaloy nga ng PD 1563
03:05yung mga yan ang mga dapat na hinuhuli sa panlilimos.
03:09Yung mga pwede magtrabaho
03:10pero ayaw magtrabaho
03:11at manlilimos na lamang.
03:14So, paano na lamang si Lolo
03:16na ayon sa kwento
03:17ay tumutugtog ng harmonika
03:19para may pambili ng pagkain ng apo niya?
03:21Hindi ba't parang mas mukhang paghahanap buhay yun
03:25kaysa simpleng pamamalimos lamang?
03:2868 years old na si Lolo
03:29Actually, kung tutuusin
03:31ang mandatory retirement age sa pagkatrabaho
03:35ay 65 years old
03:37Pero si Lolo, 68 na nga
03:39Paano pa kukuha ng trabaho yan?
03:41At namomroblema pa rin siya
03:43kung paano papakainin ang apo niya
03:45Kahit gustuhin niya
03:46malamang ay wala na makukuhang trabaho yan
03:49Pagka-aresto ba?
03:51Ang sagot sa ganitong sitwasyon
03:53Paano kung talagang nangangailangan
03:55at walang makain
03:56ang senior citizen na si Lolo
03:58at ang menorde-edad na apo?
04:01Mag-aantay ba
04:02kung kailan may institutional na pa-feeding program
04:05ang local government o ang simbahan?
04:08Diba?
04:09Kailangan natin isipin yan
04:10Hindi porkit may umiiral na ordinansa
04:13na pwedeng arestuhin si Lolo
04:14ay dapat arestuhin agad
04:16In fact, sa ilalim nga ng Magna Carta
04:19sa Republic Act 11291
04:21dapat ay may intervention program
04:23o tulong na ibibigay ang LGU
04:25lalo na nga kung senior citizen ang involved
04:28Sa ngayon, pinalaya daw si Lolo
04:30pero actually hindi naman tunay na malaya
04:33Imbis na pinagbayad ng piyansa o bill
04:35at nalilimus na nga pagbabayarin pa ng piyansa
04:38ay nirelease siya on recognizance
04:41Pinakawalan siya sa pangako
04:43na magpapakita siya sa preliminary conference
04:46kung saan titignan kung may violation nga
04:48o hindi ng city ordinance
04:50at kung dapat nga ay inaresto siya
04:52So, hindi pa tapos ang kanyang problema
04:55with the LGU
04:56In any case, ang batas po
04:58hindi dapat ginagamit
05:28para lang parusahan ang mahihirap
05:30na tulad ni Lolo
05:31Sana ay ganun din tayo
05:33kabilis maningil ng pananagutan
05:35sa mga totoong umaabuso sa bayan
05:37at kaban ng bayan natin
05:40Tama
05:41Ang mga usabing batas
05:44bibigyan po nating linaw
05:46para sa kapayapaan ng pag-iisip
05:49Huwag magdalawang isip
05:50Ask Me
05:51Ask Attorney Gaddy
05:54Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe
05:56sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:58Bakit?
05:59Pagsubscribe ka na dali na
06:01para lagi una ka sa mga latest kwento at balita
06:04I-follow mo na rin ang official social media pages
06:07ng unang hirit
06:08Salamat ka puso!
Comments