Skip to playerSkip to main content
Aired (May 2, 2026): Halos ₱990.37 milyon ang ginastos sa Bulo Small Reservoir Irrigation Project sa Bulacan na sinimulan noong 2014 at natapos noong 2022.

Dapat sana’y makinabang ang mahigit 300 magsasaka at 570 ektaryang sakahan sa San Miguel at Doña Remedios Trinidad. Pero sa aktwal na inspeksyon, ilang bahagi nito ang hindi napakikinabangan.

Sa kabila ng malaking pondo, bakit hindi ito lubos nanapapakinabangan? Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook

Category

😹
Fun
Transcript
00:02Sa Bulacan, matatagpuan ng isang irrigation project na ipinatayo ng National Irrigation Administration, ang Bulo Small Reservoir Irrigation Project.
00:15Sa project information mula sa NIA, nakasaad na January 2014 hanggang April 2022 ang implementing schedule ng proyekto.
00:24Ang halaga nito, mahigit P990 million na binubuo ng dalawang pasilidad, ang dam component at ang irrigation component.
00:35Layunin ang proyekto na mabigyan ng patubig ang mahigit 570 hectares ng agricultural land sa bayan ng San Miguel at
00:43Doña Remedios, Trinidad.
00:45Mahigit tatlong daang magsasaka naman ang makikinabang sa proyekto.
00:51Pero nang bisitahin ito ng reporter's notebook, ito ang aming naabutan.
00:57Mababaw na level ng tubig sa dam at ilang spillway o daraanan ng tubig papunta sa mga sakahan.
01:04Tuyot na ang lupa at natabunan na rin ang damo.
01:10Bagay na inireklamo ng ilang magsasaka sa lugar.
01:19Yung nakikita ninyong parang tulay na yan, yung infrastruktura na yan, yan yung dapat dadaluyan ng tubig mula sa dam
01:27na ito hanggang sa mga sakahan.
01:29So para siya nga delivery route hanggang sa mga sakahan.
01:32Pero ang problema, hindi naman daw naabot ng patubig ang ilang sakahan na beneficaryo ng proyekto.
01:40So ito yun, bahagi ito ng irrigation canal.
01:43Mula dun sa dam, dito dapat dadaloy yung tubig hanggang sa mga sakahan.
01:48Pero ang sabi kasi, nung mga magsasaka dito, makitid na itong irrigation canal.
01:54Kung titignan nyo nga ngayon, parang natabunan na eh ng mga lupa, mga damo, natakpan na yung irrigation canal.
02:03Ang nangyari daw kasi, dahil mas mataas yung lupa dito sa gilid nitong irrigation canal, nagkaroon ng erosyon.
02:12So yung lupa, dito sa gilid ng irrigation canal, nagpupunta dito sa canal.
02:18Kung titignan nyo nga dito sa ilalim, ayan, puro lupa na.
02:21Ito, puro lupa na rin ito eh.
02:24Puro lupa na.
02:25So hindi natin alam kung magkatubig, eh kung madadaanan pa ito ng tubig.
02:33Kasamang magsasakang si Marian Martin, pinaybay namin ang iba pang bahagi ng proyekto.
02:40Una naming narating ang zone 6.
02:43Kapansin-pansin na halos magbitak-bitak at natuyo na rin ang mga sakahan.
02:50Kung mapapansin nyo po, nakatapak po tayo dito sa mismong canal ng patubig na nanggagaling po dyan sa Bulo Dam.
03:00Nung nakaraan po, dumadaloy pa siya.
03:04Okay naman po, nasupply yan naman nung umuulan pa sa kanitong nakaraang cropping.
03:09Pero kung nakikita nyo po, tuyot na.
03:12Wala na pong daloy.
03:14Hindi na po kaya.
03:15Siyempre po, ang magsasaka natin ngayon, walang hanap buhay.
03:20Dahil ang pangunahin po natin kasing ano dito, pagsasaka, paggugulay, yun po ang kabuhayan ng mga taga-malibay.
03:29Sumunod naman naming puntahan ng zone 3, kung saan matatagpuan ang sakahan ni Marian.
03:36Sa bahaging ito, nagbitak-bitak na rin ang lupa at tuluyan ng hindi dinadaluyan ng tubig.
03:44Ito ho, may simento pa to.
03:46Meron pa po yan. Ganyan lang po, ma'am, siya kababaw.
03:49Ay, ang babaw!
03:50Opo, pero ang lalim po nang hinukay nila, lalo po dun sa tapat na yun.
03:54Hanggang sa marating namin ang dulong parte ng proyekto.
03:58So, ang nilalakad natin ngayon, yung hanggang dulo.
04:01Bandang dulo na kasi ito eh, ng irrigation canal.
04:04Aabotin natin hanggang dun sa dulo.
04:07Hanggang banda dun lang daw eh.
04:09Pero kung titignan mo, tingnan mo naman ito, hindi na mukhang irrigation canal, o.
04:13Natakpan na ng mga damo at saka ng mga lupa.
04:17Hindi na siya mukhang irrigation canal.
04:19Kasi hindi naman na po siya inaabot ng tubig, ng flow ng canal, galing sa dam.
04:25E di hindi nyo na ito mapapakinabangan.
04:27Hindi po talaga pinakinabangan, una bis.
04:29Wala po kami naging pakinabang dyan.
04:34Mahigit 990 milyon pesos, o halos isang bilyong piso,
04:38ang pera ni Juan na ginamit para gawin ang irrigation project na ito.
04:43Matagalinin tayo ng mga magsasaka na matapos ang irrigation project na ito.
04:47Sinimulan noong 2014, at natapos lang noong 2022.
04:51Ang masaklap, nang matapos ang proyektong ito, higit sa kalahati,
04:56ng mga magsasaka na dapat ay nakikinabang dito sa proyektong ito,
05:00ay hindi naman nakikinabang.
05:04May ilan pang sakahan na malapit sa proyekto,
05:07ang hindi man lang daw na daraana ng tubig na nagmula sa mga irrigation canal.
05:16Kaya ang magsasakang si Margie, na ilang kilometro lang ang layo mula sa proyekto.
05:21Sa maliit na sapa na ito, umaasa ng patubig para sa mga pananim na talong.
05:27Wala po dito hanggang dito, as in, dito po sa gulayan.
05:32Doon naman po sa kabila, sasali namin sa tabon para makarating doon sa isang lot namin.
05:39Para matubigan.
05:40Ito po ma'am, ang kinukuha na namin, yung pong taas na yan.
05:45Kinailangan niya para gumastos ng mahigit limang libong piso
05:48para makabili ng motor na ginagamit sa patubig.
05:53Kinukuha na po namin ang tubig, electric motor po ginagamit namin, di kuryente.
05:58Ito po sa baba, sa may gilid ng ilog,
06:02papunta po doon sa aming gulayan,
06:04iniaakyat po ng electric motor.
06:08Kaya laking panghihinayang ni Margie na ang proyekto ang abot kamay na sana nila,
06:13hindi naman lubos na mapakikinabangat.
06:17Bawas din po sa mga pangailangan ng gulay.
06:20Eh, kamahal-mahal naman po ng pataba, kamahal ng gamot.
06:23Sana po maabot yung aming gulayan para maaluan ang magiging ano sa amin ng tubig,
06:31hindi mamumorblema.
06:33Ang tanong, sa kabila ng halos isang bilyong pisong pondong inilaan para sa proyekto,
06:40bakit marami pa rin sa mga dapat sanay-benepisyaryo,
06:44hindi pa rin ramdam ang ipinangakong ginhawa ng proyekto?
06:50Pinakita namin sa isang structural engineer ang disenyo ng proyekto.
06:55Yung passing roller coaster by principle,
06:58para sa akin dapat yung elevation ng spillway natin o aqueduct,
07:04theoretically, pababa parang flow ng tubig.
07:08Kung meron mang portion na tumaas, dapat may bomba.
07:12So, ang suggestion ko,
07:14i-review din yung elevation eh,
07:16itong spillway, yung aqueduct natin,
07:18kung nakatugon ba rin sa plano.
07:21Pusible rin daw na naka-apekto ang disenyo ng proyekto,
07:24kung bakit hindi naaabot ng patubig,
07:26ang mga dapat na pupuntahan nito.
07:29Una-una, dapat rebuhin yung plano kung dapat bumaba o tumaas yung tubig.
07:33Kasi kung bababa yan,
07:36I don't see any natural way para tumaas nila.
07:38Unless may pump dun.
07:39Merong mechanical pump para i-taas yung tubig.
07:43Which I don't think nagagawin baso-base sa design.
07:47Sa isinagawang pagdinig sa Senado para sa proposed 2026 budget ng NIA,
07:52isa ang Bulo Small Reservoir Irrigation System sa mga pinag-usapan sa Senado.
07:58Bukod kasi sa inilaang mahigit 900 million pesos sa konstruksyon ng proyekto,
08:05kinailangan pang gumastos ng karagdagang 50 million pesos
08:08para sa pagre-repair ng mga nasirang bahagi nito.
08:12Makalipas lang ang isang taon,
08:14matapos ideklarang completed ang proyekto.
08:1850 million pesos for a certain repair.
08:22At yung nakita niyo sa video, palitada lang.
08:25Ganoon ba tayo gumastos ng pera ng gobyerno?
08:2750 million, patsi-patsi lang.
08:29Nakita niyo naman, tinusok lang ang farmer.
08:32Yung pinag-repair niyo, bumuhos na agad yung tubig.
08:3550 million pesos na agad yun.
08:37Sa naging pahayag naman ni NIA Administrator Eduardo Guillen,
08:41sa isang programa ng GMA,
08:43pinaliwanag niya kung bakit kinailangang maglabas ng karagdagang 50 million pesos.
08:48Ang nangyari lamang po kasi noong 2021,
08:52yung bagyong karding, bumagyo po.
08:54At may nasira po na portion ng irrigation.
08:57Yung kanal lang, yung pong mga project po ng NIA.
09:00Kami po yung nasa front line kumbaga,
09:03dahil ang dam natin nasa ilog.
09:05Ang irrigation natin, siya ang nagiging drainage kapag may bagyo.
09:10Pag napatunayan, napatsi-patsil ang ginawa,
09:14someone has to resign.
09:16Are you willing to resign?
09:18Challenge taken.
09:19Yes, sir.
09:19Good.
09:21Ano ba yung mga naging problema?
09:22Kasi po, naging problema nga, maraming katas.
09:26Tapos yun nga po, nagka-problema.
09:29Sabi nila, i-re-repair nila.
09:30Nirepair naman po.
09:31Pero sa observation ninyo,
09:33nung nirepair,
09:33nagli-leak pa rin pa o hindi na?
09:35Parang mayroon pa po.
09:37At pagka may leak po,
09:38ano yung resulta yun?
09:40Eh, nasasayang lang din po ang tubig.
09:41So kayo ba yung nanghihinaya?
09:43Doon sa ginastos na pera ni Juan
09:46para dito sa proyektong to.
09:48Yes po, napakalaking halagang pera noon.
09:51Para po makatulong malang dito sa mga magsasaka.
09:55Eh, pero nagagalak rin po kasi kami
09:57kasi nagkaroon nga kami ng ganito.
09:58Kaya lang.
09:59Hindi nga po lahat nakikinabaw.
10:01Hindi po lahat na...
10:03Yun po talaga ang totoo.
10:13Yun po talaga ang totoo.
Comments

Recommended