00:04Sa tuwing magtatayo ng ilang proyektong infrastruktura ang gobyerno,
00:10milyon-milyong piso ang inilala ang pondo.
00:14Pero paano kung ang mga pasilidad na dapat pinakikinabangan ng publiko,
00:20iniwan namang nakatiwangwang at abandonado?
00:26Sa kalumpit bulakhan, isang gusali na magsisilbisa ng Sports and Convention Center ang pinanong itayo.
00:33Pero kapansin-pansin na unti-unti nang nasisira ang ilang bahagi nito.
00:41Ginapangan na rin ang mga damo at halaman ng labas at loob ng gusali.
00:46Ang proyekto kasi inabandon na at iniwang nakatiwangwang.
00:51Ang kabu ang inilaang pondo, mahigit 140 million pesos.
00:57Kung nagawa na po yan ngayon, edi sana po nagagamit na po ng kagaya ng atleta.
01:02Sa Batangas City, matatagpuhan din ang isa pang proyekto,
01:06ang Batangas Provincial Livelihood Center para pwestuhan sana ng mga naghahanap buhay ng mga residente.
01:14Pero mahigit dalawang dekada na ang nakararaan mula ng itinayo ito.
01:19Hanggang ngayon, hindi pa rin napakikinabangan ang Livelihood Center.
01:26Ang inilaang pondo, 237 million pesos.
01:31Baay, talagang malaki ang aking pangihinayang.
01:34Sayang lang arin building na arin.
01:36Kasi mula ng tinayo ay hindi malang baga talagang total napakinabangan.
01:42Paano humantong sa ganitong sitwasyon ang mga proyektong pinunduhan ng pera ng bayan?
01:56Kung daraan sa kahabaan ng kalumpit Pulilan Road sa Bulacan,
02:02kapansin-pansin ang isang gusali malapit sa highway.
02:05Sa inisyan na impormasyon na aming nakuha, abandonado ang istruktura at ilang taon nang nakatingga.
02:12Ito ang Kalumpit Sports and Convention Center.
02:17Sa labas, makikitang ginapangan na ng damo ang mga pader.
02:21Bubunga din sa harapan ng mga poste at nakausling mga bakal.
02:29Sa loob, agaw pansin naman ang hindi tapos na mga bintana.
02:36Mga putas sa pader, nakausling mga bakal.
02:41At malaking butas sa bubong ng gusali.
02:45Ginawa na rin itong paradahan ng ilang mga sasakyan.
02:50Habang sa likurang bahagi, makikitang humiwalay na ang slab o ang makapal na simento.
02:58May malalaking bitak na rin sa sahig.
03:022021 ang simulang itayo ang Sports and Convention Center.
03:06Kalumpit LGU ang nagpatayo nito sa pamumuno ni Nooy Mayor Jesse De Jesus.
03:11Layon itong magsilbing pangunahing pasilidad para sa malalaking pagtitipon at aktibidad sa bayan ng Kalumpit.
03:19Pero dahil hindi ito natapos, wala ni isang okasyon ang idinaos dito.
03:25Lumalabas na naipatayo ang pasilidad sa ilalim ng walong kontrata.
03:30Idagdag pa ang dalawang phase ng landfilling at pagbili ng lupa.
03:36Ang kabu ang inilaang pondo. Mahigit 140 milyon pesos.
03:43Ang problema, nananatili itong nakatiwangwang at hindi napakikinabangan.
03:57Isa sa mga dapat sanay-benepisyaryo ng Sports and Convention Center ng Kalumpit ang mga atleta ng bayan.
04:04Tulad ng grade 8 student at track and field player na si Jacob Paes.
04:09Dalawang taon na mula nang makahiligan niya ang pagtakbo.
04:12Sa pagtakbo po, ano po lahat, kahit ano lang po, damit, cycling, tapos kahit wala pong sabatas.
04:19Ito po yung sabatas na ito, ano lang po ito.
04:21Hiniram ko lang po ito sa kakilala. Hiniram ko po siya kasi kailangan po namin ng spike shoe.
04:26Mula noon, makailang beses at kung saan-saan na nakipagtagisan bilang atleta si Jacob.
04:33Nakasungkit din siya ng mga medalya sa palarong pambansa.
04:37Ito po yung mga medal na naipon ko sa dalawang taon na pagiging atleta ko po.
04:41Then ito po yung nakawa ko po na kakagaling na po ng regional meet, 2026.
04:46Ito po yung tatlong medal.
04:48Tapos ito po yung pinakahuli kong nakuha.
04:51Tatlong medal po sa palarong pambansa.
04:54Dahil sa pagiging atleta sa kanilang eskwelahan, malaki raw ang naitulong nito sa kanilang pamilya at sa kanyang pag-aaral.
05:01Yung school po, nagbibigay po ng suporta sa mga player na kagaya ko.
05:04Nagbibigay po sila ng allowance, pamasahe, pagkain.
05:07Nag-offer po sila na bibigyan daw po nila ako ng scholarship para makapag-aaral po ng libre.
05:12Yung malakang bagay po din kasi tulad niyan, hindi na ako nag-iisip ng pambaon-baon niya.
05:18Ang nagiging pa-prem niya po niya, yung ginagamit po namin sa pang-araw-araw po namin, gastusin.
05:25Kaya napakalangang bagay po.
05:28Hindi biro ang training ng mga track and field player tulad ni Jacob.
05:32Napakahirap mo talaga.
05:33Ang gising po namin ay as-quatro.
05:36Yung training po namin, Monday to Friday.
05:39Yung pahinga lang po yung Sabad at Linggo.
05:42Then, pagtapos po ng training, noong gabi po na yun,
05:45tsaka lang po nag-review, nag-aaral.
05:48Ang problema, hirap na nga sila sa training.
05:51Wala pa silang maayos na pasilidad para makapag-ensayo.
05:56Nag-training po ako sa school, pero sa school po hindi po enough yung space.
05:59Minsan po sa Malolos Complex, sa Malolos, ano po, yung open field po doon.
06:04Kung dito po manggagaling, mga ano lang po, dalawang sakay.
06:07Ako po, mamasaya pa rin po.
06:08Kalsadya, yun po yung pinaka-option namin.
06:11Pero ano po, malapit sa aksidente.
06:17Hindi niya tuloy maiwasang maghinayang sa proyektong nakatiwangwang na sila sana ang nakikinabang.
06:25Kung nagawa na po yan ngayon, edi sana po nagbabamit na po ng kagaya namin atleta.
06:30Hindi na po kami nahihirapan sa pagbiyahe-biyahe, maghanap po ng pantitrainingan.
06:39Nagpaunlak sa amin ng panayam ang dating mayor ng kalumpit na si Dr. Jesse De Jesus.
06:44Kung makikita po niyo yung lugar na ito, paluwang po ito.
06:48Kung saan magkakaroon ng park, napapamasyalan ang paligid nito.
06:53Pwede mag-sumba, pwede dyan mag-jogging, mag-family bonding, pwede po dyan.
06:59Dahil ito isang magiging, supposed to be, magiging park.
07:02Ang tanong, bakit nga ba hindi tapos at hindi nagamit ang sports and convention center na ipinagawa ng LGU?
07:10Kulang po sa pondo. Kagaya po kanina, nagkaroon na ng site development, nagsakapagsimula na tayo.
07:17Yung natitirang loan sa pondo na 50 million, nalagay lang ito sa foundation system kasi pilote po yun eh.
07:26Pag nagtayo ka nito, tinayo mo ito, you need more than 150 million.
07:31But we only have the remaining 50 million from the loan and we have the municipal fund of 25 million
07:40para maipagpatuloy yung phase 2A and phase 2B.
07:45Term ko ay June 30, 2022 lang. Hindi ito natapos.
07:51So ang programang ito ay nakahanda, nakaprograma na ipagpatuloy sana ng susunod na administrasyon.
08:03Sinubukan namin kuna ng pahayag ang kasalukuyang administrasyon ng Kalumpit LGU.
08:08Pero tumanggi silang magbigay ng pahayag dahil iniimbestigahan na rao ng Commission on Audit ang Kalumpit Convention Center.
08:15Pero sa mga dokumentong ibinigay ng Kalumpit LGU, nagsagawa raw sila ng technical at financial audit sa sports at convention
08:23center.
08:24Sa imbesigasyon ng kasalukuyang LGU ng Kalumpit, natuklasa ng ilan umanong irregularidad tulad ng paniningil at pagtanggap daw ng kontraktor
08:33ng bayad para sa mga gawain hindi naman natupad.
08:36Nagsimula rin daw ang proyekto ng walang building permit.
08:41Dagdag pa rito, nakita rin daw ng LGU na depektibo ang convention center.
08:46At sumopra din daw ang naibayad sa kontraktor ng nasa mahigit P50 million pesos, ayon pa rin sa nakuha naming
08:54dokumento.
08:55Kaya naman sa kanilang desisyon, inirekomenda nilang i-terminate ang lahat ng kontrata.
09:01I-blacklist ang joint venture ng dalawang kontraktor na Adim Reconstruction at Zacarias Enterprise na nasa likod ng proyekto.
09:09At ipinag-utos din na ibalik ang mahigit P9 million pesos, P491,000 pesos at P6.3 million pesos na
09:19pondo.
09:20Paliwanag naman ng dating alkalde.
09:23So after June 30, 2022, ang kontraktor ay hindi pa nakakasingil nang dapat masingil niya.
09:32More or less, 16 million.
09:34Ngayong time na ito, we are answering COA findings and we are very sure to come up with the answer
09:44para dumating yung time.
09:47The COA will find out there are no irregularities in the implementation of the program.
09:54Joint venture ng Adim Reconstruction at Zacarias Enterprise ang nasabing proyekto.
10:00Nagpaumbak sila ng panayam.
10:02Lahat po ng sinasabi po nun ng current administration po, nagko-comply po ako.
10:11Sinusunod ko po ang mga gusto nila.
10:13Yung po case na yan, sinabmit na po namin sa COA.
10:19Kasalukuyang po ay sinasagot pa po namin.
10:22Ipresent pa po namin sa kanila aming kasagutan.
10:25Hindi na bago ang mga ganitong klase ng proyekto ng gobyerno na itayo, ginastosan ng Pondo ng Bayan.
10:34Pero hindi napakinabangan.
10:47Taong 2007 ang itayo naman ang Batangas Provincial Livelihood Center o BPLC.
10:53Nasa halos dalawang ektarya ang lawak ng BPLC na nakatayo sa tabi mismo ng Batangas Port.
10:58Ipinatayo ang gusali para pwestuhan ng mga naghahanap buhay ng mga residente na napaalis ng Palawaki ng Batangas Port.
11:07Ayon sa COA, June 2003 nang simulang itayo ang tatlong palapag na gusali sa panahon ng panunungkulan ni Noe Governor
11:15Hermilando Mandanas.
11:18Makalipas ang isang taon, idineklarang tapos ang proyekto.
11:22Pero wala ni isang tindahan na mga target na benepisyaryo ang nag-operate.
11:29Taong 2018, ang una itong bisitahin ng Reporter's Notebook.
11:32Dahil nga hindi na may maintain itong struktura, kinakalawang na yung ibang bahagi ng gusali.
11:37May mga crack dito, mga crack doon.
11:39Ang poste, kita nyo, nakatumba na.
11:42Pader, puno rin ang crack.
11:44Base pa rin sa report ng COA, ginastusan ito ng 237 million pesos ng probinsya ng Batangas na inutang sa
11:52isang bangko.
11:55Noong 2018, may mga inabutan kaming nagtitinda sa ibabang bahagi ng gusali.
12:00Ito po ang dinat na namin. Hindi ko siyempre kami muna ang gagamit.
12:04Habang wala pang pinaplano sa i-Governor para dito.
12:07Dahil hindi na pakikinabangan, unti-unti na rin nasisira ang ilang bahagi ng proyekto.
12:17Matapos ang walong taon, inabutan naming nakatingga pa rin at mas marami ng sira ang istruktura.
12:28Ilang mga bintana na ang nasira at nawala.
12:32Nangalawang at sira na rin ang mga linya ng kuryente.
12:36Mas marami ng mga bitak sa pader.
12:39Ang mga palikuran, sira-sira at tungkab na rin.
12:44At ang roof deck, tinubuan na rin ang halaman.
12:48Ang istruktura, mas naluma na.
12:50Ang inabutan namin noong mga residente na nagtayo ng mga tindahan sa labas ng gusali, pinaalis na rin daw.
12:58Ang aming dinatnan, ilang mga nakaparadang sasakyan.
13:05Sa harapan ng gusali, may ilang nakatirang mga residente.
13:08Ang iba sa kanila, ang mga dapat sana ay beneficiary ng livelihood center.
13:13Kaya kami po'y nangihinayang dahil maganda na sana ang pwesto at maganda na ang tayo na wala pa.
13:20Kung nabuksan po yan at natuloy, kami po ay may pwesto din yan na kukuha kami para makapagtinda ako ng
13:26aking hanap po na pagtitinda ng isda.
13:30Nakilala rin namin si Mary Lou. Isa siya sa mga nagtinda noon sa labas ng gusali.
13:35Hindi namin alam kung ano yung sistema, bakit kami ay alis hindi yan at kaso tasaraduhan yung terminal 3.
13:42Kaya ang ginawa sa amin, kami pinalabas din ni sa karsada na wala na yung mga tao.
13:49So, sabi ay, arin na daw ang gagawin daan.
13:53Tapos nung ginaba ng arindaan, tatlo din lang yata na taon.
13:57Pinasaraduhan naman, yun naman ang binuksan.
13:59Kaya hindi na namin maintindihan.
14:06Makalipas ang ilang taon, unti-unti raw tumamlay ang kanilang hanap buhay.
14:14Binakuran daw kasi ang likod ng Livelihood Center.
14:18At mula noon, wala na mga pasaherong dumaraan sa gusali hanggang ang kanyang tindahan, tuluyan nang nagsara.
14:26Ayan, nandi dito yung, ayan, ang mga paninda ko.
14:30O, nakatambak na lang na ganyan.
14:32Ang aking mga paninda, halos hindi ko na maipagbili.
14:36Oo, kaya nga ako'y naiiyak nalaan din.
14:39Kasi hindi ko nga alam kung paano ko ipagbibili itong mga pinamuhunanan ko nga para nga ako'y kumita.
14:46Ganito lang ang nangyari.
14:48Baka dadating ang araw, may expert na maipagbili ko pag ito.
14:54Hindi namin nga alam kung ano ang sistema ang aming kakarapin din eh dahil wala namang nakikipag-usap sa amin
15:02para kami ilagay sa tama, sa ayos.
15:06Dekada na ang lumipas pero hindi pa rin mawala ang kanilang panghihinayang.
15:11Sa gusaling dapat sana'y nakatutulong sa kanilang kabuhayan.
15:16Pag kami nga tinitingnan nga namin yung building na yan, sayang lang arin building na arin.
15:21Kasi mula nung tinayo ay hindi malaang talagang total na pakinabangan.
15:26Pinuntahan at pinadalhan namin ng sulat ang Kapitulyo ng Batangas para kuhanan sila ng pahayad.
15:32Pero busy raw ang kanila mga tauhan sa ngayon at wala pa raw pwedeng makaharap sa amin.
15:37Pero una nang nagbigay ng panayam si Governor Mandanas noong 2018.
15:41Kasi pag alis ko yung sumunod sa akin, hindi na rin itinuloy.
15:47So pagbalik ko dito, ganun pa rin.
15:51Well, it was worse, yung building.
15:54So one of the first things we did, first six months, nilinis, inayos, and then we tried it.
16:01We got the help of somebody from Divisoria and from Baclaran to sample, you know, for yung mga ganon.
16:11And we gave employment immediately to the vendors.
16:15We gave them space inside.
16:17Walang renta.
16:19Para lang testing muna.
16:24Para sa isang engineer, may epekto sa integridad ng pasilidad kapag matagal itong nakatiwangwang.
16:30Also whether the structural element may be severely affected,
16:35pwede ma-penetrate ng water yung mga structural member mo,
16:38hindi naman siya denesigned.
16:40Para sa ganoon, it will take years na ganoon siya naka-expose.
16:43So kailangan ng re-evaluation.
16:45And pag nag-re-evaluation, if we found out na nag-disintegrate or na-reduce ng strength,
16:51sunod doon is retrofitting.
16:52Maraming bagong pundo naman yung nasayang.
16:55Sa hirap ng bansa natin, mas maraming fund na dapat napuntahan
16:59kaysa mag-start ka ng product na hindi mo kain tapusip.
17:07Kung may mga inabando na, may mga proyektoring delayed
17:11o nakuhuli sa target date na matapos ito.
17:16Sa Amparo Rotonda area ng Caloocan City,
17:20isang multi-purpose building ang itinatayo.
17:23Sa notice of award na nakuha ng reporter's notebook,
17:26Metro Manila 3rd District Engineering Office
17:28ng Department of Public Works and Highways o DPWH
17:31ang proponent ng ginagawang pasilidad na isang covered court.
17:35Sa transparency portal ng DPWH,
17:38lumalabas na mahigit 50 million pesos ang halaga ng proyekto.
17:42February 2025 naman ang contract effectivity date.
17:46Nagmula ang pondo sa 2025 General Appropriations Act o GAAP.
17:51January 2026, ang target completion date ng multi-purpose building sa Caloocan City.
17:58Nangpuntahan ng aming team noong January,
18:01ongoing pa rin ang construction.
18:04Nakipag-ugnayan kami sa DPWH para sa ibang detalya ng proyekto.
18:09Yung construction noong Amparo Rotonda covered court
18:12will provide yung safe venue for sports,
18:15community activities,
18:17and public gatherings in Caloocan City,
18:19while also serving as a temporary evacuation facility during emergency.
18:27Inaalam din namin kung ano mga dahilan ng delay sa construction.
18:30Yung Phase 2, dapat mag-istart siya ng February 2025.
18:35Dahil nga hinihintay yung completion ng Phase 1,
18:38which is September, so nag-istart siya.
18:40And then, nagkaroon ng other issues tungkol dun sa construction of drainage.
18:46Nahold ulit siya noong November same year 2025.
18:49And nag-istart lang ulit yung Phase 2 ng February 2026.
18:53Yung sa Phase 1 kasi is nagkaroon talaga ng delay.
18:56May konti pa silang hindi nagawa.
18:58And then, naabutan na nga ng medyo tag-ulan na.
19:01May mga shortage na rin ng mga manpower, ganyan.
19:04Sa dokumentong ibinigay ng DPWH,
19:07November 2026 na ang revised completion date ng proyekto.
19:12Wala sa original target date na January 2026.
19:15Mahigit 7.6 million pesos na rin ang nagastos na pondo
19:19o advance payment para sa proyekto.
19:22Jose Chris Builders, ang contractor ng nasabing
19:26multi-purpose building.
19:28Binabantayan po namin araw-araw yung mga project.
19:30May mga naka-assign po tayo diyang mga project engineers.
19:34Yung mga delay po ay may mga penalties po yan
19:37na ibibigay po natin sa kanila.
19:42Pinuntahan namin ang opisina ng contractor
19:44para kunan ang pahayag.
19:45Naruwala pa rin silang tugon.
19:48Mananatiling bukas ang reporter's notebook
19:50para sa kanilang magiging pahayag.
19:56Ngayong marami na ang uma-aray
19:59dahil sa patuloy na pagtaas
20:01ng presyo ng mga bilihin at serbisyo,
20:05nakapanghihinayang na may mga proyektong
20:08pinunduhan ng milyon-milyong piso.
20:11Pero ngayon ay nakatiwangwang
20:14at hindi napakikinabangan.
20:17Kaya dapat lang na patuloy tayong
20:20maging mapagmatsyag at magbantay
20:22dahil ang bawat piso na ginastos dito,
20:26pera ng bawat mamamayan.
20:28Hanggang sa susunod na sabado,
20:31ako si Mackie Pulido
20:32at ito ang Reporter's Notebook.
Comments