Skip to playerSkip to main content
Aired (November 29, 2025): Taon-taong sinasalanta ng baha ang nag-iisang pampublikong ospital sa Macabebe, Pampanga. Umaabot na hanggang sa loob ng pasilidad ang tubig, dahilan para lalong mahirapan ang mga pasyente at healthcare workers. Ano ang aksyon dito ng pamahalaan? Ang buong ulat, panoorin sa video. #ReportersNotebook

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Hey, hey, hey, hey!
00:02Mamata kayo!
00:03Hey, hey, hey!
00:03Kuhang cellphone video na ito sa Domingo B. Flores District Hospital sa Pampanga.
00:08Maririnig mo talaga yung panic ng medical staff dahil pinasok na yung loob ng ospital ng tubig.
00:15Ay, ay, ay!
00:16At subabo!
00:18Nag-iisang public hospital pa naman daw sila sa ika-apat na distrito ng Pampanga
00:22at kada araw mahigit isang daang pasyente ang kanilang tinitignan o ginagamot.
00:28Taong 2004 na magsimula raw lumubog ang ospital.
00:33Nagsimula sa labas hanggang sa tuluyan ng pinasok ang loob ng pasilidad.
00:38Para mabawasan ng tubig, gumagamit na sila ng water pump.
00:43Itong naka-flash dito sa phone is ito yung sa ano natin, sa pinaka-fasad ng hospital natin.
00:52Meron kasi kaming mga na-submerge ng water pumps doon para mas mabawasan yung impact ng flooding sa loob ng ospital.
00:59Pero pati yung mga yun, during mid-July, hindi nakayanan yung level ng tubig na pumasok sa ospital namin.
01:06Sa ilang pagkakataon, mas tumataas pa raw ang tubig gaya na lang ng video na ito nakuha noong July kung saan nagmistulang ilog ang ilang bahagi ng ospital.
01:19Nilagyan na nila ng mga sandbag ang entrada ng ospital para mapigilan sana ang pagpasok ng tubig.
01:25Pero inabot pa rin daw sila ng baha.
01:27Actually, may nakuha kaming dito parang ginawa na mini dam.
01:35Kasi parang ito yung courtyard or parang sentro ng hospital.
01:38Then, doon kasi naiipon yung tubig.
01:40Pero pag umaapaw na, pupunta dito yun sa mismong hospital natin.
01:46Naglagay na sila ng concrete barriers.
01:49Pero pati yun na titibag sila.
01:52Pag hupa ng tubig, tulong-tulong ang mga healthcare workers sa paglilinis at paglilimas ng tubig.
02:00Pero ang problema, marami sa kanilang mga gamit unti-unti nang nasisira dahil palagi raw nalulubog sa tubig.
02:08Mga nasira natin or rendered unusable mga IV fluids, mga pangswero.
02:15Kasama din dyan yung mga metal charts, mga paglagyan ng charts ng pasyente.
02:20Kasi some files ng pasyente, yung mga admission files nila na tangay din ng tubig.
02:27Ang mga nasira pa natin dito or yung mga hospital equipments natin, especially sa dental.
02:34Kasi ang dental namin sa ground floor lang sila na soak and submerge din siya.
02:39Yung mga gamot na yun, na-report din sila.
02:43Kasi hindi namin sila magamit dahil nababad sila.
02:49Ayaw namin sumugal na kahit nasabi namin hindi siya expired, pero na-expose siya sa elements.
02:54Unfavorable elements and unfavorable storage.
02:58Ipinakita rin sa amin ni Dr. Nathaniel Mercado ang iba pang pasilidad sa kanilang ospital.
03:04Papunta tayo doon sa parang sentro ng complex ng hospital.
03:08So, ito kasi yung KER. Ito yung parang usual entrance ng mga pasyente and also some of our employees.
03:17This is the admitting section.
03:19So, ito po yung ano ng hospital natin.
03:24Parang sentro ng hospital natin.
03:27Dito po yung ating laboratory and also yung sa imaging natin.
03:32Pero kadalasan sa dulo, di ba, yung mati-respiratory wards.
03:36Kasi po, divided po yung mga wards natin into section.
03:40Pero, majority po nito is nakakatubig po sila.
03:45Kapansin-pansin din ang marka ng tubig mula sa pader ng ospital.
03:49Ang ilang kagamitan, kinakalawang na rin.
03:52Ito po yung isa sa mga inano namin kasi po merong, ano po dyan, umuusbong po ang tubig po dyan kapag nag-high tide po tayo.
04:00So, kaya po, yung pong mga yan, pinapakumpuni po namin sila para at least kung magkakaroon man ng tubig,
04:08at least man lang ma-minimize and ma-mitigate yung effects nito po sa amin.
04:14Sa mahigit isang dekadang paglubog ng komunidad, sanay na raw ang mga healthcare workers sa ganitong sitwasyon.
04:22Actually, dito kasi sa hospital namin, naging prepared na yung mga tao.
04:27So, kapag alam nila na makakaroon na ng bagyo, automatic, dala na nila yung mga PPE nila.
04:36Pag mag-duty sila, hindi lang boots dala nila, pati chenelas.
04:39Pero malaking hamon pa rin daw kung paano sila makakapagbigay ng maayos na serbisyo para sa mga pasyente.
04:45Lalo pat nito lang na karaang taon, isang pasyente ang kinailangan pang isakay sa bangka
04:50para mailipat ng ibang ospital habang naka-intubate.
04:54Lubog na nga sa baha, dagdag pa sa problema nila ang kakulangan sa kama ng ospital.
05:00Lagpa sila ngayon sa kanilang bed capacity.
05:03So, imagine 25 bed, we're nako-confined sa atin, is nasa 50-51.
05:07So, we're operating at 200% capacity kadalasan.
05:11Lagi kami tinatanong ni Gog, lagi niyang ano sa amin is, sa makabebe, no?
05:19Kung meron lang lupa pa na mahanap na pagtatayon ka ng ospital, patatayuan ko kayo.
05:29It impairs yung aming healthcare delivery.
05:32So, nakapalungkot, no?
05:34Kasi sa ganito, hindi lang yung manpower ko yung affected.
05:37Hirap silang pumunta dito.
05:39Hirap din silang makaalis.
05:41Sa probinsya ng Pampanga, nagpatayo ng 293 flood control projects sa iba't-ibang bahagi ng probinsya.
05:57May kabuang halaga ito na 14.5 billion pesos.
06:01Pero ang ilan sa mga proyektong ito, ayon sa mga residente, hindi naman daw nila nararamdaman.
06:07Kung tutuusin, may ibsan sana ang pagbaha sa ospital ni na Dr. Mercado,
06:11at sa komunitan, dahil meron namang ipinatay yung flood control project.
06:15Mahigit 8 kilometro lang ang layo mula sa kanila.
06:18Pero para sa mga residente sa lugar, tila hindi naman naging efektibo ang proyekto.
06:34Sa dokumento mula sa DPWH, sinimula ng construction of dike, barangay Bebe Anak, Masantol, to barangay San Esteban, Makabebe, Pampanga, noong July 2024.
06:45At October 2024 naman ang original contract expiry date.
06:52Mahigit 9.2 million pesos naman ang original contract cost ng proyekto.
06:57Ang contractor ng proyekto, N22 Construction and Trading.
07:02Nakasaad din sa dokumento na 100% completed na raw ito.
07:07At na-disburst o nabayaran na rin ng buo ang proyekto.
07:11Ayon sa kagawad ng barangay na si Pablo Manansala, matagal na raw na tinitiis ng mga residente ang matinding pagbaha sa kanilang lugar.
07:22Talagang malaki ang tubig dito. Aros hindi kami natulog, tinitingnan namin yung mga ito, katulad nito nga ang delikado.
07:32Ito lang ang pinaka-critical itong nangyari sa buhay namin dito sa itong taon na ito, nung biglang lumaki ang tubig.
07:40Nagpadala kami ng sulat sa contractor para kunin ang kanilang panig.
07:47Sa written statement na ipinadala ng contractor sa reporter's notebook,
07:51sinabi nilang na ipatupad nila ng maayos, na inspeksyon at nakumpleto ang proyekto
07:56batay sa Programs of Work, Plano at Specification ng DPWH First Pampanga Engineering District Office.
08:03May itinuturo ang mga residente na isa pang proyekto na hindi pa rin tapos.
08:10Isang tulay na mag-uugnay sana sa mga bayan ng makabebe at masantol.
08:15Ito yung mga dokumento na nakuha namin mula sa DPWH.
08:18At nakalagay dito na yung proyekto nagkakahalaga ng 47 million pesos.
08:23Sinimulan nito noong March 2024 at may original completion date ng September 2024.
08:30Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ito tapos.
08:33Santo Cristo Construction and Trading Inc. ang contractor ng proyekto.
08:38Pinadalhan namin ng sulat ang contractor ng proyekto para tanungin kung bakit hindi natapos ang proyekto.
08:44Pero wala silang sagot sa amin.
08:47Dahil inabando na ang tulay, mga bangka ang naging pangunahing transportasyon ng mga residente rito.
08:55Maapektado kami dito, hindi natuloy yung trabaho nila dito sa pagpunta namin sa bayan.
09:02Bayan, nabawa yung mga taga-barangay sa Nisteban, nagbabangka pa dito kapuntang bayan.
09:09Ang nagagastos po nila ay napakalaki sa pamasahe lang.
09:12Magmula barangay sa Nisteban hanggang dito, 150 na.
09:16Tapos pagdating dito, magta-tri-scale pa silang papuntang bayan.
09:20Another 150 na naman.
09:21Di kalayuan sa hindi natapos na proyekto, isa pang project ang kasalukuyang ginagawa.
09:29Sa dokumentong nakuha ng Reporter's Notebook mula sa DPWH,
09:33February 2025 sinimula ng construction of San Esteban Bridge, Phase 3,
09:38Makabebe, Pampanga, ang contractor, St. Timothy Construction Corporation,
09:43na pagmamayari ng mga diskaya, ang halaga mahigit 137 milyon pesos.
09:50January 2026 sana ang target matapos ang proyekto.
09:54Pero nakasaad sa dokumento na terminated na ang proyekto, matapos ma-blacklist ang contractor.
10:00Ayon sa Municipal Engineer ng Makabebe, Pampanga na si Engineer Lorenzo Vicente,
10:05malaking bagay ang pagpapatayo ng mga daan at tulay sa kanilang bayan
10:09para maabot ang mga residente na nasa coastal areas.
10:13Hindi siya tuloy-tuloy. Pa-ini-initial siya.
10:16Initial dito, initial doon, initial doon.
10:18Nandyan na yung mga face-face na yun, pero hanggang ngayon, hindi pa rin magagamit.
10:22Hindi ko pa na total yung kabuhan, pero ang laki na ng budget na naibaksak.
10:27Pero hanggang ngayon, hindi pa rin magamit sa area doon.
10:35Hindi pa rin magamit sa area doon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended