Skip to playerSkip to main content
Aired (November 7, 2026): Isang malaking pasilidad na dapat sana'y pagdarausan ng mga pagtitipon at aktibidad sa Calumpit, Bulacan. Pero sa halip na mapakinabangan ng publiko, nananatiling abandonado ang Calumpit Sports and Convention Center.

Nagsimula ang konstruksyon nito noong Pebrero 2021. Batay sa mga dokumentong nakuha ng Reporter’s Notebook mula sa lokal na pamahalaan, halos ₱141 milyon ang kabuuang pondong inilaan sa proyekto, na binubuo ng walong kontrata, bukod pa sa dalawang phase ng landfilling at pagbili ng lupa.

Sa kabila ng malaking pondong inilaan, hindi natapos ang gusali at wala pang naidaos na anumang okasyon dito.

Saan napunta ang pondong inilaan para sa proyektong hindi naman napakinabangan ng publiko? Panoorin ang video. #ReportersNotebook

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Kung mapapadaan naman sa kahabaan ng Kalumpit-Pulilan Road sa Bulacan pa rin,
00:05mapapansin ang isang abandonadong gusali malapit sa highway.
00:10Sa impormasyong nakuhan ng Reporters Notebook, ito ang Kalumpit Sports and Convention Center.
00:16Sa labas ng proyekto, makikitang ginapangan na ng damo ang mga pader.
00:22Unti-unti na rin nasisira ang ilang bahagi ng proyekto.
00:26Sa mga dokumentong nakuhan ng Reporters Notebook mula sa lokal na pamahalaan ng Kalumpit,
00:31February 2021, nang sinimulang itayo ang Sports and Convention Center,
00:37Kalumpit Local Government Unit ang nagpatayo nito sa pamumuno ni Hoy Mayor Jesse De Jesus.
00:44Magsisirbi sana itong pangunahing pasilidad para sa malalaking pagtitipon at aktibidad sa bayan ng Kalumpit.
00:50Pero dahil hindi natapos ang konstruksyon, wala ni isang okasyon ang idinaos nito.
00:57Ang kabuang inilaang pondo, nasa halos 141 milyon pesos, na binubuo ng walong kontrata.
01:04Idagdag pa ang dalawang phase ng land filling at ang pagbili ng lupa.
01:09Pero ang proyekto, hindi man lang napakinabangan.
01:17Nito lang nakaraang linggo, binalikan namin ang lugar.
01:21Nananatili pa rin nakatiwangwang at abandonado ang istruktura.
01:27Isa sa mga dapat sana'y makikinabang sa Sports and Convention Center ng Kalumpit,
01:32ang track and field player at grade-age student na si Jacob Paez.
01:38Ito po yung mga medal na naipon ko sa dalawang taon na pagiging atleta ko po.
01:41Then ito po yung nakuha ko po na kakagaling na po ng regional meet, 2026.
01:47Ito po yung tatlong medal.
01:49Tapos ito po yung pinakahuli kong nakuha.
01:52Tatlong medal po sa palarong pambansa.
01:54Sa pagiging atleta, malaki raw ang naitulong nito sa kanilang pamilya at sa kanyang pag-aaral.
02:00Yung school po, nagbibigay po ng suporta sa mga player na kagaya ko.
02:03Nagbibigay po sila ng allowance, pamasahe, pagkain.
02:06Nag-offer po sila na bibigyan na po nila ako ng scholarship para makapag-aaral po ng libre.
02:11Ang problema, hirap na nga sila sa training.
02:14Wala pa silang maayos na pasilidad para makapag-insayo.
02:17Nag-training po ako sa school, pero sa school po hindi po enough yung space.
02:21Minsan po sa Malolos Complex, sa Malolos, ano po, yung open field po doon.
02:26Kung dito po manggagaling, mga ano lang po, dalawang sakay.
02:29Opo, mamasahe pa rin po.
02:30Kalsadya, yun po yung pinaka-option namin.
02:33Pero ano po, malapit sa aksidente.
02:36Hindi niya tuloy maiwasan ang manginayang sa abandonadong proyekto sa kanilang lugar.
02:42Kung nagawa na po yan ngayon, edi sana po naggamit na po ng kagaya namin atleta.
02:47Hindi na po kami nahihirapan sa pagbiyahe-biyahe, maghanap po ng pantitraining.
02:57Sa aming naging panayam sa dating mayor ng kalumpit na si Dr. Jesse De Jesus,
03:02sinabi niyang kakulangan sa pondo ang naging dahilan.
03:05Kaya hindi natapos ang proyekto.
03:07Pag nagtayo ka nito, tinayo mo ito, you need more than 150 million.
03:12But we only have the remaining 50 million from the loan.
03:16And we have the municipal fund of 25 million para maipagpatuloy yung phase 2A and phase 2B.
03:26Term ko ay June 30, 2022 lang.
03:31Hindi ito natapos.
03:32So ang programang ito ay nakahanda, nakaprograma na ipagpatuloy sana ng susunod na administrasyon.
03:42Sa mga dokumentong ibinigay ng kalumpit LGU,
03:46nagsagawaro sila ng technical at financial audit sa Sports and Convention Center.
03:50Natuklasan din nila ang ilang umano'y irregularidad tulad ng paniningil at pagtanggap daw ng kontakso ng bayan
03:57para sa mga gawain hindi naman naipatupad.
04:00Ayon pa sa kalumpit LGU, nagsimula rin daw ang proyekto ng walang building permit.
04:07Nakita rin daw ng LGU na depektibo ang Convention Center.
04:11September 2022, nang hiniling nila sa tanggapan ng Commission on Audit Ocoa
04:15na magsagawa ng special audit sa nasabing proyekto.
04:19In-recommend na rin nila ang termination ng mga kontrata sa proyekto
04:23at i-blocklist ang joint venture ng dalawang contractor na Adim Reconstruction
04:28at Zacarias Enterprise na nasa likod ng proyekto.
04:32Nakapanayam din ang reporter's notebook ang contractor ng proyekto.
04:35Lahat po ng sinasabi po nun ng current administration po,
04:42nagko-comply po ako.
04:44Sinusunod ko po ang mga gusto nila.
04:46Yun po case na yan, sinabmit na po namin sa COA.
04:52Kasalukuyang po, sinasagot pa po namin.
04:55Ipresent pa po namin sa kanila aming kasagutan.
04:59Buli rin namin kinuha ang palig ng kalumpit LGU
05:02kung ano na ang kasalukuyang status ng proyekto.
05:05Sa statement na ipinadala nila sa reporter's notebook,
05:09sinabi nilang isinailalim na sa structural assessment ang istruktura
05:12at lumabas na kinakailangan itong isailalim sa retrofitting
05:17bago ito maipagpatuloy at magamit ng ligtas.
05:21Nakipag-ugnayan na rin daw sila sa tanggapan ng DPWH
05:24at sa iba pang ahensya para sa kakailanganin pang pondo.
05:29Kung may nakatiwangwang o inabando ng proyekto,
05:32meron ding delayed o nahuhuli naman sa target date na natapos.
05:36Sa Amparo Rotonda area sa Caloocan City,
05:39isang multipurpose building,
05:40ang inabutan naming itinatayo noong January 2026.
05:45Sa notice of award na nakuha ng reporter's notebook,
05:48Metro Manila 3rd District Engineering Office ng DPWH
05:52ang implementing office ng Covered Court.
05:55Sa transparent portal naman ng DPWH,
05:58mahigit 50 milyon pesos ang inilaang pondo sa proyekto.
06:02February 2025 ang contract effectivity date.
06:07Makalipas ang 7 buwan,
06:08ito na ang inabutan naming Covered Court.
06:13May mga panel na sa labas.
06:16Ongoing na ang pagpipintura.
06:18At halos,
06:19mabuo na sa loob.
06:21Sabi ng Metro Manila 3rd Engineering Office ng DPWH.
06:25Yung mga remaining works na nila is yung finishing works,
06:28clodding,
06:29flooring natin,
06:30and yung mga electrical works,
06:32completion na nung drainage,
06:34around the perimeter.
06:38Aminado sila na nagkaroon ng delay sa proyekto.
06:42Sa dokumentong nakuha namin mula sa DPWH,
06:45nasa 9% ang slippage
06:47o naging delay sa construction.
06:49To give way to the drainage project
06:51na nag-pass doon sa mismong building,
06:55nag-stop ulit yung project
06:56and then nag-resume siya
06:59after completion nung drainage na tumawid
07:01noong February 2026 na.
07:04We are sticking doon sa November 2026 na
07:07expiration ng contract.
07:08So, in case di nila matapos yun,
07:11magkakaroon talaga sila ng liquidated damages na.
07:13Yung liquidated damages is
07:15pinapataw natin sa mga projects na
07:17nag-expire na pero hindi pa completely natapos.
07:20Magkakaroon sila ng penalties
07:22or yung liquidated damages po
07:24until matapos po nila completely yung project.
07:28Nitong Oktubre,
07:30inaprobahan ng House of Representatives
07:31sa third and final reading.
07:33ang 7.2 trillion pesos
07:36na 2027 General Appropriations Bill.
07:40Pero sa pagsusuri ng People's Budget Coalition,
07:43mula sa 41 billion pesos na alokasyon
07:46para sa multipurpose buildings
07:48at facilities to support
07:50social services ng Pangulo
07:52sa National Expenditure Program, UNEP.
07:54Lumobo ito sa 83.7 billion pesos
07:57sa house-approved 2027 national budget.
08:03Tingin ng People's Budget Coalition,
08:05maaring mapatulad sa manumalyang flood control projects,
08:10ang mga multipurpose projects
08:11na paglalaanda ng bilyon pisong alokasyon.
08:14Yes, napakalaki ng diferensya niya.
08:16Kung meron tayong 83.7 billion for multipurposes,
08:20yung school building program na nando doon sa version na pinasa nila,
08:23mahigit lang sa 20 billion pesos.
08:26Yung Health Facilities Enhancement Program,
08:29nasa 10 billion pesos.
08:31So talagang napakalaki ng disparity
08:33kahit na ang konteksto natin bilang isang bansa,
08:37meron tayong classroom shortage.
08:39Pero sa bawat barangay sa Pilipinas,
08:42halos lahat na may multipurpose halls.
08:44Pusibleng kaya maging source na naman niya ng corruption.
08:47Yes, syempre that's very prone to corruption.
08:49Ito mga multipurpose hall,
08:51ito na ba yung bagong muka
08:52ng mga flood control project noon?
08:54Pusibleng maging bagong muka talaga yan
08:56ang flood control,
08:57lalong-lalo na kung walang marirelease na project documents
09:02mula ngayon hanggang maipasay yung national budget.
09:08Panawagan nila,
09:10mahalagang baging mapanuri at bantayan ng kabanang bayan.
09:15Para sa mga ordinaryong mamamayan,
09:18bakit nila dapat ikaalarma
09:20na ang daming mga multipurpose hall na mga proyekto
09:25at ganyan kalaki ang perang pinag-uusapan na ito?
09:29May mahalaga kasi na may pakialam tayong lahat dito
09:33kasi unang-una sa lahat,
09:34sino ba ang nagbabayad
09:36para sa lahat ng mga proyekto na ito?
09:38Di ba tayo naman yung...
09:39Bakit nga ba?
09:39Syempre, alam naman natin
09:41na ang mga multipurpose halls,
09:43magagamit pa rin yan para sa eleksyon.
09:46Kasi ang mga multipurpose halls,
09:48saan ba yan kinoconstruct?
09:49Nasa mga barangay.
09:51Babang-baba yan sa mga lokalidad.
09:53Ano pa ang dapat nating tutukan?
09:55Dapat nating sabay-sabay i-demand
09:58mula sa ating mga legislators
10:00na magkaroon ng transparency
10:01para sa mga mambabatas
10:03na tumitingin sa pangkabuo
10:05ang alokasyon ng national budget.
10:08Syempre, importanteng saguti natin yung tanong
10:11na ito ba talaga ang tamang prioridad?
10:23Sinas, kata d inversiu,
10:24mida firma lamente bo進 línea
10:24na 소�inesa
10:24naga
10:25na
10:25may
Comments

Recommended