Skip to playerSkip to main content
Aired (September 13, 2025): Mahigit ₱14.5 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa 293 flood control projects sa Pampanga. Isa rito ang rehabilitasyon ng eroded bank sa Pampanga River sa Arayat na bumigay makalipas lamang ang halos isang taon.

Bunga lang ba ito ng sunod-sunod na bagyo, o senyales ng pagtitipid sa mga materyales na ginamit sa proyekto? Ang buong detalye, panoorin sa video. #ReportersNotebook

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Pampanga ang pinaka-flood-prone na probinsya sa buong bansa.
00:05Sa pag-aaral ng GMA Integrated News Research,
00:09293 flood control projects ang ipinatayo ng pamahalaan sa Pampanga
00:13mula 2022 hanggang 2025.
00:17Ang kabuang halaga, mahigit 14.5 billion pesos.
00:23Sa official website ng Sumbong sa Pangulo,
00:26nakalista bilang isa sa mga proyekto,
00:28ang Rehabilitation of Eroded Bank of Pampanga River sa kandating Arayat, Pampanga.
00:34Nagkakahalaga ng mahigit 91.6 million pesos.
00:39October 17, 2023, ang nakasaad na completion date.
00:43Pero wala pang isang taon, gumuho ang isang bahagi ng retaining wall.
00:49Kasi naya ka nito, bakit yung tangpulot?
00:51Nepong kalalam, may tuwag nepoyineng bakal gagawanda.
00:56Ayan, may muya pa pong crack.
00:58Balang kayo, mamakbong niya pa po, siguradong magtuwagya rin po yun.
01:05Halos babungkal na ang lupa sa paligid ng nasirang proyekto.
01:09Edmary Construction and Trading ang kontrakto ng project.
01:13Sa kabuuan, umabot sa labing dalawa ang nakuhang flood control project ng Edmary Construction.
01:22Mula 2022 hanggang 2025 sa buong bansa.
01:27Ayon sa sumbong sa Pangulo website.
01:28Ang kabuuan halaga, mahigit 885 million pesos.
01:35Nakapanayam noon ng reporter's notebook,
01:37ang kinatawa ng Edmary Construction and Trading,
01:40sa nasirang project nila sa kang dating.
01:43Bakit hindi ninyo alam?
01:45Bago po itayo itong retaining wall,
01:47almost 100 million pesos pa naman,
01:50bakit hindi ninyo alam na mangyayari yun?
01:53Di ba dapat na pag-aralan po yun?
01:54Hindi po namin, ano ba siya?
01:57So sayang, sayang po itong project, no?
02:01Kaya po, ginagawa na namin po ng ano.
02:04Restore po namin.
02:05Sa press statement na ipinadala ng DPWH Pampanga First District Engineering Office
02:10sa reporter's notebook,
02:12inaasahang matatapos daw ang rehabilitation sa September 15, 2025.
02:17Ayon pa sa DPWH, under warranty pa ang repair ng proyekto
02:21at walang bagong pondo na ilalabas.
02:24Bago maipatayo ang isang proyekto,
02:30ano ba ang pinagdaraanan itong proseso?
02:33Sa website ng DPWH,
02:35tinukoy ang apat na phase na sinusunod ng mga infrastructure project.
02:39Una ay ang project identification
02:41o pagtukoy sa proyekto sa iba't ibang distrito sa bansa.
02:44Yung palakasan at yung pagpapakita ng influence
02:47ay pumapasok dun sa pagsasabi na,
02:51oh, napasok ko yung isang infrastructure project natin.
02:55Nakadalasan, walang programa o walang pagpaplano
02:58at isinisingit yan sa budget.
03:01Ikalawa ang project preparation.
03:03Dito nakapaloob ang pagsasagawa ng pag-aaral
03:06o feasibility study at fund appropriation
03:08o paglalaan ng pondo.
03:10Problema minsan,
03:11nagiging bloated yung halaga ng proyekto
03:14kasi walang oversight.
03:15Sila sila lang ang nag-uusap,
03:17sila sila lang nakakakita ng dato,
03:19sila sila lang din ang nag-a-approve.
03:21Implementasyon ng proyekto.
03:24Dito ay nilalabas ang pondo.
03:25Nangyayari ang bidding ng mga contractor
03:27at construction.
03:29Ang corruption dyan ay ina-approve ng DPWH
03:32ng hindi man lang chire-check
03:33or physically nakikita
03:35kung nandun nga ba yung infrastructure project.
03:38Ang panghuli,
03:39ang operasyon at evaluation
03:41ng ipinatayong proyekto.
03:43It is now very obvious
03:45they begin at the district level.
03:48Ang sinasabing modus,
03:49mas luminaw nang humarap sa Senado
03:51ang ilan sa mga contractor
03:53ng flood control projects.
03:54Sa pag-amin ng mag-asawang
03:55Sara at Kaylidis Kaya.
03:57Paulit-ulit kami ginamit
03:58ng mga nasa pwesto sa sistema ito.
04:01Wala kami magawa
04:02dahil kung hindi kami makikisama,
04:04gagawa nila ng problema
04:05ang project na na-award sa amin
04:07sa pamamagitan ng mutual termination.
04:10Dito tinukoy nila
04:11ang labing-pitong mambabatas
04:13at isang former undersecretary
04:15na umano'y nakatanggap ng porsyento
04:17sa pondo ng mga flood control projects
04:19na nakuha nila.
04:21Paulit-ulit na binabanggit
04:22ang delivery ng pera
04:23ay para sa kaisalde ko
04:25na dapat at least 25%.
04:27Si Kong Marvin Rilyo naman
04:29ay ilang beses na binabanggit
04:30ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez
04:32bilang kanyang malapit na kaibigan.
04:34Sinasabi yung panikong Rilyo
04:36na lahat ng kanyang request
04:38para sa pondo
04:39ay galing pa mismo
04:40sa unprogrammed funds
04:42at insertion
04:42na inaaprobahan ni Speaker.
04:44Pero mariinitong itinanggit nila.
04:47Marami sa mga mambabatas
04:48na tinukoy ng mag-asawang diskaya
04:50agad na naglabas ng pahayag
04:52at itinanggi ang aligasyon
04:53laban sa kanila.
04:55May pagkakataon din daw
04:57na umaabot sa 30%
04:59ang kickback
04:59na hinihingi ng mga sangkot
05:01sa katiwalian
05:02sa flood control project.
05:04Sinabihan ko na masyado namang mataas
05:06ngunit sinabi niya
05:07na walang magagawa dito
05:08dahil pondo ito
05:09galing sa unprogrammed funds
05:10at insertion galing sa taas.
05:12Sinabi rin ng mga diskaya
05:15na wala silang ghost
05:16at substandard
05:17ng mga proyekto.
05:18Taliwa sa mga lumalabas
05:20na may mga impormasyon
05:21sa publiko
05:22hindi kailaman kami
05:23gumawa ng ghost projects
05:25at masugid kami
05:27nag-i-inspect
05:28sa lahat ng aming
05:28mga natapos na projects.
05:33Pero sa post
05:34ng isang residente
05:35mula sa Eastern Samar
05:36isang flood control ghost project
05:38sa barangay Garawan
05:40Bayan ng Hernani
05:41ang nais niyang idulog sa Pangulo.
05:43DPWH Region 8
05:45ang implementing agency.
05:46April 2024 sinimulan
05:48at January 2025
05:49na tapos ang kontrata.
05:51Base sa website ng DPWH
05:5384.72%
05:55lang tapos ang proyekto
05:57na nilaala ng
05:58192 million pesos.
06:00Pero ayon sa ilang residente
06:02tila sinisimulan palang
06:03gawin ang flood control project.
06:05Amity's Horizon Builder
06:06and General Contractor
06:08and Development Corporation
06:09na pag-aari ng mga diskaya
06:10ang contractor
06:11ng flood control project.
06:13Sa opisyal na pahayag
06:15na inilabas
06:15ng DPWH Region 8
06:17itinanggi nilang
06:1880% ng pondo
06:20ang nailabas
06:20o naibayad
06:21para sa proyekto.
06:23Inamin din nilang
06:24may delay
06:24sa implementasyon
06:25ng mga proyekto.
06:27Paano po hinahandle
06:28nung mag-asawang diskaya
06:30yung pag-delabel
06:31sa kanila ngayon
06:32na sila
06:33ang muka
06:34ng korupsyon.
06:34Hindi na ho natin
06:35masisisi
06:37ang tao-bayan.
06:38Opinyon ho
06:38ng mga karamihan
06:39sa tao-bayan.
06:40Pero kami ho
06:42malinis ho
06:43ang konsensya
06:44ng mag-asawa.
06:45Dokumentado ho
06:46lahat
06:47ang sinilihan nilang
06:48mga proyekto.
06:51Ang dami pong
06:51nagdurusa
06:52dahil sa mga pagpahap.
06:54Tapos eto
06:54nakikita ng publiko
06:55yung pinabalandrang
06:57karangyaan
06:58ng mga klient.
06:59Lininawin ko lang,
07:00Sir,
07:00yung nyamang yun
07:02ay galing
07:03sa legal na bagay.
07:06Yes, Your Honor.
07:06Magkara bayad mo royalty?
07:09Actually po,
07:09Your Honor,
07:10hindi po ako
07:10nagbabayad noon.
07:11Humarap din sa pagdidig
07:13sa Senado
07:13nung luna
07:14si Sally Santos,
07:15ang owner
07:16ng SYMS
07:17Construction Trading.
07:18Ba tatandaang
07:19SYMS
07:20ang contractor
07:20ng di umanoy
07:21ghost project
07:22sa Baliwag, Bulacan
07:23na binisita
07:24pa mismo
07:25ni Pangulong
07:25Bongbong Marcos.
07:28Wala talaga
07:29220 meters,
07:3055 million.
07:32Completed ang record
07:33ng public works.
07:37Walang ginawa,
07:38kahit isang,
07:39wala,
07:40kahit isang araw
07:40hindi nagtrabaho,
07:41wala.
07:43Sa hearing
07:44inamin mismo
07:45ni Sally Santos
07:46na nagdeliver siya
07:47ng umabot sa
07:48245 million pesos
07:50sa opisina
07:51ni dating DPWH
07:52First District
07:53Assistant Engineer
07:54Bryce Hernandez.
07:56Magkano binibigay mo
07:57Miss Sally?
07:59Your Honor,
08:00marami po.
08:01Minsan po,
08:02245 million.
08:04In cash?
08:05Yes,
08:05Your Honor.
08:06Sino contact mo
08:07si DPWH?
08:08Actually po,
08:09si Engineer Bryce
08:09Erickson Hernandez po.
08:11Si Sally po,
08:12pagka nakakolekta,
08:13dinadala po sa
08:14office ko
08:15yung mga pera
08:16nakabaks po,
08:17nakasil po siya lahat.
08:19Hindi ko po
08:19ginagalaw dun yun
08:20at pinakukuha po
08:22ni boss
08:23sa opisina ko.
08:24Sino si boss?
08:25Boss Henry Alcantara po.
08:27Pero mariin itong
08:28itinanggi ni Alcantara.
08:29Wala ka talagang
08:30natanggap?
08:31Yes,
08:31Your Honor.
08:32It's your word
08:33against their word.
08:34Yes,
08:34Your Honor.
08:35Isinawala din ni Santos
08:37na mismo
08:37opisyal ng DPWH
08:39ang naguuto
08:40sa kanya
08:40namang hiram
08:41ng lisensya
08:42sa ibang contractor
08:43para gamitin ito
08:44ng mismo opisyal
08:45para makasali
08:46sa bidding.
08:48Si Engineer
08:48Bryce Erickson Hernandez,
08:50siya po
08:50ang naguuto sa akin
08:52ng humiram
08:52ng lisensya.
08:53So ako po,
08:56pinagpaalam ko naman po
08:57sa kanila
08:58nahihiramin po
09:00yung lisensya nila
09:01kasi po
09:02mayroon daw po siyang
09:02ibibid na mga proyekto
09:04para sa kanya.
09:06Sino po ang gumagawa?
09:08Sila po.
09:08Sila mismo?
09:09In-house nga?
09:10Sila po mismo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended