Skip to playerSkip to main content
Aired (September 13, 2025): Lumubog ang kabuhayan ni Irish, isang tindera sa Botocan, Quezon City, matapos pasukin ng baha ang kanyang tindahan at malunod ang mga paninda. Tinatalang nasa mahigit ₱30,000 ang nalugi sa kanya.

Ilang kilometro lang ang layo mula sa lugar ni Irish, may flood control project na mahigit ₱96 milyon ang inilaan na pondo—pero ayon sa lokal na pamahalaan, itinayo ito sa lugar na bawal tayuan ng kahit anong istruktura.

Kung may mga proyektong ganito, bakit patuloy pa rin ang pagbaha? At kapag nalulunod sa baha ang kabuhayan ng mga katulad ni Irish, sino ang dapat panagutin?

Ang buong ulat, panoorin sa video. #ReportersNotebook #FloodControlProjects

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Pag-aaral ng GMA Integrated Use Research,
00:06pumapangalawas ang National Capital Region o NCR
00:09sa mga regyon na may pinakamaraming flood control projects
00:13at pinakamalaking contract cost.
00:161,058 na proyekto ang itinayo rito.
00:20At ang kabuhang halaga, mayigit 52.6 billion pesos.
00:24Pero dalawang linggo lang ang nakaraan.
00:31Lumubog ang maraming lugar sa Metro Manila
00:33dahil sa isang araw lang na pagulan kahit walang bagyo.
00:39Sabi ng Quezon City LGU, 36 sa 142 ng mga barangay ang binaha.
00:48Isa rito ang barangay Botokan, Quezon City.
00:51Sa video na kuha sa tindahan ni Irish Macalalan,
00:57makikita ang mabilis na pagtaas ang tubig sa lugar.
01:00Nag-start po yung ulan noong araw na yun,
01:03mga alas dos po ng pahapon.
01:05Akala po namin normal na ulan lang siya.
01:07Habang tumatagal po,
01:09napapansin namin na parang tumataas na yung tubig.
01:11Agad-agad.
01:14Ilang minuto lang,
01:16ang loob ng tindahan,
01:17unti-unti na rin pinasok ng baha.
01:22Bago mag-alas tres ng hapon,
01:24makikitang naglulutangan na sa tubig
01:26ang marami sa mga paninda ni Irish.
01:29Luton!
01:30O, hayaan mo na yan!
01:32Hayaan mo na yan!
01:36Maging ang refrigerator,
01:38nalubog na rin sa tubig.
01:40Kasi po yung tubig,
01:41umapot po talaga dito
01:43sa first layer ng bigas.
01:45May limang hilera po kami dito ng bigas.
01:48So bali, basa po siya lahat.
01:50Kasi nga,
02:02hindi naman ganito,
02:03yun ang isip ko.
02:04Hindi naman kami binabahan ng ganito talaga.
02:06Sabi ni Irish,
02:08nasa mahigit
02:0830,000 pesos
02:10ang nalugi sa kanila
02:12dahil sa mga binahang paninda.
02:13Sa kagaya po namin na ganito mga small business owner po, hindi na po sasabihin na malaki yung kita eh.
02:22Talagang magtsatsaga ako po sa piso dos tres. Nanghihinayang talaga ako.
02:27Sa pag-aaral ng UP Resilience Institute at UP NOAA Center, umabot ang 121 millimeters ang ibinagsak na ulan noong araw na yun sa loob lamang ng isang oras.
02:38Katumbas na raw ito ng limang araw na pagulan.
02:40Sa buong Quezon City, 141 ang ito na yung flood control projects mula 2022 hanggang 2025 ayon sa pagsusuri ng GMI Integrated Use Research.
02:54At ang kabuang halaga rito, mahigit 5.3 billion pesos.
02:59Pinakamarami sa District 4.
03:03Labing isang kilometro mula sa lugar din na Irish.
03:06May ito na yung flood control project ang DPWH.
03:10Dito sa Matalahib Creek, dito sa Quezon City, may ita na yung pumping station.
03:18Yan yung nakikita nyo sa aking likuran.
03:21Base rito sa signage ng Department of Public Works and Highways.
03:25Ang proyektong ito ay sinimula noong June 29, 2024.
03:28At ang target completion date ay May 29, 2025.
03:33Pero nagkaroon ng revision, kaya yung naging target completion date ay August 28, 2025.
03:42Sa kasagsagan itong kontroversya sa mga flood control project ng pamahalaan,
03:47isa itong proyektong ito sa tinamaan.
03:49Ipinatigil ito ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.
03:52Unang-una, wala doon kasing Certificate of Coordination.
03:55At pangalawa, yung pumping station nakatayo sa ibabaw ng creek.
04:00Bawal na bawal yan.
04:02Ayon sa Quezon City LGU, itunuturing na non-buildable site ang creek.
04:07Ibig sabihin, baway itong tayuan ng anumang istruktura.
04:12Pinasisigip raw kasi nito ang daluwi ng tubig na maaring magdulot ng pagbaha.
04:17Ang proyektong ito, ang kontratista ay St. Timothy Construction Corporation.
04:23Base sa SEC records na nakuha ng PCIJ, ang mag-asawang si Sarah at Pacifico o Curly Discaya,
04:31ang incorporators ng St. Timothy.
04:34Base pa sa tarpulin na nakapaskil sa gilid ng creek,
04:37DPWH Quezon City First District Engineering Office, ang Implementing Office.
04:43Joint venture ang konstruksyon ng Matalahib Creek Pumping Station,
04:47ang isa pa sa mga contractor,
04:49Pilastro Builders and Development Incorporated.
04:51Nagpadala kami ng sulat sa Pilastro Builders and Development Incorporated
04:56para kunin ang kanilang panik.
04:58Pero hanggang ngayon, hindi sila sumasagot sa amin.
05:04Nagpaulak sa amin ng panayam ang abogado ng mag-asawang Discaya.
05:07Kinausap ko po dyan si Sir Curly,
05:10bakit wala yung pumping station.
05:14Sabi niya, pinalo up ko na yan sa ka-joint venture ko.
05:17Ang sabi, aayusin, maglalagay.
05:21Problema po, ipinatigil na ng ating pamalhan ng Quezon City.
05:27Kaya ngayon, nabalam po yung proyekto.
05:30Mula-mula, bakit daw walang coordination sa NGU?
05:34Pangalawa, bakit itinayo sa lugar na hindi dapat pag-Taiwan?
05:38May plano po kasi yan bago nilalagay.
05:41Dumadaan yan sa masusing pagpaplano ng Implementing Agency.
05:45Pero yung kontraktor po, wala hong siyang obligasyon para makipag-coordinate sa local government.
05:50Bakit?
05:51Kasi po, ang Implementing Agency, sa umpisa pa lang, sila lang gumagawa ng proyekto.
05:58Sila lang nakikipag-coordinate sa LGU.
06:00Alungan niyo po kami!
06:02Rabihan po yung padir dito!
06:04Isa pang flood control project ang natuntun ng reporter's Toadbook sa Navota City.
06:11Sa kasagsagan ng bagyo at pagulan, hunyo ng taong ito,
06:15nasira ang bahagi ng river wall dito sa Navota City
06:17na nag-resulta sa matinding pagbaha at pagkasira ng ilang bahay.
06:22Pero, meron pa palang mas malalim na dahilan.
06:26Dahil ang kanilang floodgate, nasira din.
06:29Ito pa naman dapat ang haharang sa tubig mula sa Manila Bay papunta sa ilog.
06:33Kaya ang mga komunidad, lumubog sa baha.
06:43Sa isang video, makikita ang aktual na pagbuho ng river wall sa barangay San Jose, Navota City.
06:56Ilang saglit pa, bigla na lang rumagasa ang malakas na agos ng tubig mula sa nasirang pader.
07:02Tulong!
07:04Mabilis na pinalubog ang ilang komunidad sa Navotas.
07:07Tulungan niyo po kami!
07:09Nabiyak po yung pader dito!
07:13Dito!
07:18Hindi naman po talaga kami binabahad dito eh.
07:22Kahit sinasabi nila wala doon may kasalanan.
07:27Meron, meron.
07:28Sa dokumentong nakuha namin mula sa DPWH,
07:34August 27, 2024,
07:37ang contract effectivity date
07:38ng rehabilitation ng North Navotas Pumping Station
07:42at Navotas Navigation Gate.
07:44August 21, 2025,
07:47ang original contract expiry date.
07:49Ang original contract cost,
07:51mahigit P281M.
07:54So, sa P280M awarded last year na kontrata,
07:59bakit parang wala pa tayong nakikitang improvement?
08:01So, ang nagiging problema po kasi dito, ma'am,
08:04underwater po yung repair works
08:06na ginagawa ng mga consultants po natin.
08:10Medyo nahihirapan din pong mag-identify
08:12dahil sa dilim po nung tubig.
08:15Yung mga divers po na sumisised,
08:17nahihirapan sila na ipinpoint talaga
08:19kung ano yung mga issue na kailangan natin i-repair.
08:24Kailan to dapat matapos?
08:26The contract expiry, ma'am,
08:27is August 31, 2025 po.
08:29Sa pagtatapos ng susunod na buwan,
08:32dapat tapos na to?
08:33Yes po, ma'am.
08:34Yun po ang nakasaad po sa kontrata nila.
08:38Pero hindi pa ito tapos.
08:40Ayon sa DPWH,
08:42nasa halos 92%
08:44ang actual accomplishment ng rehabilitation.
08:47Ang contractor,
08:49St. Timothy Construction Corporation
08:50na pagbambayari ng mag-asawang diskaya,
08:53yung proyektong yun, sir,
08:56hindi lang St. Timothy ang may project nun.
08:58Marami pong kontraktista
09:01ang may project po nun.
09:04Na-repair na po, tapos na po yun.
09:06Ngayon, kung bakit nabalam,
09:08eh, labas na po ang St. Timothy doon
09:10kasi natapos na po yun sa kanila.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended