00:02Sa San Jose Tarlac, matatagpuan naman ang isa sa mga itinuturing na Big Ticket Agriculture Infrastructure Project ng NIA,
00:11ang Balog-Balog Multipurpose Project o BBMP.
00:16Sa dokumentong ipinadala ng NIA, nakasaad na sa unang phase ng project,
00:21isinagawa ang rehabilitation at improvement ng mga existing irrigation system.
00:26Sinimula nito sa ilalim ng Irrigation Development Plan ng NIA noong 1977,
00:31panahon pa ni former President Ferdinand Marcos Sr.
00:352.7 billion pesos ang inilaang pondo para dito na nagmula pa sa Italian loan.
00:41Layunin itong magbigay ng patubig sa mahigit 12,000 hectares ng sakahan sa iba't ibang bayan ng Tarlac.
00:49Pero taong 1991, nahinto ang konstruksyon matapos ang pagputok ng Mount Pinatubo
00:55na naging dahilan din ng pagkansila ng pondo.
00:58Hanggang noong 2015, binuhay ang proyekto at sinimulan ang pangalawang phase nito.
01:04Sa phase 2, planong ipatayo ang Balog-Balog High Dam na kaya raw mag-imbak ng 625 million cubic meters
01:12o katumbas ng 625 bilyong litro ng tubig.
01:16Kasama rin sa phase na ito ang konstruksyon ng mga irrigation facilities.
01:20Kapag natapos ang proyekto, inaasahang makapagbibigay ito ng tuloy-tuloy na patubig sa mahigit 34,000 hectares ng agricultural land.
01:31Bukod sa irigasyon, inaasahan ding makatutulong ang proyekto sa flood control,
01:36hydropower generation at turismo sa Tarlac.
01:39Ayon sa NIA, unang tinarget matapos ang phase 2 ng proyekto noong 2018.
01:4618.8 billion pesos ang kabuoang pondong inilaan para sa proyekto.
01:52Ayon din sa NIA, 5.9 billion pesos na ang nagastos mula taong 2015 hanggang 2020
01:59para sa pagpapagawa ng irrigation canals, right-of-way acquisition, relocation programs at iba pang istruktura na may kinalaman sa
02:09proyekto.
02:11Pero ang problema, hanggang ngayon, hindi pa rin ito tapos.
02:17Pinuntahan ang reporter's notebook ang lokasyon ng proyekto.
02:21Sa paligid ng project site, kapansin-pansin ang mga nakaparadang truck na ginagamit sa konstruksyon.
02:29Isa ang barangay secretary na si Andres sa mga napaalis sa dati nilang tirahan dahil doon daw itatayo ang reservoir.
02:36Actually po yung community po namin doon sa old barangay po gagamitin nilang contractors kamat sa reservoir area po ng
02:44balong-balong.
02:45So natamaan po yung community po namin. Kaya rinisettle po nilakabi dito sa ibang area.
02:55Sinamahan kami ni Andres para masilip ang loob ng proyekto.
02:58So itong lugar na ito po, ito po yung tatambakan. Nagagawin balog-balog dam na ang task is Elevation 245.
03:05Dati ang itsura ng lugar na ito ma'am, mga taniman, sakahan po, taniman ng mga gulay, mga prot-bearing.
03:14Kwento pa ni Andres, kapag natapos ang proyekto, magiging malaking tulong daw ito sa kanilang komunidad.
03:21Bukod kasi sa pagpapatubig, magbubukas din ito ng bagong oportunidad sa kanilang kabuhayan.
03:26Yung pinaka-reservor niya, doon magpapatayo po ng peace cage at magkakaroon ng parang asosasyon.
03:32Dapat matapos ito ma'am. Kasi sayang din eh. Yung ginaston natin dyan, ispera natin lahat na Pilipino eh.
03:40Nagihinayang si Andres dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ito tapos.
03:44Sana itong huli, makita natin na matapos at mapakinabangan po ng Pilipinong magsasakay itong Balog-Balag Dam na ito.
03:51Kasi inaasahan po nila ito kasi kulang na kulang nga po tayo sa patubig.
03:57So pagka kulang tayo sa patubig, kulang tayo sa ani.
04:02Nakapanayan ng Reporter's Notebook ang NIA Dam Aspects Section Chief ng Balog-Balog Multipurpose Project Administration.
04:10Ito po yung ating tatambak, itong mismong dam. And this one is the open spillway.
04:17Ito po yung ating diversion tunnel while we are going to work here, sa high dam.
04:24Sasarhan po namin ito, ilog. Yung riverbed na yan, uukain po po natin yan.
04:29At diyan tayo mag-start ng pagtatambak. Habang yung tubig na yan ay doon papasok at lalabas.
04:36So yun ang purpose po ng diversion tunnel.
04:39Then the other tunnel po, ito na po yung pinakamain natin.
04:42Ito ang irrigation and power tunnel. Ito yung magsusupply ng tubig sa irigasyon.
04:48Ipinarating din namin sa kanila ang saluobin ng mga residenteng matagal nang naghihintay sa proyekto.
04:55Paliwanag ng NIA, nagkaroon daw kasi ng problema sa mga naunang contractor na humawak sa proyekto kaya nagkaroon ng delay.
05:02Na-terminate po sila 2020. Kulang sa equipment sa tao. Then ang negative stipage, masyadong malaki.
05:10Minsan nang napunan ang Commission on Audit o COA ang NIA dahil sa mga proyekto ng nakakitaan ng irregularidad.
05:16Noong 2024, halos tatlong daang proyekto ng NIA na nagkakahalaga ng 16.7 billion pesos ang posibleng napunta raw sa
05:27mga hindi kwalipikadong kontratista.
05:29Kabilang sa mga sinita ng COA, ang mahigit 300 million pesos na halaga ng kontrata sa ilalim ng Balog-Balog
05:37Multipurpose Project Phase 2.
05:40Isa rin sa napag-usapan sa pagdinig sa Senado ang matagal na pagkakaantala ng proyekto.
05:46Some of the contractors of Balog-Balog have been blacklisted, Mr. President.
05:51These two contractors have been sued by the NIA. They have filed an appeal but in the blacklisting, there is
05:59an inclusion of a penalty.
06:02Sabi ng NIA, 300 million pesos ang hinihingi nilang multa para sa mga contractor na hindi tumupad sa kontrata.
06:10Hindi na nga natin hinahang lumabas yung mga equipment sila na nandun, parang ginarknis ng NIA yan.
06:15Inahabol natin sila doon sa kanilang, syempre merong multa yan ano, 300 million niya yung minahabol sa kanila.
06:21Yung pera ba nasa uli, yung pondo, intact ba o nagastos na?
06:25Yung hindi po nagamit na pera, yun po yung ginagamit natin ngayon para ituloy yung project.
06:30Sa ngayon, hawak na ng bagong contractor ang proyekto.
06:33Taong 2028 naman inaasahang matatapos ang Phase 2 at magiging fully operational.
06:39Will there be an additional budget allocation for that?
06:44From 13.37 billion, it is now 18.8 billion revised. So an additional about 4 billion.
06:53If you want to total both Phase 1 and Phase 2, it will be 20.544 billion.
07:01Pinadalhan namin ng sulat ang NIA para kuhanan sila ng pahayag, pero wala raw pwedeng kumarap sa amin.
07:08Pinuntahan din namin ang kanilang opisina, pero muli, wala pa rin daw pwedeng magbigay ng pahayag mula sa kanilang opisina.
07:17Hanggang nito lang lunes, nagpadala sila ng sulat sa amin at sinabing wala raw schedule na tutugma para sa nire
07:25-request naming interview.
07:27Mananatiling bukas ang reporter's notebook para sa kanilang magiging sagot.
07:31Mananatiling nasasayang yung pondo ng gobyerno.
07:34Kasi habang tumatagal, lalo siyempre lumalaki yung gastos, mas lalo din tumatagal yung pakinabang dapat ng mga tao.
07:41Hindi man direttsuhang naka-apekto doon sa kalagayan ng mga magsasaka,
07:46maaaring may mga ibang sektor na nawalan ng servisyo nilagay natin doon sa di matapos-tapos na proyekto.
08:01Kasi habang tumatagal, kasi habang tumatagal, kasi habang tumatagal.
Comments