Skip to playerSkip to main content
Aired (November 29, 2025): #ReportersNotebook: “The Sinking Hospital”



Sa Macabebe, Pampanga, taon-taon nang nilulubog ng baha ang Domingo B. Flores District Hospital—ang nag-iisang pampublikong ospital sa distrito. Habang patuloy na tumataas ang tubig, mas humihirap ang trabaho ng mga healthcare worker na kinakailangang magserbisyo sa mahigit 100 pasyente kada araw.



May flood control project na itinayo malapit sa lugar, ngunit bakit hindi ito nararamdaman ng komunidad? At hanggang kailan makapagtitiis ang ospital na unti-unti nang lumulubog, pati ang pag-asa ng mga umaasa rito? Panoorin ang buong detalye sa video. #ReportersNotebook

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Hospital ang takbuhan sa mga oras na nasa alanganin ang buhay.
00:13Pero paano kung ang mismong pagamutan ang siyang nangangailangan ngayon ng tulong at unti-unting lumulubog?
00:21Papaano ito magsasalba ng buhay? Kung tutuusin, hindi dapat ito nararanasan ng anumang komunidad dahil may mga proyektong inilaan ng pamahalaan para magprotekta sa kanila.
00:40Pero ibinulsa lang daw ng ilang opisyal ng gobyerno at maging ng ilang mambabatas.
00:51Sa mga nakalipas na araw, sunod-sunod ang ginawang pagtugis at pag-aresto ng mga otoridad sa mga umunoy-sangkot sa bilyon-bilyong pisong anomalya sa flood control projects.
01:07Habang walong kongresista o mga pinaguriang kongtractor ang idinadawit din sa anomalya sa flood control projects.
01:15Ano ang kahihinat na ng imbesigasyon ng isa sa pinakamanawak at pinakamalaking corruption scandal sa bansa?
01:35Isa ang bayan ng Makabebe sa mga itinuturing na flood prone area sa Pampanga.
01:40Pero hindi lang mga bahay ang lumulubog sa tubig.
01:49Dahil maging ang ilang pasilidad gaya ng pampublikong ospital, lubog din sa baha.
01:54Kuhang cellphone video na ito sa Domingo B. Flores District Hospital sa Pampanga.
02:11Maririnig mo talaga yung panic ng medical staff dahil pinasok na yung loob ng ospital ng tubig.
02:17Nag-iisang public hospital pa naman daw sila sa ikaapat na distrito ng Pampanga.
02:26At kada araw mahigit isang daang pasyente ang kanilang tinitignan o ginagamot.
02:32Taong 2004 na magsimula raw lumubog ang ospital.
02:36Nagsimula sa labas hanggang sa tuluyan ng pinasok ang loob ng pasilidad.
02:41Para mabawasan ng tubig, gumagamit na sila ng water pump.
02:45Itong naka-flash dito sa phone is ito yung sa pinaka-fasad ng hospital natin.
02:55Mayroon kasi kaming mga submerged na water pumps loon para mas mabawasan yung impact ng flooding sa loob ng hospital.
03:02Pero pati yung mga yun, during mid-July, hindi nakayanan yung level ng tubig na pumasok sa hospital namin.
03:09Sa ilang pagkakataon, mas tumataas pa raw ang tubig gaya na lang ng video na ito na kuha noong July kung saan nagmistulang ilog ang ilang bahagi ng ospital.
03:22Nilagyan na nila ng mga sandbag ang entrada ng ospital para mapigilan sana ang pagpasok ng tubig.
03:28Pero inabot pa rin daw sila ng baha.
03:30Actually may nakuha kaming dito, parang ginawa na mini dam.
03:38Kasi parang ito yung courtyard or parang sentro ng hospital.
03:41Then doon kasi naiipon yung tubig.
03:43Pero pag umaapaw na, pupunta dito yun sa mismong hospital natin.
03:49Naglagay na sila ng concrete barriers.
03:52Pero pati yun na titibag sila.
03:55Pag hupa ng tubig, tulong-tulong ang mga healthcare workers sa paglilinis at paglilimas ng tubig.
04:03Pero ang problema, marami sa kanilang mga gamit unti-unti nang nasisira dahil palagi raw nalulubog sa tubig.
04:11Mga nasira natin or rendered unusable, mga IV fluids, mga pangswero.
04:18Kasama din dyan yung mga metal charts, mga paglagyan ng charts ng pasyente.
04:24Some files ng pasyente, yung mga admission files nila na tangay din ng tubig.
04:30Ang mga nasira pa natin dito or yung mga hospital equipments natin, especially sa dental.
04:37Kasi ang dental namin sa ground floor lang sila.
04:40Na soak and submerge din siya.
04:42Yung mga gamot na yun, na-report din sila.
04:46Kasi hindi namin sila magamit dahil nababad sila.
04:52Ayaw namin sumugal na kahit nasabihin namin hindi siya expired,
04:56pero na-expose siya sa elements, unfavorable elements and unfavorable storage.
05:01Ipinakita rin sa amin ni Dr. Nathaniel Mercado ang iba pang pasilidad sa kanilang ospital.
05:07Papunta tayo dun sa parang sentro ng complex ng hospital.
05:11So, ito kasi yung EKR.
05:14Ito yung parang usual entrance ng mga pasyente and also some of our employees.
05:20This is the admitting section.
05:22So, ito po yung ano ng hospital natin.
05:27Parang sentro ng hospital natin.
05:30Dito po yung ating laboratory and also yung sa imaging natin.
05:35Pero kadalasan sa dulo, di ba, yung mati-respiratory wards.
05:39Kasi po, divided po yung mga wards natin into section.
05:43Pero, majority po nito is nakakatubig po sila.
05:48Kapansin-pansin din ang marka ng tubig mula sa pader ng ospital.
05:52Ang ilang kagamitan, kinakalawang na rin.
05:55Ito po yung isa sa mga inano namin kasi po, merong ano po dyan, umuusbong po ang tubig po dyan kapag naga-high tide po tayo.
06:04Kaya po, yung pong mga yan, pinapakumpuni po namin sila para at least kung magkakaroon man ng tubig,
06:11to at least man lang ma-minimize and ma-mitigate yung effects nito po sa amin.
06:17Sa mahigit isang dekadang paglubog ng komunidad, sanay na raw ang mga healthcare workers sa ganitong sitwasyon.
06:25Actually, dito kasi sa hospital namin, naging prepared na yung mga tao.
06:30So, kapag alam nila na makakaroon na ng bagyo, automatic dala na nila yung mga PPE nila.
06:39Pag mag-duty sila, hindi lang boots dala nila, pati chenelas.
06:42Pero malaking hamon pa rin daw kung paano sila makakapagbigay ng maayos na serbisyo para sa mga pasyente.
06:48Lalo pat nito lang nakaraang taon, isang pasyente ang kinailangan pang isakay sa bangka para mailipat ng ibang ospital habang naka-intubate.
06:57Lubog na nga sa baha, dagdag pa sa problema nila ang kakulangan sa kama ng ospital.
07:03Lagpa sila ngayon sa kanilang bed capacity.
07:05So, imagine 25 bed, we're nako-confined sa atin, is nasa 50-51.
07:10So, we're operating at 200% capacity, kadalasan.
07:16Lagi kami tinatanong ni Gog, lagi niyang ano sa amin is sa makabebe, no?
07:22Kung meron lang lupa pa na mahanap na pagtatayo ka ng ospital, patatayoan ko kayo.
07:28It impairs yung aming healthcare delivery.
07:35So, nakakalungkot, no?
07:37Kasi sa ganito, hindi lang yung manpower ko yung affected.
07:40Hirap silang pumunta dito.
07:42Hirap din silang makaalis.
07:44Sa probinsya ng Pampanga, nagpatayo ng 293 flood control projects sa iba't-ibang bahagi ng probinsya.
08:00May kabuang halaga ito na 14.5 billion pesos.
08:04Pero ang ilan sa mga proyektong ito, ayon sa mga residente, hindi naman daw nila nararamdaman.
08:09Kung tutuusin, may ibsan-sanang pagbaha sa ospital ni na Dr. Mercado at sa komunitan.
08:16Dahil meron namang ipinatay yung flood control project, mahigit 8 kilometro lang ang layo mula sa kanila.
08:29Pero para sa mga residente sa lugar, tila hindi naman naging efektibo ang proyekto.
08:35Sa dokumento mula sa DPWH, sinimula ng construction of Dyke, Barangay Bebe, Anak, Masantol, to Barangay San Esteban, Macabebe, Pampanga noong July 2024.
08:50At October 2024 naman ang original contract expiry date.
08:55Mahigit 9.2 million pesos naman ang original contract cost ng proyekto.
08:59Ang contractor ng proyekto, N22 Construction and Trading, nakasaad din sa dokumento na 100% completed na raw ito at na-disbursed o nabayaran na rin ng buo ang proyekto.
09:14Ayon sa kagawad ng barangay na si Pablo Manansala, matagal na raw na tinitiis ng mga residente ang matinding pagbaha sa kanilang lugar.
09:26Talagang malaki ang tubig dito.
09:28Aros hindi kami natulog, tinitingnan namin yung mga ito, katulad nito nga ang delikado.
09:35Ito lang ang pinaka-critical itong nangyari sa buhay namin dito sa itong taon na ito, itong biglang lumaki ang tubig.
09:44Nagpadala kami ng sulat sa contractor para kunin ang kanilang panig.
09:50Sa written statement na ipinadala ng contractor sa reporter's notebook,
09:54sinabi nilang na ipatupad nila ng maayos, na inspeksyon at nakumpleto ang proyekto
09:59batay sa programs of work, plano at specification ng DPWH First Pampanga Engineering District Office.
10:07May itinuturo ang mga residente na isa pang proyekto na hindi pa rin tapos.
10:12Isang tulay na mag-uugnay sana sa mga bayan ng makabebe at masantol.
10:18Ito yung mga dokumento na nakuha namin mula sa DPWH.
10:22At nakalagay dito na yung proyekto nagkakahalaga ng 47 million pesos.
10:26Sinimulan nito noong March 2024 at may original completion date ng September 2024.
10:33Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ito tapos.
10:37Santo Cristo Construction and Trading Inc. ang kontraktor ng proyekto.
10:41Pinadalhan namin ng sulat ang kontraktor ng proyekto para tanungin kung bakit hindi natapos ang proyekto.
10:47Pero wala silang sagot sa amin.
10:50Dahil inabandon na ang tulay, mga bangka ang naging pangunahing transportasyon ng mga residente dito.
10:56Mga apektado kami dito, hindi natuloy yung trabaho nila dito sa pagpunta namin sa bayan.
11:06Ang bawa, yung mga taga-baranggay sa Nisteban, nagbabangka pa dito kapuntang bayan.
11:12Ang nagagastos po nila ay napakalaki sa pamasahe lang.
11:15Magmula ang baranggay sa Nisteban hanggang dito, 150 na.
11:19Tapos pagdating dito, magta-tricale pa silang papuntang bayan.
11:23Another 150 na naman.
11:26Di kalayuan sa hindi natapos na proyekto, isa pang project ang kasalukuyang ginagawa.
11:32Sa dokumentong nakuha ng Reporter's Notebook mula sa DPWH,
11:36February 2025, sinimula ng construction of San Esteban Bridge, Phase 3, Makabebe, Pampanga.
11:42Ang kontraktor, St. Timothy Construction Corporation, na pagmamayari na mga diskaya.
11:48Ang halaga, mahigit 137 million pesos.
11:52January 2026, sana ang target, matapos ang proyekto.
11:57Pero nakasaad sa dokumento na terminated na ang proyekto, matapos ma-blacklist ang kontraktor.
12:03Ayon sa Municipal Engineer ng Makabebe, Pampanga na si Engineer Lorenzo Vicente,
12:08malaking bagay ang pagpapatayo ng mga daan at tulay sa kanilang bayan para maabot ang mga residente na nasa coastal areas.
12:15Hindi siya tuloy-tuloy. Pa-ini-initial siya. Initial dito, initial doon, initial doon.
12:21Nandyan na yung mga face-face na yun. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin magagamit.
12:25Hindi ko pa na total yung kabuhan, pero ang laki na ng budget na naibaksak.
12:30Pero hanggang ngayon, hindi pa rin magamit doon sa area doon.
12:34Mahigit dalawang buwan na, mula ng buuin ng Independent Commission for Infrastructure o ICI,
12:44may napanagot na ba sa mga di umano'y sangkot sa katiwalian sa mga flood control projects?
12:51Nito lang November 21, nag-issue ang Sadigan Bayan ng Warrant of Arrest.
12:55Laban kay dating ako, Bicol Partylist Representative Zaldico at labimpitong iba pa.
13:04Kinabukasan, agad na pinuntahan ng Taguig Police at Southern Police District
13:12ang kondominium unit ni Ko sa Taguig City. Bit-bit ang Warrant of Arrest.
13:18Para sa mga kasong malversation of public funds through falsification of public documents
13:23at two counts of graft para sa umunoy substandard na flood control project sa Nauhan Oriental, Mindoro.
13:30Pero mga tauhan lang daw ni Ko ang naabutan ng mga otoridad.
13:34Sumunod namang pinuntahan ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police
13:43Criminal Investigation and Detection Group o PNPCIDG, ang bahay ni Ko sa Pasig City.
13:49We are here to implement a Warrant of Arrest issued by the Sandigan against accused Elisaldi Saldi Salcedo Co.
13:58In your presence, we will enter the premises.
14:01Pagpasok sa property, agad na nagsimula ang mga otoridad sa paghahanap.
14:05Una nilang pinuntahan ng isang kwarto sa basement kung saan may natagpo ang kinakalawang na bog.
14:10Sumunod naman nilang tinungo ang sala pero mga kahon at personal na gamit lang ang naabutan dito.
14:18Ilang kwarto rin ang sinilip ng mga otoridad kung saan natagpuan ang ilang mga maleta, vault at mga kahon.
14:25The procedure was followed as agreed plain view search.
14:28Baga naman on toward the incidents.
14:30Para sa isang eksperto, ginawa lang ng PNP at NBI ang tamang proseso sa pagpunta sa last known address ng taong may Warrant of Arrest.
14:40Ito ay kahit may impormasyong wala sa bansa ang akusado.
14:43Ito ay nire-require ng ating batas noon na ang kapulisan o yung officer kung kanino naka-address yung pag-execute ng Warrant of Arrest ay i-execute ito.
14:52At kung hindi niya ito magagawa, kinakailangan din mag-submit ng report within 10 days.
14:56Sa visa rin ng Warrant of Arrest na in-issue ng Sandigan Bayan,
15:03NBI! NBI!
15:05Sinalakay ng National Bureau of Investigation o NBI ang bahay na pinagtataguan ni DPWH Mimaropa Engineer Dennis Abagon.
15:14NBI!
15:17Baba! Baba! Baba! Baba!
15:18Baba! Baba! Baba!
15:20Baba! Baba! Baba!
15:22Baba! Baba! Baba!
15:24Bala! Bala! Bala! Bala! Bala!
15:27Sige, sige! Sige, sige!
15:32Baba! Baga! Baba!
15:33Baga! Bago! Baban!
15:34Isa rin si Abagon sa mga isinasangkot sa maanumaliang flood control project sa Nauhan Oriental Mindoro.
15:43Baba! Baba!
15:44Sinampahan siya ng kasong paglabag sa Anti-Graft Corrupt and Practices Act at Malversation of Public Funds.
15:50That's a diumanoy substandard road dike project na nagkakahalaga ng P289 million pesos.
15:58Arrestado rin ang 8 iba pang sangkot sa anomalya.
16:02Ito ang listahan ng mga akusado sa diumanoy ma-anomalyang flood control project sa Nauhan Oriental, Mindoro.
16:09Nangunguna sa listahan ito si dating Congressman Zaldico.
16:13Kapwa niya akusado ang mga opisyal ng construction company na Sunwest Inc. at mga opisyal ng DPWH Mimaropa.
16:21Halos kalahati, sa listahan ito, pinaghahanap pa rin.
16:26Panawagan naman ng Department of Interior and Local Government o DILG.
16:30Surrender to the nearest authorities.
16:33If we go on a manhunt after you, we cannot guarantee the results.
16:38For the sake of your families, for the sake of the country, surrender immediately.
16:45Hinihintay na rin ang DILG ang paglabas ng Red Notice laban kay Zaldico.
16:50Biniverify pa namin, we believe he's traveling with another passport.
16:55We do not know if he's using another name.
16:57Para sa bawat Pipino, alam ko, nabuo ang galit ninyo sa akin na iyon.
17:03Pero nauna nang naglabas ng pahayag si Ko sa social media.
17:06November 15, naglaba siya ng ilang larawan ng mga maleta na di umano'y naglalaman ng pera.
17:13Ayon pa kay Ko, siya mismo ang nagdeliver ng mga maleta sa bahay ni Pangulong Bongbong Marcos at kay former House Speaker Martin Romualdez.
17:22Ako mismo ang nagbigay ng pera kasama ang aking driver at mga tauhan.
17:28At lahat ito ay base sa direktang utos ni Speaker Martin Romualdez.
17:34Pero gihit niya.
17:37Wala pong perang napunta sa akin.
17:39Lahat po ng insertion napunta sa ating Pangulo at Speaker Martin Romualdez.
17:45Pero mariing itinanggi ni Pangulong Marcos at ni Romualdez ang mga akusasyon ni Ko.
17:50I don't want to even dignify what you said.
17:52Nito lang Merkoles, inirekomenda ng ICI ang pagsasampa ng mga kasong plunder, graft, direct bribery, paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards para sa mga opisyal ng gobyerno,
18:13at Government Procurement Act laban sa walong kongresista o mga pinaguriang kongtractors na sangkot umano sa anomalya.
18:22Tinawag silang kongtractors dahil nagmamay-ari o may kaugnayan sila umano sa mga construction companies na nakakuha ng kontrata mula sa gobyerno,
18:30habang sila ay nasa posisyon bilang mambabatas.
18:35Ayon sa ICI, sangkot ang walo sa humigit kumulang 1,300 na maanumalyang infrastructure projects mula 2016 hanggang 2024.
18:45This congressman should not be engaging in private business activities that conflict with their official duties.
18:54They should not influence bids and awards.
18:57Dapat mahinto na itong kultura, nagpapakontrata sa Kongreso.
19:03Pinakakasuhan din ng ICI at DPWH sinadating House Speaker Martin Romualdez at Zaldico
19:09ng patong-patong na kaso ng plunder, graft, at direct bribery sa ombudsman.
19:15Speaker Martin Romualdez, siya ang naging speaker from 2022 to 2025.
19:20Si former congressman Zaldico, ang napili na Committee on Appropriations Chairman.
19:30Sinasabi nung referral na ito, ay dun sa relationship na yun, nangyari itong mga iba't ibang kontratang ito.
19:39Nag-sumita tayo ng facts at mga dokumento.
19:45Siyempre importante yung mga ongoing investigations na ito para mapanagot yung mga may kinalaman sa corruption regarding dito sa flood control.
19:54Bukod sa kriminal, maaari din silang makasuhan ng administratibo, meaning hindi na sila pwedeng mag-run for public office.
20:02Nito lang biyernes, ibinalik ni Dismissed Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sa gobyerno ang halos 110 million pesos.
20:12Sabi ng DOJ, ito raw ang unang installment ni Alcantara para sa restitution matapos umanong makakuha ng higit 300 million pesos mula sa flood control fund.
20:23Nakapanlulumo na ang pampublikong ospital na takbuhan ng mga may karamdaman, lumulubog at unti-unting naghihingalo.
20:36Ang masaklap, may pondo naman para sa proyektong pipigil sana sa pagbaha.
20:41Pero mukhang hindi naman daw ito efektibo.
20:44Habang patuloy na lumalawak ang investigasyon sa mga anomalya sa flood control projects,
20:49Unti-unting nalalantad kung gaano kalalim ang korupsyon sa bansa.
20:55Kaya kailangan nating patuloy na magbantay, magsuri at yaking walang makalulusot sa ginawang pagnanakaw sa kaban ng bayan.
21:06Hanggang sa susunod na sabado, ako si Maki Pulido at ito ang Reporter's Notebook.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended