00:02Kung daraan sa kahabaan ng Kalumpit Pulilan Road sa Bulacan,
00:08kapansin-pansin ang isang gusali malapit sa highway.
00:11Sa inisyana impormasyon na aming nakuha, abandonado ang istruktura at ilang taon nang nakatinga.
00:18Ito ang Kalumpit Sports and Convention Center.
00:22Sa labas, makikitang ginapangan na ng damo ang mga pader, bubunga din sa harapan ng mga poste at nakausling mga
00:31bakal.
00:35Sa loob, agaw pansin naman ang hindi tapos na mga bintana.
00:42Mga butas sa pader, nakausling mga bakal, at malaking butas sa bubong ng gusali.
00:51Ginawa na rin itong paradahan ng ilang mga sasakyan.
00:56Habang sa likurang bahagi, makikitang humiwalay na ang slab o ang makapal na simento.
01:03May malalaking bitak na rin sa sahig.
01:082021 ang simulang itayo ang Sports and Convention Center.
01:12Kalumpit LGU ang nagpatayo nito sa pamumuno ni Nooy Mayor Jesse De Jesus.
01:17Layo nitong magsilbing pangunahing pasilidad para sa malalaking pagtitipon at aktibidad sa bayan ng Kalumpit.
01:25Pero dahil hindi ito natapos, wala ni isang okasyon ang idinaos dito.
01:31Lumalabas na naipatayo ang pasilidad sa ilalim ng walong kontrata.
01:36Idagdag pa ang dalawang phase ng landfilling at pagbili ng lupa.
01:41Ang kabuang inilaang pondo, mahigit 140 milyon pesos.
01:49Ang problema, nananatili itong nakatiwangwang at hindi napakikinabangan.
02:03Isa sa mga dapat sana'y benepisyaryo ng Sports and Convention Center ng Kalumpit ang mga atleta ng bayan.
02:10Tulad ng grade 8 student at track and field player na si Jacob Paes.
02:15Dalawang taon na mula nang makahiligan niya ang pagtakbo.
02:18Sa pagtakbo po, ano po lahat, kahit ano lang po, damit, cycling, tapos kahit wala pong sabatas.
02:25Ito po yung sabatas na ito, ano lang po ito.
02:27Hiniram ko lang po ito sa kakilala. Hiniram ko po siya kasi kailangan po namin ng spike shoe.
02:32Mula noon makailang beses at kung saan saan na nakipagtagisan bilang atleta si Jacob.
02:39Nakasungkit din siya ng mga medalya sa palarong pambansa.
02:43Ito po yung mga medal na naipon ko sa dalawang taon na pagiging atleta ko po.
02:47Then ito po yung nakuha ko po na kakagaling na po ng regional meet, 2026.
02:52Ito po yung tatlong medal.
02:54Tapos ito po yung pinakahuli kong nakuha.
02:57Tatlong medal po sa palarong pambansa.
03:00Dahil sa pagiging atleta sa kanilang eskwelahan, malaki raw ang naitulong nito sa kanilang pamilya at sa kanyang pag-aaral.
03:07Yung school po, nagbibigay po ng suporta sa mga player na kagaya ko.
03:11Nagbibigay po sila ng allowance, pamasahe, pagkain.
03:13Nag-offer po sila na bibigyan na po nila ako ng scholarship para makapag-aaral po ng libre.
03:18Yung malaking bagay po din kasi tulad niyan, hindi na ako nag-iisip ng pambaon-baon niya.
03:24Ang nagiging premyo po niya, yung ginagamit po namin sa pang araw-araw po namin, gastusin.
03:31Kaya napakalangang bagay po.
03:34Hindi biro ang training ng mga track and field player tulad ni Jacob.
03:38Napakahirap po talaga. Ang gising po namin ay eskwatro.
03:42Yung training po namin, Monday to Friday, yung pahinga lang po yung Sabad at Linggo.
03:47Then, pagtapos po ng training, nung gabi po na yun, tsaka lang po nag-review, nag-aaral.
03:54Ang problema, hirap na nga sila sa training.
03:57Wala pa silang maayos na pasilidad para makapag-ensayo.
04:02Nagtatining po ako sa school, pero sa school po hindi po enough yung space.
04:05Minsan po sa Malolos Complex, sa Malolos, ano po, yung open field po doon.
04:10Kung dito po manggagaling, mga ano lang po, dalawang sakay.
04:13Ako po, mamasaya pa rin po.
04:14Kalsadya, yun po yung pinaka-option namin.
04:17Pero ano po, malapit sa aksidente.
04:23Hindi niya tuloy maiwasang maghinayang
04:25sa proyektong nakatiwangwang na sila sana ang nakikinabang.
04:31Kung nagawa na po yun ngayon,
04:33edi sana po nagagamit na po ng kagaya namin ang atleta.
04:36Hindi na po kami nahihirapan sa pagbiyahe-biyahe,
04:39maghanap po ng pantitrainingan.
04:45Nagpaunlak sa amin ng panayam ang dating mayor ng kalumpit
04:48na si Dr. Jesse De Jesus.
04:50Kung makikita po niyong lugar na ito,
04:53paluwang po ito,
04:54kung saan magkakaroon ng park
04:56na papamasyalan ang paligid nito.
04:59Pwede mag-sumba,
05:01pwede dyan mag-jogging,
05:03mag-family bonding,
05:04pwede po dyan.
05:05Dalo ito isang magiging,
05:06supposed to be,
05:07magiging park.
05:08Ang tanong,
05:09bakit nga ba hindi tapos
05:11at hindi nagamit ang sports and convention center
05:14na ipinagawa ng LGU?
05:16Kulang po sa pondo.
05:17Kagaya po kanina,
05:19nagkaroon na ng site development,
05:22nagsakapagsimula na tayo
05:23yung natitirang loan sa pondo,
05:27na 50 million,
05:28nalagay lang ito sa foundation system
05:30kasi pilote po yun eh.
05:32Pag nagtayo ka nito,
05:33tinayo mo ito,
05:34you need more than 150 million.
05:37But we only have the remaining 50 million from the loan,
05:40and we have the municipal fund of 25 million
05:46para maipagpatuloy yung phase 2A and phase 2B.
05:51Term ko ay June 30, 2022 lang.
05:55Hindi ito natapos.
05:57So ang programang ito ay nakahanda,
06:00nakaprograma,
06:01na ipagpatuloy sana
06:03ng susunod na administration.
06:09Sinubukan namin kuna ng pahayag
06:11ang kasalukuyang administration ng Kalumpit LGU.
06:14Pero tumagi silang magbigay ng pahayag
06:16dahil iniimbestigahan na rao ng Commission on Audit
06:19ang Kalumpit Convention Center.
06:21Pero sa mga dokumentong ibinigay ng Kalumpit LGU,
06:25nagsagawa rao sila ng technical at financial audit
06:28sa sports at convention center.
06:30Sa imbesigasyon ng kasalukuyang LGU ng Kalumpit,
06:33natuklasan ang ilan umanong irregularidad
06:36tulad ng paniningil
06:37at pagtanggap daw ng kontraktor ng bayad
06:39para sa mga gawain hindi naman natupad.
06:43Nagsimula rin daw ang proyekto
06:44ng walang building permit.
06:47Dagdag pa rito,
06:48nakita rin daw ng LGU na
06:50depektibo ang convention center.
06:52At sumopra din daw ang naibayad sa kontraktor
06:55ng nasa mahigit 50 million pesos
06:58ayon pa rin sa nakuha naming dokumento.
07:01Kaya naman sa kanilang desisyon,
07:03inirekomenda nilang i-terminate ang lahat ng kontrata,
07:07i-blacklist ang joint venture ng dalawang kontraktor
07:10na Adim Reconstruction at Zacarias Enterprise
07:14na nasa likod ng proyekto
07:15at ipinagutos din na ibalik ang mahigit
07:189 million pesos, 491,000 pesos,
07:22at 6.3 million pesos na pondo.
07:26Paliwanag naman ng dating alkalde.
07:29So after June 30, 2022,
07:32ang kontraktor ay hindi pa nakakasingil
07:36nang dapat masingil niya.
07:38More or less 16 million.
07:40Ngayong time na ito,
07:42we are answering COA findings.
07:44And we are very sure to come up with the answer
07:51para dumating yung time,
07:53the COA will find out
07:55there are no irregularities in the implementation of the program.
08:00Joint venture ng Adim Reconstruction at Zacarias Enterprise
08:04ang nasabing proyekto.
08:06Nagpaunlak sila ng panayam.
08:08Lahat po ng sinasabi po noon
08:11ng current administration po,
08:15nagko-comply po ako.
08:17Sinusunod ko po ang mga gusto nila.
08:19Yung po case na yan,
08:22sinabmit na po namin sa COA.
08:25Sa lukuyang po, sinasagot pa po namin.
08:28Ipresent pa po namin sa kanila aming kasagutan.
08:31Hindi na bago
08:33ang mga ganitong klase ng proyekto ng gobyerno
08:35na itayo, ginastusan ng Pondo ng Bayan.
08:41Pero hindi napakinabangan.
Comments