Aired (December 6, 2025): Noong Nobyembre 20, 2025, tumagilid ang isang 12-wheeler truck sa Brgy. Ugong, Valenzuela matapos tamaan ang malalalim na lubak, dahilan para bumagsak ang container malapit sa motorsiklong sinasakyan ng pamilya Caballero.
Muntik nang ikamatay ng mag-asawa at kanilang anak ang insidente, at hanggang ngayon ay may trauma si Marlon sa mga truck at container van.
Sa harap ng ganitong panganib, hanggang kailan titiisin ang mga kalsadang nagbabanta sa buhay? Ang buong ulat, panoorin sa video. #ReportersNotebook
Be the first to comment