Skip to playerSkip to main content
  • 1 hour ago
Aired (November 7, 2026): Sa kagustuhan ni Kevin na matulungan ang kanyang inang may sakit, naisipan niyang magtanim ng dragon fruit. Ang naging bunga nito... matamis na kita! Panoorin ang video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:02Sa kagustuhang makatulong sa inang may sakit,
00:05nagtanim ng dragon fruit si Kevin sa kanilang bakuran.
00:08Nagka-cancer yung mom ko.
00:10So naghanap kami ng alternative other than the typical medicine.
00:14Then nagtanim kami ng dragon fruit sa backyard.
00:17So ngayon, nag-umpisa na kami magbenta ng bunga.
00:22Hindi raw nila inakalang ang simpleng pagtatanim ng dragon fruit
00:25magiging isang big-time negosyo.
00:37Ang dragon fruit
00:41hindi nalang pinapapak ng sariwa.
00:45Ginagawa na rin itong shake, salad at sirup.
00:48Pati tinapay, pwede na rin sangkapan ang dragon fruit.
00:55Ang dragon fruit ay bunga ng klase ng climbing cactus.
00:58Kilala rin ito sa tawag na pitahaya.
01:02Mayaman ito sa dietary fiber, vitamin C, at antioxidant compounds.
01:07Dahil sumalaking demand sa prutas na ito,
01:09nagtayo si Kevin ang sarili niyang dragon fruit farm sa Bulacan
01:12na may sukat na halos tatlong ektarya.
01:15Inupisa namin yung backyard farm back in 2013, 2015, mga ganyan.
01:21And then, eventually became a farm nung nakita namin na meron pala talagang need.
01:26We started selling, tapos marami nang bumibili.
01:29Nung una is nahingi lang yung mga pananim.
01:31And then, later on, nung mag-umpisa na ng farm,
01:35ang una kong pangkapital ay mga around 500,000 pesos.
01:41Naniniwala raw kasi siyang darating ang panahon na marami ang tatangkilig sa dragon fruit
01:45dahil sa benepisyong hatid nito sa kalusugan.
01:48Pero hindi lang ang bunga ng dragon fruit ang pwedeng pagkakitaan sa taniman ni na Kevin.
01:54Mayroon din silang stem cuttings na ibinibenta sa mga gustong magtanim ng dragon fruit.
02:01Once na makareceive kami ng order, ito yung first stage namin
02:04kung saan pinapaugatan na namin yung inyong mga orders.
02:08Ang bawat stem cutting, umaabot raw ng tatlo hanggang apat na buwan
02:12bago makuha ng kanilang customers.
02:14Ang binibigay na namin planting materials is may ugat at saka sanga na.
02:18Ganito naman yung gagawin natin sa pagtatanim po.
02:21So una po is nag-layering po tayo ng coco peat, then vermicast,
02:26tapos ipapatong lang po natin yung pinakaugat ng ating halaman.
02:30Kailangan itali ang stem cutting mula ugat hanggang sa pinakadulo ng sanga.
02:34So mas mainam din po na ang gagamitin nating panali po is cotton
02:38para nakakahinga yung ating halaman po.
02:41Kapag nakatali na ang sanga ng dragon fruit, pwede nang ipatong sa lupa.
02:44Yung ating pong pagtatanim ng dragon fruit is hindi siya nakalubog sa lupa,
02:48kundi nakapatong lang po siya sa coco peat at vermicast.
02:51So after 4 to 6 months po nang pagtatanim natin ng dragon fruit,
02:55eto na po yung kalalabasan nun.
02:56So kung nakita nyo po, medyo malaguna yung ating mga sanga,
02:59e nagkakaroon na tayo ng mga bunga.
03:01Nang sa halos dalawang buwan daw ang hihintayin bago mamunga ang mga dragon fruit.
03:06So ang pag-harvest ng dragon fruit, pavikat, may kasama talaga ang stems.
03:10Yung iba kasi nagkakaroon ng misconception dito,
03:13ang ginagawa nila, iniikot lang.
03:16So hindi nila alam na pag iniikot nila, nasisira din yung loob.
03:19So ang season ng dragon fruit, it's anywhere between April, May to October, November.
03:25So 7 months out of 12 months, namumunga tayo every 30 days.
03:29Aabot daw sa dalawang daang uri ng dragon fruit ang nakatanim sa farm ni Kevin.
03:34Ilan lang sa mga ito ang Australian Golden Yellow, Orange Grenade, Hana, Orange King White Flesh at Desert King.
03:42May kanya-kanya silang characteristics, flavor.
03:46Kung magbenta kami ng prutas ay assorted.
03:48Meaning yung mga buyers namin is hindi sila makakapili.
03:53Ang pagkanya nagbenta, 5 kilos na assorted dragon fruit.
03:57Binibenta namin ito ng assorted dahil mas maganda din na matikman ng mga tao yung iba't ibang klase ng dragon
04:07fruit.
04:09Ito mga kaligosya, galing po itong mga dragon fruit na ito sa Bulacan.
04:13Madalas na nakikita natin at nabibili, yung kulay parang dark pink ba yan o pusya.
04:19So titignan natin kung dahil iba-iba yung variety, nagkakaiba ba yung lasa nila?
04:24Unahin natin itong maliit na to.
04:26So titignan natin kung, abang, magparang mapusyaw.
04:34Mmm!
04:37Ay, ang tamis!
04:39Iba naman balas ito. Ang tamis na itong maliit na to, ha?
04:43May ipag mga malaki, ha?
04:45Mmm!
04:46Isunod naman natin itong kulay dilaw na dragon fruit.
04:49Tikman natin kung alin ang mas matamis.
04:53Mmm!
04:56Ito, iba din ng lasa.
04:58Parang malapit siya sa lasa ng rambutan.
05:01Actually, matamis din. Saka juicy.
05:03Saka mas, parang mas malapot yung laman.
05:06Parang mas malapot, mas malagkit.
05:09Mmm!
05:10Ito yung madalas na nabibili natin sa market.
05:13Ganitong klase ng dragon fruit.
05:16Usually itong medyo matabang eh.
05:18Mmm!
05:19Matabang!
05:21Ito talaga yung matabang, alam mo.
05:23Ginagawa ko dito kasi may tanim din ako ito.
05:25So, pagkapitas, kinakain ko na agad.
05:27Kasi parang mas konting-konti lang yung tamis ito.
05:29Diyo, wala siyang lasa na.
05:32Yan, nagkakapareho sa loob, yung itsura.
05:36Pero yung lasa ay nagkakaiba.
05:39Pati yung tamis, nagkakaiba.
05:40Depende sa variety ng dragon fruit.
05:45Medyo nagulat ako na parang ano sa prutas.
05:47Sobrang tamis niya na.
05:48Wala.
05:49Wala pong kung ano-ano ito.
05:50Yun lang talaga.
05:51Yung puti, parang...
05:53Yung mga, ano mo sa mga desserts sa restaurant.
05:55Ganon talaga yung lasa niya.
05:58Nakabase na si Kevin sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.
06:01Pero madalas pa rin siyang umuwi sa Bulacan para sa kanyang negosyo.
06:05Passion ko din ang farming eh.
06:07Nakikita ko na malaki ang potential ng dragon fruit sa Pilipinas.
06:11So kaya kami actually na-recognize ng Department of Agriculture
06:14bilang learning site for agriculture.
06:17So kami talaga ang kauna-unahan at the only farm na LSA certified.
06:24Pada buwan, umaabot raw sa isa hanggang dalawang toneladang dragon fruit
06:28ang inaani ni na Kevin.
06:30At ibinabagsak sa kanila mga retail partner.
06:33Kumikita na rin daw ng six digits kada linggo
06:35ang dragon fruit business ni Kevin.
06:38Ang best part,
06:39dumarami raw ang nagkakainteres sa dragon fruit farming.
06:42Hindi lang kami nagbebenta,
06:45kundi nagtuturo din kami sa lahat ng may open lands,
06:50sa mga retirees dyan,
06:52sa mga OFWs,
06:54na gustong mag-umpisa ng dragon fruit farming
06:58or mag-invest sa dragon fruit farming.
07:01Hindi planado pero pumaldo kahit big time na ang negosyo,
07:06lagi pa rin dapat may puwang ang pag-level up dito.

Recommended