- 1 hour ago
- #kmjs
Aired (November 8, 2026): MAHIGIT 7,000 INFRASTRUCTURE PROJECTS NA MAY INSERTIONS, MGA PROYEKTONG MAY COORDINATES NA TUMUTURO UMANO SA DAGAT AT IBANG BANSA, AT BILYUN-BILYONG PISO PARA SA AYUDA AT MULTIPURPOSE BUILDINGS.
ILAN LAMANG ITO SA MGA RED FLAG NA NAKITA NG PEOPLE’S BUDGET COALITION SA ₱7.2-TRILLION PANUKALANG BUDGET PARA SA 2027, KUNG SAAN TINATAYANG AABOT SA ₱1 TRILLION ANG PONDONG KUWESTIYONABLE AT KULANG SA TRANSPARENCY.
Ngayong Nobyembre, mainit na pinag-uusapan ang P7.2 trillion budget para sa taong 2027. Ang mahigit P1 trillion kasi mula rito, nakalaan daw sa mga proyektong para sa imprastraktura, karagatan, at ayuda na ayon sa People’s Budget Coalition… ‘red flag’ o kaduda-duda!
Ano nga ba ang dapat na binibigyang prayoridad ng pamahalaan sa paggamit ng pondong mula sa bulsa ng mga mamamayan?
Panoorin ang video.
#KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS
ILAN LAMANG ITO SA MGA RED FLAG NA NAKITA NG PEOPLE’S BUDGET COALITION SA ₱7.2-TRILLION PANUKALANG BUDGET PARA SA 2027, KUNG SAAN TINATAYANG AABOT SA ₱1 TRILLION ANG PONDONG KUWESTIYONABLE AT KULANG SA TRANSPARENCY.
Ngayong Nobyembre, mainit na pinag-uusapan ang P7.2 trillion budget para sa taong 2027. Ang mahigit P1 trillion kasi mula rito, nakalaan daw sa mga proyektong para sa imprastraktura, karagatan, at ayuda na ayon sa People’s Budget Coalition… ‘red flag’ o kaduda-duda!
Ano nga ba ang dapat na binibigyang prayoridad ng pamahalaan sa paggamit ng pondong mula sa bulsa ng mga mamamayan?
Panoorin ang video.
#KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS
Category
🎈
FunTranscript
00:017.2 trillion pesos, ganyan kalaki ang ipinasang national budget ng Kongreso para sa 2027.
00:12Ilan kaya sa pondong yan ang mapupunta talaga sa pangangailangan ng bayan?
00:19At ilan naman kaya ang sa malamang mauwi lang ulit sa kurakot?
00:30Kailangan mo magtyaga, magtiis, butom. Kahit naihi ka na, hindi ka makaalis sa pila mo.
00:41Nagawin ko lahat para sa anak ko. Hindi ko kayang mawala yung anak ko sa akin.
00:51Isang ina naghihintay ng tulong para maiuwi na sana ang anak mula sa ospital.
00:58Pero bago makuha ang inaasahang GL o Guarantee Letter, mahabang tila muna ang kailangang tiisin ng 58-anyos na si
01:09Anneli.
01:19Madaling araw nitong Merkoles, naabutan na ng aming team ang mga nakapila sa labas ng BSWD Satellite Office sa Quezon
01:28City.
01:28May ilan, gabi pa lang daw, naroon na.
01:32Paidlip-idlip lang dyan, hanggang alas 5. Napakahira po. Pagtsatsagaan na lang namin ito sa hospital bill nung bayaw po.
01:41Masag na po tayo doon sa upuan.
01:47Si Anneli, nang galing pa ng kalumpit sa Bulacan, ang panganay niyang si Lady,
01:55may Guillain-Barre Syndrome, isang pambihirang sakit na umaatake sa nerves o ugat ng tao.
02:04Mahigit 200,000 pesos pa ang kailangan nilang bunuin para mailabas ito sa ospital.
02:11Marami po talagang requirements.
02:14Nagbakasakali ako kahit pa paano makadagdag doon sa babayaran namin.
02:21Nakasal ko yan, Anay.
02:22Opa.
02:23Billing.
02:25Thank you po.
02:26Muli ba?
02:26Mag-aalas 7 na nang nakapasok si Anneli.
02:30Pero sa loob pala, may isa pang pila.
02:34Nainig na ako sa butong, diba? Baka mamaya bigla akong mawala ng malay.
02:38Dahil may edad na siya, pareho silang walang trabaho ng kanyang mister.
02:44Si Lady Sana ang inaasahan nilang makatutulong pero bigla itong nagkasakit.
02:50Yung ano niya dito, binti niya, wala talaga mam lakas.
02:53Tapos pati braso niya, tapos dito yung at saka dito niya, namaga na siya.
02:58Dahil may health card si Lady, naglakas loob si Anneli na dalhin ang kanyang anak sa isang privadong ospital.
03:06Naisip po nung Bill, hindi daw talaga covered sa health card niya yung sakit ng anak ko.
03:12Natulala ko, sabi ko, saan ko na nakawin yung pera? Saan ako kukuha?
03:18Sinuri kung magkano ang maaring ibigay na tulong.
03:22Una binigay sa akin, 17. Nakikiusap po ako kung pwede sana dagdagap.
03:26Pagkasi malaki patalag.
03:31Pagkaalas 11 na ng umaga, nakuha na rin ni Anneli ang guarantee letter.
03:37Awan ng Diyos, tinagdagan po niya, ginawa niyang 100,000 po.
03:40Para po sa anak ko.
03:43Kasi wala, wala akong malapitan talaga.
03:50Sa laki ng pondong pinag-uusapan sa mga iskandalo at kontrobersya, marami ang napapatanong.
03:58Mahirap ba talaga ang Pilipinas?
04:01Gayong ang ipinasang budget para sa susunod na taon ng Kongreso, umabot ng 7.2 trillion pesos.
04:13Ang pagpasa ng budget ng Kongreso, binantayan at kunisyon ng PBC o ng People's Budget Coalition.
04:22Sa mahigit 7 trillion pesos, 1 trillion pesos ang nakitaan ng PBC ng mga tinatawag na red flags.
04:33Para himayin ang mga natuklasan ng PBC, in-interview ko si Nazayzar Nadine Suzara, public finance specialist, at si Mary
04:42Abigail Modales, national coordinator.
04:46Ano itong People's Budget Coalition?
04:48Ang pinaglalaban namin ay makatao o people-centered na budget at bukas na proseso sa pagbabudget.
04:55Ano yung findings nyo?
04:56Ang lumabas lang sa live stream, 116 billion pesos yung total na reallocations o yung pagpapalit-palit na ginawa nila.
05:07Pag-analyze namin, it was over 200 billion pesos.
05:11Ang tinutukoy nilang insertions o mga isiningit, mga proyektong idinagdag sa versyon ng Kongres na wala sa panukalang isinumite ng
05:24Executive Branch.
05:25Matatanda ang idiniklara na ng Supreme Court noon pang 2013 na iligal ang pork barrel.
05:33Pero malinaw, lalo na sa PBC, na meron pa rin nito nanganak pa ng tatlong versyon.
05:41Una, ang tinatawag nilang soft pork, mga pondo para sa assistance at ayuda na nasa 210 billion pesos.
05:52Ikalawa, hard pork, mga pondo para sa infrastruktura na nasa 695 billion pesos.
06:01At ikatlo, shadow pork, mga proyektong pinondohan na gayong wala pang mapagkukuna ng pondo.
06:08So, matutal, mahigit 1 trillion pesos.
06:13Questionable para sa PBC.
06:16Pag-usapan natin ang tungkol sa ayuda gaya ng hiningi ng pamilya ni Aniline.
06:22Ang tulong pinansyal ay trabaho ng mga ahensya na pinagsanig puwersa.
06:26DOH, meron silang assistance.
06:28Pero minsan sa laki ng bill, hindi naman huka siya.
06:31I think the important thing there is the desire na patuloy nating improve ang sistema.
06:35Naniglaw ako, mga langga.
06:36Ang taga-negros na si Marian, pabalik-balik sa mga tanggapan para sa gamutan ng kanyang mister na merong acute
06:45lymphoblastic leukemia.
06:48Dating OFW sa Japan, ang mister ni Marian na si Junrick.
06:54Napilitan daw itong umuwi nung nagka-cancer.
06:57Nag-kemo kami hanggang June 2026.
07:00Kailangan pala siya ng bone marrow transplant.
07:02Mula negros, lumuwas silang mag-asawa sa Maynila para dito magpagamot.
07:09Ang lahat ng kanilang nagastos, umabot na raw ng 1 million pesos.
07:15Napupuno ako sa utang, pero nilaban ko pa rin talaga.
07:20Kailangan kumuha ng lakas ng loob sa mga anak ko.
07:26Ayaw kasi mawalan sila ng tatay.
07:28Iba't-ibang mga opisina ang nilapitan na raw ni Marian.
07:34Sobra yung pagod kasi, ano eh, lahat ng ano, iisipin ko pa, pangkain sa mga bata, sana ako kukuha ng
07:43paggamot.
07:50Kapag inilalakad ni Marian ang paghingi ng ayuda,
07:54na iiwan ang kanyang mister sa ospital mag-isa.
07:58Ang sasagot sana sa mga pangangailangan ni Marian at Junrick,
08:03ang PhilHealth para hindi na nila kailangan pang pumila para sa iba't ibang klase ng ayuda.
08:09Pero ang PhilHealth mismo humihingi ng dagdag na pondo, kulang.
08:17Para sa 2026, ang ibinigay na budget ng PhilHealth, 129.8 billion pesos.
08:25Samantalang para sa susunod na taon o sa 2027, higit itong maliit, 74.45 billion lang.
08:36Kasha ba yun?
08:36Based po sa binabayadan namin kada linggo, no?
08:41So, easily, by March, ubus na yun.
08:441 billion a day.
08:46Oh my God, how much should you be getting?
08:49Our proposal is 244.
08:52So, out of the 244, minus 74.
08:55170 pa po yung hinihingi namin.
08:57So, kung hindi po namin makuha yung 170,
09:00dudukot na po kami sa reserve fund namin.
09:03Pero, if this will persist, mahirapan kami going into 2028.
09:08People are saying, bakit hindi nalang kunin yung pondo na nakalaan for ma-i-fit?
09:12Ibigay na lang sa PhilHealth.
09:14Yes, nag-agree po kami talaga sa mga civil society groups na a bigger portion of that sana po mailipat
09:22sa amin.
09:22Pero, alam din po namin na hindi perfect doon.
09:26Kunwari, sa bawat sampung kaso na meron ka, may isa o dalawa doon talagang magiging grabe.
09:31Kailangan natin tulungan, gamitan ng medical assistance, di ba?
09:36Pero for the 8 to 9 na regular na cases, dapat kaya na po namin i-cover.
09:42Lumalabas na magkaibang magkaiba ang versyon ng budget na isinumiti ng Executive Branch
09:51o ang tinatawag na NEP o ang National Expenditure Program
09:55sa versyon na ipinasa ng Congress o ang General Appropriations Bill.
10:02Paano nangyayari yung ganong hokus-pokus na wala sa nirequest ng NEP pero biglang nasa gab?
10:13Nagdagdag lang talaga yung bawat congressman sa pamumuno ng Committee on Appropriations Chair.
10:20May kapangyarihan naman ang Kongreso na mag-amienda ng proposed budget.
10:26Lalot sila ang naatasang tagabantay ng wallet ika nga ng bayan.
10:32Ang kunokustyon ng PBC ngayon, ano ang batayan ng mga pag-amienda o pagbabago?
10:39At kung ang mga proyektong idinagdag ng mga congressmen talaga bang tutugon sa pangangailangan ng taong bayan?
10:48Ang warning po namin sa publiko ay posibleng magkaroon ulit tayo ng flood control scandal sa ibang ahensya
10:54if we allow the House budget to pass as is.
10:57What's the behind the scenes?
10:59Wala lang talaga silang hiya.
11:012023, 2024, 2025, basta lang sila naglilista ng mga proyekto na gusto nila kahit na hindi nakukonsulta.
11:10Natukoy halimbawa ng PBC na sa pondong pang-infrastructure,
11:15halos 7,000 projects ang nasa bersyon ng mga congressmen para sa kabuang halaga na halos 190 billion pesos.
11:29Kabilang ito sa kabuang 695 billion pesos na nakalaan para sa lahat ng infrastructure projects o yung matatawag na hard
11:42pork.
11:42Yung majority ng 7,000 insertions na ito, under DPWH, 6,196 projects o insertion na wala sa proposal ng
11:53executive budget pero nandito na sa house version.
11:56Kapansin-pansin lang na karamihan sa mga proyekto na gustong paglaanan ng pondo ng mga congressmen,
12:05multi-purpose buildings.
12:08Ang budget para rito na nakasaad sa net o ng executive branch, 41 billion pesos.
12:15Pero dinagdagan ito ng 42.7 billion pesos sa bersyon ng kongreso para sa kabuang halaga ng 83.7 billion
12:30pesos.
12:31Hindi hamak na mas malaki sa pondong inilaan sa mga pangangailangan para sa infrastruktura ng DepEd at ng Department of
12:43Health.
12:43Mula 2015 hanggang 2026, mahigit 74,000 na multi-purpose buildings ang pinaglaanan ng kabuang halaga ng 653.2 billion
12:58pesos.
12:59Kung titignan nga sa mapa, parang mga kabute na nagsisulputan sa nakaraang dekada.
13:06Kaya ang tanong, sulit ba ang ginastos para sa mga multi-purpose buildings?
13:14Napakinabangan ba ng gusto ng mga komunidad na meron nito?
13:19Tignan nga natin ang multi-purpose buildings sa bayan ng Lilimanan sa Camarines Sur.
13:29Ito ang nadatnan ng aming team.
13:37Mga kawalang gana na magbigay ng buyas tapos ganito lang mangyayari.
13:4295.5 million pesos daw ang inilaang pondo para rito.
13:48Pero ayon sa LGU ng Libmanan, na-terminate ang kontrata kaya hindi ito natapos.
13:55Based sa meeting namin with DPWH, na-approve po yung budget sa taong 2024 and na-implement po sa taong
14:032025 July.
14:04Dahil sa mag-expire na po ang budget, hindi kinaya ng contractor yung target, accomplishment.
14:09Kaya na-terminate po yung project, hindi na po natapos.
14:13Nasayang yung pera instead na mapakinabangan ng mga tao.
14:16Sa larawan ng project billboard, Sherman Construction Consolidated Inc. ang nakasaad na contractor ng Phase 1.
14:26Pinuntahan ng aming team ang opisina nito sa kainta sa Rizal para kunin ang kanilang panig.
14:32It encountered access difficulties arising from actual site conditions that were not foreseeable at the time of planning.
14:39As a result, the contractor experienced severe losses, which were further compounded by the sharp rise in commodity and construction
14:47material prices.
14:48To date, the project has reached 45.1% accomplishment, approximately P45 million pesos in work done, yet actual agency
14:57disbursement stands at only P13 million pesos, corresponding solely to the mobilization portion.
15:03Nakipag-ugnayan din kami sa DPWH Camarines Sur 2nd District Engineering Office, ang implementing office ng proyekto.
15:13Pero naghihintay pa raw sila ng approval mula sa regional office bago magbigay ng pahayag.
15:19Bukod sa mga proyektong hindi natapos, questionable rin at nakapagtataka ang mga lokasyon na nakasulat sa pamamagitan ng coordinates ng
15:31ilang mga proyekto.
15:33Meron pong dapat yung project na nasa Nueva Ecija worth 23 million.
15:38Ang coordinates niya nasa Benham Rice.
15:41Meron pong nasa Quezon Province dapat ang programa o ang project pero ang coordinates nasa Brunei.
15:47Buhay at kamatayan ang budget document para sa ordinaryong Pilipino.
15:52Walang lugar ang typographic errors dito.
15:56The Congress does not really create the budget.
15:58We're just reviewing what has already been submitted to us.
16:00Kung meron nga mga co-ordinates na nasa dagat, alam nga naman na hindi namin i-co-correct.
16:05Diba?
16:05So of course we correct it.
16:07Sana mag-i-seryoso sila sa mga banat nila.
16:09Kasi it just betrays ignorance eh pagkaganon.
16:12Sabi nga ni Ate Zay,
16:13O ginagawang bobo yung Pilipino at mababaw ang pagkakaintindi.
16:17Pero hindi po siguro nila inaasahan na kayang-kaya ng civil society mag-release ng ganong kadetailed na mga findings.
16:25Suriin din natin sinong congressman o aling distrito ang nabiyayaan ng pinakamalaking dagdag na pondo sa listahang inilabas pa rin
16:38ng bettergov.ph.
16:40Nanguna sa budget increase ang Ilocos Norte 1st District, distrito ng anak ng Pangulo na si Congressman Ferdinand Alexander Sandro
16:51Marcos.
16:52Kung saang distrito rin, inilaan ang pinakamalaking pondo para sa isang multipurpose building.
17:01Sa halagang 835 million sa 2027, nagpadala kami ng sulat at tumawag din sa opisina ni Congressman Marcos.
17:12Pero wala silang sagot sa aming programa.
17:21Kahit sino pang congressman niyan, kung ang pondo na nailaan sa kanyang distrito, ay tama ang paggamit.
17:31Hindi po ito magkakaroon ng problema.
17:34Ano ba yung problema natin ngayon?
17:36Kulang tayo sa mga ospital.
17:38Napakalaki ng kulang sa mga classrooms.
17:40Hindi natutugunan ng maayos kasi ang nauuna, yung mga gustong projects ng mga legislators, flood control at multipurpose halls.
17:51Kung saan may mas malaking kickback at kurakot.
17:55At ang nagsasuffer po, yung taxpayers, ordinaryong Pilipino, at ma'am Jess, nasa krisis pa tayo ng petrolyo.
18:02At papasok nga tayo sa isang super ill ninyo.
18:05Kaya ba tayong protektohan ng multipurpose halls?
18:08Doon man lang sa listahan ng the poorest provinces in the Philippines, yung pinakamalala ang problema sa malnutrition at pagkabansot
18:17ng mga bata.
18:18Hindi ba dapat ganun ang basihan ng budget?
18:21Dapat scientific basis para sa lahat ng proyekto.
18:25Kung may mga proyektong dinagdaga ng pondo, meron ding binawasan.
18:31Gayong kailangang kailangan.
18:33Katulad ng foreign assisted projects na ayon sa PBC, kinaltasan ng P130 billion pesos.
18:43Apektado ang tatlumpong mga proyekto.
18:47Kabilang na ang matagal ng kailangan at matagal na rin hinihimpay na Metro Manila Subway.
18:54Taong 2032, ang target completion nito, matagal pa, gayong araw-araw ang kalbaryo ng mga commuter ng Metro Manila.
19:07Katulad ni Regine, accountant, limang beses kada linggo, bumabiyahe mula Valenzuela hanggang tagig.
19:16Pagka malala po ang traffic, kumaabot pa po ng 4 hours.
19:19Apat ding sakay bago siya makarating sa trabaho.
19:23Bukod pa sa mabigat sa bulsa ang pamasahe.
19:31Ngayon, P14 pesos na yung pamasahe.
19:33Sana hindi trabaho.
19:37Sa ngayon, makikipagsiksikan muna siya sa MRT.
19:59Para sa PBC, hindi sapat na sabihin may inilaang kondo.
20:06Ang tanong, sino ba ang inuna nito?
20:10It's an election-centered budget.
20:13It's a budget that favors politicians na to the extent na kailangang magmano ang bawat ordinaryong Pilipino
20:22para maka-access ng guarantee letter, ng AICS, ng TUPAD,
20:27ng Presidential Assistance for Fishers and Farmer Folk, kahit yung tulong do ng program.
20:32This corrosive budget politics has eroded overall budget credibility and public trust.
20:39Angry nerds daw kayo.
20:41Maliban sa mga angry nerds, actually, kami po ay binubuo din ng mga angry nanays, angry students, angry transport workers.
20:50Lahat po, nagalit na.
20:51We are witnessing a porky 2027 budget free rolling at wala pong malaking bato na pumipigil dito sa pag-rolyo
21:02nitong budget na ito.
21:03We need to shame them so that there can be changes in the current daloy ng 2027.
21:10And we hope na mag-shift din sila from that reaction na nanggagaslight ng civil society to actually collaborating and
21:19releasing.
21:20I think ang problema talaga natin dito ay yung kawalan ng checks and balances sa executive branch at saka sa
21:28legislative.
21:29Ang proseso kasi ng pagbabudget ay political din.
21:32So you're saying, Sisa, the president could have easily said,
21:35huwag niyo ako lagyan ng insertions, may budget na ako, respetuhin niyo yung budget na isinulat ko dyan.
21:41Yes.
21:41But he did not?
21:42He did not to the extent nga na umabot sa,
21:46dineclare pa na unconstitutional ang budget dahil walang ginawa ang malakan niyang patungkol dun sa mga malalaking insertions.
21:54He is equally as liable as Congress.
21:57Ito po yung disenyo ng flood control scandal noong 2024.
22:01Ang insertion, hindi po ito generally masama.
22:05Nagiging masama lang ang insertion kung ang pera ay i-insert sa bulsa ng politiko.
22:14Ano't ano paman, hindi patapos ang proseso para sa budget ng 2027.
22:21Mula sa Kongreso, tatalakayin din ito ng Senado.
22:26Panawagan ng PBC, buksan ang proseso para makalahok ang publiko at maiwasan ang mga hokus-pokus.
22:36Hindi tayo pwedeng walang pakialam sa national budget.
22:40Hindi pa naman po huli yung lahat eh. May by-cameral conference pa rin po.
22:45Kung hindi tayo makikialam, wala talagang mangyayari.
22:48Noon lamang isang taon, sumabog ang flood control scandal.
23:02Nagalit ang sambayanan.
23:05Pero bakit tila meron pa rin paglulustay at pangungorakot di mano na mangyayari sa budget ng 2027?
23:15Kung dati ang mukha ng korupsyon sa ating lipunan ay ang mga tinaguriang kotongkaps.
23:23Ngayon, lumevel up na nga ba ang korupsyon at nangyayari na mismo sa ating lehislatura?
23:45And don't forget to hit the bell button for our latest updates.