00:00Alos 200 parola ang itinayo ng mga Espanyol at Amerikano dito sa Pilipinas.
00:07Makalipas ang isang siglo, marami na sa mga ito ang abandonado.
00:15Nilapastangan, ninakawan, hinayaang mabulok na lang.
00:24Nilabanan ng lindol, gera at sakuna.
00:30Pero tao lang pala ang sisira.
00:34Pero hindi pa huli ang lahat.
00:38Hindi lahat nilapastangan, hindi lahat nakalimutan.
00:45Ano kaya ang itsura ng parola sa Kapones kung na-restore ito?
00:50Andito ako ngayon sa Faro de Malabrigo.
00:53Ito yung lighthouse dito sa Malabrigo sa Batangas.
00:57Ganito siguro ang magiging itsura nun.
00:59Kasi halos magkaedad yung parola ng Kapones at parola ng Malabrigo.
01:08Itong parola ng Malabrigo, if I'm not mistaken, itinayo at natapos noong 1896.
01:17So 130 years old na itong parola na ito.
01:21Pero na-restore talaga ng mabuti ng Philippine Coast Guard.
01:25Maglalagay pa rin ako ng hard hat kasi original pa yung mga structure dito.
01:30Hindi natin alam kung biglang may marupok na o babagsak.
01:34Ay, wow!
01:36Ito na yung parola.
01:38Yan, original yung mismong tore na yan.
01:40Makikita nyo dun sa may bandang itaas.
01:42Medyo nabibitak na nga yung ibang bahagi.
01:44Pero original pa yan.
01:46Tingnan natin, pasukin natin sa loob.
01:50Malabrigo ang salitang Espanyol para sa Bad Shelter.
01:55Isang akmang pangalan para sa parolang naging kanlungan at gabay sa masamang panahon at piligrosong mga alon ng Verde Island Passage.
02:07Pero kung ang parola sa Zambales ay napabayaan na, ang parolang ito sa Lubo, Batangas, napangalagaan nila.
02:18Mula sa itaas, tanaw mo na ang dagat.
02:29Dahil sa pagmamahal ng mga residente ng Lubo sa kanilang makasaysayang parola,
02:35pinunduhan ang pagsasayo sa parola ng malabrigo sa tulong ng Adopt a Lighthouse Project ng Philippine Coast Guard.
02:43Bali, ang Philippine Coast Guard po nag-initiate ng electro-instruction regarding the Adopt a Lighthouse.
02:51Kasi due to lack of budget, walang kakaya na ng Philippine Coast Guard na mapag-repair o rehab ng isang lighthouse.
02:59Kaya nag-initiate ng Philippine Coast Guard ng Adopt a Lighthouse.
03:02So meron nga isang private entity na nag-interested.
03:08Pero ayon sa Philippine Coast Guard, itinigil na ang proyektong ito at hindi na naisagawa sa iba pang mga parola.
03:19Mula noon hanggang ngayon, sila ang tanod ng karagatan.
03:26Magbago man ang teknolohiya, maging moderno man ang kinabukasan,
03:32ang mga parola ay buhay na saksi sa nakaraan.
03:38Maraming salamat sa pagtutok ninyo sa eyewitness mga kapuso.
03:45Anong masasabi ninyo sa dokumentaryong ito?
03:48I-comment nyo na yan, tapos mag-subscribe na rin kayo sa GMA Public Affairs YouTube channel.
03:53Sampai jumpa.
Comments