Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Aired (January 24, 2026): Mahigit 500 parola ang itinayo sa Pilipinas at ang karamihan sa kanila ay naging saksi ng kasaysayan at tanod ng karagatan sa bawat alon at unos.

Sa paglipas ng panahon, tuluyan na nga bang malilimot ang liwanag nila, o patuloy pa rin silang magsisilbing gabay at kanlungan, hindi lamang sa mga mandaragat kundi pati sa alaala ng ating nakaraan?

‘I-Witness’ is GMA Network's longest-running and most awarded documentary program. It is hosted by the country’s top documentarists— Howie Severino, Kara David, Atom Araullo, Mav Gonzales, and John Consulta. ‘I-Witness’ airs every Saturday, 10:15 PM on GMA Network.

Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Ako ang gabay sa gitna ng dilim, ang tanod ng karagatan.
00:20Marami na akong natulungan. Marami ng barkong nakauwi dahil sa akin.
00:25Tatlong daang taon na akong nakatindig.
00:33Tiniis ko ang lahat ng gera, lindol at sakuna.
00:38Pero tila nagbago na ang panahon.
00:43Ito na ako ngayon.
00:55Noong 1642, itinayo ng mga Espanyol ang pinakaunang parola sa Pilipinas, ang Faro Iluces del Rio Pasig o ang parola ng Binondo.
01:07Isang puting tore sa bukana ng Ilong Pasig.
01:13Ito ang una mong makikita kung papasok ka sa Maynila.
01:16Ito ang naging gabay ng mga naglalakihang galyon mula Meksiko, ang unang sasalubong sa mga bisita ng Maynila.
01:31Makalipas ang tatlong daang taon, may makikita pa rin isang parola sa bungad ng Maynila.
01:38Pero tila iba na ang itsura nito.
01:41Ang litratong ito ay kuha noong 1946, dalawang buwan bago matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
01:53Makikitang nakatayo pa ang orihinal na parola.
01:57Hindi natinag ng mga bomba.
02:02Pero hindi palagera ang magpapatumba sa matayong na parola.
02:07Noong 1992, dinemolish ang parola ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
02:15Noong year 1991, it was affected ng magnasunog.
02:22So yung structural integrity din ma-affected.
02:26So by 1992, it was totally demolished and then reconstructed.
02:32Noong taong din iyon, nagtayo ang Philippine Coast Guard ng bagong parola.
02:37Isang maliit na tore na hindi na kasing laki ng dati.
02:41Dahil sa pag-boom ng mga technologies, of course, to promote the safety ng mga vessels,
02:47di have to come up ng mga tulad ng GPS, AIS, or other electronic heavyweat solar charts.
02:54Pero isilay, tas pa rin ma'am.
02:56Ginagawid pa rin din naman natin.
02:57Minimaintain pa rin ang Philippine Coast Guard.
02:59And thus of no ma'am, it is still operating.
03:01Isang lumang kanyon at ilang piraso ng bato na lamang ang naiwang alaala mula sa lumang parola.
03:10Sa tuktok ng tore, tanaw mo na ang bukana ng Manila Bay.
03:33So, ito ngayon, ang nagpa-power dito ay solar-powered batteries.
03:47Pero dati daw, mga 1970s generator ang ginagamit dito.
03:51Sabi sa akin ni Kuya Amor, noong 1920s daw,
03:54gasera, noong panahon ng mga Espanyol at bago pa dumating yung early parts ng mga Amerikano,
04:01gasera yung ginagamit?
04:03Apo.
04:03Yung lolo po ninyo, gasera pa?
04:05Apo.
04:05Ha, talaga?
04:06Yung may pabilo.
04:08Anong pabilo?
04:09Yung may mitya, ma'am.
04:13Pero hindi lang daw ang parola ng binondo ang nag-iisang parola sa Ilong Pasig.
04:18Ayon sa Philippine Coast Guard, may isa paraw-parola na matatagpuan sa kapilang dulo ng Ilong.
04:28Totoo kaya ang mga kwento-kwentong may kakambal na parola raw sa dulo nito.
04:33Kasama ang isang kagawad, hinanap namin ang bahay ng matandang lighthouse keeper na si Jesse Pasawa.
04:51Ito po yung bahay ni Sir Jesse.
04:54I love it.
04:55Kayo po si Sir Jesse.
04:56Hi.
04:57Kayo po yung lighthouse keeper.
04:58Yes, ma'am.
04:59Ah, ganun po.
05:00Ikatlong henerasyon na ng mga light keeper si Tatay Jesse.
05:06Trabahong minanap pa niya sa kanyang lolo.
05:11Ano po itong dala natin, Sir?
05:13Ito po yung lantern kung tawagin po yan.
05:15Ah, ito yung ilaw?
05:16Bukot po po dyan.
05:17Ito po yung mismo lantern.
05:17Pero yung ilaw po nagito pa sa loob.
05:19Bansan natin.
05:20Kasi ang problema nga, nabasag na po yan sa katagalan.
05:23Ah, nabasag na.
05:23Ayan po, papalitan na po yan.
05:26Ayan po yan.
05:27Ayan po ang ilaw.
05:28Eh, bakit po nandito?
05:30Ba't wala po sa lighthouse?
05:32Ang problema po kasi yung nga pong battery.
05:34Wala po po yung supply na hinihinwi ko.
05:37So, kaya nga po sa doob sa inyong pangina,
05:39pinolot ko muna dahil delikado po na iwanan doon.
05:42Ninanakaw po.
05:43Ah, ninanakaw?
05:44Opo, kasi.
05:44Makalipas ang 30 minuto,
06:00isang kuting tore ang nakita ko sa gitna ng tubig.
06:03At nagmakalapit kami.
06:13Sir, ito na po yung parola.
06:16Yes, ma'am po.
06:16Bakit parang ang liit lang po?
06:18Ah, high tide po ngayon.
06:20Ah, yung pinakabundansin po ng parola is lubok po.
06:23Ayon kay Tatay Jesse,
06:28dati raw nakatayo sa isang isla
06:30ang parola ng napindan.
06:32Pero nang magkaroon ng mga baha
06:34at sunod-sunod na pagtatambak ng lupa,
06:37hindi na ito humupa.
06:39Kailan po pumasok yung tubig?
06:42Ah, siguro mga ano na po,
06:43ang mga papasa po ng milenya na.
06:45Pagtawasan na pataas po hanggang sa ngayon po.
06:48Eh, hindi na nawala.
06:49Hindi na po.
06:50Hanggang sa ngayon mataas na buhay ang tutig.
06:53Totoo nga bang may nakatago pang malaking estruktura
06:58sa ilalim nito?
07:02Kasi ang dinatnan ko na po,
07:04yung nga po, gaya na sinabi ko sa inyo,
07:05parang buong bahay pa po yan,
07:07na kompleto po, may kusina nga po,
07:10may sala, kompleto po yan.
07:13Para mapatunayan ang sinasabi ni Tatay Jesse,
07:17sinubukan kong bumaba mula sa bangka.
07:20So, kung makikita ninyo,
07:21parang akala ninyo,
07:23parang tubig na ito, di ba?
07:25Pero sa totoo lang,
07:28baka malaglag ako dito, kuya.
07:30May sahig dito.
07:31Ah, yan, hindi lang.
07:32Hindi sahig yan, may sahig.
07:34May sahig!
07:35Kuya, baka malaglag ako.
07:38Oh, di ba?
07:40Saan yung papunta?
07:41Pag dineretso ko yan,
07:42aabot ako sa'yo?
07:43Ayaw ko nga.
07:45Makakapamal mo lang.
07:47Makakamal ko yan.
07:48Baybay mo lang lang.
07:49Oh, pata maligo.
07:50Ayaw ko nga.
07:51And yung second floor.
07:53So, nasa ilalim ngayon ito, yung...
07:55Flooring.
07:56Yung flooring.
07:57So, kung kunyari, malinaw lang yung tubig,
08:01tapos sisirin mo to,
08:02siguradong makikita mo yung first floor sana
08:05o yung fundasyon doon sa ilalim.
08:07Ma'am, ulalim ba yan?
08:08Ang litratong ito ay kuha noong 1968 sa Napindan.
08:14Makikita sa litratong ito na tila
08:16tatlong palapagga ang naturang parola
08:19at may bahay pa ng lightkeeper sa gilid nito.
08:23Kwento-kwento rin ang mga taga rito.
08:25Minsan daw nagpulong sa parolang ito
08:28si Andres Bonifacio at iba pang leader ng katipunan.
08:34Sa ngayon, ang tore na lang nito ang nakalitaw sa tubig.
08:37Ang masaklap, pati ang toring na iwan,
08:41nilapastangan na rin.
08:44Sayang, dahil napakahalaga ng ilaw ng mga parola.
08:50Napaka-importante po.
08:52Lalo-lalo na po sa mga manginisda.
08:54Kung walang ilaw yan, maliligaw po sila.
08:58Sasahan po sila mapapadpat.
08:59At isa pa pong napaka-importante,
09:02oras po na may bagyo,
09:04dito po ang puntahan ng manginisda.
09:05Para mailagay ang ilaw na aming dala,
09:23inakyat namin ang tuktok ng parola.
09:25Wow! Wala pa lang ano dito.
09:30Pwede ka malaglaga.
09:31Pero pagdating sa itaas,
09:33pati ang reserve battery ng ilaw,
09:35ninakaw rin.
09:38Ito kung makikita ninyo,
09:39nakatungkab yung isa.
09:42Kasi, sino pong nagtungkab nito, sir?
09:44Ay, mga walang magawa sa buhay.
09:47Ninanakaw nila.
09:49Ano po ba yung nandito sa loob?
09:50Yan po ang lagay ng battery.
09:52So, ngayon, may baterya dito sa loob?
09:54Wala po.
09:55Tinanggal na?
09:56Tinanggal.
09:56Yan po, yung ninakaw.
09:57So, itong hawak ko dito,
10:00supposedly, dapat nandito yung ilaw.
10:05Yung pula na ilaw.
10:06Ito pong mga poste na to,
10:08ano po ito?
10:09Yan yung parang pinaka-release po yan.
10:11Pagaya ng dati,
10:12ninakaw rin po yung ibabaw.
10:14Yung pinakatubo po,
10:15nakapatang dito.
10:15Paikot po yan, sir.
10:16Yan, paikot po yan.
10:17Oh, my God.
10:21Pati, railing, binakal.
10:23Bakal po kasi.
10:27Masakit din po kasi,
10:28ang ginagawa ko naman po,
10:30kasi pag nag-request na naman kami,
10:32hindi naman po agad na nadadala sa amin.
10:34So, ang ginagawa ko,
10:35hanbawa,
10:36nagpapintura ko ng bahay.
10:37Yung natira,
10:39ina-apply go rito.
10:40Ganyan po ginagawa ko.
10:41Ah, sarili nyo na pong pera?
10:42Yes po.
10:44Yung naranasan ko yung
10:46pangmahulang ng battery.
10:47Oo.
10:47Saka gusto ko mong
10:48magkaroon ng ilaw yan.
10:50Oo.
10:50Pinapalawa naman po
10:51sa bulsa ko.
10:53Ba't nyo po ginagawa yun?
10:55Eh, gusto ko talaga makatulong din eh.
10:59Kung totoo,
11:00ang kwento ng mga taga rito,
11:02mahigit isang daang taon na
11:04ang tanda ng parola ng napindan.
11:07Hindi na tinag sa lindol at bagyo,
11:10masisira lang pala
11:11sa kamay ng tao.
11:13Bukod sa ilaw na gabay,
11:18malaki rin ang ambag
11:19ng mga parola
11:20sa ating kasaysayan.
11:22At kung ito nga talaga
11:24ang kakambal na parola
11:25ng binondo,
11:26mahaba na rin
11:27ang kasaysayan nito.
11:29Pero nang hanapin namin ito
11:30sa mga libro,
11:32wala akong nakitang
11:33anumang tala
11:34tungkol sa parola
11:35ng napindan.
11:37Ano't ano paman,
11:38tulad ng ibang parola
11:39sa kasaysayan,
11:40malaki ang tulong nito
11:43sa isang bayan,
11:45kaya dapat
11:45pahalagahan.
11:46Mahigit limang daan
11:52ang parola sa Pilipinas.
11:54Marami rito,
11:55lagpas isang daang taon na
11:57ang tanda.
11:59Ang isa sa pinakabalaking parola
12:01na itinayo ng mga Espanyol noon,
12:03matatagpuan sa probinsya
12:05ng Zambales,
12:06sa isang isla
12:08na kong tawagin
12:09Capones.
12:16Andito ako ngayon
12:17sa San Antonio,
12:19Zambales.
12:20At kung nakikita nyo,
12:21may tatlong isla dito,
12:23isa, dalawa, tatlo.
12:24Yan po ang
12:25tinatawag na
12:26Capones Islands.
12:27Yung pinakamalaki,
12:28itong bandang ito,
12:30Capon Grande
12:31ang tawag dyan
12:32ng mga Espanyol
12:33nung nandito pa sila.
12:35Ito ay bahagi na
12:37or facing na
12:38ng West Philippine Sea,
12:39Pacific Ocean.
12:41So,
12:42ang sinasabi sa atin,
12:44may isang importanteng
12:45parola
12:46or lighthouse
12:47na itinayo
12:48ang mga Espanyol
12:49doon sa
12:50pinakamalaking
12:51isla ng Capones.
12:55Kilalang isla ng Capones
12:57sa puti nitong buhangin
12:59at magandang tanawin.
13:01Pero,
13:01para sa mga mandaragat,
13:04kilala ito
13:05dahil sa peligroso
13:06nitong mga alon.
13:10Walang nangangahas
13:11na tumira sa islang ito,
13:13walang bahay
13:14at istruktura,
13:16maliban sa isang
13:18puting parola.
13:19Ang problema,
13:20itong isla ng Capones,
13:22puro bato-bato siya,
13:24hindi siya yung
13:25slope na ganyan
13:26na banayad.
13:28Bakang
13:28lulusong tayo
13:30dito sa ano,
13:31sa tubig
13:32kasi hindi tayo
13:33makakadaong
13:34mismo doon
13:35sa dalang pasigan.
13:54Kung peligroso
13:55ang lugar na ito,
13:56bakit dito
13:57nagtayo ng parola
13:58ang mga Espanyol.
14:01Ang isla ng Capones
14:03ay nakaharap
14:04sa West Philippine Sea.
14:06Ito ang unang isla
14:07na iyong makikita
14:08kung manggagaling ka
14:10ng China,
14:11papasok
14:11ng Pilipinas.
14:12Kaya naman
14:13inilagay rito
14:15ng mga Espanyol
14:16ang isa sa
14:16pinakamalaking
14:17ilaw noon.
14:19Ang
14:20Fresnel
14:20First Order Lens.
14:23Isang uri
14:23ng ilaw
14:24na kayang
14:24matanaw
14:25kahit 46
14:26kilometers
14:27ang layo.
14:31So mula dito,
14:33meron ng
14:34hagdana, no?
14:35May hagdana
14:36yung bato na.
14:37Original pa raw to.
14:39Ito pa yung
14:39original na ginawa
14:40pa noong panahon
14:41pa ng mga Espanyol.
14:42Kasama ang
14:47lighthouse keeper
14:48ng lugar,
14:49tinahak namin
14:50ang masukal na daan
14:51patungong parola.
14:57Yung pupuntahan
14:58nating parola,
15:01tinayo ito
15:01ng mga Espanyol
15:03more than
15:04100 years ago.
15:07Bagamat merong
15:07light keeper dito,
15:09binibisita ito
15:10siguro mga
15:11once a month lang.
15:12kaya tingnan ninyo,
15:14talagang
15:15masukal na.
15:27Makalipas
15:28ang 30 minuto,
15:30isang lumang gate
15:30ang tumambad
15:31sa amin.
15:32Ito na yun.
15:33Ito na yun.
15:36Ah, lumap.
15:38Ang ganda.
15:43Wow!
15:49Malamansyon sa laki
15:50ang parola
15:51ng Kapones.
15:52Itinayo noong 1890,
15:55meron itong
15:55tatlong palapag
15:56na kumpleto
15:57sa lahat
15:58ng kagamitan.
15:58So mula dito,
16:06makikita ninyo
16:07yung parola,
16:09yung
16:09Faro de Punta
16:11Capones.
16:13Yung taas,
16:14yan na yung
16:14na-refurbish na
16:15ng Philippine Coast Guard.
16:17Pero yung sa baba,
16:18original structure pa,
16:20more than
16:20100 years old.
16:22Itong structure
16:23na to na
16:24pahal lang na ganyan,
16:26yan yung mga opisina.
16:28Tapos ito,
16:30dito raw nakatira
16:31yung mismong
16:32lightkeeper.
16:34Ah, okay.
16:36Dito raw sila
16:36nagluluto.
16:38Ito yung mga lutuan,
16:40kusina.
16:42Tama,
16:42kusina ito.
16:44Tapos,
16:45saan kaya sila
16:45natusulog?
16:49Eh, ito!
16:51Oh my God!
16:54Ito yung tulugan
16:55nila noon.
16:57Pero,
16:58tiba mo o,
16:59nagpanda yung
17:00kaysa ni.
17:08Sa sandaling panahon,
17:10parang bumalik ako
17:11sa kahapon.
17:13Sa panahon,
17:13isa ito
17:14sa mga
17:14pinaka-importanting
17:16estasyon
17:17ng mga Espanyol.
17:20Noong 1890,
17:21more than
17:22100 years ago,
17:23itinayo ng mga Espanyol
17:25dito sa Capones Islands
17:26sa Zambales,
17:27ang isa sa pinakamakapangyarihan
17:29nilang parola.
17:30Itong Faro de Punta Capones.
17:33Napaka-strategic
17:34nitong parola na ito.
17:36Kaya,
17:36bukod doon mismo
17:37sa lighthouse,
17:38nagtayo rin sila
17:39ng parang complex
17:40lightkeeper's house
17:41sa gilid nito.
17:43Ito yun yung
17:44kinatatayuan natin.
17:45Ang sabi sa atin
17:46ng research ay
17:48itong complex na ito
17:50ay meron daw
17:516 na kwarto
17:52o pisina
17:54at meron pa raw
17:55klinika.
17:57Pero sa ngayon,
17:58sa nakikita ninyo,
18:01wala nang gumagamit
18:02dito sa complex na ito.
18:04Abandonado na.
18:06At,
18:07tinubuan na
18:08ng mga ugat,
18:09ng mga puno.
18:10Para bang
18:11nilamun na ulit
18:12ng kagubatan
18:13yung espasyo
18:15ng dating
18:15makapangyarihang parola.
18:21Ayon sa mga libro,
18:23gawa raw sa purong
18:24ladrilyo o tisa
18:26ang mga pader
18:27at bubong
18:28ng parola
18:28at ang sahig nito,
18:30gawa naman daw
18:31sa marmol.
18:33Pero bakas na lang
18:34ng matayong
18:35na kahapon
18:35ang makikita ngayon.
18:38Napabayaan na
18:39ang parola
18:40at malapit
18:41ng bumigay.
18:44Bagamat sira-sira
18:45na ang
18:46Lightkeeper's House,
18:47operational pa raw
18:48ang mismong
18:49tore ng ilaw.
18:50Ang laki pala nito!
18:51Ang problema,
18:52delikado
18:53ang pag-akyat
18:54sa toreng ito.
18:57Ah,
18:58ito na yung entrance
18:59ng lighthouse.
19:03Naku!
19:08Safe pa naman to,
19:09sir?
19:09Sa gilid lang dadaan.
19:20Napakaganda
19:20ng disenyo
19:21ng hagnan,
19:22pero napakarupok
19:23na nito
19:24dahil sa kalawang.
19:30May nahuhulog
19:31na mga ano,
19:34yung nababakbak,
19:36yung ano,
19:36yung kalawang.
19:39Dito pwede
19:39tumapak dito?
19:41Okay.
19:42Pero gaano man kami
19:43kaingat sa pag-akyat.
19:45Ay!
19:46Naputas!
19:49Hindi,
19:50umapak kasi ako dito
19:51sa ano,
19:52sa gilid,
19:52tapos ito,
19:54noong pag-apa ko dito
19:55na ano,
19:55na butas.
19:58Makalipas ang ilang minuto,
20:00narating din namin
20:00ang dulo ng hagnan.
20:04Pero may isa pa palang
20:05dapat akyatin.
20:06Kung makikita ninyo,
20:09sobrang luma na talaga nito
20:10na babakbak na yung
20:12mga kalawang.
20:14Kaya,
20:15medyo,
20:17ingat lang.
20:18Ah,
20:19dun lang tayo sa hinges
20:20tatapak.
20:25Sana hindi ako masyadong mabigat.
20:28Sana hindi bumigay, Lord.
20:32Dito lang sa gilid.
20:33Sa gilid.
20:34Nagkakayanin ako nito.
20:39Ah,
20:40ito na.
20:41Ito na yung ilaw.
20:45Akala ko,
20:46narating na namin
20:47ang pinakatuktok ng tore.
20:48Pero hindi pa pala.
20:50Ito po yung
20:51dating lantern niya.
20:53Ah,
20:53ito yung lumang lantern.
20:55Binaba lang.
20:55Binaba lang.
20:57Saan ang ilaw ngayon
20:58yung lantern?
21:00Ah,
21:01yun sa taas na yun.
21:02Eh,
21:04paano aabutin niyo?
21:07Ang lakas mo, Kuya.
21:11Sorry po, ah.
21:15Sandala!
21:16Wait lang!
21:17Ito na, Kuya.
21:17Okay na.
21:18Okay.
21:18Dahil major sea lane
21:25ang West Philippine Sea
21:26na siyang binabantayan
21:27ng parola ng Kapones,
21:29naglagay rito
21:30ang Philippine Coast Guard
21:31ng malakas na ilaw.
21:33So, yung
21:35ginagamit na ngayon
21:36na ilaw
21:37dito sa
21:37lighthouse na ito,
21:39modern technology na,
21:40bago na.
21:41Ito'y under the
21:42Philippine Coast Guard
21:43already.
21:44Tapos,
21:44gumagamit siya
21:45ng ganitong
21:45klaseng switch.
21:47Ito yung pinaka-switch niya
21:48kasi tuwing gabi lang
21:49umiilaw
21:50itong parola na ito.
21:52Kailangan
21:52madetect nito na
21:54gabi na,
21:55madilim na.
21:55So,
21:56takpan ko muna siya.
21:58Tapos,
21:59it will activate
22:00yung light.
22:03Ayan.
22:04Ayan na.
22:06Ayan.
22:07Umiilaw na.
22:10Bakit po
22:11importante na
22:12i-preserve natin
22:13yung mga
22:13lumang parola?
22:14Ako po,
22:15bilang dati rin pong
22:16kapitan ng ating
22:17barko ng Coast Guard,
22:19ginagamit pa rin
22:21namin ang parola
22:22kasi hindi kami
22:23nagre-rely totally
22:24sa technology.
22:26Kasi,
22:27ito ay electronics,
22:28prone ito
22:29na masira
22:30o ma-jam.
22:32Kaya naman,
22:33kahit may makabago
22:34ng teknolohiya,
22:35hangad ng Coast Guard
22:36na mapanatiling buhay
22:37ang ilaw
22:38ng mga parola
22:39sa bansa.
22:41Pero higit
22:42sa kalakalan
22:43at depensa,
22:44may espesyal
22:45na bahagi
22:46sa puso
22:46ng mga zambalenyo
22:47ang parola
22:48ng Kapoles.
22:54Apatnaputlimang taon
22:56ng manging isda
22:57si Lolo Amado.
22:58Kwento niya,
23:00para sa kanilang
23:01mga manging isda,
23:03ang parola
23:03ng Kapoles
23:04ay hindi lang
23:05ilaw at gabay.
23:08Simbolo ito
23:09ng kanilang tahanan
23:11ng kanilang pinagmulan.
23:12Malungkot kami
23:14kasi yun lang
23:15ang bukod tangin
23:16namin ay
23:17yun ang parola.
23:19O kahit saan
23:20kanadako
23:20na malayo
23:21o matutukoy mo na yan
23:24kasi may ilaw.
23:26Pagdating dun sa parola,
23:29sabihin na namin
23:29ay salamat
23:30na karating na tayo
23:31dito sa parola.
23:34Nakalulungkot isipin
23:35na ang mga parol
23:36ang nagsilbing gabay
23:37noong sinaunang panahon.
23:39Ganito na
23:41ang itsura ngayon.
23:45May pag-asa
23:46pa nga bang buhayin
23:47ang mga tanog
23:48ng karagatan
23:48o tuluyan na silang
23:52magpapaalam.
24:01Halos dalawang daang parola
24:03ang itinayo
24:04ng mga Espanyol
24:05at Amerikano
24:06dito sa Pilipinas.
24:07Makalipas
24:10ang isang siglo
24:11marami na
24:13sa mga ito
24:14ang abandonado.
24:17Nilapastangan,
24:18ninakawan,
24:21hinayaang
24:21mabulok na lang.
24:25Nilabanan
24:26ng lindol,
24:27gera
24:27at sakuna.
24:31Pero tao lang pala
24:32ang sisira.
24:33Pero hindi pa huli
24:38ang lahat.
24:40Hindi lahat
24:40nilapastangan,
24:42hindi lahat
24:43nakalimutan.
24:47Ano kaya
24:47ang itsura
24:48ng parola
24:49sa Kapones
24:50kung na-restore ito?
24:51Andito ako ngayon
24:52sa Faro de Malabrigo.
24:55Ito yung lighthouse
24:56dito sa Malabrigo
24:57sa Batangas.
24:58Ganito
24:59siguro
24:59ang magiging itsura
25:00noon.
25:01Kasi halos
25:02magkaedad
25:03yung parola
25:05ng
25:05Kapones
25:07at parola
25:08ng Malabrigo.
25:10Itong
25:10parola
25:11ng Malabrigo,
25:12if I'm not
25:13mistaken,
25:15itinayo
25:16at natapos
25:17noong
25:171896.
25:19So,
25:19130 years old
25:20na itong
25:21parola na ito.
25:22Pero,
25:23na-restore talaga
25:24ng mabuti
25:25ng Philippine
25:25Coast Guard.
25:27Maglalagay pa rin
25:27ako ng hard hat
25:28kasi original
25:30pa yung mga
25:31structure dito.
25:32Hindi natin alam
25:32kung biglang may
25:33marupok na
25:34o babagsak.
25:35Ay,
25:36wow!
25:37Ito na yung
25:38parola.
25:39Yan,
25:40original yung
25:40mismong
25:41tore na yan.
25:42Makikita nyo
25:42dun sa may
25:43bandang itaas.
25:43Medyo nabibitak
25:44na nga yung
25:45ibang bahagi.
25:46Pero,
25:46original pa yan.
25:48Tingnan natin,
25:49pasukin natin
25:49sa loob.
25:52Malabrigo
25:53ang salitang
25:53Espanyol
25:54para sa
25:55Bad Shelter,
25:56isang akmang
25:58pangalan
25:58para sa parolang
26:00naging kanlungan
26:01at gabay
26:02sa masamang
26:03panahon
26:04at piligrosong
26:05mga alon
26:06ng Verde Island
26:07Passage.
26:10Pero,
26:11kung ang parola
26:11sa Zambales
26:12ay napabayaan na,
26:15ang parolang ito
26:16sa Lubo Batangas
26:17napangalagaan nila.
26:19Mula sa itaas,
26:26tanaw mo na
26:27ang dagat.
26:31Dahil sa pagmamahal
26:32ng mga residente
26:33ng Lubo
26:33sa kanilang
26:34makasaysayang parola,
26:37pinunduhan
26:37ang pagsasayo
26:38sa parola
26:39ng Malabrigo
26:40sa tulong
26:41ng Adopt
26:41a Lighthouse
26:42Project
26:43ng Philippine
26:44Coast Guard.
26:44Bali,
26:45ang Philippine Coast Guard
26:46nag-initiate
26:47ng
26:47electro-instruction
26:50regarding
26:50the Adopt
26:51Lighthouse
26:52kasi
26:53due to
26:54lack of
26:54budget,
26:55walang kakaya na
26:57ng Philippine Coast Guard
26:58na mapag-repair
26:59or rehab
26:59ng isang
27:00Lighthouse
27:00kaya nag-initiate
27:02ng Philippine Coast Guard
27:02ng Adopt
27:03Lighthouse
27:03meron nga
27:04isang
27:05private entity
27:07na
27:08nag-interested.
27:10Pero,
27:11ayon sa
27:11Philippine Coast Guard,
27:13itinigil na
27:13ang proyektong ito.
27:14at hindi na
27:16naisagawa
27:16sa iba pang
27:17mga parola.
27:21Mula noon
27:22hanggang
27:23ngayon,
27:24sila
27:24ang tanod
27:25ng karagatan.
27:28Magbago
27:28man ang
27:29teknolohiya,
27:30maging
27:30moderno
27:31man ang
27:31kinabukasan,
27:34ang mga
27:34parola
27:35ay
27:35buhay
27:36na saksi
27:36sa nakaraan.
27:44ako
27:47ang gabay
27:48sa gitna
27:49ng
27:49dilim,
27:51ang tanod
27:52ng
27:52karagatan.
27:54Nagpakatatag ako
27:55para meron
27:56kayong
27:57masilungan.
28:00Tumindig ako
28:00para meron
28:02kayong
28:02kanlungan.
28:05Hiniis ko
28:05ang lindol,
28:06gera
28:07at sakuna.
28:07Pero ang
28:10kalaban ko
28:10ay
28:11kayo
28:12rin
28:12pala.
28:16Sana
28:16pahalagahan
28:17nyo
28:17rin
28:17ako
28:18tulad
28:20ng
28:20pagpapahalag
28:21ako
28:21sa inyo.
28:25Ako
28:25ang
28:26inyong
28:26ilaw
28:27at
28:27gabay
28:27sa
28:27dilim.
28:31Sana
28:31ako
28:32ay
28:32tulungan
28:33nyo
28:33rin.
28:35Ako
28:36ang
28:36saksi
28:37sa nakaraan
28:38at
28:40ayoko
28:41pang
28:41magpaalam.
29:01Maraming
29:01salamat
29:02sa pagtutok
29:02ninyo
29:03sa
29:03Eyewitness
29:03mga
29:04kapuso.
29:04Anong
29:04masasabi
29:05ninyo
29:05sa
29:06dokumentaryong
29:06ito,
29:07i-comment
29:08nyo
29:08na yan
29:08tapos
29:09mag-subscribe
29:09na rin
29:10kayo
29:10sa
29:11GMA
29:11Public
29:11Affairs
29:12YouTube
29:12channel.
Comments

Recommended